CHAPTER 71Matapos magkaaminan sa tunay nilang nararamdaman para sa isa't isa sila Lucas at Ayesha ay ipinagpatuloy na nila ang kanilang dinner. Kapwa sila masaya pareho dahil sa wakas ay nasabi na nila sa isa't isa ang kanilang tunay na nararamdaman para sa isa't isa.Masayang masaya si Lucas dahil sa wakas ay naamin na nya kay Ayesha ang nararamdaman nya para sa dalaga na matagal na nyang kinikimkim at mas lalo pang nagpasaya sa kanya ay ang kaalaman na mahal na rin sya ni Ayesha. Hindi nya kasi akalain iyon dahil kung minsan nga ay may pagkamasungit sa kanya si Ayesha kahit na sya ang boss nito.Masayang masaya rin naman si Ayesha dahil may tao pa pala na handang magmahal sa kanya sa kabila ng mayroon na siyang nga anak. Laking pasalamat nya dahil tanggap ni Lucas ang mga anak nya at umaasa sya na kapag lumabas ang katotohanan kung talaga bang anak ni Lucas ang mga bata ay maging maayos pa rin sana silang dalawa. May mga agam agam kasi si Ayesha dahil hindi nya alam kung ano ba an
CHAPTER 72Gusto pa nga sanang patulugin na lamang si Ayesha sa kanyang unit kaso lang ay hindi pumayag ang dalaga at isa pa ay inaalala rin naman nito ang kanyang mga anak na baka hanapin sya kapag nagising ang mga iyon. Kaya naman inihatid na lamang ni Lucas si Ayesha sa bahay nito."Salamat sa paghatid. Sa susunod ay ipakilala na kita sa mga anak ko pati na rin sa mga magulang ko," nakangiti pa na sabi ni Ayesha kay Lucas pagkatigil ng sasakyan nito sa tapat ng kanilang bahay."Sige. Walang problema. At ikaw rin gusto na rin kitang ipakilala sa mga magulang ko," sagot naman ni Lucas."Sige na. Gabi na rin. Magpahinga ka na pag uwi mo ha. Pag iingat ka," sabi pa ni Ayesha at akmang bababa na sana sya sa kotse ng binata ng bigla syang pigilan nito."Pwede ba na babe na lamang ang tawagan natin para naman hindi mo ako tinatawag ng tinatawag ng Lucas," natatawa pa na sabi ni Lucas."Ha? P-pwede naman kaso sa opisina ay sir pa rin ang dapat na itawag ko sa'yo," sagot ni Ayesha. Napabunt
CHAPTER 73"Yung naghatid sa'yo boss mo ba yun?" agad na tanong ni Daniel kay Ayesha."P-po? O-opo boss ko po iyon dad. B-bakit po?" kandautal pa na sagot ni Ayesha."May relasyon ba kayong dalawa? Hindi kasi normal na ihatid ng boss ang kanyang empleyado," tanong pa muli ni Daniel kay Ayesha dahil kanina pa sya nasa labas at nakita nya na matagal bago bumaba ng sasakyan na iyon ang kanyang anak. Gulat na gulat naman si Ayesha sa naging tanong ng kanyang ama sa kanya kaya naman hindi sya kaagad nakapagsalita."Anak hindi ka naman namin tututulan kung may relasyon nga kayo ng boss mo. Ang sa amin lang ay mag iingat ka na kung sino ang taong mamahalin mo ha," sabat na ni Rita ng hindi na nagsalita pa si Ayesha. Napangiti naman si Ayesha sa kanyang mga magulang."Opo mag iingat po ako at alam ko naman po na mahal din ako ni Lucas. Hayaan nyo po at ipapakilala ko po sya sa inyo soon kapag po hindi na kami busy sa opisina dahil sa ngayon po ay napakarami pa po talaga naming ginagawa," sa
CHAPTER 74Kinabukasan ay kagaya ng dati sinundo pa rin ni Lucas si Ayesha. Kapwa may ngiti sa kanilang mga labi hanggang sa makarating sila sa kumpanya ni Lucas.Pero bago pa sila makapasok sa loob ng kumpanya ni Lucas ay nagulat pa sila sa biglaang pagsulpot ni Jessa roon."Wow naman. Ang sweet nyo namang dalawa. Talagang hatid sundo pa talaga ang malanding babae na yan a," sabi ni Jessa habang pumapalakpak pa ito."Jessa pwede ba. Wag ka ng gumawa pa ng iskandalo sa kumpanya ko," sagot naman ni Lucas sa dalaga saka nya hinawakan ang kamay ni Ayesha upang maglakad na sana papasok ng kumpanya ni Lucas pero natigilan din sila kaagad sa paghakbang ng magsalita muli si Jessa kaya naman muli silang humarap dito."Talaga bang may relasyon na kayong dalawa? Talaga bang nagmamahalan kayo? O talaga bang pinanindigan ng babae na yan ang pagiging mang aagaw nya?" nakangisi pa na tanong ni Jessa kila Lucas at Ayesha."Oo. May relasyon kaming dalawa. At nagmamahalan kami. At wala ka ng pakialam
CHAPTER 75Naging maayos naman ang nga sumunod na oras kila Ayesha at Lucas. At naging abala talaga sila sa kanilang trabaho at halos maghapon talaga silang tutok sa kanilang ginagawa.Sumapit na nga ang kanilang uwian at kagaya ng dati ay inihahatid nga ni Lucas si Ayesha sa bahay nito."Tara pasok tayo sa loob. Ipapakilala kita sa mga magulang at mga anak ko," pag aaya ni Ayesha kay Lucas dahil gusto na nya itong ipakilala sa kanyang mga magulang at sa kanyang mga anak.Gulat naman na napatingin si Lucas kay Ayesha."S-seryoso? Ipapakilala mo na ako sa kanila ngayon?" tila hindi makapaniwala na tanong ni Lucas sa kanyang nobya."Yes. Kaya tara na sa loob," pag aaya pa ni Ayesha sa kanyang nobyo at akmang bababa na sana sya ng sasakyan ni Lucas ng pigilan sya ng binata."Wait lang. Dapat ay sinabi mo kaagad sa akin kanina. Sana ay nakabili man lang tayo ng pasalubong natin sa kanila," sabi ni Lucas kay Ayesha dahil nahihiya naman sya na pumunta roon at wala man lang syang kadala dala
CHAPTER 76"Yes baby. Girlfriend ko ang mommy Ayesha nyo," nakangiti pa na sagot ni Lucas sa bata."Really? Girlfriend nyo po si mommy? Ibig pong sabihin ay palagi ko na po kayong makikita?" tuwang tuwa pa na daldal ni Bryan dahil hindi nya talaga nakalimutan si Lucas noon dahil ito ang nakakita sa kanya sa mall noon."Yes baby. Pwede naman kung papayag ang mommy nyo," sagot naman ni Lucas."Sandali nga anak. Bakit mo ba sya tinatawag na kuya pogi? Sya ang tito Lucas mo. Teka nga nagkita na ba kayo dati at parang magkakilala na kayong dalawa?" sabat na ni Ayesha sa pag uusap ng dalawa."Mommy sya po ang tumulong sa akin sa mall noon nung nawala po ako. Si kuya pogi po yung sinasabi ko sa inyo na tumulong po sa akin sa mall," pagkukwento na ni Bryan sa kanyang ina kung paano nya nakilala si Lucas at kung bakit nya ito tinatawag na kuya pogi.Gulat naman na napatingin si Ayesha sa kanyang anak dahil hindi nya akalain na minsan na palang nagkrus ang landas ng kanyang anak at si Lucas."A
CHAPTER 77"Yes dad. Boyfriend ko po pala si Lucas at sya rin po ang boss ko," proud pa na pagpapakilala ni Ayesha sa kanyang nobyo habang ngiting ngiti pa sya na nakatingin dito.Muli ay napatingin na lamang si Daniel sa kanyang anak at mas pinili na lamang nya na manahimik na muna kahit na ang totoo ay nagulat talaga sya sa presensya ng nobyo ni Ayesha pero ang mas nagpagulat sa kanya ay ng mapansin nya na magkamukha ito at ang mga bata.Bigla namang lumabas si Rita mula sa kusina at agad na nyang tinawag ang nga ito para makakain na kaagad sila. Magana naman na kumain ang kambal dahil sa sobrang tuwa nilang dalawa dahil sa presensya ni Lucas.Pagkatapos nilang kumain ay halos ayaw ng pakawalan ng kambal si Lucas dahil tuwang tuwa sila na makipaglaro rito kahit na ngayon pa lamang din talaga nila ito nakilala.Ayos na ayos naman kay Lucas na makipaglaro sa kanyang nga anak dahil totoong gusto nyang makasama ang mga ito noon pa kaya naman sinusulit nya talaga na makasama nya ito sa u
CHAPTER 78"Sige kids. Matulog na kayo dahil gabing gabi na. See you on sunday," sagot naman ni Lucas. "Wait kids. Can I hug you both?" dagdag pa ni Lucas dahil sa totoo lang ay parang ayaw na nga nyang alisin sa bisig nya ang kambal at parang gusto na lamang nyang yakapin ang mga ito.Agad naman na tumango sila Bryan at Brylle at halos sabay pa sila na yumakap kay Lucas bago sila tuluyang umakyat sa kanilang kwarto."Pasensya ka na sa kakulitan ng nga anak ko ha," sabi ni Ayesha kay Lucas ng sila na lamang dalawa ang naroon."Naku wala iyon. Nag enjoy din naman ako na makasama silang dalawa," nakangiti naman na sagot ni Lucas kay Ayesha."O sige na. Umuwi ka na dahil gabing gabi na may pasok pa tayo bukas sa opisina," pagtataboy na ni Ayesha kay Lucas."Bakit ba pinapaalis mo na ako? Gusto pa kitang makasama e," sagot ni Lucas na tonong nagtatampo na. Agad naman na natawa si Ayesha dahil sa inasta ng kanyang nobyo."Hindi naman sa ganoon pero alam ko kasi na pagod ka rin at kailangan