CHAPTER 12"Mabuti naman at narito ka na anak," agad na sabi ni Shiela kay Lucas pagkarating na pagkarating nito sa kanilang bahay."Bakit po mom? May problema po ba?" agad din na tanong ni Lucas sa ina dahil mukhang hinihintay nga sya nito na makauwi."Nanggaling na rito ang mag inang Salcedo at yun nga napapayag na nila ang kanilang anak na maikasal sa'yo," pagbabalita ni Shiela sa anak. "In three months ay magaganap na ang kasal ninyo," dagdag pa nito."Mom kapag po ba may pinakilala ako sa inyo na babae na gusto kong mapangasawa ay papayag po ba kayo?" tanong na ni Lucas sa ina. Bigla namang natigilan si Shiela dahil sa sinabi ng kanyang anak."M-may nobya ka na ba? Pwede mo naman syang ipakilala sa amin habang maaga pa para naman hindi na natin ipilit ang kasal ninyo ni Ayesha. Wala naman iyong problema sa amin ng daddy mo," sagot ni Shiela."Sino po si Ayesha?" kunot noo na tanong na ni Lucas dahil ngayon lang nya narinig ang pangalan na ito."Oh i'm sorry. Ayesha nga pala ang
CHAPTER 13"Kelan ba magaganap ang kasalan?" tanong ni Zoey."Tatlong buwan mula ngayon. Kaya nga unti unti ay nag aasikaso na rin kami ng mga kakailanganin namin sa kasal. Nakausap na rin namin si Mrs. Madrigal at sa tingin ko ay mukhang maayos naman syang kausap," sagot ni Ayesha."Agad agad? In three months?"gulat na sabi ni Zoey."Hindi naman sila atat na ipakasal ang anak nila?" natatawa naman na sabi ni Janna.Nagkibit balikat naman si Ayesha dahil hindi rin naman nya talaga alam ang dahilan ng mag asawang Madrigal kung bakit gusto ng mga ito na maganap na kaagad ang kasal nila ng anak nito."Hindi ko rin alam ang dahilan nila at wala na rin akong pakialam pa roon. Ang importante sa amin ngayon ay matulungan nila ang aming kumpanya. At sana lang talaga ay itrato ako ng maayos ng anak nila," sagot ni Ayesha"Sabagay may punyo ka rin naman dyan. Kailangan nyo kasi ang tulong nila kaya kahit na ano pa man ang dahilan nila ay labas ka na roon. Pero sana lang talaga ay mapabuti ka sa
CHAPTER 14"Mabuti naman kung ganon," masungit na sabi ni Lucas bago nya ibinalik ang tingin nya sa kanyang laptop. "Basta tulungan nyo na lamang ako sa paghahanap sa kanya siguro naman ay natatandaan nyo pa rin ang mukha ng babae na yun. Wala naman kasi akong ibang maaasahan ngayon kundi kayo lamang dahil nga hindi ko alam ang pangalan nya at tanging tayong tatlo lamang ang nakakita sa kanya ng gabi na yun," dagdag pa ni Lucas."Okay fine. Sige na tutulungan ka namin na mahanap ang babae na yun dahil inlove na inlove ka na talaga sa kanya," sagot ni King."Grabe ka sa amin Lucas. Pumunta kami rito para sana kumustahin ka dahil wala ka man lang paramdam sa amin pero ni hindi mo man lang kami kinumusta at ang agad na bungad mo na sa amin ay ang babae na yun," himig nagtatampo na turan ni Gerome kay Lucas."Tsk. Pasensya na kayo at hindi ko na kayo nakamusta man lang simula ng gabi na yun dahil tambak ako ng mga gawain simula pa noong nakaraang araw kaya ni kahit pag text man lang sa in
CHAPTER 15 Mabilis naman na lumipas ang mga araw at halos isang buwan na rin ang nakalilipas at hanggang ngayon ay naghahanap pa rin si Lucas sa babae na nakasama nya ng gabi na yun. " Wala pa rin ba kayong nahahanap?" agad na tanong ni Lucas sa dalawa nyang kaibigan. Narito sila ngayon sa condo unit ni Lucas dahil pinapunta sila nito dahil naiistress na si Lucas sa paghahanap sa babae na yun. Pinasketch na rin nya kasi ang mukha ng babae na yun at nagbayad na rin sya ng private investigator para mahanap ang babae na yun pero hanggang ngayon ay wala pa rin syang balita rito. "Wala pa rin bro. Mahirap talagang hanapin yun. Ni hindi nga natin alam kung taga dito ba yun sa Manila o dumayo lang yun dito para magbar," sagot ni King. "Oo nga bro. Kung alam lang sana natin kahit pangalan nya e di madali na natin sya mahahanap," sabat naman ni Gerome. Napabuntong hininga naman si Lucas at saka sya sumimsim sa baso na hawak nya na may lamang alak. "Mahahanap ko pa kaya sya? Isang
CHAPTER 16"Mabuti naman at bumaba ka na," agad na sabi ni Rita kay Ayesha pagkakita nya rito. "Anak may problema ba? May nararamdaman ka ba? Pwede ka naman magsabi sa amin," dagdag pa ni Rita dahil totoong nag aalala na sya kay Ayesha. Napapansin na rin nya kasi na medyo namumutla nga ito at parang laging hinang hina kung kumilos."Wag nyo na lamang po akong pansinin mom. Pagod lang po siguro ako kaya po ako nagkakaganito," sagot ni Ayesha."Sigurado ka ba anak? Pwede naman ka namang magpacheck up na muna," sagot ni Rita."Mom ayos lang po ako. Don't worry," nakangiti pa na sagot ni Ayesha saka sya naglakad papunta sa kusina balak nyang kumain na muna bago sya umalis ng kanilang bahay pero biggla naman natigilan si Ayesha sa paghakbang nya ng bigla nyang maamoy ang kung anong linuluto roon. Napatakip pa sya ng ilong nya dahil hindi nya gusto ang amoy ng linuluto."Manang ano po yan? Bakit ang baho po ata," tanong na ni Ayesha sa kanilang kasambahay dahil talagang bahong baho siya sa
CHAPTER 17"Girl ayos ka lang ba? Sabi ko naman kasi sa'yo dahan dahan lang. Wala ka naman kasing kaagaw pero kung makasubo ka kala mo andami nyong kumakain," sabi ni Janna kay Ayesha ng mapansin nya na bigla itong natigilan sa pagkain.Napakurap kurap naman ng mata si Ayesha ng hindi nya namalayan na nasa harapan na pala nya ang kaibigan."Ha? Ah... Eh... W-wala ito. Wag mo na lamang akong pansinin," pilit ang ngiti na sabi ni Ayesha saka sya muling sumubo ng carbonara pero binagalan na nya ngayon ang pagsubo nito.Ilang oras din na namalagi si Ayesha sa bahay ni Janna bago sya nagpasyang umalis at umuwi na. Pipigilan pa sana sya ni Janna pero hindi na sya pumayag dahil baka hanapin na sya ng kanyang ina dahil hindi sya nakapagpaalam dito.Bago sya umuwi sa kanilang bahay ay dumaan na muna sya sa botika at may binili lamang sga rito at agad na rin naman syang umuwi sa kanilang bahay.Pagakarating ni Ayesha sa kanilang bahay ay agad na syang dumiretso sa kanyang silid at hindi na na
CHAPTER 18Bigla namang kinabahan si Ayesha dahil baka malaman ng kanyang ina na buntis sya kapag pinacheck up sya nito. Kaya pilit nyang inayos ang kanyang sarili at pinilit na kumilos ng ayos kahit na medyo nahihilo pa rin talaga sya."Mom ayos lang po talaga ako. Hindi nyo na po kailangan pa na ipacheck up ako. Baka kulang lamang po ako sa exercise kaya po ako nagkakaganito," sagot ni Ayesha sa kanyang ina. Mataman na pinakatitigan ni Rita si Ayesha."Anak alam kong may nararamdaman ka. Pwede ka naman magsabi sa akin para naman masamahan kita na makapagpa check up," sagot ni Rita."Hindi ko na po kailangang magpa check mom. Okay lang po talaga ako mom. Wag nyo na po akong alalahanin. Siguro po ay masyado lamang akong napagod kanina kaya po ako nagkakaganito," pagdadahilan pa ni Ayesha at pilit nyang nginingitian ang kanyang ina para hindi sya mahalata nito.Napabuntong hininga na lamang si Rita dahil mukhang ayaw talagang magpacheck up ni Ayesha at hindi nya ito mapilit ngayon."S
CHAPTER 19Agad naman na tinawagan ng staff ng naturang boutique ang pamilya ni Ayesha upang ibalita rito ang nangyare sa dalaga kaya agad na itong nalaman ni Rita.Dali dali na nga na nagpunta si Rita sa ospital na sinabi ng staff ng boutique kung nasaan si Ayesha ngayon. Nag aalala sya para kay Ayesha dahil nitong nga nakaraang araw pa nya ito napapansin na matamlay pero hindi naman kasi nagsasabi ang kanyang anak kung may masama ba itong nararamdaman at kanina lang din ay inaaya na nya itong magpacheck up pero tinanggihan ito ng kanyang anak.Pagkarating ni Rita sa ospital ay agad na syang dumiretso sa emergency room ng naturang ospital at agad na hinanap ng paningin nya si Ayesha. Nang makita nya ito ay agad na rin syang lumapit dito at nakita nya na may kasama pa ito roon marahil ay staff ito sa boutique na pinuntahan ni Ayesha base na rin sa suot nitong damit. Habang si Ayesha naman ay mukhang mahimbing na natutulog."Good morning ma'm isa po akong staff sa boutique at sinamaha