Share

Chapter 2

CHAPTER 2

"Bakit po ba kasi ayaw magpakita muna ng anak nila sa akin? Panget ba yun? Matanda na ba yun? Takot ba sya sa akin? Maganda naman ako at hindi nangangain ng tao bakit ayaw nyang humarap sa akin?" sunod sunod na tanong ni Ayesha sa kanyang ina ng mapansin nya na kalmado na ito.

"Hindi ko rin alam ang dahilan nila anak. Kaya wala tayong choice kundi ang sundin na lamang ang gusto nila para sa kapakanan ng ating kumpanya. Kaya please anak pumayag ka nang magpakasal sa unico hijo ng pamilya Madrigal," pakiusap pa ni Rita sa anak.

Napabuntong hininga na lamang si Ayesha dahil ano pa nga ba ang magagawa nya e mukhang nakapagdesisyon na ang kanyang mga magulang tungkol dito. Ayaw naman nya na mapahiya ang mga ito ng dahil sa kanya.

"Ano pa nga ba ang magagawa ko mom kundi ang sumunod na lamang po sa gusto ninyo dahil nakasalalay po rito ang ating kumpanya," sumusukong sagot ni Ayesha sa kanyang ina.

Mabait at magalang na anak naman si Ayesha sa kanyang mga magulang dahil mahal na mahal nya ang mga ito. Yun nga lang minsan ay nagiging m*****a ito.

"Sige na anak magpahinga ka na muna," sabi ni Rita sa anak. Tanging pagtango lamang ang naging sagot ni Ayesha sa kanyang ina saka sya dire diretsong naglakad papunta sa kanyang kwarto.

Naaawa namang tinititigan ni Rita ang kanyang anak dahil alam nya na ayaw sana nitong sundin ang gusto nila na magpakasal ito sa unico hijo ng pamilya Madrigal pero wala naman itong magawa pa dahil ang kanilang kumpanya nga ang nakasalalay rito. Alam din naman ni Rita sa sarili nya na sya talaga ang dahilan kung bakit nangyayare ito sa kanila dahil masyado syang natuwa sa pagcacasino nya at hindi na nya namalayan pa na halos maubos na nya ang kanilang pera dahil doon kaya pati ang kanilang kumpanya ay nadamay na rin.

********

Pagka-uwi naman ng mag asawang Rico at Shiela ay naabutan nila ang kanilang nag iisang anak na si Lucas sa sala habang abala ito sa pagtipa sa laptop nito.

"Hi son," bati ni Shiela sa anak.

"Oh hi mom. Hi dad," bati rin naman ni Lucas sa kanyang mga magulang.

Kumaway lamang naman si Rico sa kanyang anak at dumiretso na sya sa kanyang opisina sa loob ng kanilang bahay dahil marami pa syang kailangang tapusin na mga papeles. Samantalang si Shiela naman ay lumapit na sa kanyang anak.

"Anak nakausap na nga pala namin ang pamilya Salcedo kagagaling lamang namin doon at mukha namang mapapayag namin sila sa gusto naming mangyare na maikasal kayo ng kanilang bunsong anak," pagbabalita ni Shiela sa kanyang anak. Napatigil naman si Lucas sa kanyang ginagawa at hinarap ang kanyang ina.

"Mom kailangan po ba talaga yun? Pwede nyo naman pong hintayin na lamang na makahanap ako ng babae na gusto kong mapangasawa at pakasalan," sagot ni Lucas sa ina. Napilitan na lang din kasi sya sa gustong mangyare ng kanyang mga magulang para tantanan na sya ng mga ito dahil palagi syang kinukulit ng kanyang ina na mag asawa na raw sya dahil gusto na nitong magka apo. Pero kapalit ng pagpayag nga ay hiniling nya sa mga ito na sa mismong araw ng kasal na sya magpapakita sa babaeng ipapakasal sa kanya.

"At kelan mo pa balak maghanap ng mapapangasawa mo? Anak gusto namin na makapag asawa ka na para naman mabigyan mo na kami ng apo. Hindi ka na pabata anak. Pataas ang edad hindi paurong kaya dapat habang bata ka pa ay mag asawa ka na para may katuwang ka na rin sa buhay. Hindi rin naman masaya na mamuhay ng mag isa kaya hindi ako papayag na hindi ka mag aasawa," sagot ni Shiela sa anak. Napapakamot na lamang sa ulo nya si Lucas dahil heto na naman ang kanyang ina na palaging sinasabi na gusto na nito ng apo.

Nag iisang anak kasi si Lucas ng mag asawang Rico at Shiela. Sya ang nag iisang tagapag mana ng kanyang mga magulang kaya gusto na syang pag asawahin na ng mga ito. No choice naman sya kundi ang sumunod na lamang din para matapos na ang usapan at hindi na sya kulitin pa ng kanyang ina.

Wala naman kasing kaso sa kanya kung ipagkasundo sya dahil lalaki naman sya pero hindi sya sigurado sa mapapangasawa nya kung mugugustuhan ba sya nito bilang asawa. Kung sa itsura naman kasi ang pag uusapan ay napakagwapo ni Lucas. Matangkad ito, maputi, matangos ang ilong, kulay gray ang mga mata at mamula mula pa ang mga labi nito marami nga ang lumalapit dito na mga babae at halos maghubad na ang mga iyon sa harapan ng binata pero hindi naman ito pinapansin ni Lucas dahil hindi sya mahilig sa mga babae at isa pa ay naiirita sya kapag may mga babae na halos maghubad na sa harap nya.

Minsan na kasi syang nagmahal at linoko lamang sya kaya naman nawalan na sya ng gana na magmahal muli dahil inisip nya na pare pareho lamang ang mga babae.

"Okay mom. Wala na rin naman po akong magagawa pa tungkol sa bagay na yan dahil nakapagdesisyon na po kayo ni dad. Pero sana po ang hinihiling ko ay masunod din mom. Gusto ko po na sa mismong araw na ng kasal namin ako makikilala ng mapapangasawa ko. Ayoko pong magpakita o magpakilala muna sa kanya," sagot ni Lucas sa kanyang ina.

"Oo anak. Nasabi na rin naman namin ang tungkol sa bagay na yan sa pamilya Salcedo at sa tingin ko naman ay wala na rin naman silang magagawa pa kundi ang pumayag na lamang dahil nakasalalay dito ang kanilang kumpanya," sagot ni Shiela habang prenteng nakaupo sa tabi ng anak.

Tumango tango naman si Lucas sa kanyang ina bilang sagot nya rito at hindi na nagsalita pa. Muli na nyang itinuon ang kanyang atensyon sa kanyang ginagawa sa laptop. Umalis na rin naman si Shiela sa tabi ng anak nya dahil abala na naman ito sa kanyang ginagawa.

Habang abalang abala si Lucas sa kanyang ginagawa ay bigla namang tumunog ang kanyang phone kaya agad naman itong sinagot ng binata.

"Ano na naman ang kailangan mo?" masungit na tanong ni Lucas kay King ang isa sa mga matalik nyang kaibigan.

"Hey! Ang sungit mo naman. Tara maghappy happy muna tayo. Wag ka naman puro trabaho na lang. Maaga kang tatanda nyan e," tatawa tawa pa na sagot ni King kay Lucas dahil nagsusungit na naman ito.

"Tsk. Gusto mo lang akong pagbayarin sa mga iinumin mo kaya gusto mo akong isama," balewalang sagot ni Lucas sa kaibigan dahil sa kanilang tatlong magkakaibigan nila Gerome ay si King ang maloko at palagi na lamang syang pinagbabayad sa kanilang mga lakad. Sa kanilang tatlo rin kasi na magkakaibigan ay si Lucas talaga ang pinakamayaman.

"Grabe ka naman sa akin. Pabirthday mo na lang sa akin ito bro at isa pa barya lang naman sa'yo ang nagagastos mo kapag naghahappy happy tayo e. Sige na pumayag ka na," pangungulit pa ni King. Napabuntong hininga na lamang si Lucas dahil alam nya na hindi titigil ang kaibigan nyang ito sa pangungulit sa kanya.

"Okay fine. Just give me the address at doon na lamang tayo magkita," sumusukong sagot ni Lucas bago nya pinutol ang tawag nila ng kaibigan nya. Naisip nya na pagbigyan na lamang nya ang mga kaibigan nya tutal ay matagal tagal na rin naman syang hindi nakakalabas kasama ang mga ito.

Agad na rin namang kumilos si Lucas ng matanggap nya ang address kung saan gustong magliwaliw ng kanyang mga kaibigan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status