“Sa ibang bansa ako titira?” Marahang tumango si Doctora Vallero at may kung anong larawang ipinakita sa akin. Naka-print na iyon sa papel kaya’t mataman ko iyong tiningnan. Picture iyon ng bahay… na hindi ko naman alam kung para kanino at kung anong dahilan at ipinakita niya iyon sa akin. “A-Ano ‘to?” “Bahay mo. Diyan ka titira for the whole year. Bahala ka kung gusto mong isama ang kapatid mo o kung gusto mo siyang iwan dito. It’s up to you. Basta sagot ng pinsan ko ang lahat ng pangangailangan mo at ng pamilya mo… just bear his child and everything would be all right.” Napalunok ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung gaano kayaman ang pinsan niya at pati ang tutuluyan kong bahay ay siya rin ang magssponsor. Nakakahiya man pero hindi na ako tumanggi pa lalo pa’t pinalayas nga ako sa tinutuluyan kong bahay. Saka isa pa, mayaman sila. Papayag nga ba naman sila na sa masikip, marumi, at magulong iskwater ko ipagbuntis ang magiging anak nila. Muli kong ibinalik ang tingin ko
“Sinasabi mo bang dito na kami titira ni Thirdy?” Hindi makapaniwalang tanong ko kay Doctora Vallero nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya. Hindi pa man siya nakakasagot ay agad ko nang inilibot ang aking paningin sa loob ng bahay at manghang umawang ang aking mga labi sa laki nito. Sa buong buhay ko ay ngayon lamang ako nakatuntong sa ganitong klaseng bahay kaya’t para akong nananaginip dahil sa labis na saya. Mahinang tumawa si Doctora Vallero. “Nagustuhan mo ba? Hindi ‘to kasing-laki ng bahay na dapat ay tutuluyan natin sa ibang bansa dahil nasa probinsiya tayo kaya’t nahirapan ako sa paghahanap ng maganda at kumportableng bahay dito. Ayos na ba?” tanong niya. “Siyempre naman!” Mabilis na sagot ko at sunod-sunod na tumango bilang sagot sa kaniya. Agad ko namang ibinaling ang aking tingin sa gawi ni Thirdy. Naka-wheelchair pa rin siya dahil sa sugat na natamo sa aksidente ngunit bakas din sa kaniyang mukha ang pagkamangha sa bahay. “Nagustuhan mo ba, Thirdy?” Bahagyang nag-ang
“Araw-araw ka bang nagtuturok tulad ng sinasabi ko?” tanong ni Doctora Vallero habang kinukuha ang BP ko. Dahan-dahan akong tumango bilang tugon. “Nagtuturok ako ng Lupron araw-araw tapos Delestrogen naman pagkatapos ng dalawang araw,” sagot ko. Napatango siya matapos marinig ang sinabi ko at tuluyan nang binitiwan ang aking braso. “All right, very good. So far, ayos naman, ano?” “Oo,” maikling sagot ko sa tanong niya dahil sa labis na kaba. Mukha namang napansin niya na kinakabahan ako dahil tinapik niya ang aking balikat, marahil ay para pakalmahin ako. “You can now lay down on the bed so I can check you. Kailangan muna nating masiguro na handa ka na for the embryo transplant.” “P-Paano kung hindi pa?” “Then we’re going to wait until you’re ready,” mahinahong sambit niya at muli akong nginitian. Napalunok ako. “P-Paano naman kung handa na ang katawan ko na magbuntis?” Muling tinapik ni Doctora Vallero ang aking balikat bago pumunta sa table niya at may kinuhang papel. Ibinig
“Anong problema ang sinasabi ng mga ‘to? Austin, hindi ako natutuwa, ha.” Wala sa sarili akong napatigil sa paglalakad nang marinig ang boses ni Doctora Vallero sa loob ng silid na ginagamit nila bilang clinic nitong mga nagdaang buwan. “Eh kasi Doctora Vallero, sinasabi nitong intern na may nagawa siyang kasalanan—“ “Hindi ba’t sinabi ko na ayusin niyo ang trabaho niyo? God! Ikaw ang nag-recruit diyan kahit na sinabi ko namang huwag na dahil walang karanasan tapos ngayon, sinasabi mong may nagawang kasalanan? The fuck? Paano pa maitatama ‘yan eh kaunti na lamang at manganganak na si Lyana?” Tila napintig ang aking mga tainga nang marinig ko ang pangalan ko mula kay Doctora Vallero. Napahawak ako sa malaki kong tiyan nang banggitin niya iyon. Pitong buwan na ang nakakalipas nang magtagumpay ang embryo transplant na ginawa nila. Akala nila ay hindi kaagad makakabuo dahil iyon ang karaniwang nangyayari sa ibang surrogate mother ngunit laking pasasalamat namin nang unang beses lamang
After six years… “Jarvis, anong sabi ko sa ‘yo? ‘Di ba sabi ko, huwag kang makipag-away sa school? Bakit pinapatawag na naman ako ng teacher mo? Ang bata-bata mo pa pero lagi ka nang napapaaway,” suway ko sa anak ko habang pinupunasan siya ng pawis sa likod. “Mama, kapag pinatawag ka sa school, masama na ako kaagad? Paano kapag very good ako, e ‘di pahiya ka na niyan?” Hindi ko mapigilang mapairap nang marinig ang sinabi niya. “Sino na naman bang nagturo sa ‘yo niyang mga salitang ‘yan, ha, Jarvis? ‘Di ba sabi ko sa ‘yo—“ “Gumamit po ako ng po at opo,” pagputol niya sa sasabihin ko bago mahinang tumawa. “Hindi ba pwedeng nakalimutan ko lang… po.” Malakas akong bumuntong hininga bago marahang napailing. “Sinasabi ko talaga sa ‘yo, Jarvis. Grade one ka palang pero palagi ka ng napapa-away at palagi akong naipapatawag ng teacher mo sa school. Hala ka. Gusto mo bang sabihin ng mga iyon na masama akong nanay dahil hindi kita tinnuturuan nang mabuting asal, ha?” sermon ko pa. “Eh kasi
“Sure ka bang hindi scam ‘tong trabaho na ‘to, Jasrylle? Baka mamaya, ibugaw mo na naman ako, ha. Sinasabi ko sa ‘yo, quoting-quota ka na. Isa pang aya mo sa akin sa ganiyang trabaho, hindi na talaga kita kakausapin kahit kailan.” Umismid si Jasrylle at umirap dahil sa sinabi ko. “Ano ka ba naman, sismars? Hindi ‘yon bugaw, ano. Ang sabi ko lang naman, samahan mong uminom ‘yong mga matandang hukbluban sa bar. Hindi ko naman sinabing ikama mo. Saka ang arte mo, ha. Naka-dalawang anak ka na nga, feeling virgin ka naman diyan,” prangkang sambit niya. Wala akong nagawa kung hindi ang umirap sa kaniya bago binuksan ang pintuan ng silid namin ni Jarvis. Iniwan ko silang dalawa rito ni Jasrylle kanina dahil inihatid ko pa si Thirdy kina Tiyang para roon muna pansamantala. Hindi ko pa rin naman alam kung matatanggap ako sa trabaho kaya’t naisipan kong isama si Jarvis para ipaalam sa magiging amo ko na may anak ako at isasama ko ang anak ko kung sakali mang matanggap nga ako sa pag-aapplyan
“Mama… laki…” Ilang beses akong napakurap habang nakatingin sa bahay—o mansion, sa harapan namin. Akala ko noon ay pinakamalaking bahay na ang natuluyan ko ngunit ngayon, parang naging kuwarto na lamang ang bahay na iyon dahil ang bahay na nasa aming harapan ay tila isang palasyo. Napangiwi ako. Palasyo na may nakatirang evil king at evil princess. “Mama, may princess ba sa loob?” Mahinang tanong sa akin ni Jarvis. Sobrang higpit ng hawak niya sa aking braso na animo’y takot na takot na baka mawala siya sa tabi ko. Bumuntong hininga ako at nagkibit balikat. “Evil princess daw sabi ni Manang Lerma, Jarvis,” pagtatama ko sa kaniya. Napatango naman si Jarvis bilang pagsang-ayon sa sinabi ko. Sakto namang nakapagbayad na si Manang Lerma sa tricycle na sinakyan namin kaya’t ibinalik ko na sa kaniya ang tingin ko. “Manang Lerma, sigurado ho ba kayo na hindi kami magbabayad ni Jarvis? Mahal ho yata ang pamasahe sa tricycle rito, e,” nag-aalangan kong tanong sa kaniya. Mahina naman siy
“Dito ang kuwarto niyong dalawa. May kasama ka kasing bata kaya hindi na tayo kasya sa maid’s quarter kaya sinuhestiyon ko kay Sir na rito na lamang kayo dahil wala namang tumutuloy sa kuwartong ‘to.” Marahan akong tumango bilang sagot kay Manang Lerma habang iniikot ang paningin ko sa silid kung saan kami matutulog ni Jarvis. Agad namang binitiwan ni Jarvis ang aking kamay at nagtatakbo patungo sa kama. Ibinagsak niya ang katawan doon kaya’t nanlaki ang aking mga mata sa gulat at pag-aalala na baka nasaktan siya ngunit laking pasasalamat ko nang magpakawala siya ng mahinang tawa habang nakahiga. “Mama… lambot…” tumatawang sambit niya. Hindi ko naman mapigilang mapangiti matapos marinig ang sinabi niya. Maliit kasi at medyo matigas ang kamang hinihigaan namin sa bahay noon kaya marahil ay excited na excited si Jarvis dahil sa wakas ay kahit papaano, maluwang at malambot na ang kamang hihigaan namin gabi-gabi. Sumulyap ako kay Manang Lerma na ngayon ay tipid na nakangiti habang pin
“You know my Dad, Lyana? How come?”Gulat akong lumingon sa gawi ni Preston at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya. Umawang ang labi ko at muling ibinalik ang tingin sa gawi ng ama niya upang siguruhin na hindi lamang ako namamalikmata. Ilang beses akong kumurap habang nakatingin sa kaniya ngunit wala akong ibang nakita kung hindi ang paglalaro ng ngisi sa kaniyang mga labi.Nakangisi siya na para bang sinasabi na…“Magandang araw, Ma’am.”Mas lalong umawang ang labi ko at wala sa sariling hinampas si Preston sa kaniyang balikat. “Siya nga!” Malakas na sigaw ko at hindi ulit makapaniwalang tumingin sa kaniyang ama.“Dad, paano mo nakilala si Lyana? Why did you call her… Ma’am?” takang tanong din ni Preston sa ama ngunit nagkibit-balikat lamang ito. “Let’s just talk about that later, son. Why don’t you introduce that lady to us first?” Hindi tulad kanina nang una niya akong binati at tinawag na Ma’am ay iba na
“What…”Marahas akong lumingon sa gawi ni Preston at pinanlakihan siya ng mga mata. Agad naman siyang umiling at iwinasiwas ang mga kamay na parang dinedepensahan ang sarili. “No. I didn’t tell them to come here. Hindi ko nga alam na pupunta pala sila rito…”Pinanliitan ko siya ng mga mata kaya’t muli siyang umiling. “Trust me, babe. Wala akong alam… promise. I swear,” dagdag niya pa.Gusto ko pa sana siyang suwayin dahil tinawag na naman niya akong ‘babe’ kahit na hindi ko pa rin siya tuluyang pinapatawad pero hindi ko na lamang pinansin ang pagtawag niya sa akin ng ganoon dahil abala ako sa pag-iisip ng mga maaaring mangyari kapag nalaman ng mga magulang niya ang tungkol sa akin… o baka naman alam na nila kaya sila pumunta rito?Nanlaki ang mga mata ko at wala sa sariling sinapo ang aking bibig dahil sa kaba. Ano na lamang ang iisipin nila sa akin? Sigurado akong magagalit sila sa akin tulad ni Preston kaya…Wala sa sarili akong napahaw
“I already told you to just stay at your room, right?” Inagaw sa akin ni Preston ang hawak kong walis at nakataas ang kilay na tumingin sa akin. “Bakit ba ayaw mong makinig?”Umirap ako nang marinig ang sinabi niya at ipinagkrus ang aking dalawang braso. Hindi ako nagdalawang isip na makipagsukatan ng tingin sa kaniya. “Huwag mo akong utusan, hindi kita boss,” ganti ko. “Of course, I am not your boss. I already fired you, remember?”Mas lalo ko pa siyang sinamaan ng tingin kaya’t sa huli ay wala siyang nagawa kung hindi ang malakas na bumuntong hininga at mapailing. Inismiran ko muna siya bago inagaw ang kinuha niya sa aking walis tambo. “You don’t have to clean Chantal’s room, Lyana. Malinis naman. You should just go to your room and rest—““Paanong rest eh hindi nga ako pagod?” Inis na tanong ko pabalik at tinaasan siyang muli ng kilay. “At saka buntis lang ako, may paa at kamay pa rin ako kaya hayaan mo akong kumilos.”
“Sinong buntis? Ako?” Itinuro ko ang sarili ko at mabilis na umiling. “H-Hindi, ah! B-Baka iba! Baka ‘yong iba mong… g-girlfriend! Oo, baka ‘yong iba mong—““I don’t have any other girlfriend, Lyana.” Malakas siyang bumuntong hininga at walang emosyon akong tiningnan. “And don’t even bother lying to me. I already know the truth.”“Hindi nga sabi ako buntis. Sino bang nagsabi sa ‘yo, ha? Sinabi ba ni Dalia?” “Pati ba naman ‘yang panibago nating anak, gusto mo pa ring itago at ipagkait sa akin?”Natigilan ako nang marinig ang sinabi niya kaya’t wala sa sarili akong nagbaba ng tingin. Sinabi na sa akin noon pa man ni Dalia na ganito ang magiging reaksiyon ni Preston kapag nalaman niya ang balak kong pagtatago sa anak namin mula sa kaniya pero hindi ko pa rin siya pinakinggan. Nagpkawala ako ng malakas na buntong hininga at nangingilid na nag-angat muli ng tingin sa kaniya. “Bakit ba parang concern na concern ko kung sakali m
“Wala ka na ba talagang kahit kaunting tiwala na natitira para sa akin, ha?”Hindi makapaniwalang tanong ko at lumingon sa kaniya. Malakas siyang bumuntong hininga. “It’s not about trust, Lyana. That guy clearly told me to send his greetings to your son. Sino pa bang ibang anak mo maliban kina Jarvis at Chantal, ha?” Mariing tanong niya.Kinagat ko ang aking ibabang labi at nag-iwas ng tingin. Gusto kong sabihin sa kaniya na ibang anak ang tinutukoy ni Gab at hindi si Jarvis ngunit alam kong kapag sinabi ko ang totoo, baka mas lalo niya lang akong kamuhian—namatay sa pangangalaga ko ang sarili kong anak. Sino ba namang hindi magagalit sa akin? Sinong hindi ako sisihin?“Problema na naming dalawa ‘yon ni Gab at hindi ka na kasali. Ang concern mo lang dito ay ang mga bata kaya huwag ka nang makisali pa sa problema ko,” malamig na sambit ko habang hindi nakatingin sa kaniya.“I am asking if Jarvis is my son—““Oo nga sabi!” Hindi ko na
“A-Anong ginagawa mo rito?”Mas lalo siyang napangisi nang marinig ang tanong ko kaya’t mas lalo lamang akong sinalakay ng kaba. Ilang taon ko na rin siyang hindi nakikita dahil nakulong siya noon at nang makalaya naman siya ay hindi na nagtagpo ang landas namin kaya’t akala ko ay hindi na kami muling magkikita pa.Kung alam ko lang sana na magtatagpo pa ang landas naming dalawa, sana naihanda ko ang sarili ko dahil sa pagkakataong ito, para akong binabangungot habang tinitingnan niya ako. “I just got here with my girlfriend. Hindi ko naman alam na dito pa pala kita makikita and oh…” Dumako ang mga mata niya sa mga pagkaing nakahain sa lamesa kaya’t muli akong napalunok dahil sa kaba. “Mukhang nakahanap ka na naman ng mayamang lalaking peperahan, ha? Who is he? Ipakilala mo naman ako.”Kinagat ko ang aking ibabang labi at hindi nakasagot sa tanong niya. Luminga-linga siya sa paligid at nang makumpirmang kakaunti ang tao ay saka siya umupo sa upuang inuupuan ni Dalia kanina. Nahigit k
“Ano? Ayos ka lang ba? Kanina ka pa sa banyo kaya papasukin na sana kita.”Pinunasan ko ang labi ko gamit ang aking palad at nag-angat ng tingin kay Dalia—at oo, Dalia ang totoong pangalan ni Doctora Vallero. Habang narito ako sa bahay niya, nagrequest siya sa akin na pangalan niya na ang itawag ko sa kaniya dahil hindi na siya kumportable na Doctora Vallero ang itawag ko sa kaniya.Marahan akong tumango. “Nagsuka lang. Ayos na naman ako,” kaswal na sagot ko at nagtungo na sa drawer ko para kumuha ng pamalit na damit.Ipinadala ni Preston ang mga gamit ko rito kinabukasan noong nag-away kami kaya’t alam kong desidido na talaga siyang huwag akong pabalikin sa bahay niya. Hindi ko mapigilang bumuntong hininga nang maalala iyon. Wala namang mangyayari kung iiyakan ko lang siya.“Lyana, ano kaya kung… ano uhmm.. tawagan na natin si Kuya Preston? Para alam mo ‘yon, masamahan ka niya.”Humarap ako kay Dalia at pinanliitan siya ng mata. “Bakit? Ayaw mo na ba akong kasama?” “Hindi naman sa g
“Jarvis! Chantal!” Muntik na akong mahulog sa kama nang biglaan akong bumangon dahil sa bangungot. Pilit akong naghabol ng hininga habang sapo ang aking dibdib upang ikalma ang aking sarili. Nang makakalma ay saka ko naisipang ilibot ang paningin ko sa paligid.Hindi pamilyar. Hindi ito isa sa kuwarto ng bahay ni Preston o ang kuwarto sa bahay ni Tiyang… nasaan ako? Anong nangyari? Bakit ako narito?Akmang aalis na sana ako sa kama nang bumukas ang pinto at iniluwa si Doctora Vallero. Naka-suot na siya ng pajama at animo’y titingnan lamang kung tulog pa rin ako nang pumunta siya rito. Wala sa sarili akong napalunok nang magtama ang aming mga mata.“N-Nasaan ako?” Kinakabahang tanong ko sa kaniya.Malakas siyang bumuntong hininga. “Nasa bahay ko. Hindi ko kasi alam ang bahay niyo dahil sabi sa akin ni Manang Lerma ay wala na raw kayong ibang matutuluyan ni Jarvis. Hindi ko rin naman alam kung nasaan ang bahay ng Tita mo kaya dito kita dinala.”Kinagat ko ang aking ibabang labi at nag
“P-Preston, hayaan mo akong magpaliwanag—““Huling-huli ka na, Lyana,” malamig na sambit niya kaya’t wala sa sarili akong napalunok dahil sa kaba nang marinig ang boses niya. Parang hindi siya si Preston sa lamig ng pagkakasabi niya sa akin ng katagang iyon. Kinagat ko ang aking ibabang labi at lumapit sa kaniya. “P-Preston, k-kung ano man ang iniisip mo, magpapaliwanag ako, huh? P-Please, pakinggan mo lang ako. Please, huh, Preston?” Sinubukan kong hawakan ang kamay niya ngunit hindi ko pa man iyon tuluyang nahahawakan ay iwinaksi na niya ang kamay ko palayo. Sa sobrang lakas ng pagkakatabig niya sa kamay ko ay muntik na akong matumba kaya’t wala sa sarili akong napasigaw. “Don’t you ever touch me again, woman.”Agad akong humarap sa kaniya at umiling. “Preston naman. H-Hindi mo man lang ba ako papakinggan? K-Kaya nga ako nagpunta rito sa opisina mo para magpaliwanag—“:“No,” mabilis na pagtutol niya sa dapat ay sasabihin ko. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya ngunit ang malamig na