Share

Chapter 5

CHAPTER 5

Hindi naman na namalayan pa nila Ayesha at ng mga kaibigan nya na naparami na pala ang inom nila at talagang tinamaan na rin sila ng espirito ng alak.

"G-guys hindi ko na t-talaga kayang umuwi. Nahihilo na ako," nabubulol bulol pa na sabi ni Zoey kila Ayesha at Janna.

"Ako rin hindi ko na kaya. Pipikit na talaga ang mata ko," sagot naman ni Ayesha na nakasandal na lamang sa kanyang kinauupuan.

"Mabuti pa ay dito na lamang tayo magpalipas ng gabi ang alam ko ay mayroon namang mga room dito na pwedeng pag stayan," sagot naman ni Janna na pipikit pikit na rin.

Maya maya ay may lumapit na staff ng naturang bar kila Ayesha at nagtanong kung mag ookupa daw ba sila ng kwarto roon kaya agad naman na umo-o ang tatlo dahil hindi na talaga nila kayang mag drive pauwi dahil baka maaksidente lamang sila.

Ilang saglit lamang ang hinintay nila Ayesha at ng mga kaibigan nya ng bumalik ang naturng staff at ibinigay ang susi ng room nila. Isa lamang ang kinuha nilang room doon dahil tingin naman nila ay kasya na silang tatlo roon.

Papunta na sana sila sa kanilang room ng makaramdam si Ayesha na parang masusuka na sya kaya nagpaalam na muna sya sa mga kaibigan nya.

"Guysh hindiii ko na kayaa. Nasusuka na talaga ako. Mabuti pa ay mauna na kayo sa room natin at mag CR lamang muna ako," nauutal pa na pagpapaalam ni Ayesha sa mga kaibigan nya.

"Sige mauna na kami. Dito lamang ang room natin," sagot ni Janna sabay turo sa isang room na naroon.

Nagtatakbo naman na si Ayesha sa CR dahil talagang bumabaliktad na ang sikmura nya at hindi na nya kayang pigilan pa ang masuka kaya hindi na nya masyadong narining pa ang huling sinabi ni Janna.

Pagakatapos magsuka ni Ayesha ay nahihilo pa syang lumabas ng cubicle ng CR para maghilamos at magmumog na rin. Sandali pa syang napasandal sa pader doon dahil hilong hilo pa rin talaga sya.

Nang medyo ayos ayos na si Ayesha at kaya na nyang maglakad ay agad na syang lumabas ng CR. Habang naglalakad sya ay nagpapagewang gewang pa sya papunta sa mga kwarto na naroon ay napapakunot na lamang ang noo nya dahil hindi nya alam kung saan ba ang room nilang magkakaibigan doon. Tatawagan na sana nya ang mga kaibigan nya pero pagtingin nya ay lobat pala ang kanyang phone.

"Tsk. Saan nga ba yun? Parang dito kami kanina tumigil e " kausap ni Ayesha sa kanyang sarili habang kakamot kamot sa ulo nya at pilit na iniisip kung saan nga ba ang room nila ng mga kaibigan nya.

"Kainis. Bahala na nga," naiinis na na sabi ni Ayesha at saka nya pinihit ang door knob ng room na malapit sa kanya at napangiti na lamang sya dahil nagbukas iyon.

Agad naman na syang pumasok at pabagsak na nahiga sa kama na naroon. Hindi na rin sya nag abala pa na tingnan kung naroon ba ang mga kaibigan nya dahil totoong nahihilo na sya kaya dire diretso na syang nahiga at ni hindi na rin nya binuksan pa ang ilaw.

******

Samantala naman dahil sa sobrang kalasingan na nila Lucas at Gerome ay hindi naman sila kayang ihatid pa ni King sa kani kanilang bahay dahil may tama na rin ito ng alak kaya naman kumuha na lamang sila ng room na naroon din sa naturang bar para magpalipas ng magdamag.

Tig iisa sila ng silid na magkakaibigan dahil ayaw nilang magtabi tabi sa iisang kama at isa pa ay hindi talaga sila kakasya roon. Inihahatid na muna ni King ang mga kaibigan nyang lasing na lasing na sa mga kwarto ng mga ito.

Inaalalayan pa nya ito parehas dahil natutumba na ang mga ito dahil sa kalasingan. Una nyang inihatid ay si Gerome kasunod ay si Lucas na.

"Sige na pumunta ka na sa iyong kwarto. Kaya ko na ang sarili ko rito," sabi ni Lucas kay King ng tumapat sila sa kanyang ookupahan na silid.

"Sigurado ka ba?" nag aalinlangan pa na tanong ni King dahil baka kung ano ang mangyare rito dahil sa sobrang kalasingan.

"Oo kaya ko na. Sige na," sagot ni Lucas saka nya sinarhan ang pinto ng naturang silid.

Pagtingin naman ni Lucas sa higaan na naroon ay napakunot na lamang ang noo nya ng mapansin nya na may bulto ng tao na nakahiga roon. Nagtataka pa sya kung bakit may tao na roon gayong tig iisa sila ng kinuba ng silis ng mga kaibigan nya dahil ayaw nya nila ng may kasama sa silid.

Dahil sa nahihilo na rin sya dahil sa kalasingan ay hindi na sya nag abala pa na lumabas muli ng silid at hinayaan na lamang nya ang nakahiga roon at saka sya lumapit rito. Gegewang gewang pa nga syang naglakad papunta roon dahil totoong nahihilo pa sya dala ng kanyang kalasingan.

Pagkalapit nya sa higaan ay napansin nya na babae ang nakahiga roon dahil sa mahaba ang buhok nito. Umupo na muna sya sa kama at saka nya pinakatitigan ang babaeng nakahiga roon pero dahil nga sa kalasingan at dim light lamang ang bukas na ilaw ay hindi nya makita ng malinaw ang mukha ng babaeng nakahiga kaya naman inilapit pa nya lalo ang kanyang mukha rito pero ganon na lamang ang gulat nya ng bigla syang yakapin ng babae na iyon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status