CHAPTER 16"Mabuti naman at bumaba ka na," agad na sabi ni Rita kay Ayesha pagkakita nya rito. "Anak may problema ba? May nararamdaman ka ba? Pwede ka naman magsabi sa amin," dagdag pa ni Rita dahil totoong nag aalala na sya kay Ayesha. Napapansin na rin nya kasi na medyo namumutla nga ito at parang laging hinang hina kung kumilos."Wag nyo na lamang po akong pansinin mom. Pagod lang po siguro ako kaya po ako nagkakaganito," sagot ni Ayesha."Sigurado ka ba anak? Pwede naman ka namang magpacheck up na muna," sagot ni Rita."Mom ayos lang po ako. Don't worry," nakangiti pa na sagot ni Ayesha saka sya naglakad papunta sa kusina balak nyang kumain na muna bago sya umalis ng kanilang bahay pero biggla naman natigilan si Ayesha sa paghakbang nya ng bigla nyang maamoy ang kung anong linuluto roon. Napatakip pa sya ng ilong nya dahil hindi nya gusto ang amoy ng linuluto."Manang ano po yan? Bakit ang baho po ata," tanong na ni Ayesha sa kanilang kasambahay dahil talagang bahong baho siya sa
CHAPTER 17"Girl ayos ka lang ba? Sabi ko naman kasi sa'yo dahan dahan lang. Wala ka naman kasing kaagaw pero kung makasubo ka kala mo andami nyong kumakain," sabi ni Janna kay Ayesha ng mapansin nya na bigla itong natigilan sa pagkain.Napakurap kurap naman ng mata si Ayesha ng hindi nya namalayan na nasa harapan na pala nya ang kaibigan."Ha? Ah... Eh... W-wala ito. Wag mo na lamang akong pansinin," pilit ang ngiti na sabi ni Ayesha saka sya muling sumubo ng carbonara pero binagalan na nya ngayon ang pagsubo nito.Ilang oras din na namalagi si Ayesha sa bahay ni Janna bago sya nagpasyang umalis at umuwi na. Pipigilan pa sana sya ni Janna pero hindi na sya pumayag dahil baka hanapin na sya ng kanyang ina dahil hindi sya nakapagpaalam dito.Bago sya umuwi sa kanilang bahay ay dumaan na muna sya sa botika at may binili lamang sga rito at agad na rin naman syang umuwi sa kanilang bahay.Pagakarating ni Ayesha sa kanilang bahay ay agad na syang dumiretso sa kanyang silid at hindi na na
CHAPTER 18Bigla namang kinabahan si Ayesha dahil baka malaman ng kanyang ina na buntis sya kapag pinacheck up sya nito. Kaya pilit nyang inayos ang kanyang sarili at pinilit na kumilos ng ayos kahit na medyo nahihilo pa rin talaga sya."Mom ayos lang po talaga ako. Hindi nyo na po kailangan pa na ipacheck up ako. Baka kulang lamang po ako sa exercise kaya po ako nagkakaganito," sagot ni Ayesha sa kanyang ina. Mataman na pinakatitigan ni Rita si Ayesha."Anak alam kong may nararamdaman ka. Pwede ka naman magsabi sa akin para naman masamahan kita na makapagpa check up," sagot ni Rita."Hindi ko na po kailangang magpa check mom. Okay lang po talaga ako mom. Wag nyo na po akong alalahanin. Siguro po ay masyado lamang akong napagod kanina kaya po ako nagkakaganito," pagdadahilan pa ni Ayesha at pilit nyang nginingitian ang kanyang ina para hindi sya mahalata nito.Napabuntong hininga na lamang si Rita dahil mukhang ayaw talagang magpacheck up ni Ayesha at hindi nya ito mapilit ngayon."S
CHAPTER 19Agad naman na tinawagan ng staff ng naturang boutique ang pamilya ni Ayesha upang ibalita rito ang nangyare sa dalaga kaya agad na itong nalaman ni Rita.Dali dali na nga na nagpunta si Rita sa ospital na sinabi ng staff ng boutique kung nasaan si Ayesha ngayon. Nag aalala sya para kay Ayesha dahil nitong nga nakaraang araw pa nya ito napapansin na matamlay pero hindi naman kasi nagsasabi ang kanyang anak kung may masama ba itong nararamdaman at kanina lang din ay inaaya na nya itong magpacheck up pero tinanggihan ito ng kanyang anak.Pagkarating ni Rita sa ospital ay agad na syang dumiretso sa emergency room ng naturang ospital at agad na hinanap ng paningin nya si Ayesha. Nang makita nya ito ay agad na rin syang lumapit dito at nakita nya na may kasama pa ito roon marahil ay staff ito sa boutique na pinuntahan ni Ayesha base na rin sa suot nitong damit. Habang si Ayesha naman ay mukhang mahimbing na natutulog."Good morning ma'm isa po akong staff sa boutique at sinamaha
CHAPTER 20"Mom sorry po," sabi ni Ayesha sa kanyang ina at hindi na rin nya napigilan pa ang pagpatak ng luha nya.Nagtataka naman na tinitingnan ni Rita ang kanyang anak. Pwede naman nitong sabihin na lang sa kanila kung sino ang ama ng kanyang ipinagbubuntis dahil handa naman sila na tanggapin ito."Anak hindi naman kami magagalit sa'yo. Sabihin mo lang kung sino ang ama ng batang dinadala mo para mapanagutan ka nya. At isa pa ay nariyan na yan at wala na rin naman tayong magagawa pa," sagot ni Rita sa anak."Mom hindi ko po alam," sagot ni Ayesha.Nangunot naman ang noo ni Rita dahil sa sagot ni Ayesha. Naguguluhan sya sa sinabi nito."Anong hindi mo alam? Anong ibig mong sabihin na hindi mo alam?" sunod sunod na tanong pa nya kay Ayesha.Hindi naman malaman ni Ayesha kung paano ba nya ipapaliwanag sa kanyang ina ang nangyare sa kanya kaya sya nabuntis. Akmang magsasalita na sana si Ayesha ng biglang namang dumating ang nurse para tingnan si Ayesha."Good morning po ma'm," bati ng
CHAPTER 21"Ngayon pwede mo na bang ipaliwanag sa akin kung nasaan ang ama ng dinadala mo Ayesha," seryosong sabi ni Rita sa kanyang anak ng makauwi na sila galing ospital.Napabuntong hininga naman si Ayesha saka nya hinarap ang kanyang ina na mukhang inip na inip ng malaman kung sino ang ama ng ipinagbubuntis nya."Mom i'm sorry. H-hindi ko po talaga alam kung sino ang ama ng dinadala ko," nakayukong sabi ni Ayesha sa kanyang ina."Paanong hindi mo alam? Ano yan nahanginan ka kaya ka nabuntis? Ayesha naman hindi naman kami magagalit sa'yo at sa nakabuntis sa'yo sabihin mo lang sa amin kung sino at handa kami na tanggapin sya kung sino man sya," sagot ni Rita kay Ayesha at medyo napapataas na rin ang tono ng boses nya dahil hindi nya talaga maintindihan ang kanyang anak."Mom totoo po ang sinasabi ko hindi ko po talaga alam kung sino," sagot ni Ayesha na naluluha na dahil hindi nya alam kung paano ba nya sisimulang ipaliwanag ito sa kanyang ina dahil nahihiya sya sa ginawa nya."So
CHAPTER 22"Paano natin ito sasabihin sa mga Madrigal?" muli ay tanong ni Rita sa kanyang asawa dahil ngayon pa lang ay hindi na talaga nya alam kung paano ba ito sasabihin sa mga ito. At hindi nya alam kung paano nya haharapin ang mga ito dahil nakakahiya sa mga Madrigal dahil inaayos na ng mga ito ang tungkol sa kasal."Mas makabubuti na sabihin na natin sa kanila habang maaga pa. Dahil mas nakakahiya kung sasabihin natin ito kung kelan malapit na talaga ang kasal. Maiintindihan naman siguro nila tayo kung magpapaliwanag tayo ng maayos sa kanila," sagot ni Daniel sa kanyang asawa kahit na ang totoo ay kinakabahan na rin sya kung paano nila haharapin ang mga Madrigal.Nag usap pa silang mag asawa at napagpasyahan nila na bukas na bukas din ay haharapin na nila ang mga Madrigal dahil mas maganda na habang maaga pa ay maitigil na ang pagsasaayos ng tungkol sa kasal.Maya maya ay tinawag na rin nila si Ayesha upang kumain at para na rin makainom ito ng gamot. Hindi na nila muna ito tina
CHAPTER 23Pagkarating ni Rita sa bahay ng mga Madrigal ay sobrang lakas ng kabog ng dibdib nya at hindi nya malaman kung paano ba nya haharapin ang mga ito. Pero naisip nya na dapat na nya itong sabihin sa mga ito habang maaga pa.Agad naman na sinalubong si Rita ng isa sa mga kasambahay ng mga Madrigal at dinala sya sa garden kung saan naghihintay sa kanya si Shiela roon."Mrs. Salcedo tila ata napaka importante ng iyong sasabihin at talagang sinadya mo pa talaga ako rito," agad na sabi ni Shiela kay Rita pagkarating nito.Agad naman na nakipagbeso si Rita kay Shiela at saka sya naupo sa kaharap na upuan nito."Ahm. P-pasensya ka na kung naistorbo kita ngayong hapon," panimula ni Rita at saglit muna syang natigil sa pagsasalita ng dumating ang kasambahay nila Shiela na may dalang pagkain para sa kanila.Naghihintay naman si Shiela ng susunod na sasabihin ni Rita."Mrs. M-Madrigal a-alam ko po na m-malaking abala itong n-nagawa namin sa inyo kaya ngayon pa lamang po ay h-humihingi na