CHAPTER 52Pagdating nga ng hapon na iyon ay kumain lamang ng dinner sila Ayesha at Lucas pagkatapos ay dumiretso na sila sa may pool area ng nasabing hotel. Marami rami rin ang mga tao roon at karamihan sa kanila ay dadalo sa naturang conference kinabukasan.Inaya naman ni Lucas na maupo si Ayesha sa may tabi nya at ini order na lamang nya ito ng juice dahil ayaw nito ng alak o ng kahit na anong ladies drink."Wag kang lalayo sa akin ha. Dyan ka lamang," pautos na sabi ni Lucas kay Ayesha. Nagulat naman si Ayesha sa paraan ng pagsasalita ni Lucas dahil parang galit ito."Ha? O-oo naman. Dito lang ako at wala rinnnaman akong ibang mapupuntahan dito," sagot ni Ayesha."Good. Kanina pa kasi iba ang tingin ng mga lalake na yun sa'yo," sabi pa ni Lucas habang nakatingin sa mga lalake na hindu kalayuan sa kanila kaya naman napasunod na lamang ng tingin si Ayesha rito at nakita nga nya ang mga lalake na iba kung makatingin sa kanya.Napabuntong hininga naman si Lucas dahil kahit na maayos n
CHAPTER 53"A-anak? May anak ka na?" gulat pa na tanong ni Lucas kay Ayesha. Tumango tango naman si Ayesha kay Lucas."Oo may mga anak na ako at kambal sila kaya kailangan ko talagang magsikap para sa kanila dahil ayoko namang umasa na lamang sa mga magulang ko," seryosong sagot ni Ayesha. Hindi naman makapaniwala si Lucas sa kanyang narinig dahil parang bigla syang pinagpawisan ng malamig dahil sa kanyang nalaman."K-kung may anak ka na. Nasaan ang asawa mo? I mean ang tatay ng mga a-anak mo?" nauutal pa na tanong ni Lucas."Hindi ko alam," balewalang sagot naman ni Ayesha."What do you mean?" usyoso pa ni Lucas pero ang totoo ay ang lakas na ng kabog ng dibdib nya dahil sa mga nalaman nya. Bigla tuloy syang kinabahan at kaba iyon dahil sa excitement dahil baka mga anak nya nga ang mga anak ni Ayesha dahil sigurado talaga sya na si Ayesha ang nakaniig nya ng gabi na yun."Mahabang kwento pero hayaan mo na yun. Kaya ko namang buhayin ang mga anak ko na wala ang kanilang ama," sagot na
CHAPTER 54Mabilis naman natapos ang tatlong araw na conference nila Lucas at Ayesha sa Cebu at bukas ng umaga pa naman ang kanilang flight pabalik ng Manila kaya inaya na muna ni Lucas na mamasyal si Ayesha roon dahil alam din naman nito na pagod si Ayesha at gusto naman nya na makapag relax ito kahit papano dahil pagbalik nila ng Manila ay sigurado na marami na naman silang tambak na trabaho.Sa nakalipas din na mga araw ay hindi na muna kinulit pa ni Lucas si Ayesha tungkol sa mga anak nito. Ayaw nya kasi na mailang si Ayesha sa kanya habang nasa Cebu sila.Samantalang laking pasalamat naman ni Ayesha dahil madalas na good mood naman si Lucas habang nasa Cebu sila. Medyo naiilang nga sya dahil masyado itong maalaga habang naroon sila. Simula rin ng araw magsimula ang conference ay hindi talaga pumapayag si Lucas na malayo sa kanya si Ayesha."Wala ka bang gustong bilhin na pasalubong sa mga anak mo?" tanong ni Lucas kay Ayesha habang naglalakad sila palabas ng hotel para pumunta sa
CHAPTER 55Kinabukasan ay maaga ng umalis sila Ayesha at Lucas sa hotel dahil maaga nga ang kanilang flight pabalik ng Manila. Buong oras ata ng byahe nila ay nanahimik lamang si Ayesha dahil may gumugulo talaga sa isipan nya.Habang si Lucas naman ay parang gusto na nyang usisain ang dalaga ng tungkol sa mga bata pero pinigilan na lamang talaga nya ang kanyang sarili dahil ayaw nga nya na mailang si Ayesha sa kanya at baka makahalata pa ito sa kanya. Natatakot sya na baka mawala na naman ito bigla at ang mas kinakatakot nya baka hindi na naman nya ito mahanap pati ang mga bata.Pagkarating ng Manila ay agad naman na nagpaalam si Ayesha kay Lucas at hindi na rin sya nagpahatid pa sa kanilang bahay.Nang sumunod na araw ay kailangan na muling bumalik sa trabaho sa opisina si Ayesha pero hanggang ngayon ay binabagabag pa rin sya ng mga naiisip nya.Pagkauwi nya kasi ng Manila ay hindi na mawala wala sa isip nya ang tungkol sa pagiging magkahawig ng anak nya at ng kanyang boss. Naisip ny
CHAPTER 56 "I'm sorry ma'm pero hindi po talaga kayo pwedeng pumasok sa loob ng walang pahintulot si sir Lucas. Kung gusto nyo po ay sasabihin ko po muna sa kanya na narito kayo," sagot naman ni Ayesha dahil ayaw naman nya na mapagalitan ng boss nya dahil iyon pa rinnang dapat nyang sundin dahil si Lucas ang nagpapasahod sa kanya at hindu ang babaeng kaharap nya ngayon."Aba't talagang sinusubukan mo ako ha," inis ng sabi ni Jessa at saka nya itinulak si Ayesha kaya naman natumba ito sa pintuan ng opisina ni Lucas kaya bunukas ito.Nagulat naman si Lucas sa biglang pagbukas ng pinto ng opisina nya at nakita nya si Ayesha na bumagsak doon kaya dali dali na syang tumayo para lapitan ito. Kanina pa kasi nya naritinig na parang may nagtatalo nga sa labas pero dahil sa dami ng kanyang ginagawa ay hindi na lamang nya iyon pinagtuunan pa ng pansin."Anong nangyayare dito?" tanong na ni Lucas at agad na nyang inalalayan si Ayesha na makatayo. Pag angat ng tingin nya ay nakita nya si Jessa ka
CHAPTER 57"Kung ganon po pala sir gusto na kayong pag asawahin ng mga magulang nyo bakit hindi na lamang po kayo mag asawa. Maganda naman po si ms. Jessa," sabi ni Ayesha kay Lucas matapos nyang marinig ang kwento ni Lucas."Tsk. Hindi ko gusto si Jessa at isa pa ay may mahal na talaga ako noon pa," sagot ni Lucas saka sya tumitig sa mata ni Ayesha. "Matagal ko na syang hinahanap at ngayon na nahanap ko na sya ay naghihintay na lamang ako ng tamang tyempo para sabihin ko sa kanya ang tunay kong nararamdaman para sa kanya," seryoso pang sabi ni Lucas.Nang mapansin ni Ayesha ang paraan ng pagkakatitig sa kanya ni Lucas ay agad na syang nag iwas ng tingin dito."G-ganon po ba sir. Mas mabuti po na magtapat na kayo sa kanya. At saka bakit hindi nyo na lamang po pala tapatin si ms. Jessa para naman po hindi na sya umasa pa," sagot ni Ayesha kahit na naiilang na syang makipag usap sa kanyang boss."Ilang beses ko na yan sinabi kay Jessa pero sarado ata ang utak ng babae na yun at ayaw pa
CHAPTER 58Kinabukasan ay pinilit talaga ni Ayesha na pumasok sa opisina kahit na medyo sumasakit pa talaga ang kanyang balakang.Pagkarating nya sa kanyang pwesto ay nagulat pa sya dahil wala na roon ang kanyang table kaya napatakbo sya ng wala sa oras at nagpalinga linga pa sya para hanapin kung nasaan ang kanyang table. May nakita naman syang lalake na lumabas sa opisina ni Lucas kaya naman dali dali na nya itong linapitan at tinanong."K-kuya wala ka bang napansin na lamesa rito?" tanong na ni Ayesha at itinuro pa nya ang pwesto kung nasaan ang lamesa nya."Ay ma'm yung lamesa po ba na nandyan? Nasa loob na po. Pinapasok na po ni sir Lucas sa loob," sagot namna ng lalake. Napakunot naman ang noo ni Ayesha dahil nagtataka sya bakit pinasok sa loob ng opisina ng binata ang kanyang lamesa."G-ganoon po ba? Bakit daw po pinapasok nya sa loob?" tanong pa nya."Hindi ko po alam ma'm. Napag utusan lang po ako," sagot ng lalake. "Sige po ma'm dito na po ako at may mga gagawin pa po kasi
CHAPTER 59"Ano ng balak mo ngayon kay Ayesha?" tanong ni King kay Lucas ng makarating na sila sa condo nito."Hindi ko pa alam dahil gusto ko sana munang makuha ang loob nya kaso ay parang lagi syang naiilang sa akin kaya hindi ko sya makausap ng seryoso at masinsinan. Ayoko rin naman syang biglain dahil alam ko na wala sya sa katinuan ng gabi na may nangyare sa amin," sagot ni Lucas sa mga kaibigan nya.Nagkatinginan naman sila King at Gerome dahil sa sinabi ni Lucas. Alam kasi nila kung gaano kagusto na mahanap ni Lucas ang babaeng nakasama nito ng gabi na yun kaso ngayon na nas malapit na ito sa kanya ay hindi naman ito masabi sabi ng binata rito."Good luck na lamang sa'yo bro at sana ay masabi mo na yan kay Ayesha," sagot ni King. "Nabalitaan nga pala namin ang nangyare sa opisina mo kahapon. Ano ng nangyare sa babaeng ha ol ng habol sa'yo? Alam mo ibang klase ka rin naman talaga e noh. Ayaw ka rin talaga tantanan ni Jessa," naiiling pa na sabi ni King."Ewan ko ba sa babae na y
CHAPTER 158Samantala naman halos dalawang oras din na nawalan ng malay si Ayesha at nagising na nga lamang sya na masakit sakit pa rin ang kanyang ulo kaya naipikit na lamang nga nya ulit ang kanyang nga mata dahil doon.Maya maya ay napamulat na rin naman si Ayesha ng bigla nyang maalala ang nga nangyare kanina at ngayon nya narealize na nakakaalala na nga sya dahil naalala nya bago sya mawalan ng malay kanina ay biglang dagsa ng nga alaala nya sa kanyang isipan at hindi na nga nya nakayanan pa iyon kaya sya nawalan ng malay.Dahan dahan naman na syang bumangon sa kanyang kinahihigaan at nasapo pa nga nya ang kanyang ulo dahil sumasakit pa rin iyon. Sakto naman na nakaupo na si Ayesha ay bigla namang bumukas ang pinto ng silid na iyon."Gising na pala ang best actress natin. Kumusta naman ang tulog mo? Hindi mo naman kasi kaagad sinabi na nabitin ka pala sa pagtulog mo kanina pinakaba mo pa kami," nakairap pa na sabi ni Jessa kay Ayesha at bahagya pa nga syang natawa rito."Baliw
CHAPTER 157Inabot na nga ng dilim sila Lucas sa mall kaya naman napagpasyahan na lamang nya na umuwi na muna sila ng kanyang ina. Pero ang mga tauhan nya ay patuloy pa rin sa paghahanap kay Ayesha at hindi nya nga pinapatigil ang mga iyon sa paghahanap. Bukod sa mga tauhan ni Lucas ay may mga pulis na rin na nag iikot at naglagay ng mga check point para mahanap si Ayesha.Naroon na nga rin ngayon sa mansyon nila Lucas ang nga magulang ni Ayesha at naghihintay nga rin ang mga ito ng balita sa paghahanap sa kanilang anak. Ang kambal namang anak nila Lucas ay iyak na rin ng iyak dahil nag aalala na nga rin ang mga ito para sa kanilang ina."Kumusta ang paghahanap nyo kay Ayesha? May balita na ba sa anak ko?" agad na tanong ni Rita kay Lucas ng dumating ang mga ito sa mansyon.Napabunting hininga naman si Lucas at saka sya dahan dahan na umiling rito.Parang bigla namang nanghina si Rita dahil doon at napaupo na lamang nga sya sa sofa na naroon at saka tahimik na umiyak. Lahat din pati k
CHAPTER 156"Ayesha gumising ka. Ano ba ang nangyayare sa'yo?" taranta naman na sabi ni Jessa at agad na nga nyang linapitan si Ayesha. Kahit naman kasi galit sya rito ay natatakot pa rin naman sya na baka kung ano ang mangyare rito ngayon."Anong ginawa mo? Bakit wala na yang malay?" tanong ng lalakeng kasama ni Jessa kanina pa na si Brent."Hindi ko alam kung bakit nawalan yan ng malay. Masakit daw ulo nya tapos bigla na lang sya nagkaganyan," sagot naman ni Jessa habang inaalog nya ang balikat ni Ayesha."Pano na yan? Baka kung anong mangyare r'yan sa babae na yan. Imbes na magkapera tayo ay maging bato pa," sabi ni Brent kay Jessa."Tsk. Mukha ka talagang pera," naka irap pa na sagot ni Jessa kay Brent.Tumakas lamang kasi si Jessa sa mental at sinadya nyang magbaliw baliwan nga noong nada kulungan sya dahil alam nya na mas madali nga naman syang makakatakas doon kesa sa kulungan. Kaya naman umasta syang baliw at noong nasa mental na nga siya ay humanap naman sya ng pagkakataon pa
CHAPTER 155Samantala naman nagising na lamang si Ayesha na nasa hindi pamilyar na silid na siya kaya naman napabalikwas na lamang talaga sya ng bangon at nagpalinga linga pa nga sya sa kinaroroonan nya ngayon."Gising na pala ang prinsesa natin. Mukhang napasarap pa yata ang tulog mo ah," rinig ni Ayesha na sabi ng isang boses babae at paglingon nga nya roon ay nakita nya ang babae na kasama nya kanina."S-sino ka ba? A-anong kailangan mo sa akin?" kandautal na tanong ni Ayesha sa babae na nakangisi pa nga sa kanya."Tsk. Mukhang totoo nga ang nabalitaan ko na nagka amnesia dahil hindi mo ako naaalala at ang tanga tanga mo pa dahil sumama sa ka sa akin," nakangisi pa na sagot ng babae."Sino ka nga? Bakit mo ito ginagawa?" tanong pa muli ni Ayesha."Well. Sige tutal ay hindi mo nga pala ako maalala kaya magpapakilala na ako sa'yo. Ako nga pala si Jessa Castro. At sa tanong mo kung bakit ko ito ginagawa ay simple lang naman ang sagot ko r'yan dahil gusto kong maghiganti sa'yo," pagpap
CHAPTER 154"Mommy napatawag po kayo? Kumusta po ang lakad nyo ni Ayesha?" agad na tanong ni Lucas sa kanyang ina pagkasagot nya sa tawag nito."Lucas anak si Ayesha," sabi ni Shiela sa anak nya at halos hindi nga nya agad masabi rito ang nangyare. Bigla namang natigilan si Lucas sa kanyang ginagawa ng marinig ang sinabi ng kanyang ina at halata nya nga sa boses nito na kinakabahan nga ito."Bakit mom? Ano po ang nangyare kay Ayesha?" tanong pa muli ni Lucas sa kanyang ina."B-bigla kasing n-nawala si Ayesha anak. H-hindi ko na sya makita. Natatakot na ako anak baka kung anong mangyare kay Ayesha," naiiyak ng sabi ni Shiela sa kanyang anak na nasa kabilang linya."Mom calm down. Pumunta ka na muna sa customer sevice ng mall at ipa page mo ang pangalan ni Ayesha. Dun mo na lamang din ako hintayin pupunta na ako r'yan," sagot ni Lucas sa kanyang ina. At agad na nga nyang kinuha ang susi ng kanyang sasakyan at nagmamadali na nga sya kaagad na makaalis sa kanyang kumpanya."Sige anak. Bi
CHAPTER 153"Sandali lang," sabi pa ng babae at hinarangan pa nga nya si Ayesha. "Ano ka ba naman ang tagal din natin hindi nagkita Ayesha. Ahm. M-may ibibigay ako sa'yo. Parang gift ko na rin kasi matagal tayong hindi nagkita," dagdag pa ng babae at hinawakan pa nga nya sa kamay si Ayesha. "Tara muna saglit. Kunin natin sa table ko yung gift ko sa'yo," sabi pa nito at akmang hihilahin na nga nya sa kamay si Ayesha pero tumigil nga si Ayesha."S-sandali lang. Next time na lang siguro kasi baka hinahanap na ako ni mommy," sagot ni Ayesha at babawiin na nga sana nya ang kanyang kamay ng hilahin nga sya nito."Saglit lang ito," sabi ng babae at saka nya hinila na nga si Ayesha.At dahil nga buntis si Ayesha ay hindi nga sya makapalag ng maigi sa babaeng nay hawak sa kanya kaya naman nagpatianod na lamang sya rito. Pagkalabas pa nga nya ng CR ay natanaw pa nga nya ang mommy Shiela nya na kausap ang waitress na nag seserve ng pagkain kaya hindi sya nito napapansin. Gustuhin man nya na tawa
CHAPTER 152Kinabukasan naman pagkatapos kumain nila Ayesha at Shiela ng lunch ay agad na nga silang nag gayak ng kanilang mga sarili para makapunta na nga sila sa mall.Sinama kasi talaga ni Shiela si Ayesha para maibili nya nga ito ng mga maternity dress lalo na at unti unti na nga na lumalaki ang tyan nito. At isa rin nga sa dahilan nya ay dahil hindi na nga ito nakakalabas labas pa ng mansyon.Pagkarating nga nila sa mall ay agad naman na silang dumiretso sa pamimili ng nga maternity dress ni Ayesha at parehas pa nga silang tuwang tuwa na magshopping ng nga gamit ni Ayesha. Napapatingin pa nga sila sa mga baby dress na naroon kaso ay hindi pa nga sila maaaring bumili non dahil hindi pa nga nila alam kung ano ba ang gender ng ipinagbubuntis ni Ayesha at isa pa ay masyado pa ngang maaga para mamili non dahil apat na buwan pa lang naman ang tyan ni Ayesha."Mommy tama na po siguro ito. Masyado na po yatang naparami ang nabili natin na damit ko," awat na ni Ayesha s aina ni Lucas dah
CHAPTER 151Agad naman na napangiti si Lucas sa sinabi ng isang bumibili doon. Napabaling naman ang tingin nya sa tindera at may hawak na nga itong kutsilyo para hiwain ang pakwan."Manang wag nyo na pong hiwain. Okay na po iyan. Bibilhin ko na po ang pakwan na iyan. Kung saan saan na po ako nakarating sa paghahanap ng pulang pakwan kaya kukunin ko na po iyan," sabi ni Lucas sa tindera at saka sya kumuha ng isang libo sa kanyang wallet at iniabot sa tindera.Ibinalot naman na ng tindera ang pakwan at akmang kukuha na nga ito ng panukli nya ay nagsalita naman si Lucas."Sa inyo na po ang sukli. Sa susunod po na may gustong kainin na prutas ang asawa ko ay dito na lamang po ako bibili. Maraming salamat po," sabi ni Lucas at kinuha na nga nya ang pakwan at saka dali dali ng umalis doon at agad na umuwi sa kanilang bahay.Pagkarating naman ni Lucas sa kanilang mansyon ay nadatnan naman nya si Ayesha na nasa sala kasama ang kanyang ina.Nagulat pa nga si Shiela ng makita nya ang itsura ni
CHAPTER 150 Matulin naman na lumipas ang mga araw at ngayon nga ay halos isang buwan na ang nakakalipas simula ng lumabas si Ayesha ng ospital.Sa isang buwan na iyon ay maayos na maayos naman na ang lagay ni Ayesha at apat na buwan na nga sya na buntis ngayon. Pero sa kabila nga noon ay hindi pa nga rin talaga ito nakakaalala. Bumalik na rin naman sila ng ilang beses sa ospital para sa follow up check up ni Ayesha at ang sabi nga ng doktor nito ay okay naman na ang lahat ang resulta ng mga exam na ginawa rito at nirmal na nga ang lahat pero hindi pa rin nga nila masagot ang tanong kung bakit nga ba hindi pa bumabalik ang alaala ni Ayesha.Ngayon nga ay narito sa garden ng mansyon si Ayesha at nakangiti pa nga nyang tinitingnan ang maraming bulaklak na tanim doon ng ina ni Lucas."Anong ginagawa mo r'yan babe?" nakangiti naman na tanong ni Lucas kay Ayesha ng makita nga nya ito roon na nakaupo lamang.Agad naman na napalingon si Ayesha sa gawi ng nagsalit at napangiti na nga lamang