CHAPTER 65Bigla namang bumukas ang pinto ng opisina ni Lucas at iniluwa noon si Lucas na nakakunot na ang noo."Ano ang nangyayare rito?" agad na tanong ni Lucas at malalaki ang hakbang na agad syang lumapit kay Ayesha na hawak hawak ni Jessa sa buhok."L-Lucas," gulat pa na sabi ni Jessa dahil hindi nya malaman kung ano ang idadahilan nya sa binata dahil kita mo sa mukha nito ang galit kaya naman nabitawan nya ang buhok ni Ayesha at nagulat pa sya ng biglang yakapin ni Lucas ang dalaga."Anong ginagawa mo rito sa opisina ko?" galit na sigaw ni Lucas kay Jessa."Gusto lamang kitang kumustahin kaya ako naparito. Pero si Ayesha kasi—" hindi na nya naituloy pa ang sasabibin nya ng sumigaw na si Lucas."Diba sinabihan na kita na wag na wag ka ng pupunta rito. At anong karapatan mo para saktan ang girlfriend ko. Umalis ka na bago pa magdilum ang paningin ko sa'yo at makalimutan ko na babae ka," galit na sigaw ni Lucas. Gulat naman na napatitig si Jessa kay Lucas dahil sa sinabi nito. Pati
CHAPTER 66Bigla namang bumukas ang pintuan ng opisna ni Lucas at agad na linuwa noon ang dalawang kaibigan nya na sila King at Gerome."Bro mukhang nakakaistorbo yata tayo a," agad na sabi ni King kay Gerome at natapik pa nya ito sa balikat dahil kagaya nya ay natigilan din ito sa nakita nila. Agad naman na napapitlag si Ayesha at naitulak pa nya si Lucas at agad na syang naupo sa kanyang pwesto at parang walang nangyare na agad nyang binuksan ang kanyang laptop pero hindi sya makatingin sa dalawang kaibigan ni Lucas dahil nahihiya sya sa mga ito dahil parang nakita nga sila ng mga ito.Habang si Lucas naman ay naipikit na lamang ng mariin ang mata saka nya sinamaan ng tingin sila Gerome at King saka sya naglakad papunta sa kanyang pwesto."Hindi ba kayo marunong kumatok na dalawa? Ano ba ang kailangan nyo at bigla bigla na lamang kayong sumusulpot dito sa opisina ko," sabi ni Lucas sa dalawa nyang kaibigan at halata mo sa boses nito ang pagkairita marahil ay nabitin ito kanina sa p
CHAPTER 67Nang matapos si Ayesha sa kanyang ginagawa ay agad na rin naman silang pumunta sa kotse ni Lucas at pinagbuksan pa sya nito ng pinto ng kotse nito. Nahihiya man ay wala naman ng magawa pa si Ayesha at nagpapasalamat na lamang talaga sya na wala masyadong empleyado roon dahil baka may makakita pa sa kanila ni Lucas ay baka kung ano pa ang isipin ng nga ito sa kanya.Pagkasakay nila sa kotse ni Lucas ay nagtataka naman si Ayesha dahil hindi pa iniistart ni Lucas ang kotse nito kaya naman napalingon sya sa binata at nagulat pa sya dahil nakatitig pala ito sa kanya. Pagkasakay nya kasi sa kotse ni Lucas ay hindi nya talaga linilingon pa ang gawi ng binata dahil nahihiya sya rito."B-bakit? M-may problema ba?" Kandautal na tanong ni Ayesha kay Lucas. Napabuntong hininga naman si Lucas."P-pasensya ka na nga pala kanina. Wag mo na lamang pansinin pa ang dalawa kong kaibigan at wag kang mag alala at pagsasabihan ko na lamang din sila mamaya," sagot ni Lucas. "Ha? W-wag na. Pabaya
CHAPTER 68Samantala naman agad na dumiretso si Lucas pagkahatid nya kay Ayesha sa kanyang unit kung saan naghihintay na nga roon ang dalawa nyang makukulit at pasaway na mga kaibigan.Pagkapasok pa lamang nya sa loob ng kanyang unit ay agad nyang nakita ang dalawa nyang kaibigan na may nakakalokong ngiti habang nakatingin sa kanya at mukhang kanina pa nga talaga sya hinihintay ng mga ito."Mukhang magcecelebrate yata tayo ngayon bro ah," nakangisi pa na sabi ni Gerome."Kaya nga bro. Magcecelebrate ata talaga tayo ngayong gabi," sabat na rin naman ni King habang nakatingin kay Lucas.Iiling iling naman si Lucas na lumapit sa dalawa nyang kaibigan."Tsk. At ano naman ang dapat nating icelebrate ngayong gabi? Mga istorbo," inis na turan ni Lucas sa dalawa nyang kaibigan. Hanggang ngayon kasi ay naiinis pa rin sya sa dalawang ito dahil bukod sa nabitin sya sa ginawa nyang paghalik kay Ayesha ay alam nyang maiilang na naman sa kanya ang dalaga kaya naiinis talaga sya sa dalawa nyang ka
CHAPTER 69Mabilis naman na lumipas ang isang buwan at naging maayos naman na sila Ayesha at Lucas. Naging kampante na rin si Ayesha na kasama ang binata at hindi na sya naiilang pa rito. Habang si Lucas naman ay masaya dahil mukhang nakukuha na nya ang loob ng dalaga at hindi na nga ito naiilang sa kanya.Sa nakalipas din na isang buwan ay minsan na lamang din manggulo si Jessa at hindi na nga ito masyado nakakalapit pa sa kanila ni Ayesha dahil pina ban na ito ni Lucas sa kanyang kumpanya. Hatid sundo na rin nya si Ayesha ngayon para hindi nga ito malapitan ni Jessa.Sa loob din ng isang buwan na yun ay tuluyan na nga talagang nahulog ang loob ni Lucas kay Ayesha kaya naman napagpasyahan nya na magtapat na ng nararamdaman nya para sa dalaga.Pagkatapos ng nakakapagod na maghapon nila na pagtatrabaho sa opisina ay naisipan ni Lucas na ayain na mag dinner sa labas si Ayesha."Ayesha ayain sana kita na mag dinner sa labas ngayon," sabi ni Lucas."Ha? A-ano kasi—""Sige na please. Tuta
CHAPTER 70 "Ayesha sa totoo lang hindi ko alam kung paano ko ba sisimulan ito," sabi pa ni Lucas saka nya hinawakan ang kamay ni Ayesha na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. "Alam ko na maiilang ka kapag sinabi ko ito sa'yo pero kasi hindi ko na kaya pang itago ang tunay kong nararamdaman sa'yo Ayesha," seryoso pa na sabi ni Lucas habang nataman syang nakatitig sa mga mata ni Ayesha. "A-ano bang pinagsasasabi mo r'yan? Ayos ka lang ba? Baka nalilipasan ka na ng gutom ha," sagot naman ni Ayesha at nagawa pa nyang magbiro sa binata pero ang totoo ay napakalas na talaga ng kabog ng dibdib nya dahil sa sinasabi ni Lucas. "Ayesha seyoso ako sa mga sinasabi ko. Sa totoo lang ay noon ko pa sana ito gustong sabihin sa'yo pero natatakot kasi ako na baka bumalik ka sa dati na naiilang ka sa akin kaya minabuti ko na lamang na makuntento sa masaya kitang nakikita at nakakasama araw araw ng walang ilangan. Pero kasi ngayon ay hindi ko na kaya pang pigilan ang nararamdaman ko para sa'yo," sabi
CHAPTER 71Matapos magkaaminan sa tunay nilang nararamdaman para sa isa't isa sila Lucas at Ayesha ay ipinagpatuloy na nila ang kanilang dinner. Kapwa sila masaya pareho dahil sa wakas ay nasabi na nila sa isa't isa ang kanilang tunay na nararamdaman para sa isa't isa.Masayang masaya si Lucas dahil sa wakas ay naamin na nya kay Ayesha ang nararamdaman nya para sa dalaga na matagal na nyang kinikimkim at mas lalo pang nagpasaya sa kanya ay ang kaalaman na mahal na rin sya ni Ayesha. Hindi nya kasi akalain iyon dahil kung minsan nga ay may pagkamasungit sa kanya si Ayesha kahit na sya ang boss nito.Masayang masaya rin naman si Ayesha dahil may tao pa pala na handang magmahal sa kanya sa kabila ng mayroon na siyang nga anak. Laking pasalamat nya dahil tanggap ni Lucas ang mga anak nya at umaasa sya na kapag lumabas ang katotohanan kung talaga bang anak ni Lucas ang mga bata ay maging maayos pa rin sana silang dalawa. May mga agam agam kasi si Ayesha dahil hindi nya alam kung ano ba an
CHAPTER 72Gusto pa nga sanang patulugin na lamang si Ayesha sa kanyang unit kaso lang ay hindi pumayag ang dalaga at isa pa ay inaalala rin naman nito ang kanyang mga anak na baka hanapin sya kapag nagising ang mga iyon. Kaya naman inihatid na lamang ni Lucas si Ayesha sa bahay nito."Salamat sa paghatid. Sa susunod ay ipakilala na kita sa mga anak ko pati na rin sa mga magulang ko," nakangiti pa na sabi ni Ayesha kay Lucas pagkatigil ng sasakyan nito sa tapat ng kanilang bahay."Sige. Walang problema. At ikaw rin gusto na rin kitang ipakilala sa mga magulang ko," sagot naman ni Lucas."Sige na. Gabi na rin. Magpahinga ka na pag uwi mo ha. Pag iingat ka," sabi pa ni Ayesha at akmang bababa na sana sya sa kotse ng binata ng bigla syang pigilan nito."Pwede ba na babe na lamang ang tawagan natin para naman hindi mo ako tinatawag ng tinatawag ng Lucas," natatawa pa na sabi ni Lucas."Ha? P-pwede naman kaso sa opisina ay sir pa rin ang dapat na itawag ko sa'yo," sagot ni Ayesha. Napabunt
CHAPTER 159Lumipas naman ang magdamag na iyon ay wala pa ring balita sila Lucas tungkol sa kinaroroonan ni Ayesha ngayon.Naikuyom na lamang talaga ni Lucas ang kanyang kamao dahil naiinis na sya sa isipin na baka nga na kay Jessa si Ayesha ngayon."Ang mabuti pa ay kumain na muna tayo para may lakas tayo sa paghahanap kay Ayesha," sabi ni Shiela sa kanyang anak at sa mga magulang ni Ayesha na matyaga pa nga rin na naghihintay ng balita tungkol kay Ayesha.Napabuntong hininga naman si Lucas habang seryoso nga nyang tinitingnan ang mga kasamahan nya roon. Naaawa nga rin sya sa kanyang ina dahil kagabi pa nga ito iyak ng iyak dahil sinisisi nito ang kanyang sarili kung bakit nawala si Ayesha dahil sya nga ang kasama nito bago ito nawala."Sige po. Tara na po munang kumain," pag aaya na rin ni Lucas sa mga naroon. Agad naman na sumunod din ang mga magulang ni Ayesha sa kanila ahabang ang kambal ay tulog pa rin kaya nauna na nga sila na kumain ng agahan."Mamaya nga po pala ay aalis po m
CHAPTER 158Samantala naman halos dalawang oras din na nawalan ng malay si Ayesha at nagising na nga lamang sya na masakit sakit pa rin ang kanyang ulo kaya naipikit na lamang nga nya ulit ang kanyang nga mata dahil doon.Maya maya ay napamulat na rin naman si Ayesha ng bigla nyang maalala ang nga nangyare kanina at ngayon nya narealize na nakakaalala na nga sya dahil naalala nya bago sya mawalan ng malay kanina ay biglang dagsa ng nga alaala nya sa kanyang isipan at hindi na nga nya nakayanan pa iyon kaya sya nawalan ng malay.Dahan dahan naman na syang bumangon sa kanyang kinahihigaan at nasapo pa nga nya ang kanyang ulo dahil sumasakit pa rin iyon. Sakto naman na nakaupo na si Ayesha ay bigla namang bumukas ang pinto ng silid na iyon."Gising na pala ang best actress natin. Kumusta naman ang tulog mo? Hindi mo naman kasi kaagad sinabi na nabitin ka pala sa pagtulog mo kanina pinakaba mo pa kami," nakairap pa na sabi ni Jessa kay Ayesha at bahagya pa nga syang natawa rito."Baliw
CHAPTER 157Inabot na nga ng dilim sila Lucas sa mall kaya naman napagpasyahan na lamang nya na umuwi na muna sila ng kanyang ina. Pero ang mga tauhan nya ay patuloy pa rin sa paghahanap kay Ayesha at hindi nya nga pinapatigil ang mga iyon sa paghahanap. Bukod sa mga tauhan ni Lucas ay may mga pulis na rin na nag iikot at naglagay ng mga check point para mahanap si Ayesha.Naroon na nga rin ngayon sa mansyon nila Lucas ang nga magulang ni Ayesha at naghihintay nga rin ang mga ito ng balita sa paghahanap sa kanilang anak. Ang kambal namang anak nila Lucas ay iyak na rin ng iyak dahil nag aalala na nga rin ang mga ito para sa kanilang ina."Kumusta ang paghahanap nyo kay Ayesha? May balita na ba sa anak ko?" agad na tanong ni Rita kay Lucas ng dumating ang mga ito sa mansyon.Napabunting hininga naman si Lucas at saka sya dahan dahan na umiling rito.Parang bigla namang nanghina si Rita dahil doon at napaupo na lamang nga sya sa sofa na naroon at saka tahimik na umiyak. Lahat din pati k
CHAPTER 156"Ayesha gumising ka. Ano ba ang nangyayare sa'yo?" taranta naman na sabi ni Jessa at agad na nga nyang linapitan si Ayesha. Kahit naman kasi galit sya rito ay natatakot pa rin naman sya na baka kung ano ang mangyare rito ngayon."Anong ginawa mo? Bakit wala na yang malay?" tanong ng lalakeng kasama ni Jessa kanina pa na si Brent."Hindi ko alam kung bakit nawalan yan ng malay. Masakit daw ulo nya tapos bigla na lang sya nagkaganyan," sagot naman ni Jessa habang inaalog nya ang balikat ni Ayesha."Pano na yan? Baka kung anong mangyare r'yan sa babae na yan. Imbes na magkapera tayo ay maging bato pa," sabi ni Brent kay Jessa."Tsk. Mukha ka talagang pera," naka irap pa na sagot ni Jessa kay Brent.Tumakas lamang kasi si Jessa sa mental at sinadya nyang magbaliw baliwan nga noong nada kulungan sya dahil alam nya na mas madali nga naman syang makakatakas doon kesa sa kulungan. Kaya naman umasta syang baliw at noong nasa mental na nga siya ay humanap naman sya ng pagkakataon pa
CHAPTER 155Samantala naman nagising na lamang si Ayesha na nasa hindi pamilyar na silid na siya kaya naman napabalikwas na lamang talaga sya ng bangon at nagpalinga linga pa nga sya sa kinaroroonan nya ngayon."Gising na pala ang prinsesa natin. Mukhang napasarap pa yata ang tulog mo ah," rinig ni Ayesha na sabi ng isang boses babae at paglingon nga nya roon ay nakita nya ang babae na kasama nya kanina."S-sino ka ba? A-anong kailangan mo sa akin?" kandautal na tanong ni Ayesha sa babae na nakangisi pa nga sa kanya."Tsk. Mukhang totoo nga ang nabalitaan ko na nagka amnesia dahil hindi mo ako naaalala at ang tanga tanga mo pa dahil sumama sa ka sa akin," nakangisi pa na sagot ng babae."Sino ka nga? Bakit mo ito ginagawa?" tanong pa muli ni Ayesha."Well. Sige tutal ay hindi mo nga pala ako maalala kaya magpapakilala na ako sa'yo. Ako nga pala si Jessa Castro. At sa tanong mo kung bakit ko ito ginagawa ay simple lang naman ang sagot ko r'yan dahil gusto kong maghiganti sa'yo," pagpap
CHAPTER 154"Mommy napatawag po kayo? Kumusta po ang lakad nyo ni Ayesha?" agad na tanong ni Lucas sa kanyang ina pagkasagot nya sa tawag nito."Lucas anak si Ayesha," sabi ni Shiela sa anak nya at halos hindi nga nya agad masabi rito ang nangyare. Bigla namang natigilan si Lucas sa kanyang ginagawa ng marinig ang sinabi ng kanyang ina at halata nya nga sa boses nito na kinakabahan nga ito."Bakit mom? Ano po ang nangyare kay Ayesha?" tanong pa muli ni Lucas sa kanyang ina."B-bigla kasing n-nawala si Ayesha anak. H-hindi ko na sya makita. Natatakot na ako anak baka kung anong mangyare kay Ayesha," naiiyak ng sabi ni Shiela sa kanyang anak na nasa kabilang linya."Mom calm down. Pumunta ka na muna sa customer sevice ng mall at ipa page mo ang pangalan ni Ayesha. Dun mo na lamang din ako hintayin pupunta na ako r'yan," sagot ni Lucas sa kanyang ina. At agad na nga nyang kinuha ang susi ng kanyang sasakyan at nagmamadali na nga sya kaagad na makaalis sa kanyang kumpanya."Sige anak. Bi
CHAPTER 153"Sandali lang," sabi pa ng babae at hinarangan pa nga nya si Ayesha. "Ano ka ba naman ang tagal din natin hindi nagkita Ayesha. Ahm. M-may ibibigay ako sa'yo. Parang gift ko na rin kasi matagal tayong hindi nagkita," dagdag pa ng babae at hinawakan pa nga nya sa kamay si Ayesha. "Tara muna saglit. Kunin natin sa table ko yung gift ko sa'yo," sabi pa nito at akmang hihilahin na nga nya sa kamay si Ayesha pero tumigil nga si Ayesha."S-sandali lang. Next time na lang siguro kasi baka hinahanap na ako ni mommy," sagot ni Ayesha at babawiin na nga sana nya ang kanyang kamay ng hilahin nga sya nito."Saglit lang ito," sabi ng babae at saka nya hinila na nga si Ayesha.At dahil nga buntis si Ayesha ay hindi nga sya makapalag ng maigi sa babaeng nay hawak sa kanya kaya naman nagpatianod na lamang sya rito. Pagkalabas pa nga nya ng CR ay natanaw pa nga nya ang mommy Shiela nya na kausap ang waitress na nag seserve ng pagkain kaya hindi sya nito napapansin. Gustuhin man nya na tawa
CHAPTER 152Kinabukasan naman pagkatapos kumain nila Ayesha at Shiela ng lunch ay agad na nga silang nag gayak ng kanilang mga sarili para makapunta na nga sila sa mall.Sinama kasi talaga ni Shiela si Ayesha para maibili nya nga ito ng mga maternity dress lalo na at unti unti na nga na lumalaki ang tyan nito. At isa rin nga sa dahilan nya ay dahil hindi na nga ito nakakalabas labas pa ng mansyon.Pagkarating nga nila sa mall ay agad naman na silang dumiretso sa pamimili ng nga maternity dress ni Ayesha at parehas pa nga silang tuwang tuwa na magshopping ng nga gamit ni Ayesha. Napapatingin pa nga sila sa mga baby dress na naroon kaso ay hindi pa nga sila maaaring bumili non dahil hindi pa nga nila alam kung ano ba ang gender ng ipinagbubuntis ni Ayesha at isa pa ay masyado pa ngang maaga para mamili non dahil apat na buwan pa lang naman ang tyan ni Ayesha."Mommy tama na po siguro ito. Masyado na po yatang naparami ang nabili natin na damit ko," awat na ni Ayesha s aina ni Lucas dah
CHAPTER 151Agad naman na napangiti si Lucas sa sinabi ng isang bumibili doon. Napabaling naman ang tingin nya sa tindera at may hawak na nga itong kutsilyo para hiwain ang pakwan."Manang wag nyo na pong hiwain. Okay na po iyan. Bibilhin ko na po ang pakwan na iyan. Kung saan saan na po ako nakarating sa paghahanap ng pulang pakwan kaya kukunin ko na po iyan," sabi ni Lucas sa tindera at saka sya kumuha ng isang libo sa kanyang wallet at iniabot sa tindera.Ibinalot naman na ng tindera ang pakwan at akmang kukuha na nga ito ng panukli nya ay nagsalita naman si Lucas."Sa inyo na po ang sukli. Sa susunod po na may gustong kainin na prutas ang asawa ko ay dito na lamang po ako bibili. Maraming salamat po," sabi ni Lucas at kinuha na nga nya ang pakwan at saka dali dali ng umalis doon at agad na umuwi sa kanilang bahay.Pagkarating naman ni Lucas sa kanilang mansyon ay nadatnan naman nya si Ayesha na nasa sala kasama ang kanyang ina.Nagulat pa nga si Shiela ng makita nya ang itsura ni