CHAPTER 23Pagkarating ni Rita sa bahay ng mga Madrigal ay sobrang lakas ng kabog ng dibdib nya at hindi nya malaman kung paano ba nya haharapin ang mga ito. Pero naisip nya na dapat na nya itong sabihin sa mga ito habang maaga pa.Agad naman na sinalubong si Rita ng isa sa mga kasambahay ng mga Madrigal at dinala sya sa garden kung saan naghihintay sa kanya si Shiela roon."Mrs. Salcedo tila ata napaka importante ng iyong sasabihin at talagang sinadya mo pa talaga ako rito," agad na sabi ni Shiela kay Rita pagkarating nito.Agad naman na nakipagbeso si Rita kay Shiela at saka sya naupo sa kaharap na upuan nito."Ahm. P-pasensya ka na kung naistorbo kita ngayong hapon," panimula ni Rita at saglit muna syang natigil sa pagsasalita ng dumating ang kasambahay nila Shiela na may dalang pagkain para sa kanila.Naghihintay naman si Shiela ng susunod na sasabihin ni Rita."Mrs. M-Madrigal a-alam ko po na m-malaking abala itong n-nagawa namin sa inyo kaya ngayon pa lamang po ay h-humihingi na
CHAPTER 24"Ayesha napag usapan na rin kasi namin ng daddy mo na ipapadala ka na muna namin sa probinsya sa tita mo roon," sabi pa ni Rita."P-po? P-pero bakit po?" hindu makapaniwalang tanong ni Ayesha sa kanyang ina. Napabuntong hininga naman si Rita."Anak gaya nga ng sabi ko ay baka pati itong bahay natin ay mawala na rin sa atin ng tuluyan. Kami ng daddy mo ay magtatrabaho na muna. Wag kang mag alala dahil susuportahan ka naman namin kahit nasa probinsya ka," sagot ni Rita."Pero mom hindi po ba pwede na dito na lamang po ako. Pwede naman po akong magtrabaho kapag medyo ayos na po ang pakiramdam ko," sagot ni Ayesha dahil hindi sya sanay na malayo sya sa kanyang mga magulang."Anak buntis ka at hindi ka pa maaaring magtrabaho. Dun ka na lamang muna sa tita mo. Magiging maayos naman ang lagay mo roon at hindi ka pababayaan ng tita mo. Sige na anak para rin naman ito sa'yo at sa magiging anak mo," pangungumbinsi pa ni Rita kay Ayesha dahil alam nya na hindu ito papayag dahil hindi
CHAPTER 25Sa mansyon naman nila Lucas ay tahimik lamang sila na kumakain ng agahan ng boglang magsalita si Rico kaya napatingin sa gawi nito si Lucas."Mukhang umaayon sa iyo ang panahaon hijo," sabi ni Rico kay Lucas kaya naman napakunot ang noo ni Lucas dahil sa sinabi ng kanyamg ama."What do you mean dad?" hindi na makapaghintay na tanong na ni Lucas sa kanyang ama."Hindi na kasi matutuloy ang kasal nyo ng anak ng mga Salcedo," si Shiela na ang sumagot sa tanong ng kanyang anak."Anong nangyare? Bakit bigla ata silang umurong sa kasal?" Balewalang tanong nya sa mga ito sabay subo ng kinakain nya."Cancel na ang kasal nyo ni Ayesha dahil buntis pala sya. Ayoko naman na akuin mo ang responsibilidad sa bata dahil hindi mo naman iyon kadugo," diretsahang sagot ni Shiela. Tumango tango naman si Lucas dahil sa sinabi ng kanyang ina pero hindi nya maintindihan ang sarili nya dahil dapat syang matuwa dahil cancel na ang kasal nila ng Ayesha na yun pero kung bakit pakiramdam nya ay para
CHAPTER 26Nanatili pa roon sa Ilocos ng dalawang araw ang mga magulang ni Ayesha at tuwang tuwa sila sa magandang tanawin doon kaya naman masyado silang nawili na mag stay doon kahit na ang balak sana nila ay isang araw lang sila roon at uuwi na rin kaagad dahil ihahatid lang talaga nila si Ayesha pero ang nangyare ay ipinasyal sila ng ipinasyal ni Cynthia sa mga sikat na pasyalan doon kaya hindi sila kaagad nakauwi."Ayesha dito ka na lamang muna ha. Wag kang mag alala at kapag medyo ayos na ang lahat ay pwede ka naman ng bumalik ng Manila. Pasensya ka na kung kinailangan mo na dito na muna mag stay ha. Mas safe ka kasi dito at malayo sa stress sa lungsod," sabi ni Rita kay Ayesha. "Ang isipin mo na lang muna ngayon ay ikaw at ang baby mo ha. Wag mo na kaming alalahanin pa ng daddy mo," dagdag pa ni Rita."Okay lang po ako mom. Wag nyo na po akong alalahanin dito. Mukhang mag eenjoy pa nga po ako rito kasama si tita Cynthia," nakangiti naman na sagot ni Ayesha sa kanyang ina.Nung
CHAPTER 27Samantala si Lucas naman ay nastress na sa kakaisip sa babaeng nakasama nya noong gabi na yun. Hindi mawala wala sa isip nya ang maamong mukha ng babae na yun dahil sa nalove at first sight talaga sya rito pakakita pa lang nya rito na sumasayaw noong gabi na yun sa bar.Ilang buwan na rin kasi ang matulin na lumipas at wala pa rin syang lead kung nasaan na ba ang babae na yun dahil talagang mahirap maghanap gayong kahit na pangalan nga nito ay hindi nya talaga alam at tanging ang itsura lamang nito ang natatandaan nya. "Kumusta bro? May balita na ba kayo?" tanong ni Lucas sa kanyang mga kaibigan. Ganito na lamang palagi ang tanong nya sa mga kaibigan nya tuwing magkikita sila dahil ito lamang din naman ang nakakita sa mukha ng babae na yun kaya bukod sa kanya ay naging abala na rin ang kanyang mga kaibigan sa paghahanap sa babae na yun kapag wala silang mga trabaho sa opisina."Wala pa rin bro. Ang hirap talaga na hanapin ang mga iyon. Kahit ang nga kasama non na mga kaib
CHAPTER 28Kinabukasan ay maagang tinapos ni Lucas ang kanyang mga trabaho dahil inulit na naman ng kanyang ina kanina ang tungkol sa dinner nila kasama si Mr. Castro. Alam na nya kung ano na naman ang magiging takbo ng usapan nila dahil nabanggit ng kanyang ina na may anak iyon na dalaga. Pagkauwi nya ay nagpahinga lamang sya saglit saka sya naligo upang maghanda na para pumunta sa dinner kasama sila Mr. Castro. Pagakatapos mag intindi ng kanyang sarili ay agad na syang bumaba at nagulat pa sya dahil hinihintay pala sya ng kanyang mga magulang."Bakit po narito pa kayo? Akala ko po ay nauna na po kayo sa restaurant," sabi ni Lucas sa kanyang mga magulang."Sabay sabay na lamang tayo na pumunta roon. Gusto ko lang din na makasiguro na pupunta ka kaya mas mabuti pa na sabay sabay na lamang tayo ng daddy mo," sagot ni Shiela sa kanyang anak.Napabuntong hininga na lamang si Lucas at hindi na nagsalita pa dahil talagang naninlgurado pa ang kanyang ina. Nauna naman na syang maglakad pala
CHAPTER 29Ilang buwan na rin ang matulin na lumipas at naging maayos naman ang naging buhay ni Ayesha sa Ilocos kasama ang kanyang tyahin na si Cynthia. Nag enjoy na rin naman si Ayesha na kasama ang tyabin nya dahil talagang masayahin ito kaya masarap kasama at hindi na nga rin sya masyadong nag iisip pa tungkol sa kalagayan ng mga magulang nya sa Manila. Ang huling balita nga ni Ayesha ay tuluyan na ngang nagsara ang kanilang kumpanya at ngayon nga ay nagsisumula naman na magnegosyo ang kanyang mga magulang kaya kahit papaano ay kumikita pa rin naman ang mga ito. Nabalitaan din nya na wala na nga rin ang kanilang dating bahay dahil kinuha na ito ng bangko na pinagkautangan ng kanyang ina kaya naman ang kanyang mga magulang ngayon ay binilhan na lamang ng bagong bahay ng kanyang kapatid. Sa ilang buwan din na yun ay ang tyahin ni Ayesha na rin ang tumaguyod sa kanya dahil nga hindi pa sya pwedeng magtrabaho ay ito muna ang nagbibigay ng lahat ng pangangailangan nya. Pinapadalhan n
CHAPTER 30"Uhhhaaaaaa... Uhhaaaaa," iyak ng sanggol na isinilang ni Ayesha."Congratulations it's a baby boy," sabi ng doktora kay Ayesha at saka nito inilagay sa may tyan ni Ayesha ang sanggol.Hindi naman maiwasan na Ayesha na hindi maluha matapos nyang masilayan ang kanyang bagong silang na anak. Hapong hapo pa sya habang tinititigan nya ang mukha ng sanggol."Ahh," daing ni Ayesha dahil biglang humilab na naman ang tyan nya. "Dok bakit parang humihilab pa rin ang tyan ko," sabi ni Ayesha sa doktora at napapangiwi na lamang sya dahil sa sakit. Agad naman na tiningnan si Ayesha ng doktora at nakita nito na mayroon pa ngang isang baby."Oh my god. Kambal pala ang anak mo hija," sabi ng doktora at agad na muna nyang kinuha ang sanggol na nakapatong sa tyan ni Ayesha at ibinigay sa nurse. "Okay hija. Iire ka ulet ha kagaya kanina," sabi ng doktora. Tanging pagtango lamang naman ang naging sagot ni Ayesha habang sya ay nakapikit dahil tuloy tuloy na naman ang paghilab ng kanyang tyan.