CHAPTER 34"Nagulat nga rin po ako kanina at ang totoo po nyan hindi ko pa po talaga napaghahandaan ang ganong mga bagay. Mga bata pa naman po ang kambal at ang akala ki ay hindi pa nila maiisipan na maghanap ng ama," sagot ni Ayesha.Nagkatinginan naman sila Rita at Cynthia saka nila malungkot na tiningnan si Ayesha na nakayuko na lamang."Hija hindi mo ba talaga natatandaan ang mukha ng lalakeng nakabuntis sa'yo? Baka naman may naaalala ka kahit kaunti," sabi ni Rita kay Ayesha. Umiiling naman si Ayesha habang nanatili pa rin syang nakayuko dahil hindi na talaga nya matandaan pa ang lalakeng nakasama nya ng gabing iyon kung meron man syang naaalala noon yun ay ang amoy ng lalake na yun pero malabo naman na yata na mahanap nya iyon dahil lamang sa gamit nitong pabango."Ano ng balak mo ngayon hija? Paano kapag tinanong ka na nila tungkol sa kanilang ama? At may balak ka pa ba na hanapin man lang ang ama nila?" sunod sunod naman na tanong ni Cynthia kay Ayesha. Napabuntong hininga nam
CHAPTER 35"Oo Janna may anak na ako. May kambal na akong anak," nakangiti pa na sagot ni Ayesha samantalang si Janna ay nanlaki na lamang talaga ang mata dahil sa sinabi ni Ayesha."S-seryoso? May a-anak ka na? Sinong asawa mo?" sunod sunod na tanong ni Janna sa kaibigan. "Bakit hindi mo man lang sinabi sa amin na nag asawa ka na," dagdag pa nito na my himig na nagtatampo.Bumuntong hininga naman na muna si Ayesha saka nya inaya n maupo na muna ang kaibigan at saka nya ikinuwento rito ang mga nangyare sa kanya sa nakalipas na anim na taon."What? Seryoso ka ba dyang Ayesha? Hindi mo kilala ang nakabuntis sa'yo," tanong pa ni Janna rito at napapalakas pa ang boses nya kaya naman napapatingin na sa kanila ang ilan sa mga naroon."Pwede ba hinaan mo ng konti yang boses mo," nakairap na saway ni Ayesha sa kaibigan."Pero seryoso ka ba talaga?" muli ay tanong ni Janna dahil hindi sya makapaniwala sa sinabi ni Ayesha."Oo seryoso ako Janna. Magbibiro ba ako e may kambal na nga akong anak.
CHAPTER 36"Nandyan na ba si Lucas sa loob ng kanyang opisina?" tanong ni Jessa sa sekretarya ni Lucas na si Mariel."Yes ma'm Jessa nasa loob po si sir Lucas pero kabilin bilinan po nya na wag daw po akong magpapapasok ng kahit na sino sa loob ng kanyang opisina," sagot ni Mariel kay Jessa. Inirapan naman ni Jessa si Mariel."Tsk. Fiance ako ni Lucas at wala namang problema kung puntahan ko sya sa loob anytime dahil magiging asawa naman na nya ako soon," mataray pa na sabi ni Jessa saka ito naglakad papunta sa opisina ni Lucas."Saglit lang po ma'm Jessa. Mapapagalitan po ako ni sir Lucas kapag pumasok po kayo r'yan," habol ni Mariel kay Jessa dahil paniguradong malilintikan na naman sya kay Lucas kapag may pumasok sa loob ng opisina nito dahil kapag sinabi nitong wag magpapasok ay dapat wala talagang papasok doon unless mahalagang mahalaga talaga ang sasabihin sa kanya.Para namang walang narinig si Jessa at dali dali na nyang binuksan ang pinto ng opisina ni Lucas."Ma'm saglit lan
CHAPTER 37Nang mapag isa na si Lucas ay napahilot na lamang sya sa kanyang sintido dahil parang biglang sumakit iyon kaya naman napapikit na lamang sya at sumandal sa kanyang upuan.Ilang sandali pa na nanatili s Lucas sa ganong posisyon at napamulat na lamang sya mg marinig nyang tumunog ang kanyang phone. Agad naman nya iyong tiningnan at nakita nya na si Gerome ang tumatawag sa kanya. Hindi na lamang sana nya ito sasagutin pero wala atang balak na tumigil ang kaibigan kaya naman napilitan na lamang sya na sagutin iyon."Ano na naman ang kailangan mo?" masungit na tanong ni Lucas sa kaibigan."Sungit mo naman bro. Ikaw talaga tatanda ka kaagad nyan palagi ka na lamang nagsusungit," pagbibiro pa ni Gerome mula sa kabilang linya."Kung wala ka namang sasabihin ay ibababa ko na ito," sagot ni Lucas."Saglit lang bro. Ito naman ang sungit sungit talaga. Aayain ka lamang namin na mag bar mamaya. Matagal tagal na rin tayong hindi nakakapag bar. Ano tara?" pag aaya na ni Gerome sa kanyang
CHAPTER 38Kinaumagahan ay nagising naman si Lucas na masakit ang kanyang ulo at nagulat pa sya dahil wala sya sa kanyang condo kundi nasa kwarto nya sya sa mansyon ng kanyang mga magulang.Napapahilot na lamang ng kanyang sintido si Lucas at naipikit na lamang nya ng mariin ang kanyang mata dahil ramdam na ramdam nya ang sakit ng kanyang ulo. Marahil ay epekto ito ng marami nyang nainom na alak kagabi at idagdag pa na mabilis syang nalasing talaga dahil matagal tagal na rin syang hindi umiinom ng alak.Rinig naman ni Lucas ang pagbukas sara ng pinto ng kanyang silid pero hindi na sya nag abala pa na magmulat ng mata."Ano bang balak mo sa buhay mo anak? Pinapag asawa ka na namin ng daddy mo para naman magkaroon ng kulay yang buhay mo dahil baka sakaling kapag nagkaroon ka na ng sarili mong pamilya ay sumaya ka naman na kahit papaano. Kami na nga ang naghahanap ng mapapangasawa mo e pero ayaw mo namang pakasalan si Jessa," daldal ni Shiela kay Lucas at alam nya na gising na ito kahit
CHAPTER 39Samantala naman pangalawang araw na ni Ayesha na nag aasikaso sa mga kakailanganin nya sa kanyang paghahanap ng tamrabaho. Gusto nya kasi na makumpleto muna iyon para wala na syang problemahin pa. Halos maghapon na rin nya itong ginawa at sa wakas ay nakumpleto na rin nya ito kaya naman nakahinga hinga na rin sya ng maluwag. Ang tanging gagawin na lamang nya ngayon ay maghanap na ng pwedwng mapasukan na trabaho."Kumusta ang lakad mo anak?" tanong ni Rita kay Ayesha ng makauwi na ito."Ayos na po mom. Finally nakumpleto ko na rin po ang mga kakailanganin ko kaya po bukas na bukas ay maghahanap na po ako kaagad ng trabaho," nakangiti pa na sagot ni Ayesha sa kanyang ina kahit na halata mo sa mukha nito ang pagod."Mabuti naman kung ganon para naman hindu ka na palakad lakad pa r'yan. At sana ay makahanap ka na rin ng trabaho mo ng mapirmi ka naman na. Ikaw kasi sabi ko naman kasi sa'yo ay sa opisina ka na lamang ng daddy mo. Doon boss ka pa," sagot ni Rita sa anak."Mommy na
CHAPTER 40Habang nasa labas naman ng CR si Bryan ay may nakita syang remote control na toy car at talaga namang natuwa sya rito kaya naman agad nya iyong linapitan at sinundan."Wow ang ganda naman ng toy mo," sabi ni Bryan sa bata na may hawak ng remote ng naturang laruan."Thank you. Regalo ito ng daddy ko sa akin," sagot ng bata habang nakangiti kay Bryan. Bigla namang tinawag ang bata ng kanyang yaya kaya naman dali dali na nitong kinuha ang kanyang laruan at agad na tumakbo sa kanyang yaya.Nagpalinga linga naman si Bryan dahil bigla nyang naalala na iniwan sya ng mommy nya sa labas ng CR at dahil sa nakitang nyang laruan ay nàwala na sa isip nya yun kaya naman hindj na nya namalayan na nakalayo na pala sya sa CR at hindi na nya alam kung saan ang daan pabalik."Mommy," naiiyak ng sabi ni Bryan dahil hindi na nya makita kung nasaan ang mommy nya. Naglakad pa sya ng kaunti at hindi na nga nya napigilan ang hindi maiyak dahil nawawala na nga sya."Mommy ko," umiiyak na sabi ni Br
CHAPTER 41"Bro ano yun? Bakit kamukhang kamukha mo yung bata na yun?" nagtataka pa rin na tanong ni Gerome kay Lucas na nanatiling tulala sa gawi kung saan nagpunta sila Bryan.Bumalik lamang naman sa wisyo si Lucas ng sikuhin na sya ni Gerome kaya naman wala sa sariling napatitig na lamang sya sa kaibigan nya."Ayos ka lang ba bro? Natulala ka na r'yan? Umamin ka nga sa akin. May anak ka na ba? Anak mo ba ang bata na yun?" sunod sunod pa na tanong ni Gerome dito. Sinamaan naman ng tingin ni Lucas ang kanyang kaibigan."Tsk. Hindi ko rin alam kung bakit kami magkamukha ng bata na yun. Baka nagkataon lamang na magkamukha talaga kami," sagot na lamang ni Lucas pero ang totoo ay sa kaloob looban nya ay naguguluhan din sya kung bakit nga ba kamukha nya ang bata na yun at idagdag pa na hindi nya maipaliwanag ang nararamdaman nya lalo na ng yakapin sya nito.Napabuntong hininga naman si Gerome."Ang mabuti pa ay umalis na tayo at bumalik ka na sa opisina mo. Baka nga nagkataon lamang na ka