The Billionaire's Baby Maker

The Billionaire's Baby Maker

last updateLast Updated : 2023-08-15
By:   Jin  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
5 ratings. 5 reviews
60Chapters
15.3Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Lumaki sa hirap si Lyana Dela Merced kaya't maaga siyang namulat sa realidad. Hindi siya pinanagutan ng dating karelasyon at kapagkuwan ay namatay din ang anak niya dahil sa sakit. Mahirap mang tanggapin ang pagkamatay ng anak, pinilit pa rin ni Lyana na bumangon at huwag malugmok sa lungkot dahil sa kaniya umaasa ang kapatid na may sakit sa pag-iisip. Raket dito, raket doon-- lahat na ng trabahong maaari niyang mapagkuhanan ng pera sa legal na paraan ay natanggap na niya. Kaya naman nang isang gabi ay alukin siya ng kaibigang doktor ng trabaho para sa pamilya ng mga Tejada, agad niya itong tinanggap. Subalit mukhang nabahag ang buntot ni Lyana nang malamang hindi lamang simpleng trabaho ang inio-offer ng mga ito sa kaniya. Instead of being just a normal housekeeper, they want her to be a surrogate mother. Ayon sa kaibigang doktor, hindi magkaanak ang mag-asawa kaya't gusto siya ng mga itong kuhanin bilang surrogate. Would she accept the offer and be the billionaire's baby maker or just let the opportunity slip away because she's still longing for her child? Paano kung makalipas ang ilang taon ay muling pagtagpuin ng tadhana ang biyudong si Preston Tejada at ang naging surrogate ng anak nito na si Lyana Dela Merced? Maitatama kaya ni Lyana ang maling ginawa niya noon sa pamilya ng mga Tejada o unti-unti lamang mahuhulog ang loob niya sa binata?

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter One

“Balita ko, nahuli na raw ng pulis si Gab, ah?”Napatigil ako sa pag-inom ng tubig nang marinig ang sinabi ng kaibigan kong si Jasrylle. Malakas akong bumuntong hininga at nagkibit balikat. “Talaga?” tanging sambit ko. “Dapat lang sa kaniya ‘yon, gago siya. Kulang pa ang salitang hayop para sa kaniya. Hindi ka na nga pinanagutan, hindi ka pa tinulungan noong may sakit ang inaanak ko. Kung sana lang ay tinulungan ka niya e ‘di sana…” Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin nang malakas na akong bumuntong hininga. Itinikom niya ang kaniyang bibig at pekeng umubo. “Sorry na, hindi ko naman sinasadyang banggitin ulit ang tungkol doon. Nakakagigil lang, tangina niya talaga! Kung ako lang sana ang masusunod, hahayaan ko na siyang mabulok sa kulungan dahil sa ginawa niya. Walang puso ang gagong iyon. Wala ring itlog,” may halong inis na dagdag niya. Nanatili akong tahimik. Gustuhin ko mang magsabi rin ng masama tungkol sa lalaking iyon ay hindi ko na nagawa. Sapat na ang gabi-gabi kong pa...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Rj Ocampo Layo
nag eenjoy kasi aku nag babasa sana mapabilis update thanks
2023-08-09 21:52:11
1
user avatar
Rj Ocampo Layo
sana mabilis pag update para mabasa agad thanks
2023-08-09 21:51:18
0
user avatar
Margie Rodriguez
update please ang ganda ng story
2023-06-23 00:04:49
0
user avatar
Dhang Borinaga
update plssssss......
2023-06-19 07:44:17
0
user avatar
Jerra Mae Trinidad
Sobrang ganda
2023-06-18 22:54:28
0
60 Chapters
Chapter One
“Balita ko, nahuli na raw ng pulis si Gab, ah?”Napatigil ako sa pag-inom ng tubig nang marinig ang sinabi ng kaibigan kong si Jasrylle. Malakas akong bumuntong hininga at nagkibit balikat. “Talaga?” tanging sambit ko. “Dapat lang sa kaniya ‘yon, gago siya. Kulang pa ang salitang hayop para sa kaniya. Hindi ka na nga pinanagutan, hindi ka pa tinulungan noong may sakit ang inaanak ko. Kung sana lang ay tinulungan ka niya e ‘di sana…” Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin nang malakas na akong bumuntong hininga. Itinikom niya ang kaniyang bibig at pekeng umubo. “Sorry na, hindi ko naman sinasadyang banggitin ulit ang tungkol doon. Nakakagigil lang, tangina niya talaga! Kung ako lang sana ang masusunod, hahayaan ko na siyang mabulok sa kulungan dahil sa ginawa niya. Walang puso ang gagong iyon. Wala ring itlog,” may halong inis na dagdag niya. Nanatili akong tahimik. Gustuhin ko mang magsabi rin ng masama tungkol sa lalaking iyon ay hindi ko na nagawa. Sapat na ang gabi-gabi kong pa
last updateLast Updated : 2022-06-09
Read more
Chapter Two
“Ano ba namang klaseng sayaw ‘yan, Lyana? Umayos ka nga, para kang poste riyan.” Mas lalong uminit ang ulo ko nang marinig ang sinabi ni Jasrylle kaya’t sa halip na humarap sa salamin ay sa kaniya ako tumingin. “Sinabi ko naman sa ‘yo na wala akong alam sa mga pagani-paganito, ‘di ba? Sabi mo naman sa akin, kaya ko—“ “Ang sabi ko kasi, gumiling-giling ka lang. Eh sa ginagawa mong ‘yan, para kang baboy na kinakatay, e. Kaloka ka, ha! Nahahaggard ang beauty ko sa ‘yo,” reklamo niya pa at pinaypayan ang kaniyang sarili. “Grabe ka na, ‘teh. Grabe ka na. Puwede ka ng maging human poste sa lagay na ‘yan. Poste ‘yan? Kawayan ka girl?” Umirap ako dahil sa sinabi niya at hinilot ang aking sintido. Kanina pa kami nagpapractice sumayaw dahil sabi niya, dadalhin niya raw ako mamayang gabi sa bar kung saan siya nagtatrabaho at ipapakilala sa amo niya. Tinuturuan niya ako dahil ayon sa kaniya, nagpapasample raw iyong Mamita niya sa pagsasayaw at hindi ako matatanggap hangga’t hindi ako sumasayaw
last updateLast Updated : 2022-06-09
Read more
Chapter Three
“So you’re telling me that you were there because you’re applying for a job? Sa lugar na iyon talaga?” Kinagat ko ang aking ibabang labi at nagbaba ng tingin. Malakas na bumuntong hininga si Dra. Vallero kaya’t hindi ko maiwasang kainin ng hiya. Dati ko siyang kaklase noong High School kaya’t medyo nakakapanliit na makita siyang maganda na ang buhay at may maayos na trabaho tapos ako… heto. “How about your son? Kumusta na siya? Ngayon na lamang ulit ako bumalik dito sa PIlipinas kaya’t pinagpaplanuhan ko pa na bisitahin kayo. Hindi ko naman inaasahan na sa ganoong klase ng lugar pa kita makikita,” dagdag na tanong niya. Mas lalong bumigat ang aking paghinga at hindi kaagad nakasagot. Si Doktora Vallero ang nagpaanak sa akin noon. Wala akong pambayad sa hospital at wala rin akong ibang kasama. Mabuti na lamang at saktong siya ang naka-duty kaya’t siya na ang nagpaanak sa akin kahit na hindi ko pa alam kung saan ako kukuha ng ipambabayad. Tinulungan niya rin ako sa pagbabayad ng bill
last updateLast Updated : 2022-06-09
Read more
Chapter Four
“Ha? Surrogate?” Hindi makapaniwalang tanong ko at itinuro ang aking sarili. “A-Ako?” Marahan siyang tumango at sinenyasan ako na lumapit sa kaniya. Naguguluhan man ay sumunod pa rin ako at tuluyan nang lumapit pa sa kaniya. “It’s a secret. Huh? Ang totoo kasi niyan, kaya pumunta ako roon sa bar ay dahil kilala ko si Mamita. Hihingi sana ako ng tulong sa kaniya sa paghahanap ng surrogate—“ “E ‘di ba sabi mo sa akin, may ano na naman kayo, may agency na? Bakit hindi ka nalang doon maghanap ng surrogate sa agency niyo? Malay mo, may HIV pa ‘yong makuha mo, mas lalo kang mapapahamak kapag ganoon,” pagputol ko sa sasabihin niya. Agad naman niya akong sinenyasan na babaan ko ang boses ko dahil nasa coffee shop pa rin kami at baka may makarinig sa pinag-uusapan namin. Mabilis naman akong tumango bilang pagsunod. “Sa agency kasi namin, dapat ang mga supposedly parents ang pupunta roon. Pero sa sitwasyon kasi ng pinsan ko, hindi sila puwedeng umalis ng bansa kasi mahahalata ng pamilya
last updateLast Updated : 2022-06-09
Read more
Chapter Five
“Anong kailangan kong magbayad? Aba, ineng. Maayos akong nagmamaneho at ‘yang kapatid mo ang bigla na lamang tumawid. Hindi ko na kasalanan pa na tatanga-tanga ‘yang kapatid mo—“ “Ituloy ho niya ‘yang sasabihin niyo at kayo na ang susunod na nakahiga rito sa tabi ng higaan ng kapatid ko,” seryosong banta ko sa lalaking aking kaharap. Malakas akong bumuntong bago tumingin kay Thirdy na kagagaling lamang sa pag-iyak. May benda ang ulo niya dahil sa pagkakabangga ngunit laking pasasalamat ko na hindi naman pala gaanong kalala ang natamo niya. “L-Lyana, kasi ano…” Ibinalik ko ang tingin ko kay Tiyang nang magsalita siya. “S-Si Thirdy naman kasi talaga ang may a-ano, may kasalanan. T-Tumawid kasi siya t-tapos...” “Oh? Narinig mo naman yata ang sinabi niyang matandang ‘yan,” matapobreng sambit ng lalaking nakabangga kay Thirdy kaya’t bahagya kong ipinikit ang aking mga mata upang ikalma ang aking sarili.Nang makakalma na ako ay saka ko siya tinaasan ng kilay. “Kayo ho ang nakabangga sa
last updateLast Updated : 2022-06-09
Read more
Chapter Six
“Ho? Hindi naman ho yata pwede ‘yan. Dalawang buwan palang naman akong hindi nagbabayad ng renta, bakit kailangan niyo akong palayasin kaagad? Sinabi ko naman ho na magbabayad ako, ‘di ba?” “Aba, aba. Ikaw na nga ‘tong may utang, ikaw pa ‘tong matapang at akala mo kung sino.” Muntik na akong mapasigaw nang batuhin ako ni Aling Lena, ang may-ari ng ‘apartment’ na tinutuluyan ko ng babasaging mug. Mabuti na lamang at nakaiwas ako dahil kung hindi, siguradong pati ako, mapupunta sa hospital kasama ni Thirdy. Malakas akong bumuntong hininga at taas noong nag-angat ng tingin sa kaniya. “Hindi ako aalis dito. Magbabayad naman ako---“ “Oh, e ‘di akin na.” Inilahad niya ang palad sa harap ko kaya’t ilang beses akong napakurap. “Akin na ang bayad nang hindi kita mapalayas dito. Aba, tao lang din ako na nangangailangan ng pera tulad mo, Lyana. Kung hindi ka naman magbabayad ng renta, mabuti pang umalis kana rito at nang mapakinabangan ko naman ang bahay na ‘yan.” “Magbabayad ho ako—“ “Akin
last updateLast Updated : 2022-07-07
Read more
Chapter Seven
“Ang aga mo yata rito? Dito ka na ba natulog?” Napatigil ako sa pagtitiklop ng mga damit nang marinig ko ang boses ni Tiyang. Ni hindi ko na nga namalayan ang pagbukas ng pintuan at pagpasok niya dahil masiyado akong abala sa ginagawa ko. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at tumigil sa pagtitiklop ng damit. “Dito na ho ako natulog, Tiyang. Walang magbabantay kay Thirdy,” katwiran ko. Wala na akong balak pang sabihin sa kaniya na napalayas ako sa tinitirahan ko dahil siguradong mas lalo lang sasama ang loob niya. Dahil mabait siya, nakasisiguro rin akong mag-ooffer siyang tumira muna kami ni Thirdy sa bahay niya. Oo at maganda ang offer niyang iyon dahil wala na akong babayarang renta pero alam ko rin naman na pagmumulan lang iyon ng away ng pamilya niya. “Nakatulog ka na ba? Baka naman magdamag kang nagbantay, ha.” Sa halip na sagutin siya at tipid lamang akong ngumiti at itinabi ang mga damit na tinitiklop ko. “May pupuntahan po ako mamaya, Tiyang. Anong oras po ba kayo aalis dit
last updateLast Updated : 2022-07-07
Read more
Chapter Eight
“Sa ibang bansa ako titira?” Marahang tumango si Doctora Vallero at may kung anong larawang ipinakita sa akin. Naka-print na iyon sa papel kaya’t mataman ko iyong tiningnan. Picture iyon ng bahay… na hindi ko naman alam kung para kanino at kung anong dahilan at ipinakita niya iyon sa akin. “A-Ano ‘to?” “Bahay mo. Diyan ka titira for the whole year. Bahala ka kung gusto mong isama ang kapatid mo o kung gusto mo siyang iwan dito. It’s up to you. Basta sagot ng pinsan ko ang lahat ng pangangailangan mo at ng pamilya mo… just bear his child and everything would be all right.” Napalunok ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung gaano kayaman ang pinsan niya at pati ang tutuluyan kong bahay ay siya rin ang magssponsor. Nakakahiya man pero hindi na ako tumanggi pa lalo pa’t pinalayas nga ako sa tinutuluyan kong bahay. Saka isa pa, mayaman sila. Papayag nga ba naman sila na sa masikip, marumi, at magulong iskwater ko ipagbuntis ang magiging anak nila. Muli kong ibinalik ang tingin ko
last updateLast Updated : 2022-07-07
Read more
Chapter Nine
“Sinasabi mo bang dito na kami titira ni Thirdy?” Hindi makapaniwalang tanong ko kay Doctora Vallero nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya. Hindi pa man siya nakakasagot ay agad ko nang inilibot ang aking paningin sa loob ng bahay at manghang umawang ang aking mga labi sa laki nito. Sa buong buhay ko ay ngayon lamang ako nakatuntong sa ganitong klaseng bahay kaya’t para akong nananaginip dahil sa labis na saya. Mahinang tumawa si Doctora Vallero. “Nagustuhan mo ba? Hindi ‘to kasing-laki ng bahay na dapat ay tutuluyan natin sa ibang bansa dahil nasa probinsiya tayo kaya’t nahirapan ako sa paghahanap ng maganda at kumportableng bahay dito. Ayos na ba?” tanong niya. “Siyempre naman!” Mabilis na sagot ko at sunod-sunod na tumango bilang sagot sa kaniya. Agad ko namang ibinaling ang aking tingin sa gawi ni Thirdy. Naka-wheelchair pa rin siya dahil sa sugat na natamo sa aksidente ngunit bakas din sa kaniyang mukha ang pagkamangha sa bahay. “Nagustuhan mo ba, Thirdy?” Bahagyang nag-ang
last updateLast Updated : 2022-07-07
Read more
Chapter Ten
“Araw-araw ka bang nagtuturok tulad ng sinasabi ko?” tanong ni Doctora Vallero habang kinukuha ang BP ko. Dahan-dahan akong tumango bilang tugon. “Nagtuturok ako ng Lupron araw-araw tapos Delestrogen naman pagkatapos ng dalawang araw,” sagot ko. Napatango siya matapos marinig ang sinabi ko at tuluyan nang binitiwan ang aking braso. “All right, very good. So far, ayos naman, ano?” “Oo,” maikling sagot ko sa tanong niya dahil sa labis na kaba. Mukha namang napansin niya na kinakabahan ako dahil tinapik niya ang aking balikat, marahil ay para pakalmahin ako. “You can now lay down on the bed so I can check you. Kailangan muna nating masiguro na handa ka na for the embryo transplant.” “P-Paano kung hindi pa?” “Then we’re going to wait until you’re ready,” mahinahong sambit niya at muli akong nginitian. Napalunok ako. “P-Paano naman kung handa na ang katawan ko na magbuntis?” Muling tinapik ni Doctora Vallero ang aking balikat bago pumunta sa table niya at may kinuhang papel. Ibinig
last updateLast Updated : 2022-07-07
Read more
DMCA.com Protection Status