CHAPTER 63 "A-ano ba ang problema mo? Bakit ka ba nagkakaganyan?" Kinakabahang tanong ni Ayesha sa kanyang boss. "Pasensya ka na sa mga nangyare kanina," sagot ni Lucas saka sya napabuntong hininga at saka sya sumandal sa kanyang sasakyan. "Ano ba kasi ang nangyayare sa'yo? Bakit ka ba nagkakaganyan?" tanong pa muli ni Ayesha. "Ayesha pwede bang humingi ng pabor sa'yo?" tanong na ni Lucas sa dalaga. Sa totoo lang ay gustong gusto na nyang sabihin kay Ayesha ang mga nalaman nya pero pinipigilan nya ang kanyang sarili dahil baka magulat naman ito at baka mawala na naman bigla at magpakalayo layo kagaya ng dati. "Ano ba yang pabor na hihilingin mo?" tanong na ni Ayesha sa binata. "Ahm. Bago yun matanong ko nga. M-may nobyo ka ba?" tanong na ni Lucas. "Wala akong nobyo at wala rin akong time para roon dahil gusto kong magfocus lamang sa mga anak ko. Bakit mo naitanong?" sagot ni Ayesha. Dahan dahan naman na tumango si Lucas dito saka sya humarap sa dalaga. "Mabuti naman k
CHAPTER 64Pagkatapos nilang mag usap na mag ama ay agad na ring dumiretso sa kanyang kwarto si Lucas at napabuga na lamang sya ng hangin sa bibig nya at saka sya pasalampak na naupo sa kanyang kama.Naipikit pa nya ng mariin ang kanyang mga mata at lumalabas sa balintataw nya ang magandang mukha ni Ayesha kaya naman napangiti na lamang sya pero agad din napalid ang ngiti nya ng maalala na naman nya ang tungkol kay Jessa.Hindi nya kasi maintindihan ang babae na yun kung bakit ba ayaw syang tantanan nito kahit na pinagtutulakan na nya ito palayo.Kaya ngayon ay naisip nga nya na pagpanggapin si Ayesha na kanyang nobya dahil baka sakaling tumigil na nga si Jessa sa kakahabol sa kanya. Pinagdarasal na lamang talaga nya na sana ay pumayag nga ang dalaga sa gusto nya at gagawin na rin nya iyong pagkakataon para mapalapit kay Ayesha.*******Pagkarating naman ni Ayesha sa kanilang bahay ay tulog na ang kanyang mga anak ganon din ang kanyang mga magulang. Isa isa na nga nyang hinalikan sa
CHAPTER 65Bigla namang bumukas ang pinto ng opisina ni Lucas at iniluwa noon si Lucas na nakakunot na ang noo."Ano ang nangyayare rito?" agad na tanong ni Lucas at malalaki ang hakbang na agad syang lumapit kay Ayesha na hawak hawak ni Jessa sa buhok."L-Lucas," gulat pa na sabi ni Jessa dahil hindi nya malaman kung ano ang idadahilan nya sa binata dahil kita mo sa mukha nito ang galit kaya naman nabitawan nya ang buhok ni Ayesha at nagulat pa sya ng biglang yakapin ni Lucas ang dalaga."Anong ginagawa mo rito sa opisina ko?" galit na sigaw ni Lucas kay Jessa."Gusto lamang kitang kumustahin kaya ako naparito. Pero si Ayesha kasi—" hindi na nya naituloy pa ang sasabibin nya ng sumigaw na si Lucas."Diba sinabihan na kita na wag na wag ka ng pupunta rito. At anong karapatan mo para saktan ang girlfriend ko. Umalis ka na bago pa magdilum ang paningin ko sa'yo at makalimutan ko na babae ka," galit na sigaw ni Lucas. Gulat naman na napatitig si Jessa kay Lucas dahil sa sinabi nito. Pati
CHAPTER 66Bigla namang bumukas ang pintuan ng opisna ni Lucas at agad na linuwa noon ang dalawang kaibigan nya na sila King at Gerome."Bro mukhang nakakaistorbo yata tayo a," agad na sabi ni King kay Gerome at natapik pa nya ito sa balikat dahil kagaya nya ay natigilan din ito sa nakita nila. Agad naman na napapitlag si Ayesha at naitulak pa nya si Lucas at agad na syang naupo sa kanyang pwesto at parang walang nangyare na agad nyang binuksan ang kanyang laptop pero hindi sya makatingin sa dalawang kaibigan ni Lucas dahil nahihiya sya sa mga ito dahil parang nakita nga sila ng mga ito.Habang si Lucas naman ay naipikit na lamang ng mariin ang mata saka nya sinamaan ng tingin sila Gerome at King saka sya naglakad papunta sa kanyang pwesto."Hindi ba kayo marunong kumatok na dalawa? Ano ba ang kailangan nyo at bigla bigla na lamang kayong sumusulpot dito sa opisina ko," sabi ni Lucas sa dalawa nyang kaibigan at halata mo sa boses nito ang pagkairita marahil ay nabitin ito kanina sa p
CHAPTER 67Nang matapos si Ayesha sa kanyang ginagawa ay agad na rin naman silang pumunta sa kotse ni Lucas at pinagbuksan pa sya nito ng pinto ng kotse nito. Nahihiya man ay wala naman ng magawa pa si Ayesha at nagpapasalamat na lamang talaga sya na wala masyadong empleyado roon dahil baka may makakita pa sa kanila ni Lucas ay baka kung ano pa ang isipin ng nga ito sa kanya.Pagkasakay nila sa kotse ni Lucas ay nagtataka naman si Ayesha dahil hindi pa iniistart ni Lucas ang kotse nito kaya naman napalingon sya sa binata at nagulat pa sya dahil nakatitig pala ito sa kanya. Pagkasakay nya kasi sa kotse ni Lucas ay hindi nya talaga linilingon pa ang gawi ng binata dahil nahihiya sya rito."B-bakit? M-may problema ba?" Kandautal na tanong ni Ayesha kay Lucas. Napabuntong hininga naman si Lucas."P-pasensya ka na nga pala kanina. Wag mo na lamang pansinin pa ang dalawa kong kaibigan at wag kang mag alala at pagsasabihan ko na lamang din sila mamaya," sagot ni Lucas. "Ha? W-wag na. Pabaya
CHAPTER 68Samantala naman agad na dumiretso si Lucas pagkahatid nya kay Ayesha sa kanyang unit kung saan naghihintay na nga roon ang dalawa nyang makukulit at pasaway na mga kaibigan.Pagkapasok pa lamang nya sa loob ng kanyang unit ay agad nyang nakita ang dalawa nyang kaibigan na may nakakalokong ngiti habang nakatingin sa kanya at mukhang kanina pa nga talaga sya hinihintay ng mga ito."Mukhang magcecelebrate yata tayo ngayon bro ah," nakangisi pa na sabi ni Gerome."Kaya nga bro. Magcecelebrate ata talaga tayo ngayong gabi," sabat na rin naman ni King habang nakatingin kay Lucas.Iiling iling naman si Lucas na lumapit sa dalawa nyang kaibigan."Tsk. At ano naman ang dapat nating icelebrate ngayong gabi? Mga istorbo," inis na turan ni Lucas sa dalawa nyang kaibigan. Hanggang ngayon kasi ay naiinis pa rin sya sa dalawang ito dahil bukod sa nabitin sya sa ginawa nyang paghalik kay Ayesha ay alam nyang maiilang na naman sa kanya ang dalaga kaya naiinis talaga sya sa dalawa nyang ka
CHAPTER 69Mabilis naman na lumipas ang isang buwan at naging maayos naman na sila Ayesha at Lucas. Naging kampante na rin si Ayesha na kasama ang binata at hindi na sya naiilang pa rito. Habang si Lucas naman ay masaya dahil mukhang nakukuha na nya ang loob ng dalaga at hindi na nga ito naiilang sa kanya.Sa nakalipas din na isang buwan ay minsan na lamang din manggulo si Jessa at hindi na nga ito masyado nakakalapit pa sa kanila ni Ayesha dahil pina ban na ito ni Lucas sa kanyang kumpanya. Hatid sundo na rin nya si Ayesha ngayon para hindi nga ito malapitan ni Jessa.Sa loob din ng isang buwan na yun ay tuluyan na nga talagang nahulog ang loob ni Lucas kay Ayesha kaya naman napagpasyahan nya na magtapat na ng nararamdaman nya para sa dalaga.Pagkatapos ng nakakapagod na maghapon nila na pagtatrabaho sa opisina ay naisipan ni Lucas na ayain na mag dinner sa labas si Ayesha."Ayesha ayain sana kita na mag dinner sa labas ngayon," sabi ni Lucas."Ha? A-ano kasi—""Sige na please. Tuta
CHAPTER 70 "Ayesha sa totoo lang hindi ko alam kung paano ko ba sisimulan ito," sabi pa ni Lucas saka nya hinawakan ang kamay ni Ayesha na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. "Alam ko na maiilang ka kapag sinabi ko ito sa'yo pero kasi hindi ko na kaya pang itago ang tunay kong nararamdaman sa'yo Ayesha," seryoso pa na sabi ni Lucas habang nataman syang nakatitig sa mga mata ni Ayesha. "A-ano bang pinagsasasabi mo r'yan? Ayos ka lang ba? Baka nalilipasan ka na ng gutom ha," sagot naman ni Ayesha at nagawa pa nyang magbiro sa binata pero ang totoo ay napakalas na talaga ng kabog ng dibdib nya dahil sa sinasabi ni Lucas. "Ayesha seyoso ako sa mga sinasabi ko. Sa totoo lang ay noon ko pa sana ito gustong sabihin sa'yo pero natatakot kasi ako na baka bumalik ka sa dati na naiilang ka sa akin kaya minabuti ko na lamang na makuntento sa masaya kitang nakikita at nakakasama araw araw ng walang ilangan. Pero kasi ngayon ay hindi ko na kaya pang pigilan ang nararamdaman ko para sa'yo," sabi