CHAPTER 44Pagkataos sagutan ni Ayesha ang mga iyon ay agad na nya ring ibinigay kay Mariel ang mga ito. Ibinigay na rin nya rito ang nga requirements nya na ilang araw din nyang inasikaso."Sana ay magtagal ka rito. Pagkakita ko pa lang sa'yo kanina ay magaan agad ang loob ko sa'yo at tama nga ang hula ko na ikaw ang matatanggap. Kaya good luck ha. Tiis tiis lang sa ugali ni sir Lucas isipin mo na lamang ay araw araw kang makakakita ng gwapo," natatawang sabi ni Mariel kay Ayesha. Naiiling naman si Ayesha sa tinuran ni Mariel."Pagtitiisan ko na lamang sya dahil kailangan ko ng trabaho dahil may mga anak ako na dapat kong buhayin. Bahala ng magsungit ang amo ko na yan ang mahalaga ay may trabaho ako dahil kailangan kong kumita," sagot naman ni Ayesha na ikinagulat naman ni Mariel."M-may asawa ka na?" tanong ni Mariel dito saka nya pinakatitigan si Ayesha dahil hindi halata rito na may anak na ito."Wala akong asawa pero meron akong kambal na anak," nakangiti pa na sagot ni Ayesha."
CHAPTER 45Kinabukasan ay maaga ng nagising si Ayesha dahil ito ang unang araw nya sa kanyang trabaho at ayaw naman nya na malate sya sa unang araw nya sa trabaho. Agad na syang nag asikaso ng kanyang sarili dahil excited na sya sa kanyang first day sa trabaho nya."Good luck po mommy. Mag ingat po kayo," sabi ni Bryan na pipikit pikit pa. Nagising kasi ito nga halikan ito ni Ayesha dahil paalis na sya. Tulog pa kasi ang kambal dahil masyado pang maaga."Salamat baby. Matulog ka pa. Maaga pa," sabi ni Ayesha sa anak. Tanging pagtango lamang naman ang naging sagot ni Bryan at muling bumalik sa pagtulog. Nang masigurong tulog na muli si Bryan ay lumabas na si Ayesha sa silid ng kambal at agda ng bumaba ng hagdan."Mag ingat ka hija ha. Pag hindi mo kaya ang trabaho mo ay wag mong pilitin at maaari ka naman sa kumpanya natin," sabi ni Rita kay Ayesha."Kaya ko po ito mommy. Kakayanin ko po para sa mga anak ko," nakangiti pa na sagot ni Ayesha sa kanyang ina. "Sige po mom alis na po ako d
CHAPTER 46Ngayon nga ang unang araw ng trabaho ni Ayesha na sya na lamang mag isa dahil tapos na ang isang linggong training sa kanya ni Mariel.Maagang maaga na nga na pumasok si Ayesha ngayong araw dahil kagaya ng sabi ni Mariel ay kailangan nyang pumasok ng maaga para asikasuhin ang mga papeles na kakailanganin ni Lucas ngayong umaga. Pagkarating pa lamang nya sa kanyang pwesto ay isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Ayesha bago nya inayos ang mga papeles na kailangan ng boss nya."Kaya mo yan Ayesha," kausap pa ni Ayesha sa kanyang sarili.Sakto naman na natapos si Ayesha sa kanyang ginagawa ay ang pag bukas ng elevator at iniluwa noon si Lucas. Kahit isang linggo na roon si Ayesha ay hindi pa rin nya maiwasan na hindi mapatitig sa mukha ng gwapo nyang boss."G-good morning sir," bati ni Ayesha kay Lucas."Good morning," sagot ni Lucas sa baritonong boses at tumigil pa sya sa tapat ni Ayesha kaya naman napatingin si Ayesha rito."Sumunod ka sa akin sa loob,"
CHAPTER 47"Kumusta naman ang bago mong secretary?" tanong ni King kay Lucas. Nasa condo unit kasi sila ngayon ni Lucas dahil nag aya itong mag inom sila roon. Sumimsim naman na muna ng alak si Lucas saka sya naupo sa may kaharap na upuan nila King at Gerome."Bro mukhang hindi nya ako nakikilala. Ni wala man lang syang reaksyon ng makita nya ako. Ni hindi ko man lang sya nakitaan ng pagkagulat. Oo naiilang sya na kasama ako pero alam mo yung pagka ilang nya kasi sa akin ay normal lang dahil dala lang na first time nya lang magtrabaho sa akin," sagot ni Lucas sa kaibigan. Nagkatinginan naman sila King at Gerome dahil parang naguguluhan silang dalawa sa kwento ni Lucas."Saglit lang bro. Sinasabi mo ba sa amin na parang hindi ka man lang talaga nya nakikilala?" pag uulit ni King."Yes bro," sagot ni Lucas."Baka naman hindi talaga sya yun. Baka kamukha lang nya," sabat na ni Gerome."Tsk. Sigurado ako na sya yung babaeng nakasama ko ng gabi na yun. Kapag nakita nyo sya alam kong mamum
CHAPTER 48Pagkarating naman ni Lucas sa kanyang kumpanya ay nagtataka naman ang kanyang mga empleyado dahil nginingitian ni Lucas ang mga bumabati sa kanya. Nagtataka sila dahil dati ay pagkarating pa lamang nito sa kumpanya ay magkasalubong na kaagad ang kilay nito na para bang galit lagi sa mundo.Pagkalabas ni Lucas sa elevator ay napapangiti na lamang sya ng makita nya kaagad si Ayesha na abala sa mga ginagawa nito. Pigil pa nya ang kanyang sarili na yakapin ito dahil baka magulat ito at matakot sa kanya at bigla na naman itong mawala."Good morning ms. Salcedo," bati ni Lucas kay Ayesha. Nagulat naman si Ayesha sa biglang pagsulpot ni Lucas doon dahil hindi nya talaga ito napansin. Abala kasi sya sa mga ginagawa nya dahil halos kararating lang talaga nya roon kaya nagmamadali na talaga sya sa kanyang pagkilos."G-good morning sir. P-pasensya na po hindi ko po kayo napansin," sagot ni Ayesha rito."It's okay," nakangiti pa na sagot ni Lycas saka sya naglakad papasok sa kanyang o
CHAPTER 49Pagkatapos ng kanyang trabaho ay dumiretso uwi naman na si Ayesha balak pa nga sana syang ihatid ni Lucas pero mariin nya itong hinindian dahil nakakahiya naman kung ihahatid sya ng kanyang boss.Habang si Lucas naman ay dumiretso na muna sa kanyang unit dahil kanina pa sya tinatawagan ng dalawa nyang makulit na mga kaibigan dahil nandoon na raw umano ang mga ito."Ang tagal mo naman bro. Pupuntahan ka na sana namin sa opisina mo e," naiinip na sabi ni Gerome kay Lucas dahil kanina pa silang dalawa ni King naghihintay sa unit nito."Tsk. Ano ba kasi ang kailangan nyong dalawa?" masama ang tingin na tanong ni Lucas sa dalawa nyang kaibigan."Bro mukhang tama ka nga. Sya nga ang babae na nakita natin sa bar noon," sabat na ni King."Tama sya nga yun. Sya yung babae na nagpatibok sa pihikang puso ng kaibigan natin na ito. At salamat naman at kusa na syang nagpakita dahil sa totoo lang mahirap kayang maghanap ng tao na kahit pangalan ay hindu natin alam," sabat na ni King. Nata
CHAPTER 50Matulin naman na lumipas ang mga araw at linggo at ngayon nga ay halos mag isang buwan na si Ayesha sa kanyang trabaho at naging maayos naman ang pakikitungo ni Lucas kay Ayesha. Talagang pursigido rin si Lucas na makuha nya ang loob ng dalaga at unti unti ay nagigng komportable na rin si Ayesha na kasama ang kanyang boss kahit na sila lamang dalawa."Ayesha meron nga pala akong out of town trip next week at kailangan mong sumama sa akin sa Cebu," sabi ni Lucas kay Ayesha matapos nitong ibigay sa kanya ang mga paper works na kailangan nyang basahin."P-po? C-Cebu?" gulat naman na tanong ni Ayesha kay Lucas."Yes Ms. Salcedo doon kasi ang venue ng conference na dadaluhan ko at tatlong araw tayo roon," sagot naman ni Lucas."S-sir kailangan po ba talaga na kasama ako?" nag aalangan pa na tanong ni Ayesha dahil hindi nya napaghandaan ang mga ganitong bagay. Hindi kasi sya sanay na mapalayo sa kanyang mga anak lalo na at tatlong araw pa nyang hindj makakasama ang mga ito."Of c
CHAPTER 51Mabilis naman na lumipas ang mga araw at ngayon nga ang araw na aalis sila Ayesha at Lucas papuntang Cebu. Balak pa sanang sunduin ni Lucas si Ayesha pero hinindian na naman ito ng dalaga kaya naman sa kumpanya na lamang sila magkikita na dalawa.Pagkarating ni Ayesha sa kumpanya ni Lucas ay dumiretso na muna sya sa kanyang table para kunin ang ilang mahahalagang papeles na kailangan nyang dalhin sa pagpunta nila ng Cebu. Pagkababa nya ay sakto naman na dating ng sasakyan ni Lucas. Akmang babatiin na sana nya ito ay nagulat na lamang sya ng bigla nitong kinuha sa kamay nya ang maleta na hawak nya."Sir—" pigil pa sana ni Ayesha sa kanyang boss pero wala na rin syang nagawa ng mabilis na itong nakabalik sa sasakyan nito at agad na inilagay sa likuran ng sasakyan ang kanyang maleta."Let's go ms. Salcedo baka malate na tayo sa flught natin," sabi ni Lucas kay Ayesha kaya naman halos patakbo ng sumakay sa sasakyan ni Lucas si Ayesha.Wala naman silang imik na dalawa hanggang s