CHAPTER 57"Kung ganon po pala sir gusto na kayong pag asawahin ng mga magulang nyo bakit hindi na lamang po kayo mag asawa. Maganda naman po si ms. Jessa," sabi ni Ayesha kay Lucas matapos nyang marinig ang kwento ni Lucas."Tsk. Hindi ko gusto si Jessa at isa pa ay may mahal na talaga ako noon pa," sagot ni Lucas saka sya tumitig sa mata ni Ayesha. "Matagal ko na syang hinahanap at ngayon na nahanap ko na sya ay naghihintay na lamang ako ng tamang tyempo para sabihin ko sa kanya ang tunay kong nararamdaman para sa kanya," seryoso pang sabi ni Lucas.Nang mapansin ni Ayesha ang paraan ng pagkakatitig sa kanya ni Lucas ay agad na syang nag iwas ng tingin dito."G-ganon po ba sir. Mas mabuti po na magtapat na kayo sa kanya. At saka bakit hindi nyo na lamang po pala tapatin si ms. Jessa para naman po hindi na sya umasa pa," sagot ni Ayesha kahit na naiilang na syang makipag usap sa kanyang boss."Ilang beses ko na yan sinabi kay Jessa pero sarado ata ang utak ng babae na yun at ayaw pa
CHAPTER 58Kinabukasan ay pinilit talaga ni Ayesha na pumasok sa opisina kahit na medyo sumasakit pa talaga ang kanyang balakang.Pagkarating nya sa kanyang pwesto ay nagulat pa sya dahil wala na roon ang kanyang table kaya napatakbo sya ng wala sa oras at nagpalinga linga pa sya para hanapin kung nasaan ang kanyang table. May nakita naman syang lalake na lumabas sa opisina ni Lucas kaya naman dali dali na nya itong linapitan at tinanong."K-kuya wala ka bang napansin na lamesa rito?" tanong na ni Ayesha at itinuro pa nya ang pwesto kung nasaan ang lamesa nya."Ay ma'm yung lamesa po ba na nandyan? Nasa loob na po. Pinapasok na po ni sir Lucas sa loob," sagot namna ng lalake. Napakunot naman ang noo ni Ayesha dahil nagtataka sya bakit pinasok sa loob ng opisina ng binata ang kanyang lamesa."G-ganoon po ba? Bakit daw po pinapasok nya sa loob?" tanong pa nya."Hindi ko po alam ma'm. Napag utusan lang po ako," sagot ng lalake. "Sige po ma'm dito na po ako at may mga gagawin pa po kasi
CHAPTER 59"Ano ng balak mo ngayon kay Ayesha?" tanong ni King kay Lucas ng makarating na sila sa condo nito."Hindi ko pa alam dahil gusto ko sana munang makuha ang loob nya kaso ay parang lagi syang naiilang sa akin kaya hindi ko sya makausap ng seryoso at masinsinan. Ayoko rin naman syang biglain dahil alam ko na wala sya sa katinuan ng gabi na may nangyare sa amin," sagot ni Lucas sa mga kaibigan nya.Nagkatinginan naman sila King at Gerome dahil sa sinabi ni Lucas. Alam kasi nila kung gaano kagusto na mahanap ni Lucas ang babaeng nakasama nito ng gabi na yun kaso ngayon na nas malapit na ito sa kanya ay hindi naman ito masabi sabi ng binata rito."Good luck na lamang sa'yo bro at sana ay masabi mo na yan kay Ayesha," sagot ni King. "Nabalitaan nga pala namin ang nangyare sa opisina mo kahapon. Ano ng nangyare sa babaeng ha ol ng habol sa'yo? Alam mo ibang klase ka rin naman talaga e noh. Ayaw ka rin talaga tantanan ni Jessa," naiiling pa na sabi ni King."Ewan ko ba sa babae na y
CHAPTER 60Kinabukasan hindi pa man tapos ang office hour ni Ayesha ay hinayaan na muna sya ni Lucas na umuwi para makapagpahinga at susunduin na lamang daw sya nito mamaya upang dalhin sa mag aayos dito. Ayaw pa sanang sumunod ni Ayesha pero wala na rin naman syang nagawa dahil talagang ipinagpilitan talaga ni Lucas na umuwi na muna sya.Pagkarating sa kanilang bahay ay nagulat pa ang ina ni Ayesha dahil maaga syang umuwi."Ayesha napaaga ata ang uwi mo may problema ba?" agad na tanong ni Rita kay Ayesha."Wala naman pong problema mom. Dadyang maaga lang po akong pinauwi ng boss ko dahil isasama daw po nya ako sa party mamaya," sagot ni Ayesha sa kanyang ina."Party? Ikaw ang isasama ng boss mo? Meaning ikaw ang ka-date nya sa party yun ba yun anak?" tila naguguluhan na tanong ni Rita kay Ayesha."Mom naman kadate kaagad? Hindi po ba pwedeng isasama lang," nakanguso naman na sagot ni Ayesha."Sus. Anak hindi naman kita pipigilan kung gusto mong mag asawa. Okay lang naman sa akin na m
CHAPTER 61Nang bumukas naman ang pintuan ng VIP room kung saan inaayusan si Ayesha ay napaawang na lamang ang bibig ni Lucas ng makita nya si Ayesha na lumabas doon. Hindi maalis alis ang pagkakatitig nya sa dalaga dahil parang bigla syang naestatwa na lamang dahil napakaganda talaga ni Ayesha kahit na napakasimple ng make up nito at bumagay pa rito ang black dress na fitted sa katawan ni Ayesha kaya lutang na lutang ang kasexyhan nito."Sir eto na po si ma'm," pukaw ng make up artist kay Lucas dahil nakatulala na lamang ito kay Ayesha."Ha? O-okay. T-thank you," kandautal pa na sabi ni Lucas. "L-let's go," pag aaya na nya kay Ayesha saka nya inilahad ang kanyang kamay sa dalaga. Ngumiti naman si Ayesh sa kanya saka ito humawak sa kamay ni Lucas.Nang makasakay sila sa sasakyan ni Lucas ay saglit pang napatitig si Lucas sa dalaga dahil parang sarap na sarap syang titigan ang magandang mukah nito."May problema po ba sir?" tanong na ni Ayesha dahil hindi pa rin sila umaalis doon."Ha?
CHAPTER 62Nagsimula naman na ang party ni Rico. At naging maayos at masaya naman iyon. Halos hindi naman pinapansin ni Lucas si Jessa at sadyang iniiwasan ni Lucas na magkaharap na naman sila ng dalaga dahil ayaw nyang mapahiya ito ngayong gabi s party ng kanyang ama.Matapos ang seremonyas ng party ay kanya kanya naman ng kumpulan ang mga bisita ni Rico. As usual usapang business ang mga topic ng mga naroon."Lucas maaari ba tayong mag usap," sabi ni Johnny kay Lucas ang ama ni Jessa.Napatingin naman sa gawi ni Ayesha si Lucas saka nya hinawakan ang kamay ng dalaga at muling hinarap ang ama ni Jessa. Nagulat man sa ginawa ni Lucas ay hindi naman na nakaimik pa si Ayesha dahil kahit hilahin nya ang kamay nya ay mahigpit ang pagkakahawak doon ni Lucas.Napatingin naman si Johnny sa kamay nila Lucas at Ayesha at parang walang pakialam ang binata na kaharap sya nito at ayaw bitawan ang kamay ng dalaga kaya naman naikuyom na lamang nya ang kanyang kamay."Ano po ba ang gusto nyong pag
CHAPTER 63 "A-ano ba ang problema mo? Bakit ka ba nagkakaganyan?" Kinakabahang tanong ni Ayesha sa kanyang boss. "Pasensya ka na sa mga nangyare kanina," sagot ni Lucas saka sya napabuntong hininga at saka sya sumandal sa kanyang sasakyan. "Ano ba kasi ang nangyayare sa'yo? Bakit ka ba nagkakaganyan?" tanong pa muli ni Ayesha. "Ayesha pwede bang humingi ng pabor sa'yo?" tanong na ni Lucas sa dalaga. Sa totoo lang ay gustong gusto na nyang sabihin kay Ayesha ang mga nalaman nya pero pinipigilan nya ang kanyang sarili dahil baka magulat naman ito at baka mawala na naman bigla at magpakalayo layo kagaya ng dati. "Ano ba yang pabor na hihilingin mo?" tanong na ni Ayesha sa binata. "Ahm. Bago yun matanong ko nga. M-may nobyo ka ba?" tanong na ni Lucas. "Wala akong nobyo at wala rin akong time para roon dahil gusto kong magfocus lamang sa mga anak ko. Bakit mo naitanong?" sagot ni Ayesha. Dahan dahan naman na tumango si Lucas dito saka sya humarap sa dalaga. "Mabuti naman k
CHAPTER 64Pagkatapos nilang mag usap na mag ama ay agad na ring dumiretso sa kanyang kwarto si Lucas at napabuga na lamang sya ng hangin sa bibig nya at saka sya pasalampak na naupo sa kanyang kama.Naipikit pa nya ng mariin ang kanyang mga mata at lumalabas sa balintataw nya ang magandang mukha ni Ayesha kaya naman napangiti na lamang sya pero agad din napalid ang ngiti nya ng maalala na naman nya ang tungkol kay Jessa.Hindi nya kasi maintindihan ang babae na yun kung bakit ba ayaw syang tantanan nito kahit na pinagtutulakan na nya ito palayo.Kaya ngayon ay naisip nga nya na pagpanggapin si Ayesha na kanyang nobya dahil baka sakaling tumigil na nga si Jessa sa kakahabol sa kanya. Pinagdarasal na lamang talaga nya na sana ay pumayag nga ang dalaga sa gusto nya at gagawin na rin nya iyong pagkakataon para mapalapit kay Ayesha.*******Pagkarating naman ni Ayesha sa kanilang bahay ay tulog na ang kanyang mga anak ganon din ang kanyang mga magulang. Isa isa na nga nyang hinalikan sa