CHAPTER 40Habang nasa labas naman ng CR si Bryan ay may nakita syang remote control na toy car at talaga namang natuwa sya rito kaya naman agad nya iyong linapitan at sinundan."Wow ang ganda naman ng toy mo," sabi ni Bryan sa bata na may hawak ng remote ng naturang laruan."Thank you. Regalo ito ng daddy ko sa akin," sagot ng bata habang nakangiti kay Bryan. Bigla namang tinawag ang bata ng kanyang yaya kaya naman dali dali na nitong kinuha ang kanyang laruan at agad na tumakbo sa kanyang yaya.Nagpalinga linga naman si Bryan dahil bigla nyang naalala na iniwan sya ng mommy nya sa labas ng CR at dahil sa nakitang nyang laruan ay nàwala na sa isip nya yun kaya naman hindj na nya namalayan na nakalayo na pala sya sa CR at hindi na nya alam kung saan ang daan pabalik."Mommy," naiiyak ng sabi ni Bryan dahil hindi na nya makita kung nasaan ang mommy nya. Naglakad pa sya ng kaunti at hindi na nga nya napigilan ang hindi maiyak dahil nawawala na nga sya."Mommy ko," umiiyak na sabi ni Br
CHAPTER 41"Bro ano yun? Bakit kamukhang kamukha mo yung bata na yun?" nagtataka pa rin na tanong ni Gerome kay Lucas na nanatiling tulala sa gawi kung saan nagpunta sila Bryan.Bumalik lamang naman sa wisyo si Lucas ng sikuhin na sya ni Gerome kaya naman wala sa sariling napatitig na lamang sya sa kaibigan nya."Ayos ka lang ba bro? Natulala ka na r'yan? Umamin ka nga sa akin. May anak ka na ba? Anak mo ba ang bata na yun?" sunod sunod pa na tanong ni Gerome dito. Sinamaan naman ng tingin ni Lucas ang kanyang kaibigan."Tsk. Hindi ko rin alam kung bakit kami magkamukha ng bata na yun. Baka nagkataon lamang na magkamukha talaga kami," sagot na lamang ni Lucas pero ang totoo ay sa kaloob looban nya ay naguguluhan din sya kung bakit nga ba kamukha nya ang bata na yun at idagdag pa na hindi nya maipaliwanag ang nararamdaman nya lalo na ng yakapin sya nito.Napabuntong hininga naman si Gerome."Ang mabuti pa ay umalis na tayo at bumalik ka na sa opisina mo. Baka nga nagkataon lamang na ka
CHAPTER 42"May problema ba hija? Kanina ka pa nar'yan at mukhang ang lalim ata ng iniisip mo ah. Napapansin ko kasi na kanina ka pa panay ang pagbuntong hininga r'yan," tanong na ni Rita kay Ayesha ng makalapit sya rito.Kanina pa kasi sila nakauwi galing mall at ngayon nga ay gabi na rin at nakatulog naman na kaagad ang kambal dahil sa sobrang pagod sa maghapon nilang pamamamasyal sa mall.Nakita naman ni Rita sa kanilang terrace si Ayesha at parang hindi ito mapakali kaya naman linapitan na nga nya ito upang tanungin kung may problema ba ito."Po? Wala naman po. May iniisip lang po ako," pilit ang ngiti na sagot ni Ayesha sa kanyang ina."Ganon ba? Ano ba kasi yang iniisip mo at parang napakalalim naman ata at hindi ka mapakali kanina pa," tanong pa ni Rita sa kanyang anak saka nya ito inaya na maupo sa upuan nila na naroon sa terrace."Mom naisip ko lang po kasi. Yung tungkol po doon sa lalakeng nakita ni Bryan sa mall. Nagkataon lang po kaya talaga na may kamukhang kamukha ang mg
CHAPTER 43Kinabukasan ay mas maaga ng umalis ng kanilang bahay si Ayesha dahil ayaw na nyang maulit ang nangyare kahapon na naipit sya sa traffic kaya naman nalate sya sa kanyang interview.Kagaya kahapon ay nagtaxi na lamang ulet sya balak pa nga sana syang ihatid ng kanyang ama kaso ay hindi na sya nagpahatid pa dahil ayaw naman nya na maabala pa nya ito dahil alam nya na may pasok din ito sa opisina.Pagkarating ni Ayesha sa isang kumpanya na balak nyang pag aplayan ay agad syang nagtanong sa guard kung meron bang hiring doon at laking tuwa naman nya dahil meron nga daw at may mga for interview nga raw nvayon at pwede na syang sumabay sa mga ito."Madrigal Group of Companies," basa ni Ayesha sa pangalan ng kumpanya na iyon. Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Ayesha saka sya naglakad na patungo kung saan gaganapin ang interview.Pagkarating nya roon ay agad na nyang iniabot sa babae ang kanyang resume at laking pasalamat nya dahil tinanggap pa rin ito kahit n
CHAPTER 44Pagkataos sagutan ni Ayesha ang mga iyon ay agad na nya ring ibinigay kay Mariel ang mga ito. Ibinigay na rin nya rito ang nga requirements nya na ilang araw din nyang inasikaso."Sana ay magtagal ka rito. Pagkakita ko pa lang sa'yo kanina ay magaan agad ang loob ko sa'yo at tama nga ang hula ko na ikaw ang matatanggap. Kaya good luck ha. Tiis tiis lang sa ugali ni sir Lucas isipin mo na lamang ay araw araw kang makakakita ng gwapo," natatawang sabi ni Mariel kay Ayesha. Naiiling naman si Ayesha sa tinuran ni Mariel."Pagtitiisan ko na lamang sya dahil kailangan ko ng trabaho dahil may mga anak ako na dapat kong buhayin. Bahala ng magsungit ang amo ko na yan ang mahalaga ay may trabaho ako dahil kailangan kong kumita," sagot naman ni Ayesha na ikinagulat naman ni Mariel."M-may asawa ka na?" tanong ni Mariel dito saka nya pinakatitigan si Ayesha dahil hindi halata rito na may anak na ito."Wala akong asawa pero meron akong kambal na anak," nakangiti pa na sagot ni Ayesha."
CHAPTER 45Kinabukasan ay maaga ng nagising si Ayesha dahil ito ang unang araw nya sa kanyang trabaho at ayaw naman nya na malate sya sa unang araw nya sa trabaho. Agad na syang nag asikaso ng kanyang sarili dahil excited na sya sa kanyang first day sa trabaho nya."Good luck po mommy. Mag ingat po kayo," sabi ni Bryan na pipikit pikit pa. Nagising kasi ito nga halikan ito ni Ayesha dahil paalis na sya. Tulog pa kasi ang kambal dahil masyado pang maaga."Salamat baby. Matulog ka pa. Maaga pa," sabi ni Ayesha sa anak. Tanging pagtango lamang naman ang naging sagot ni Bryan at muling bumalik sa pagtulog. Nang masigurong tulog na muli si Bryan ay lumabas na si Ayesha sa silid ng kambal at agda ng bumaba ng hagdan."Mag ingat ka hija ha. Pag hindi mo kaya ang trabaho mo ay wag mong pilitin at maaari ka naman sa kumpanya natin," sabi ni Rita kay Ayesha."Kaya ko po ito mommy. Kakayanin ko po para sa mga anak ko," nakangiti pa na sagot ni Ayesha sa kanyang ina. "Sige po mom alis na po ako d
CHAPTER 46Ngayon nga ang unang araw ng trabaho ni Ayesha na sya na lamang mag isa dahil tapos na ang isang linggong training sa kanya ni Mariel.Maagang maaga na nga na pumasok si Ayesha ngayong araw dahil kagaya ng sabi ni Mariel ay kailangan nyang pumasok ng maaga para asikasuhin ang mga papeles na kakailanganin ni Lucas ngayong umaga. Pagkarating pa lamang nya sa kanyang pwesto ay isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Ayesha bago nya inayos ang mga papeles na kailangan ng boss nya."Kaya mo yan Ayesha," kausap pa ni Ayesha sa kanyang sarili.Sakto naman na natapos si Ayesha sa kanyang ginagawa ay ang pag bukas ng elevator at iniluwa noon si Lucas. Kahit isang linggo na roon si Ayesha ay hindi pa rin nya maiwasan na hindi mapatitig sa mukha ng gwapo nyang boss."G-good morning sir," bati ni Ayesha kay Lucas."Good morning," sagot ni Lucas sa baritonong boses at tumigil pa sya sa tapat ni Ayesha kaya naman napatingin si Ayesha rito."Sumunod ka sa akin sa loob,"
CHAPTER 47"Kumusta naman ang bago mong secretary?" tanong ni King kay Lucas. Nasa condo unit kasi sila ngayon ni Lucas dahil nag aya itong mag inom sila roon. Sumimsim naman na muna ng alak si Lucas saka sya naupo sa may kaharap na upuan nila King at Gerome."Bro mukhang hindi nya ako nakikilala. Ni wala man lang syang reaksyon ng makita nya ako. Ni hindi ko man lang sya nakitaan ng pagkagulat. Oo naiilang sya na kasama ako pero alam mo yung pagka ilang nya kasi sa akin ay normal lang dahil dala lang na first time nya lang magtrabaho sa akin," sagot ni Lucas sa kaibigan. Nagkatinginan naman sila King at Gerome dahil parang naguguluhan silang dalawa sa kwento ni Lucas."Saglit lang bro. Sinasabi mo ba sa amin na parang hindi ka man lang talaga nya nakikilala?" pag uulit ni King."Yes bro," sagot ni Lucas."Baka naman hindi talaga sya yun. Baka kamukha lang nya," sabat na ni Gerome."Tsk. Sigurado ako na sya yung babaeng nakasama ko ng gabi na yun. Kapag nakita nyo sya alam kong mamum
CHAPTER 139Ilang sandali pa nga na naghintay sila Lucas at ang kanyang mga magulang sa labas ng ICU at maya maya nga ay bumukas na muli ang pintuan noon at nakita nga nila ang doktor na tumitingin kay Ayesha kaya agad naman na itong linapitan ni Lucas."Dok pwede ko na po bang malapitan si Ayesha?" agad na tanong ni Lucas sa doktor dahil kanina pa talaga nya gustong lapitan si Ayesha."Yes pwede na po kayong pumasok sa loob. Pero hindi po kayo maaaring pumasok sa loob ng sabay sabay. Isa isa lamang po ang maaaring pumasok sa loob. Pwede nyo rin pong kausapin ang pasyente para lumakas din po ang kanyang loob," magalang naman na sagot ng doktor kila Lucas.Napatingin naman si Lucas sa kanyang mga magulang at ng mapansin nga iyon ni Shiela ay agad naman na nyang tinanguan si Lucas para ito na ang maunang pumasok sa loob ng ICU kung nasaan si Ayesha."Sige po dok. Maraming salamat po," sagot naman ni Lucas sa doktor at tanging pagtango lamang naman ang naging tugon ng doktor kay Lucas ba
CHAPTER 138"Ang baby naman po na nasa sinapupunan ng pasyente ay hindi pa rin po natin masisiguardo kung makakaligtas po. Nasa eight weeks pa lamang po kasi ito kaya kailangan pa rin po talaga silang obserbahan ng OB-Gyne ng pasyente lalo na po at kailangan po natin makasigurado na maganda ang kapit ng bata sa kanyang ina. At dahil nga rin po kailangang maturukan ng ilang mga gamot ang pasyente ay kailangan nga rin po namin isaalang alang ang kapakanan ng bata," sagot pa ng doktor.Naipikit naman ng mariin ni Lucas ang kanyang mga mata at hindi na nga nya napigilan ang paglandas ng kanyang masaganang luha pero agad din naman nya iyong pinunasan dahil kailangan nyang maging matatag para sa kanyang mag ina."Dok pakiusap gawin nyo po ang lahat ng makakaya nyo para maging ligtas po ang mag ina ko. Nagmamakaawa po ako sa inyo," pakiusap na ni Lucas sa doktor."Wag po kayong mag alala sir dahil ginagawa naman po namin ang lahat ng aming makakaya para po maging ligtas po ang pasyente. At s
CHAPTER 137Parang bigla namang binuhusan ng malamig na tubig si Lucas dahil sa sinabi ni Ayesha. Napakurap kurap pa nga sya at hindi nya na malaman kung ani ang gagawin nya dahil nakikita na nyang naghahabol ng hininga si Ayesha."Sir excuse me po muna. Kailangan po namin kunin si ma'm," sabi ng doktor na lumapit sa kanila at may mga kasama na nga itong mga tauhan. Kaya naman wala sa sariling napatayo nga si Lucas para makuha na nga ng mga ito si Ayesha.Nang makuha na nga si Ayesha ng mga doktor ay agad naman ng sununod si Lucas sa mga ito at sumakay na nga rin sya sa ambulansya kung saan isinakay si Ayesha. Hinawakan pa nga nya ng mahigpit ang kamay nito at ramdam pa naman nya na mainit pa iyon kaya naman napapapikit na lamang talaga sya at pinapanalangin nya na sana ay malagpasan ni Ayesha ito at maging ligtas ito at ang batang nasa sinapupunan nito.Pagkarating sa ospital ay agad na ngang idineretso si Ayesha sa Operating Room ng ospital at naiwan na nga lamang sa labas noon si L
CHAPTER 136Hindi naman na nakapagsalita pa si Jessa at naiyak na lamang talaga sya dahil sa mga sinabi ng kanyang ama. Pag angat nga nya ng kanyang tingin ay nakita nya na malapit na nga sa kanyang pwesto ang kanyang ama kaya naman napabalik na naman sya sa wisyo at muli nga ay hinigpitan na naman nya ang pagkakahawak sa buhok ni Ayesha.Nakapag ipon naman na ng lakas si Ayesha dahil habang umiiyak si Jessa ay unti unti nga nitong linuluwagan ang pagkakahawak sa kanyang buhok kaya nag ipon na talaga sya ng lakas ng loob para makagawa sya ng paraan para makatakas ng ligtas kay Jessa.Nang bigla ngang humigpit ang pagkakahawak ni Jessa sa buhok ni Ayesha ay kinuha naman iyong pagkakataon ni Ayesha para sikuhin si Jessa sa mukha at hindi nga iyon napaghandaan ni Jessa kaya nabitawan nga nya ang buhok ni Ayesha at kamuntik pa nga syang natumba. Kaya naman kinuha na ulit yun na pagkakataon ni Ayesha para makatakas kay Jessa pero dahil nga mabigat ang suot nyang gown ay hindi nga sya makat
CHAPTER 135"Lumapit ka pa Ayesha. Gusto ko yung malapit na malapit ka sa amin," nakangisi pa na utos ni Jessa.Napabuntong hininga naman si Ayesha at mas dahan dahan na ngayon ang paghakbang nya palapit kila Jessa. Natatakot na kasi talaga sya sa maaaring mangyare dahil hindi nya alam kung ano ang balak ni Jessa na gawin sa kanya. Lalo pa syang kinabahan dahil alam nya na galit na galit ito sa kanya."Pakawalan mo na yung anak ko Jessa. Pakiusap maawa ka sa bata. Natatakot na sya. Parang awa mo na. Sasama naman na ako sa'yo. Narito na nga ako sa harapan mo. Pakawalan mo na ang anak ko" umiiyak pa na pakiusap ni Ayesha kay Jessa at halos magkaharapan na nga lamang sila.Agad naman na binitawan ni Jessa ang bata at agad na nga nyang hinila sa buhok si Ayesha at napaigik na nga lamang talaga si Ayesha dahil sa sakit dahil hindi nya iyon napaghandaan at isa pa ay nahihirapan talaga syang kumilos dahil sa suot nyang gown."Anak tumakbo ka na sa daddy mo," sigaw pa ni Ayesha sa kanyang ana
CHAPTER 134Tumawa naman si Jessa na parang isang baliw kaya lalo naman na natakot sila Lucas dito."Tsk. Ako pa ba ang gagawin nyong t*ng*. Alam ko naman na hindi ka sasama sa akin ng maayos Lucas at baka nga ipahuli mo pa ako kaagad sa mg pulis na yan kapag nakalapit ka sa akin. Kaya mas mabuti pa na si Ayesha na lamang ang kunin ko para naman maramdaman nya rin ang masaktan. Para naman sya ang mapag buntonan ko ng galit ko," parang baliw pa na sabi ni Jessa. "Ano ba ang pinagsasasabi mo r'yan Jessa. Itigil mo na to. Please lang," inis ng sagot ni Lucas sa dalaga.Parang wala namang naririnig si Jessa. Tiningnan nga nya ang nga pulis na nakapaligid sa kanya. Sa totoo lang ay hindi na talaga alam ni Jess ang kanyang gagawin. Parang gusto na bga lamang nyang tumakas pero ayaw naman nyang maging nasaya si Ayesha. Hindi na rin talaga nya maintindihan ang kanyang sarili."Ayesha ikaw ang gusto ko. Lumapit ka na rito bilang kapalit ng iyong anak," sigaw pa ni Jessa.Napatingin naman si L
CHAPTER 133"Ayesha kailangan ko itong gawin para sa anak natin. Kapag hindi pa ako kumilos ay baka kung ano pa ang magawa ni Jessa kay Brylle. Basta tatandaan mo na mahal na mahal ko kayo ng mga bata ha," sabi pa ni Lucas saka nya hinalikan sa noo si Ayesha at napapikit na nga sya ng mariin dahil hindi na nga nya naiwasan pa na maluha dahil sa mga nangyayare at kahit sya kasi ay natatakot na sa maaaring gawin ni Jessa sa kanilang anak.Hindi naman na nakapagsalita si Ayesha at tanging pag iyak na lamang ang nagawa nya dahil hindi na nya rin talaga alam kung ano ang kanilang gagawin para mailigtas mula kay Jessa ang kanilang anak. Parehong mahalaga sa kanya si Lucas at Brylle kaya ayaw nya na kahit isa man sa mga ito ay mapahamak o mawalay sa kanya.Saglit naman na yinakap ng mahigpit ni Lucas si Ayesha at saka nya ito dinampian ng halik sa labi saka nya ito matamis na nginitian."Magiging ayos din ang lahat. Magtiwala ka lamang sa akin," sabi pa ni Lucas kay Ayesha.Lumapit naman na
CHAPTER 132Dire diretso naman si Jessa sa paglalakad palabas ng naturang resort habang nakasunod nga sa kanya sila Lucas at ang kangang ama. Pero bigla na lamang syang natigilan dahil bago pa nga sya makalabas ng resort ay nakita nga nya ang napakaraming pulis na nakapaligid doon."Bakit ang daming pulis? Sinong nagpatawag ng mga pulis?" galit pa na tanong ni Jessa.Bigla namang kinabahan si Lucas dahil hindi na mapakali si Jessa ng makita nito ang mga pulis na nakapaligid na nga sa resort at kinakabahan sya na baka maiputok ni Jessa ang baril sa kanyang anak."Paalisin nyo sila. Bakit may mga pulis?" galit pa na sigaw muli ni Jessa."Anak calm down. Akong bahala sa'yo. Hindi kita pababayaan. Hindi ka naman sasaktan ng mga pulis kaya kumalma ka lang anak at ibaba mo na muna yang baril na hawak mo. Makinig ka kay daddy please," sabi ni Johnny kay Jessa."Jessa please ibaba mo yang baril mo. Natatakot na ang bata. Wag mo na lamang pansinin pa ang mga pulis. Ako na ang bahala sa'yo kaya
CHAPTER 131Bigla namang napangiti si Jessa ng makita nga nya na hawak na ng kanyang ama si Lucas. Pero hindi pa rin nagpaka kampante si Jessa at hindi pa rin nya binibitawan ang bata na wala ng tigil sa pag iyak dahil sa takot."Pwede ba. Wag kang iyak ng iyak r'yan. Nakakarindi ka na," singhal ni Jessa kay Brylle at hinila pa nga nito ang damit ng bata.Bigla namang nagalit si Lucas dahil sa ginawa ni Jessa dahil alam nya lalong natakot ang bata dahil sa ginawa nito at alam din nya na nasaktan si Brylle sa ginawa ni Jessa."Sh*t. Wag mong sktan ang anak ko. Sasama na nga ako sa'yo sinasaktan mo pa ang bata," galit na sigaw ni Lucas kay Jessa."Tsk. Nakakarindi na kasi iyak ng iyak," inis din naman na sagot ni Jessa at sinamaan pa nga nya ng tingin ang bata"Tinatakot mo kasi ang bata paanong hindi yan iiyak. Pakawalan mo na kasi sya," galit din naman na sagot ni Lucas."Calm down Lucas. Hindi natin mapapaamo si Jessa kung magagalit ka ng ganyan sa kanya. Sakyan mo na lamang din ang