CHAPTER 14"Mabuti naman kung ganon," masungit na sabi ni Lucas bago nya ibinalik ang tingin nya sa kanyang laptop. "Basta tulungan nyo na lamang ako sa paghahanap sa kanya siguro naman ay natatandaan nyo pa rin ang mukha ng babae na yun. Wala naman kasi akong ibang maaasahan ngayon kundi kayo lamang dahil nga hindi ko alam ang pangalan nya at tanging tayong tatlo lamang ang nakakita sa kanya ng gabi na yun," dagdag pa ni Lucas."Okay fine. Sige na tutulungan ka namin na mahanap ang babae na yun dahil inlove na inlove ka na talaga sa kanya," sagot ni King."Grabe ka sa amin Lucas. Pumunta kami rito para sana kumustahin ka dahil wala ka man lang paramdam sa amin pero ni hindi mo man lang kami kinumusta at ang agad na bungad mo na sa amin ay ang babae na yun," himig nagtatampo na turan ni Gerome kay Lucas."Tsk. Pasensya na kayo at hindi ko na kayo nakamusta man lang simula ng gabi na yun dahil tambak ako ng mga gawain simula pa noong nakaraang araw kaya ni kahit pag text man lang sa in
CHAPTER 15 Mabilis naman na lumipas ang mga araw at halos isang buwan na rin ang nakalilipas at hanggang ngayon ay naghahanap pa rin si Lucas sa babae na nakasama nya ng gabi na yun. " Wala pa rin ba kayong nahahanap?" agad na tanong ni Lucas sa dalawa nyang kaibigan. Narito sila ngayon sa condo unit ni Lucas dahil pinapunta sila nito dahil naiistress na si Lucas sa paghahanap sa babae na yun. Pinasketch na rin nya kasi ang mukha ng babae na yun at nagbayad na rin sya ng private investigator para mahanap ang babae na yun pero hanggang ngayon ay wala pa rin syang balita rito. "Wala pa rin bro. Mahirap talagang hanapin yun. Ni hindi nga natin alam kung taga dito ba yun sa Manila o dumayo lang yun dito para magbar," sagot ni King. "Oo nga bro. Kung alam lang sana natin kahit pangalan nya e di madali na natin sya mahahanap," sabat naman ni Gerome. Napabuntong hininga naman si Lucas at saka sya sumimsim sa baso na hawak nya na may lamang alak. "Mahahanap ko pa kaya sya? Isang
CHAPTER 16"Mabuti naman at bumaba ka na," agad na sabi ni Rita kay Ayesha pagkakita nya rito. "Anak may problema ba? May nararamdaman ka ba? Pwede ka naman magsabi sa amin," dagdag pa ni Rita dahil totoong nag aalala na sya kay Ayesha. Napapansin na rin nya kasi na medyo namumutla nga ito at parang laging hinang hina kung kumilos."Wag nyo na lamang po akong pansinin mom. Pagod lang po siguro ako kaya po ako nagkakaganito," sagot ni Ayesha."Sigurado ka ba anak? Pwede naman ka namang magpacheck up na muna," sagot ni Rita."Mom ayos lang po ako. Don't worry," nakangiti pa na sagot ni Ayesha saka sya naglakad papunta sa kusina balak nyang kumain na muna bago sya umalis ng kanilang bahay pero biggla naman natigilan si Ayesha sa paghakbang nya ng bigla nyang maamoy ang kung anong linuluto roon. Napatakip pa sya ng ilong nya dahil hindi nya gusto ang amoy ng linuluto."Manang ano po yan? Bakit ang baho po ata," tanong na ni Ayesha sa kanilang kasambahay dahil talagang bahong baho siya sa
CHAPTER 17"Girl ayos ka lang ba? Sabi ko naman kasi sa'yo dahan dahan lang. Wala ka naman kasing kaagaw pero kung makasubo ka kala mo andami nyong kumakain," sabi ni Janna kay Ayesha ng mapansin nya na bigla itong natigilan sa pagkain.Napakurap kurap naman ng mata si Ayesha ng hindi nya namalayan na nasa harapan na pala nya ang kaibigan."Ha? Ah... Eh... W-wala ito. Wag mo na lamang akong pansinin," pilit ang ngiti na sabi ni Ayesha saka sya muling sumubo ng carbonara pero binagalan na nya ngayon ang pagsubo nito.Ilang oras din na namalagi si Ayesha sa bahay ni Janna bago sya nagpasyang umalis at umuwi na. Pipigilan pa sana sya ni Janna pero hindi na sya pumayag dahil baka hanapin na sya ng kanyang ina dahil hindi sya nakapagpaalam dito.Bago sya umuwi sa kanilang bahay ay dumaan na muna sya sa botika at may binili lamang sga rito at agad na rin naman syang umuwi sa kanilang bahay.Pagakarating ni Ayesha sa kanilang bahay ay agad na syang dumiretso sa kanyang silid at hindi na na
CHAPTER 18Bigla namang kinabahan si Ayesha dahil baka malaman ng kanyang ina na buntis sya kapag pinacheck up sya nito. Kaya pilit nyang inayos ang kanyang sarili at pinilit na kumilos ng ayos kahit na medyo nahihilo pa rin talaga sya."Mom ayos lang po talaga ako. Hindi nyo na po kailangan pa na ipacheck up ako. Baka kulang lamang po ako sa exercise kaya po ako nagkakaganito," sagot ni Ayesha sa kanyang ina. Mataman na pinakatitigan ni Rita si Ayesha."Anak alam kong may nararamdaman ka. Pwede ka naman magsabi sa akin para naman masamahan kita na makapagpa check up," sagot ni Rita."Hindi ko na po kailangang magpa check mom. Okay lang po talaga ako mom. Wag nyo na po akong alalahanin. Siguro po ay masyado lamang akong napagod kanina kaya po ako nagkakaganito," pagdadahilan pa ni Ayesha at pilit nyang nginingitian ang kanyang ina para hindi sya mahalata nito.Napabuntong hininga na lamang si Rita dahil mukhang ayaw talagang magpacheck up ni Ayesha at hindi nya ito mapilit ngayon."S
CHAPTER 19Agad naman na tinawagan ng staff ng naturang boutique ang pamilya ni Ayesha upang ibalita rito ang nangyare sa dalaga kaya agad na itong nalaman ni Rita.Dali dali na nga na nagpunta si Rita sa ospital na sinabi ng staff ng boutique kung nasaan si Ayesha ngayon. Nag aalala sya para kay Ayesha dahil nitong nga nakaraang araw pa nya ito napapansin na matamlay pero hindi naman kasi nagsasabi ang kanyang anak kung may masama ba itong nararamdaman at kanina lang din ay inaaya na nya itong magpacheck up pero tinanggihan ito ng kanyang anak.Pagkarating ni Rita sa ospital ay agad na syang dumiretso sa emergency room ng naturang ospital at agad na hinanap ng paningin nya si Ayesha. Nang makita nya ito ay agad na rin syang lumapit dito at nakita nya na may kasama pa ito roon marahil ay staff ito sa boutique na pinuntahan ni Ayesha base na rin sa suot nitong damit. Habang si Ayesha naman ay mukhang mahimbing na natutulog."Good morning ma'm isa po akong staff sa boutique at sinamaha
CHAPTER 20"Mom sorry po," sabi ni Ayesha sa kanyang ina at hindi na rin nya napigilan pa ang pagpatak ng luha nya.Nagtataka naman na tinitingnan ni Rita ang kanyang anak. Pwede naman nitong sabihin na lang sa kanila kung sino ang ama ng kanyang ipinagbubuntis dahil handa naman sila na tanggapin ito."Anak hindi naman kami magagalit sa'yo. Sabihin mo lang kung sino ang ama ng batang dinadala mo para mapanagutan ka nya. At isa pa ay nariyan na yan at wala na rin naman tayong magagawa pa," sagot ni Rita sa anak."Mom hindi ko po alam," sagot ni Ayesha.Nangunot naman ang noo ni Rita dahil sa sagot ni Ayesha. Naguguluhan sya sa sinabi nito."Anong hindi mo alam? Anong ibig mong sabihin na hindi mo alam?" sunod sunod na tanong pa nya kay Ayesha.Hindi naman malaman ni Ayesha kung paano ba nya ipapaliwanag sa kanyang ina ang nangyare sa kanya kaya sya nabuntis. Akmang magsasalita na sana si Ayesha ng biglang namang dumating ang nurse para tingnan si Ayesha."Good morning po ma'm," bati ng
CHAPTER 21"Ngayon pwede mo na bang ipaliwanag sa akin kung nasaan ang ama ng dinadala mo Ayesha," seryosong sabi ni Rita sa kanyang anak ng makauwi na sila galing ospital.Napabuntong hininga naman si Ayesha saka nya hinarap ang kanyang ina na mukhang inip na inip ng malaman kung sino ang ama ng ipinagbubuntis nya."Mom i'm sorry. H-hindi ko po talaga alam kung sino ang ama ng dinadala ko," nakayukong sabi ni Ayesha sa kanyang ina."Paanong hindi mo alam? Ano yan nahanginan ka kaya ka nabuntis? Ayesha naman hindi naman kami magagalit sa'yo at sa nakabuntis sa'yo sabihin mo lang sa amin kung sino at handa kami na tanggapin sya kung sino man sya," sagot ni Rita kay Ayesha at medyo napapataas na rin ang tono ng boses nya dahil hindi nya talaga maintindihan ang kanyang anak."Mom totoo po ang sinasabi ko hindi ko po talaga alam kung sino," sagot ni Ayesha na naluluha na dahil hindi nya alam kung paano ba nya sisimulang ipaliwanag ito sa kanyang ina dahil nahihiya sya sa ginawa nya."So
CHAPTER 137Parang bigla namang binuhusan ng malamig na tubig si Lucas dahil sa sinabi ni Ayesha. Napakurap kurap pa nga sya at hindi nya na malaman kung ani ang gagawin nya dahil nakikita na nyang naghahabol ng hininga si Ayesha."Sir excuse me po muna. Kailangan po namin kunin si ma'm," sabi ng doktor na lumapit sa kanila at may mga kasama na nga itong mga tauhan. Kaya naman wala sa sariling napatayo nga si Lucas para makuha na nga ng mga ito si Ayesha.Nang makuha na nga si Ayesha ng mga doktor ay agad naman ng sununod si Lucas sa mga ito at sumakay na nga rin sya sa ambulansya kung saan isinakay si Ayesha. Hinawakan pa nga nya ng mahigpit ang kamay nito at ramdam pa naman nya na mainit pa iyon kaya naman napapapikit na lamang talaga sya at pinapanalangin nya na sana ay malagpasan ni Ayesha ito at maging ligtas ito at ang batang nasa sinapupunan nito.Pagkarating sa ospital ay agad na ngang idineretso si Ayesha sa Operating Room ng ospital at naiwan na nga lamang sa labas noon si L
CHAPTER 136Hindi naman na nakapagsalita pa si Jessa at naiyak na lamang talaga sya dahil sa mga sinabi ng kanyang ama. Pag angat nga nya ng kanyang tingin ay nakita nya na malapit na nga sa kanyang pwesto ang kanyang ama kaya naman napabalik na naman sya sa wisyo at muli nga ay hinigpitan na naman nya ang pagkakahawak sa buhok ni Ayesha.Nakapag ipon naman na ng lakas si Ayesha dahil habang umiiyak si Jessa ay unti unti nga nitong linuluwagan ang pagkakahawak sa kanyang buhok kaya nag ipon na talaga sya ng lakas ng loob para makagawa sya ng paraan para makatakas ng ligtas kay Jessa.Nang bigla ngang humigpit ang pagkakahawak ni Jessa sa buhok ni Ayesha ay kinuha naman iyong pagkakataon ni Ayesha para sikuhin si Jessa sa mukha at hindi nga iyon napaghandaan ni Jessa kaya nabitawan nga nya ang buhok ni Ayesha at kamuntik pa nga syang natumba. Kaya naman kinuha na ulit yun na pagkakataon ni Ayesha para makatakas kay Jessa pero dahil nga mabigat ang suot nyang gown ay hindi nga sya makat
CHAPTER 135"Lumapit ka pa Ayesha. Gusto ko yung malapit na malapit ka sa amin," nakangisi pa na utos ni Jessa.Napabuntong hininga naman si Ayesha at mas dahan dahan na ngayon ang paghakbang nya palapit kila Jessa. Natatakot na kasi talaga sya sa maaaring mangyare dahil hindi nya alam kung ano ang balak ni Jessa na gawin sa kanya. Lalo pa syang kinabahan dahil alam nya na galit na galit ito sa kanya."Pakawalan mo na yung anak ko Jessa. Pakiusap maawa ka sa bata. Natatakot na sya. Parang awa mo na. Sasama naman na ako sa'yo. Narito na nga ako sa harapan mo. Pakawalan mo na ang anak ko" umiiyak pa na pakiusap ni Ayesha kay Jessa at halos magkaharapan na nga lamang sila.Agad naman na binitawan ni Jessa ang bata at agad na nga nyang hinila sa buhok si Ayesha at napaigik na nga lamang talaga si Ayesha dahil sa sakit dahil hindi nya iyon napaghandaan at isa pa ay nahihirapan talaga syang kumilos dahil sa suot nyang gown."Anak tumakbo ka na sa daddy mo," sigaw pa ni Ayesha sa kanyang ana
CHAPTER 134Tumawa naman si Jessa na parang isang baliw kaya lalo naman na natakot sila Lucas dito."Tsk. Ako pa ba ang gagawin nyong t*ng*. Alam ko naman na hindi ka sasama sa akin ng maayos Lucas at baka nga ipahuli mo pa ako kaagad sa mg pulis na yan kapag nakalapit ka sa akin. Kaya mas mabuti pa na si Ayesha na lamang ang kunin ko para naman maramdaman nya rin ang masaktan. Para naman sya ang mapag buntonan ko ng galit ko," parang baliw pa na sabi ni Jessa. "Ano ba ang pinagsasasabi mo r'yan Jessa. Itigil mo na to. Please lang," inis ng sagot ni Lucas sa dalaga.Parang wala namang naririnig si Jessa. Tiningnan nga nya ang nga pulis na nakapaligid sa kanya. Sa totoo lang ay hindi na talaga alam ni Jess ang kanyang gagawin. Parang gusto na bga lamang nyang tumakas pero ayaw naman nyang maging nasaya si Ayesha. Hindi na rin talaga nya maintindihan ang kanyang sarili."Ayesha ikaw ang gusto ko. Lumapit ka na rito bilang kapalit ng iyong anak," sigaw pa ni Jessa.Napatingin naman si L
CHAPTER 133"Ayesha kailangan ko itong gawin para sa anak natin. Kapag hindi pa ako kumilos ay baka kung ano pa ang magawa ni Jessa kay Brylle. Basta tatandaan mo na mahal na mahal ko kayo ng mga bata ha," sabi pa ni Lucas saka nya hinalikan sa noo si Ayesha at napapikit na nga sya ng mariin dahil hindi na nga nya naiwasan pa na maluha dahil sa mga nangyayare at kahit sya kasi ay natatakot na sa maaaring gawin ni Jessa sa kanilang anak.Hindi naman na nakapagsalita si Ayesha at tanging pag iyak na lamang ang nagawa nya dahil hindi na nya rin talaga alam kung ano ang kanilang gagawin para mailigtas mula kay Jessa ang kanilang anak. Parehong mahalaga sa kanya si Lucas at Brylle kaya ayaw nya na kahit isa man sa mga ito ay mapahamak o mawalay sa kanya.Saglit naman na yinakap ng mahigpit ni Lucas si Ayesha at saka nya ito dinampian ng halik sa labi saka nya ito matamis na nginitian."Magiging ayos din ang lahat. Magtiwala ka lamang sa akin," sabi pa ni Lucas kay Ayesha.Lumapit naman na
CHAPTER 132Dire diretso naman si Jessa sa paglalakad palabas ng naturang resort habang nakasunod nga sa kanya sila Lucas at ang kangang ama. Pero bigla na lamang syang natigilan dahil bago pa nga sya makalabas ng resort ay nakita nga nya ang napakaraming pulis na nakapaligid doon."Bakit ang daming pulis? Sinong nagpatawag ng mga pulis?" galit pa na tanong ni Jessa.Bigla namang kinabahan si Lucas dahil hindi na mapakali si Jessa ng makita nito ang mga pulis na nakapaligid na nga sa resort at kinakabahan sya na baka maiputok ni Jessa ang baril sa kanyang anak."Paalisin nyo sila. Bakit may mga pulis?" galit pa na sigaw muli ni Jessa."Anak calm down. Akong bahala sa'yo. Hindi kita pababayaan. Hindi ka naman sasaktan ng mga pulis kaya kumalma ka lang anak at ibaba mo na muna yang baril na hawak mo. Makinig ka kay daddy please," sabi ni Johnny kay Jessa."Jessa please ibaba mo yang baril mo. Natatakot na ang bata. Wag mo na lamang pansinin pa ang mga pulis. Ako na ang bahala sa'yo kaya
CHAPTER 131Bigla namang napangiti si Jessa ng makita nga nya na hawak na ng kanyang ama si Lucas. Pero hindi pa rin nagpaka kampante si Jessa at hindi pa rin nya binibitawan ang bata na wala ng tigil sa pag iyak dahil sa takot."Pwede ba. Wag kang iyak ng iyak r'yan. Nakakarindi ka na," singhal ni Jessa kay Brylle at hinila pa nga nito ang damit ng bata.Bigla namang nagalit si Lucas dahil sa ginawa ni Jessa dahil alam nya lalong natakot ang bata dahil sa ginawa nito at alam din nya na nasaktan si Brylle sa ginawa ni Jessa."Sh*t. Wag mong sktan ang anak ko. Sasama na nga ako sa'yo sinasaktan mo pa ang bata," galit na sigaw ni Lucas kay Jessa."Tsk. Nakakarindi na kasi iyak ng iyak," inis din naman na sagot ni Jessa at sinamaan pa nga nya ng tingin ang bata"Tinatakot mo kasi ang bata paanong hindi yan iiyak. Pakawalan mo na kasi sya," galit din naman na sagot ni Lucas."Calm down Lucas. Hindi natin mapapaamo si Jessa kung magagalit ka ng ganyan sa kanya. Sakyan mo na lamang din ang
CHAPTER 130"Brylle," sigaw ni Ayesha ng makuha nga ni Jessa ang kanyang anak. Hindi nya kasi napaghandaan ang naging kilos nito kaya agad nitong nahila ang isa nyang anak.Agad naman na lumayo si Jessa kila Ayesha ng mahila nya nga ang isa sa kambal. Tatawa tawa pa nga ito habang hawak hawak nya ang bata."Mommy," umiiyak na sigaw ni Brylle. Takot na takot na nga ito dahil may hawak nga na baril si Jessa."Bitawan mo ang anak ko," umiiyak na sigaw ni Ayesha.Agad naman na linapitan ni Lucas si Ayesha at ang isa pa nilang anak at saka nya ito mahigpit na yinakap. Naikuyom na lamang din nya ang kanyang kamao dahil hawak hawak nga ni Jessa si Brylle."Sabi ko naman sa inyo. Simple lang ang gusto ko at iyon ay ang mabawi si Lucas. Ngayon kung hindi nyo ibibigay sa akin si Lucas ay akin na lamang itong anak ninyo," sabi ni Jessa kila Ayesha.Naipikit na lamang ng mariin naman ni Johnny ang kanyang nga mata dahil nahalata nga sya ni Jessa na papalapit sa kanya kaya bigla nitong hinila ang
CHAPTER 129"At sino ang dapat na maging masaya? Kayong dalawa ng mang aagaw na to? Tsk. Hindi ako makapapayag Lucas dahil akin ka lang. Akin lang. Sa sobrang tagal ko na naghintay sa'yo. Ilqng taon na tayong engage tapos dadating lang bigla itong babae na ito at agad ka nyang aagawin sa akin. Hindi ako makapapayag non Lucas. Hinding hindi," galit pa na sigaw ni Jessa kay Lucas.Naikuyom naman lalo ni Lucas ang kanyang kamao dahil hindi nya talaga mapakiusapan ng maayos si Jessa. Hindi rin nya alam kung paano ba nya malalapitan ang kanyang mag iina na takot na takot na sa mga nangyayare."Jessa anak please itigil mo na ito," sigaw ni Johnny ang ama ni Jessa na kararating lamang roon.Kanina pa talaga nya pinipigilan si Jessa na manggulo sa kasal nila Lucas at Ayesha pero natakasan nga sya nito. At lalo pa nga syang kinabahan ng makita nya na wala na roon ang kanyang baril at ng makita nga nya sa cctv ay kinuha pala iyon ni Jessa at agad na umalis. Kaya naman agad na nga nya itong sinu