Pilit na ipapakasal si Ayesha ng kanyang mga magulang sa lalaking hindi naman nya kilala upang matulungan na makaahon ang kanilang kumpanya. Dahil sa inis ni Ayesha ay nagpunta sya sa isang bar kung saan may naka one night stand sya. Hindi nya inaasahan na magbubunga pala ang pakikipag one night stand nya sa isang lalake dahil sa kanyang kalasingan. Nang malaman ng mga magulang ni Ayesha na nagdadalang tao sya ay hindi na pinatuloy ng mga ito ang kasal pinaalis siya ng kanyang mga magulang sa syudad at pinatira sa isang probinsya hanggang sa ito ay manganak. Lilipas ang ilang taon at magbabalik si Ayesha sa syudad at kinailangan nyang maghanap buhay para sa kanila ng anak nya dahil wala na syang ibang aasahan pa ngayon kundi ang sarili na lamang nya. Sa pagbabalik nya sa syudad, hahanapin pa ba nya ang lalaking naka one night stand nya? Makikilala pa kaya nya ang lalakeng nakasama nya noong gabi na yun gayong lasing sya ng mga panahon na yun?
View MoreCHAPTER 1
"Dad seryoso po ba kayo sa sinasabi nyo? Ipapakasal nyo ako sa isang lalake na hindi ko naman po kilala," inis na sabi ni Ayesha sa kanyang ama. "Anak pasensya ka na talaga pero kailangan natin itong gawin dahil walang ibang makakatulong sa atin ngayon kundi ang pamilya Madrigal lamang. Kaya anak pakiusap pumayag ka na. Para rin naman ito sa pamilya natin," sagot ni Daniel sa kanyang bunsong anak na si Ayesha. "Pero dad ni hindi ko nga po kilala ang lalaki na yun," pagmamaktol pa ni Ayesha. "Dad baka naman po may iba pang paraan para hindi tuluyang bumagsak ang kumpanya natin at hindi ko na po kailanganin pa na magpakasal sa lalaki na yun," pakiusap pa nito sa kanyang ama. "Pasensya ka na anak pero wala ng iba pang paraan dahil nalulugi na ang ating kumpanya.. Kaya sa ayaw at sa gusto mo ay kailangan mong magpakasal sa kaisa isang anak ng pamilya Madrigal para maidalba pa natin ang ating kumpanya," pinalidad na sabi ni Daniel sa anak bago nya tinalikuran si Ayesha at ang kanyang asawa. Naluluha na lamang si Ayesha dahil sa sinabi ng kanyang ama. Ayaw naman nya itong suwayin pero hindi nya alam ang gagawin nya sa pagkakataon na ito dahil ibang usapan na ang pagpapakasal dahil matatali na sya rito. Pangarap din naman nya na makapag asawa pero sa taong mahal nya at hindi dahil sa isang arrange marriage. Agad naman na linapitan ni Rita ang kanyang anak ng umalis ang kanyang asawa. "Anak sorry ha. Alam kong kasalanan ko ang lahat ng ito. Pasensya ka na kung ikaw ang kailangan na magsakripisyo para lamang sa ating kumpanya," sabi ni Rita sa kanyang anak. Naaawa namang tinitigan ni Ayesha ang kanyang ina. "Mom it's okay. Ang hirap lamang po talagang tanggapin na ikakasal ako sa taong hindi ko naman po mahal at ang worst pa po ay ni hindi ko man lang po ito makikilala muna bago kami ikasal. Pero wag po kayong mag alala mom kaya ko po ito," pilit ang ngiti na sagot ni Ayesha sa kanyang ina. "Pasensya ka na talaga anak," muling sabi ni Rita sa kanyang anak at hindi na nya napigilan pa na maluha. Totoong nagsisisi naman sya sa kanyang nagawa dahil hindi nya akalain na darating sila sa puntong ito. Agad naman syang yinakap ni Ayesha para aluhin. "Wag na po kayong umiyak mom. Kaya ko po ito wag po kayong mag alala sa akin" sabi pa ni Ayesha sa kanyng ina. Bunsong anak ng mag asawang Daniel at Rita Salcedo si Ayesha. Bunso si Ayesha sa kanilang tatlong magkakapatid at lahat ng kapatid nya ay may kanya kanya ng pamilya kaya ngayon ay sya ang hiniling ng pamilya Madrigal na maikasal sa kaisa isa nilang anak. Nabaon kasi sa utang ang pamilya nila Ayesha dahil sa nalulong sa casino ang kanyang ina at hindi na nito namalayan na halos maubos na pala nya ang pera nila dahil sa pagcacasino. Pati tuloy ang kanilang kumpanya ay nadadamay dahil sa unti unti na itong nalulugi. Sobra namang nagsisisi ang ina ni Ayesha ngayon dahil sa nangyayare sa kanilang pamilya pero wala naman ng magagawa pa ang sorry nito dahil nangyare na ang nangyare at nabaon na nga sila sa utang. Nang malaman ng pamilya Madrigal ang nangyayare sa kumpanya ng pamilya Salcedo ay agad na nilang kinausap ang mga ito. FLASHBACK "Handa kong tulungan ang inyong kumpanya pero may hihingin akong kapalit ng pagtulong namin sa inyo," sabi ni Rico sa mag asawang Daniel at Rita. Sinadya pa talaga nila Rico at Shiela ang mag asawa sa opisina ng mga ito para lamang makausap nila ng masinsinan ang mag asawa. Matagal na rin naman na magkakilala sila Daniel at Rico dahil nga pareho silang nasa mundo ng pagnenegosyo kaya agad na nalaman nila Rico ang tungkol sa nangyayare sa negosyo ng pamilya Salcedo. "A-Ano ang gusto nyong maging kapalit ng pagtulong nyo sa aming kumpanya?" nauutal pa na tanong ni Daniel kay Rico. "Balita ko ay mayroon pa kayong dalagang anak. Kaya gusto ko sana na maikasal ang inyong anak sa kaisa isang kong anak na lalake," seryosong sagot ni Rico sa mag asawa. "Ha? Sandali lang bakit nadamay rito ang aking anak?" kunot noo na tanong ni Daniel kay Rico. "Simple lang dahil gusto na namin na mag asawa ang aming unico hijo. Pero wala pa kaming napupusuan na mapapangasawa nya at wala pa rin naman syang ipinapakilala sa amin na nobya nya kaya nagpasya na lamang kaming mag asawa na kami na lamang ang gagawa ng paraan para makapag asawa na ang aming anak," seryosong sagot ni Rico sa kaibigan. "P-pero hindi ako s-sigurado kung papayag nga ang aming anak sa gusto nyong mangyare. Baka naman may iba pa kayong gustong hingin na kapalit sa pagtulong nyo sa aming kumpanya," sagot ni Daniel. " Tsk. Hindi ko na problema ang bagay na yun. Pero iyon lang ang gusto kong kapalit ng gagawin naming pagtulong sa inyong kumpanya kaya pag isipan nyong mabuti kung tatanggapin nyo ba o hindi ang alok namin sa inyo. Kayo na rin ang bahalang magkumbinse sa anak ninyo. Kayo rin naman ang makikinabang sa bagay na ito. Oras na pumayag kayo sa gusto naming mangyare ay agad na naming aayusin ang problema ng inyong kumpanya," seryosong sagot ni Rico sa mag asawa. Nagkatinginan naman ang mag asawang Daniel at Rita. "S-sige. P-pag uusapan muna namin ang tungkol sa bagay na yan dahil hindi rin naman basta basta ang inyong hinihinging kapalit dahil anak namin iyon," sagot ni Daniel. "Naiintindihan ko naman kayo. Madali naman kaming kausap. Bibigyan namin kayo ng panahon para pag isipan ang tungkol sa iniaalok namin sa inyo pero sana ay hindi nyo na kami paghintayin pa ng matagal," sagot ni Rico. "S-sige pag iisipan naming mabuti ito.. Maraming salamat," nauutal pa na sabi ni Daniel. "Pag isipan nyong mabuti ang alok namin. Mapapabuti naman ang anak nyo sa amin wag kayong mag alala dahil hindi naman namin sya pababayaan at isa pa ay mabait naman ang anak namin sadyang may pagkamasungit lamang talaga sya kung minsan," sabat naman ni Shiela. "M-maaari ba naming makilala ang anak nyo para na rin makilala sya ng aming anak at mapapayag namin sya sa gusto nyong mangyare," sabat naman ni Rita. "Pasensya na kayo. Pero ang gusto sana naming mangyare ay sa mismong araw na lamang ng kasal sila magkikita ng aking anak," sagot ni Shiela. "What? P-pero bakit?" gulat na tanong ni Rita dahil baka lalong hindi nila mapapayag ang kanilang anak dahil hindi man lang nito makita o makilala muna ang mapapangasawa bago ikasal. "Iyon kasi ang gusto ng aming anak para mapapayag namin sya na makapag asawa. Aware naman sya sa gusto naming mangyare yun nga lang ay yan ang gusto nya na sa mismong araw ng kasal na lamang sya makikita ng mapapangasawa nya," sagot ni Shiela. "Pero baka lalong hindi pumayag ang anak namin. Baka naman pwede nating pakiusapan ang anak nyo na magkita sila ng aming anak para naman magkakilanlanan muna sila bago sila matali sa isa't isa," pakiusap pa ni Rita. "Yan ang gusto ng aming anak kaya wala rin kaming magagawa kundi ang pagbigyan sya sa bagay na yan para mapapayag namin sya sa gusto naming mangyare," sagot ni Shiela. Napabuntong hininga na lamang si Rita at wala rin naman talaga silang magagawa kung yun ang gusto ng anak ng mag asawang Madrigal dahil kung tutuusin ay sila ang may kailangan sa mga ito kaya hindi na sila dapat na magdemand pa. END OF FLASHBACKAUTHOR'S NOTE Dear Readers, Gusto ko pong magpasalamat sa lahat ng mga sumuporta at nagbasa sa story ko na ito. Dito ko na po tatapusin ang story ng Destined to be the Billionaire's Wife. Halos apat na buwan ko rin pong sinulat ang story ko na ito at maraming salamat po sa mga naghintay ng update ko araw araw. Maraming salamat din po sa nga nagbigay ng gems at sa mga nagcomment dito. Sobrang nakakataba po ng puso na mayroong nagbabasa sa mga sinusulat ko. Sana po sa mga susunod ko pa pong isusulat na story ay suportahan nyo pa rin po ako. Meron pa po akong isang ongoing na story ang My Sister's Lover is My Husband. Pwede nyo rin po itong basahin at sana po ay magustuhan nyo rin po ito. Muli po maraming maraming salamat po sa inyo... ^_^ See you on my next story.... DESTINED TO BE THE BILLIONAIRE'S WIFE is now SIGNING OFF....
SPECIAL CHAPTER 4...PArang musika naman sa pandinig ni Lucas ang pag ungol na iyon ni Ayesha kaya naman lalo pa nga nyang pinag igihan ang ginagawa nya rito hanggang sa bumaba na ng bumaba ang labi nya at marating na nya ang perlas ni Ayesha.Wala namang inaksayang oras si Lucas at agad na nga nyang sinunggaban ang perlas ni Ayesha at hindi naman napigilan ni Ayesha ang mapaungol at mapasabunot sa buhok ng kanyang asawa ng sipsipin na nga nito ang kanyang cl*t."Ughhh. L-Lucas ang sarap nyan. Ughhh," ungol ni Ayesha at napapatingala pa nga sya dahil sa kakaibang kiliti na nararamdaman nya dahil sa ginagawa ni Lucas sa kanya.Lalo namang ginanahan si Lucas sa kanyang ginagawa dahil sa pag ungol na iyon ni Ayesha kaya naman lalo pa nyang pinatulis ang kanyang dila at linaro laro nito ang pagkababae ni Ayesha."Ughhh. Shit hubby. I'm cumming. Ughhh," sabi ni Ayesha at napapamura pa nga sya kasabay ng pag ungol nya at hindi nga nagtagal ay tuluyan na nga na sumabog ang kanyang katas at a
SPECIAL CHAPTER 3....Tumigil naman na si Lucas sa kanyang ginagawa at bahagya pa nga itong natawa dahil binibiro lamang naman nya talaga si Ayesha."I'm just joking wife. Pero kumain na muna tayo bago tayo magpahinga," tatawa tawa pa na sagot ni Lucas sa kanyang asawa at saka nya ito dinampian ng magaan na halik sa labi.Ngumiti lamang naman si Ayesha kay Lucas at nagpahinga lamang nga muna sila saglit na dalawa at saka sila muling lumabas ng naturang hotel para bumili ng pagkain nila at para na rin bumili ng ilang mga kailangan nila habang naroon sila.Pagkabalik nila sa kanilang hotel matapos makapamili ay kumain na nga lamang muna silang dalawa at agad na rin na natulog dahil talagang pagod na pagod nga silang dalawa kaya naman mabilis nga rin talaga silang nakatulog parehas.Kinabukasan naman ay maaga nga silang nagising na dalawa at agad na nga rin silang naghanda para sa kanilang lakad ngayon. Balak kasi nilang dalawa ngayon na mamasyal sa iba't ibang tourist destination dito s
SPECIAL CHAPTER 2....Pagkarating nila Lucas at Ayesha ng Thailand ay agad na nga silang dumiretso sa hotel kung saan nga sila magstay ng limang araw.Pagkapasok pa lamang nga ni Ayesha sa kanilang hotel room ay pasalampak pa nga siyang naupo sa upuan na naroon dahil ramdam na ramdam na nga nya ngayon ang matinding pagod at parang gusto na lamang nga nilang matulog na lamang muna dahil para makapagpahinga na nga muna sila dahil hindi naman din sila mag eenjoy kung inaantok at pagod pa nga sila pareho."Grabe nakakapagod pala talaga ang magbyahe ng magbyahe," sabi ni Ayesha habang nakapikit pa nga ang kanyang mga mata at nakasalampak sa upuan.Agad naman na tumabi sa kanya si Lucas."Okay lang yan wife. Mas mabuti pa na magpahinga na lamang muna tayo at bukas na lamang tayo mamasyal para naman ma enjoy talaga natin ang pag stay natin dito sa Thailand," sagot ni Lucas kay Ayesha.Nagmulat naman ng kanyang mata si Ayesha at saka sya umayos ng kanyang pagkakaupo at nakangiti pa nyang tini
SPECIAL CHAPTER....Matapos ang pitong araw na bakasyon ng buong pamilya nila Lucas at Ayesha ay balik Manila naman na nga silang mag anak.Pero isang araw nga lang ang magiging pahinga ng bagong kasal doon dahil flight naman nga nila papuntang Thailand dahil yun nga ang nakalagay na petsa sa pinabook na flight at hotel ng magulang ni Ayesha sa kanila kaya kahit na medyo pagod pa nga sila aay ayaw naman nila na masayang ang rinegalo ng magulang ni Ayesha sa kanila kaya naman gagamitin na nga nila iyon.Habang naghahanda naman si Ayesha ng mga dadalhin nilang gamit ni Lucas papuntang Thailand ay bigla ngang lumapit si Bryan sa kanyang ina."Mommy bakit hindi nyo po kami kasama?" tanong ni Bryan sa kanyang ina.Napatingin naman si Ayesha sa kanyang anak at saka sya ngumito rito."Dalawa lang kasi ang ticket na regalo sa amin ng mommyla nyo noong kasl namin ng daddy nyo kqya hindi namin kayo pwedeng isama," paliwanag ni Ayesha kay Bryan."E mommy pano po kami? Wala po kayo?" pangungulit
CHAPTER 184Sobrang saya naman ng buong pagdiriwang ng kasal nila Lucas at Ayesha lalo na sa kanilang reception. Karamihan rin nga sa mga bisita nila ay nag uwi pa nga ng mga premyo dahil pinili talaga nila na magkaroon ng mga pagames at paraffle doon dahil gusto nga nila na maging kakaiba naman ang kanilang kasal dahil imbes na sila ang regaluhan ay sila ang namigay sa kanilang nga bisita ng mga papremyo.Nang matapos na nga ang kanilang selsbrasyon sa reception ng kasalan ay isa isa na rin nga na nag aalisan ang kanilang mga bisita. Naiwan na nga lamang doon ay ang pamilya nila Ayesha at Lucas.Aalis kasi sila ngayong buong mag anak dahil pupunta nga sila ng Boracay ngayon para naman makapag relax na rin sila kahit papaano. Kasama nga rin nila Ayesha at Lucas ang kani kanilang mga magulang.Ito kasi talaga ang plano nila Ayesha at Lucas noong una pa lang. Imbes kasi na sila lamang dalawa dahil honeymoon nga nila dapar ito ay pinili na lamang nga nila na isama ang kanilang buong pami
CHAPTER 183Pagkatapos nga na malapitan sila Lucas at Ayesha ng mga magulang ni Lucas ang sunod naman na lumapit nga sa kanila ay ang mga magulang naman ni Ayesha."Congrats sa inyong dalawa. Finally ay natuloy na rin talaga ang kasal ninyong dalawa," sabi ni Rita kila Lucas at Ayesba ng makalapit na nga sila ni Daniel sa mga ito at todo ngiti pa nga ito sa bagong kasal."Thank you po mom," sagot ni Ayesha sa kanyang ina."Binabati ko kayo mga anak. Masayang masaya ako para sa inyo," sabi naman ni Daniel sa bagong kasal saka nya tinapik sa balikat si Lucas."Thank you po dad," sagot nila Lucas at Ayesha kay Daniel."Nakakatuwa naman na sa kabila ng mga pinagdaanan nyong dalawa ay kayo at kayo pa rin talaga ang nagkatuluyan. Naalala ko pa dati na ipinagkakasundo pa lamang namin kayo at tingnan mo ngagon talagang nagmamahalan na kayong dalawa," daldal pa ni Rita.Natawa naman sila Ayesha at Lucas dahil sa sinabi ni Rita na iyon. Dahil naalala nga nila noong panahon na hindi nga alam ni
CHAPTER 182Pagkatapos ng seremonya sa simbahan ay agad naman na nga rin silang lahat na dumiretso sa isang resort upang doon naman idaos ang wedding reception nila Lucas at Ayesha.Pagkarating nila sa resort ay hindi naman nga kaagad na pinapasok sa loob noon sila Lucas at Ayesha dahil pinagpalit nga muna nila ng gown si Ayesha dahil ang suot nitong gown kanina ay may kabigatan nga at hindi makakakilos ng maayos si Ayesha roon. Inayos din nga muli ang kanyang make up at ayos ng buhok.Pagkatapos maayusan si Ayesha maya maya nga ay tunawag na nga rin sila ng host ng kanilang wedding reception at masigabong palakpakan naman nga ang sumalubong kila Lucas at Ayesha pagkapasok nila sa loob ng venue.May mga pakulo pa nga ang host ng kasal nila Ayesha at Lucas kaya naman halos lahat ng kanilang nga bisita ay tuwang tuwa at talagang sumasali rin ang nga ito sa pagames ng kanilang hosts.Maya maya nga ay nagsikain na rin nga silang lahat doon at nakapwesto nga syempre ang bagong kasal sa un
CHAPTER 181Matapos na magsalita ng vows nya si Ayesha ay si Lucas naman nga ngayon ang kasunod na magsasalita kaya naman iniabot na nga ni Ayesha ang mikropono rito at bahagya pa nga syang natawa dahil ng ibigay nga nya kay Lucas ang mic ay naramdaman nga nya na sobrang lamig nga ng kamay nito at bahagya pa ngang nanginginig ito.Napabuga pa nga ng hangin sa kanyang bibig si Lucas at napatikhim pa nga rin sya dahil parang pakiramdam nya ay parang may nakabara na kung ano sa kanyang lalamuna.Isang matamis na ngiti naman ang nakapaskil sa labi ni Lucas habang titig na titig nga siya kay Ayesha. Kagaya ng ginawa ni Lucas ay hinawakan din ni Ayesha ang kamay ni Lucas para pakalmahin ito dahil lagaya nga rin nya ay kanina pa nga sya kinakabahan."P-pasensya ka na babe. Sanay naman ako na magsalita sa harap ng naraming tao pero ngayon ay kinakabahan talaga ako," kandautal pa na sabi ni Lucas kay Ayesha at muli nga ay bumuga sya ng hangin sa kanyang bibig."Hanggang ngayon parang hindi pa
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments