CHAPTER 28Kinabukasan ay maagang tinapos ni Lucas ang kanyang mga trabaho dahil inulit na naman ng kanyang ina kanina ang tungkol sa dinner nila kasama si Mr. Castro. Alam na nya kung ano na naman ang magiging takbo ng usapan nila dahil nabanggit ng kanyang ina na may anak iyon na dalaga. Pagkauwi nya ay nagpahinga lamang sya saglit saka sya naligo upang maghanda na para pumunta sa dinner kasama sila Mr. Castro. Pagakatapos mag intindi ng kanyang sarili ay agad na syang bumaba at nagulat pa sya dahil hinihintay pala sya ng kanyang mga magulang."Bakit po narito pa kayo? Akala ko po ay nauna na po kayo sa restaurant," sabi ni Lucas sa kanyang mga magulang."Sabay sabay na lamang tayo na pumunta roon. Gusto ko lang din na makasiguro na pupunta ka kaya mas mabuti pa na sabay sabay na lamang tayo ng daddy mo," sagot ni Shiela sa kanyang anak.Napabuntong hininga na lamang si Lucas at hindi na nagsalita pa dahil talagang naninlgurado pa ang kanyang ina. Nauna naman na syang maglakad pala
CHAPTER 29Ilang buwan na rin ang matulin na lumipas at naging maayos naman ang naging buhay ni Ayesha sa Ilocos kasama ang kanyang tyahin na si Cynthia. Nag enjoy na rin naman si Ayesha na kasama ang tyabin nya dahil talagang masayahin ito kaya masarap kasama at hindi na nga rin sya masyadong nag iisip pa tungkol sa kalagayan ng mga magulang nya sa Manila. Ang huling balita nga ni Ayesha ay tuluyan na ngang nagsara ang kanilang kumpanya at ngayon nga ay nagsisumula naman na magnegosyo ang kanyang mga magulang kaya kahit papaano ay kumikita pa rin naman ang mga ito. Nabalitaan din nya na wala na nga rin ang kanilang dating bahay dahil kinuha na ito ng bangko na pinagkautangan ng kanyang ina kaya naman ang kanyang mga magulang ngayon ay binilhan na lamang ng bagong bahay ng kanyang kapatid. Sa ilang buwan din na yun ay ang tyahin ni Ayesha na rin ang tumaguyod sa kanya dahil nga hindi pa sya pwedeng magtrabaho ay ito muna ang nagbibigay ng lahat ng pangangailangan nya. Pinapadalhan n
CHAPTER 30"Uhhhaaaaaa... Uhhaaaaa," iyak ng sanggol na isinilang ni Ayesha."Congratulations it's a baby boy," sabi ng doktora kay Ayesha at saka nito inilagay sa may tyan ni Ayesha ang sanggol.Hindi naman maiwasan na Ayesha na hindi maluha matapos nyang masilayan ang kanyang bagong silang na anak. Hapong hapo pa sya habang tinititigan nya ang mukha ng sanggol."Ahh," daing ni Ayesha dahil biglang humilab na naman ang tyan nya. "Dok bakit parang humihilab pa rin ang tyan ko," sabi ni Ayesha sa doktora at napapangiwi na lamang sya dahil sa sakit. Agad naman na tiningnan si Ayesha ng doktora at nakita nito na mayroon pa ngang isang baby."Oh my god. Kambal pala ang anak mo hija," sabi ng doktora at agad na muna nyang kinuha ang sanggol na nakapatong sa tyan ni Ayesha at ibinigay sa nurse. "Okay hija. Iire ka ulet ha kagaya kanina," sabi ng doktora. Tanging pagtango lamang naman ang naging sagot ni Ayesha habang sya ay nakapikit dahil tuloy tuloy na naman ang paghilab ng kanyang tyan.
CHAPTER 31Nag video call na lamang di Ayesha sa kanyang mga magulang para makita rin ng mga ito ang kanyang surpresa. Naka ilang ring pa nga ito bago sinagot ng ina ni Ayesha ang kanyang tawag."Hello mom kumusta na po kayo r'yan?" Nakangiti pa na tanong ni Ayesha sa kanyang ina ng sagutin na nito ang kanyang tawag."Ayos lang naman kami rito anak. Ikaw kumusta ka na r'yan? Kelan ka manganganak? Diba kabuwanan mo na?" sunod sunod na tanong ni Rita kay Ayesha. "Okay lang po ako mom. Wag nyo po akong alalahanin. Nasaan nga po pala si dad? May surprise po kasi ako sa inyo ni daddy," sagot ni Ayesha."Nar'yan lang ang daddy mo. Saglit at tatawagin ko sya," sagot ni Rita saka ito tumayo upang tawagin ang kanyang asawa.Maya maya ay bumalik na nga ito na kasama na ang kanyang asawa at agad na silang humarap sa screen ng phone."Hija kumusta ka r'yan? Pasensya ka na kung hindi ka namin natatawagan ha. Masyado kasing busy ngayon dito," agad na sabi ni Daniel kay Ayesha."Okay lang po ako r
CHAPTER 32SIX YEARS LATER......Matulin naman na lumipas ang mga taon at ngayon nga ay anim na taon na ang kambal. Naging maayos naman ang naging buhay nila Ayesha at ng kambal kasama ang tita Cynthia nya na hindi talaga sila pinabayaan simula pa noong tumira siya doon sa Ilocos. Laking pasasalamat talaga ni Ayesha dahil meron syang tita Cynthia na talaga naman itinuring na rin syang sariling anak. Sobrang gugwapo naman ng kambal kaya madalas talaga itong kagiliwan ng mga nakakakita sa kanila. Malayo rin ang mukha ng kambal kay Ayesha tanging ang manipis na labi at pagiging maputi lamang ni Ayesha ang nakuha ng kanyang mga anak sa kanya. Napapaisip na nga lang si Ayesha minsan kapag tinititigan nya ang kambal na siguro ay sobrang gwapo ng lalakeng nakasama nya noong gabi na yun at nakabuntis sa kanya.Bagamat magkamukhang magkamukha ang kambal ay magkaibang magkaiba naman ang ugali nila. Si Bryan kasi ay may pagkamaloko at madaldal pero nakokontrol pa rin naman sya ni Ayesha kahit
CHAPTER 33"Tita bakit hindi na lamang po kayo sumama sa amin sa Manila? Tutal naman po ay wala naman po kayong kasama rito. Sumama na lamang po kayo sa amin at tiyak na matutuwa rin po ang kambal kung kasama po namin kayo," suhestyon ni Ayesha sa kanyang tita Cynthia."Hay naku hija mas gugustuhin ko na lamang na mamuhay ng mag isa rito sa probinsya kesa ang tumira sa Manila. Masyadong magulo roon gusto ko na lamang ng tahimik na buhay," sagot ni Cynthia."Sige na po tita. Kahit po mga isang buwan lang. Please," pangungumbinsi pa ni Ayesha rito."Naku Ayesha tigil tigilan mo ako dahil hindi mo ako mapipilit," pagmamatigas pa ni Cynthia."Sige na tita please. Sigurado malulungkot po kayo rito at mamimiss namin kayo ng kambal," pangungulit pa ni Ayesha."Hija masaya naman na ako rito. At isa pa ay sanay naman na ako noon pa na mag isa lamang ako rito. Ang mabuti pa ay dalaw dalawin nyo na lamang ako rito," sagot ni Cynthia dahil wala talaga syang balak na manirahan sa Manila dahil ini
CHAPTER 34"Nagulat nga rin po ako kanina at ang totoo po nyan hindi ko pa po talaga napaghahandaan ang ganong mga bagay. Mga bata pa naman po ang kambal at ang akala ki ay hindi pa nila maiisipan na maghanap ng ama," sagot ni Ayesha.Nagkatinginan naman sila Rita at Cynthia saka nila malungkot na tiningnan si Ayesha na nakayuko na lamang."Hija hindi mo ba talaga natatandaan ang mukha ng lalakeng nakabuntis sa'yo? Baka naman may naaalala ka kahit kaunti," sabi ni Rita kay Ayesha. Umiiling naman si Ayesha habang nanatili pa rin syang nakayuko dahil hindi na talaga nya matandaan pa ang lalakeng nakasama nya ng gabing iyon kung meron man syang naaalala noon yun ay ang amoy ng lalake na yun pero malabo naman na yata na mahanap nya iyon dahil lamang sa gamit nitong pabango."Ano ng balak mo ngayon hija? Paano kapag tinanong ka na nila tungkol sa kanilang ama? At may balak ka pa ba na hanapin man lang ang ama nila?" sunod sunod naman na tanong ni Cynthia kay Ayesha. Napabuntong hininga nam
CHAPTER 35"Oo Janna may anak na ako. May kambal na akong anak," nakangiti pa na sagot ni Ayesha samantalang si Janna ay nanlaki na lamang talaga ang mata dahil sa sinabi ni Ayesha."S-seryoso? May a-anak ka na? Sinong asawa mo?" sunod sunod na tanong ni Janna sa kaibigan. "Bakit hindi mo man lang sinabi sa amin na nag asawa ka na," dagdag pa nito na my himig na nagtatampo.Bumuntong hininga naman na muna si Ayesha saka nya inaya n maupo na muna ang kaibigan at saka nya ikinuwento rito ang mga nangyare sa kanya sa nakalipas na anim na taon."What? Seryoso ka ba dyang Ayesha? Hindi mo kilala ang nakabuntis sa'yo," tanong pa ni Janna rito at napapalakas pa ang boses nya kaya naman napapatingin na sa kanila ang ilan sa mga naroon."Pwede ba hinaan mo ng konti yang boses mo," nakairap na saway ni Ayesha sa kaibigan."Pero seryoso ka ba talaga?" muli ay tanong ni Janna dahil hindi sya makapaniwala sa sinabi ni Ayesha."Oo seryoso ako Janna. Magbibiro ba ako e may kambal na nga akong anak.