Gusto lang naman ni Adaline na maging maayos ang buhay. Ngunit dahil sa labis na kahirapan na kaniyang kinamulatan, kailangan niyang tanggapin ang reyalidad. Nakipagsapalaran ito sa syudad ngunit alam niya na walang tatanggap sa kaniya dahil hindi ito nakapagtapos ng pag-aaral. Dahil sa isang alok ng isang babaeng kagaya niya na nagmula rin sa hirap ay sinikmura niya itong tanggapin, alang-alang sa pamilyang pinangakuan niyang bibigyan niya ng magandang buhay. Labag man sa kalooban niya na gawin iyon ay wala na rin siyang ibang ginawa kundi mahalin ang trabaho; ang pasiyahin ang mga kalalakihan gamit ang kaniyang katawan. Dumating ang isang lalaking tinanggap siya sa kahit na gano'n ang kaniyang trabaho, itinuring normal kahit na maruming bagay ang tingin sa kaniya. Ngunit hindi sinasadyang nagdalang-tao ito at sigurado siya kung sino ang ama ng bata. Pero paano? Paano niya sasabihin sa taong iyon? Paano kung hindi maniwala ang lalaking iyon? Gagawin niya kaya ang panibagong kasalanan? o paninindigang mag-isa ang batang nasa sinapupunan?
view more"Anak, hindi mo naman kailangang umalis. Dito ka na lang kasama ang mga kapatid mo. Hindi ka ba natatakot sa lugar na pupuntahan mo? Alam naman nating delikado sa Maynila. Paano na lang kung may mangyaring masama sa iyo?" nag-aalalang wika ni mama sa akin habang abala ako sa pag-iimpake ng kaunting damit.
Hindi ko siya tiningnan dahil sa kalagayan niya. Masiyado na siyang maraming sakit na iniinda. May mga kapatid pa akong nag-aaral, at alam ko naman na kulang pa ang kinikita ko rito sa lugar namin bilang labandera. Baka nga pumasok na lang ako bilang katulong o 'di kaya'y labandera na lang din.
"Masaya sa Maynila 'Ma. Maraming tao roon. Tapos sabi pa ng ibang kakilala ko, malaki raw kita roon 'Ma. Magpapadala naman po ako kapag may suweldo agad ako. Tapos ayaw ninyo 'yon? May makakain na kayo? Hindi na tayo mababaon sa utang. Hindi na kayo kakain ng sardinas," pagpapakalma ko kay mama na gustuhin mang tumayo ay hindi niya magawa dahil sa masakit niyang likuran.
"Tatawagan mo naman kami, 'di ba?"
"Oo naman po."
"Kung sakaling ayaw mo na sa Maynila, umuwi ka agad dito, Ada."
"Ma, hindi pa nga ako nakakaalis, tapos pauuwiin ninyo na agad ako? Okay na nga po lahat. Pramis Ma, 'pag dating ko roon, tatawag agad ako. Ipapakita ko sa inyo na maganda ang Maynila, walang lamok. Tapos hindi habal-habal 'yong mga sasakyan doon, magagarang kotse ang sasakyan ko ma. Tapos kapag nakaipon na ako, dadalhin ko po kayo roon," nakangiting saad ko saka tumayo at pinagmasdan ang mga maliliit kong kapatid na nakaupo lang at tahimik na nginunguya ang tinapay na ilang araw na nilang kinakain.
Pinilit kong ngumiti. Bawal ang sumimangot kasi baka mamaya isipin nila na hindi ako masaya. Magiging okay rin naman kami, alam ko 'yon. Kaya kailangan kong sumugal sa Maynila. Naroon na lahat ng mga kaibigan ko at base sa mga naririnig ko tungkol sa kanila, ay maganda ang kita roon.
"Aalis na ang ate, huwag kayong magpapasaway kay mama. Wala kayong pasalubong kapag ginalit ninyo si mama. Ang kuya ninyo na muna ang mag-aalaga sa inyo." Bahagya akong tumitig sa dalawa kong kapatid na maliliit pa habang ang sumunod sa akin na si Adrian ay tinanguan ko na lang.
Tanging pagkaway na lang ang ginawa ko at mahigpit na kumapit sa isang lumang maleta na ginamit pa namin limang taon na ang nakakaraan, matapos sumama ni papa sa ibang babae dahil sa sakit ni mama at katandaan ay nagawa ng tatay kong sumama sa mga babaeng halos kasing-edad ko lang. Hindi ko alam kung utang na loob ko ba na dinala niya ako sa mundong nagpapahirap sa amin.
Nahinto lamang ako sa paglalakad nang matanaw ko na ang babaeng nag-alok sa akin na sumama sa Maynila. Nagbakasyon lang siya rito sa lugar namin at ngayon ang araw na babalik na siya ng Maynila bilang manager. Hindi siya nakapagtapos kagaya ko, pero isa siyang manager at napansin ko ngang dahil sa trabaho niya ay umunlad sila ng pamilya niya. Naipagawa ang kubo nila, nabili ang lupa at halos pati negosyo ay meron na rin. Iyon ang pangarap ko noon, at mukhang mangyayari na.
"Ready ka na? Ngumiti ka naman Ada. mula ngayon, sanayin mong ngumiti." Hinampas nito nang mahina ang puwitan ko saka kumindat. "Diyan ka yayaman Ada. Ikaw talaga," naiiling na sabi nito saka hinawakan ang kamay ko.
"Hindi naman illegal 'yong pagdala mo sa akin doon 'di ba?" tanong ko rito na tinawanan niya lang.
"Hindi, ano ka ba! Twenty-two ka na 'di ba? Basta't may ID ka lang tapos ilang dokumento wala naman silang pakialam kung nag-kolehiyo ka eh, 'di ba high school graduate ka naman?"
"Oo."
"Oh, eh, di bongga! At saka, masaya sa Maynila, sigurado akong yayaman ka roon kung madiskarte ka. Sa ngayon, huwag ka munang mag-isip ng kung ano-ano. Hindi naman kita pababayaan doon," huling sabi nito bago ko napagtanto na nakasakay na kami ng barko, palayo sa lugar na halos pagtabuyan kami ng pamilya ko.
Tipikal na damit lang ang suot ko na kanina pa tinititigan ni Ate Calli at naiiling pa. Hindi ko alam kung anong problema niya sa leggings ko at sa maluwang na damit. Naiilang ako sa tuwing tinititigan ang katawan ko lalo na't ang mga lalaking diretso tingin sa akong dibdib, at puwitan na ipagmamalaki ko naman. Hindi naman ako singtapang ni Ate Calli na nakasuot na fitted na dress na hanggang hita niya.
Tanging selpon na de pindot lang ang aking bitbit dahil na puwede kong magamit pantawag sa pamilya ko. Kailangan ko agad makahanap ng trabaho at kahit na magkatulong muna ako ay tatanggapin ko. Basta may maipadala.
Gabi na nang makarating kami sa sinasabi niyang Maynila. Nakahilera ang mga barko sa gilid at maraming tao ang nasa gilid lamang na para bang may hinihintay. Tahimik lang akong dumikit at sumunod kay Ate Calli, para hindi mawala. Roon ko lang malinaw na napansin ang ganda ng paligid.
Matatayog na gusali sa kalayuan at natatanaw ko dahil sa mga ilaw na meron iyon. Ang ingay na hindi pangkaraniwan sa akin at ang mga sasakyan sa bandang unahan ko na nakikipagpatintero. Ang lahat ng taong malampasan namin ay abala sa nga hawak nilang selpon na mas maganda pa kaysa sa akin. Ang mga damit nilang parang galing sa ibang bansa at pakiramdam ko ay asungot lang ako rito. Pakiramdam ko, ang lahat ng nakatira sa Maynila ay mayayaman.
"Ganito ang Maynila. Sa una, matatakot ka dahil hindi ka pamilyar. Marami kang makikilalang tao pero kaunti lang ang ituturing kang tao," makahulugan na sinabi nito saka sumenyas na lumayo ako nang kaunti.
Inilabas niya ang sigarilyo at saka tumingin sa malayo. "Sinama kita dahil gusto kong maging maayos ang buhay ninyo. Nasa iyo na 'yan kung paano ka gagawa ng diskarte. Mag-apply ka sa kung saan-saan. Kung sakaling wala ka talagang mahanap pero desidido kang makapagtrabaho, saka mo ako lapitan," mahabang wika nito na tinanguan ko na lang kahit wala akong maintindihan.
"Salamat po talaga Ate Calli," ngiting saad ko saka kami nagpatuloy sa paglalakad.
Sumakay kami sa tinatawag niyang taxi. Kahit na anong madaanan namin ay walang sawang nagpapaliwanag siya at tinuturo kung ano ang lugar at bagay na iyon. Habang nakatanaw ako sa bintana ay kita ko ang ganda ng paligid. Kahit na maraming tao at hindi mapagkakaila ang ganda rito. Si ate na rin ang nagsabi na maganda ang gabi kaysa sa umaga.
Nang makababa kami ay tuambad sa amin ang isang tipikal na bahay na may tatlong palapag, hindi ko maiwasang ilibot ang paningin ko sa compound na sinasabi niya, halata ang mga bahay na halos puro tatlong palapag at tahimik din sa kalyeng ito. Ang daanan ay sapat na para makaraan ang may apat na gulong na sasakyan, iskinita lang siya na may maluwagan. Pagkabukas pa lang ng gate ay bumungad agad sa amin ang tatlong babae na may nilalagay na kung ano sa kanilang mukha.
"Tita! Ngayon ka lang?" pagngunguso ng isang babaeng matangkad na halos manipis ang suot na napatingin sa akin. "Sino siya?" nakangiting sabi niya.
Kumaway lang ako ng kaunti na ginawa rin ng iba na mukhang mabait naman.
"Siya si Ada, alaga ko. Kapitbahay namin sa probinsya," pagpapaliwanag nito.
"Hello po," mahinang bati ko ngunit tinitigan lang nila ang aking katawan.
Nadikit agad ako kay Ate Calli sa ginawa nila na para bang tinitingnan kung may tinatago ba ako sa katawan ko na halos balot na balot naman.
"Umayos nga kayong tatlo! Rito lang manunuluyan ni Ada, dahil bago lang siya rito. At isa pa, mali ang iniisip ninyo. Hayaan na muna natin siyang maghanap ng trabaho at dito umuwi. Umalis na nga kayo at magtrabaho," pantataboy nito saka ako inalalayan sa pagpasok sa loob.
Doon lang tumambad sa akin ang malawak na sala kung saan nahinto sa ginagawa nilang pagpapaganda at binati si Ate Calli. Ang iba ay takang tumingin sa akin ngunit ang iba rin naman ay binati ako. Mahigit walong babae ang naroon na ang lahat ay nakaayos maliban sa isa na halatang kagigising lang.
"Jona, ikaw ng bahala kay Ada, since ikaw lang ang maiiwan mamaya. Maghati na lang kayo sa kwarto at magpahinga na dahil maghahanap pa siya ng trabaho rito," pagpapaliwanag ni ate bago kami nilampasan at naiwang nakatayo sa harapan nila.
"Huy, Ada, upo ka roon. Hindi naman kami nangangagat," untag ng isang babaeng kapapasok lang ng bahay.
Naupo agad ako at pilit na pinag-aaralan ang mga taong halos pare-parehas ang suot. At ang gaganda nila sa itim at pulang maninipis na damit. Mukha silang nga modelo, iyon ang pangarap ko rati, kaso hindi ako marunong sa mga pagpapaganda na 'yan.
"Baka bukas na lang tayo makapagkuwentuhan kasi oras na rin ng trabaho namin. Pero rest assured na si Jona ang bahala sa 'yo," sabi no'ng Maylene, ang pangalan.
"Magkakapatid tayo rito okay? Kaya kung may problema ka anytime, sabihin mo lang. Huwag lang ngayon dahil may trabaho pa kami," nakangiting sabi ng isang babaeng may matapang na mukha pero malambing boses.
Dahil sa kaunting pag-uusap namin no'ng gabing iyon ay napanatag ako ng loob dahil okay naman sila. Nagkukwento pa sa akin si Jona ng tungkol sa kanila na may mga trabaho talagang pang-gabi. Matapos naming kumain ay sinamahan na niya ako sa pinakataas, kung nasaan ang kwarto namin. Mas maraming kwarto sa second floor at tatlong kwarto lang sa third floor. Si Jona ang kasama ko sa maliit na kwarto na sapat lang sa amin dahil nasa magkabilang direksyon ang kama namin.
"Kung gusto mong magpahinga, matulog ka na para bukas samahan kita sa paghahanap ng trabaho. Kagigising ko lang din kasi kaya baka mamaya pa ako makatulog. Iiwan muna kita," nakangiting sabi nitong hinangin ang maikli nitong buhok.
"Salamat talaga Jona. Pasensya na sa abala," ngiting pilit na sinabi ko ngunit umiling lang siya.
"Wala 'yon, sana lang talaga palarin kang makahanap ng matinong trabaho rito. Oh, siya, sa baba lang ako. Good night."
Naupo na lang ako sa malambot na kama at saka pinagmasdan ang buong paligid. Natanaw ko ang itsura ng labas dahil sa nakabukas na bintana. Nakakapagtaka lang dahil bukod sa gabi na at ang karamihan ay nagpapahinga na. Nakakapagtaka lang dahil ang mga kasamahan ko rito ay magsisimula pa lang magtrabaho.
Sana lang talaga ay suwertihan ako bukas.
"One, two, three, smile!" Halos mapangiti ako nang makita ko na naman ang litrato naming lahat no'ng ikinasal ako. Lahat ay kumpleto, walang nakaligtaan kahit pa ang mga katrabaho ko noon ay inimbita ni Gab, pati ang naging amo ko sa kumpanya nila Gab dahil minsan akong magtrabaho roon. "Ma?" tawag ko kay mama at marahang naglakad papunta sa gawi niya. May project kasi sina Gab kaya isang buwan siya nawala, kaya si mama muna ang lumuwas para tumingin sa akin dahil pitong buwan na rin ang pangalawang pinagbunbuntis ko. Mabuti na lang at babae na dahil usapan namin ni Gab na hanggang dalawa lang kapag babae ang pinagbunbuntis ko ngayon. "Nagugutom ka na naman? Kakain mo lang ah," sabi nito saka binitawan ang walis at lumapit sa akin. "Gusto ko po ng sinigang mamaya," nguso ko dahilan para ma-iling ang ibang kasambahay. "Oo sige, magluluto ako mamayang hapunan." Ngumiti lang ako sa kaniya at saka sila iniwan sa sala. Dumiretso agad ako sa kwarto kung nasaan gumagawa si Jace ng ass
"Happy birthday papa," mahinang usal ko habang kinakaway-kaway ang braso ni Jace dahilan para matawa ito. Naalimpungatan tuloy si Gab kaya ako umusog sa kama at hinayaang gumapang si Jace papunta sa kaniya. Nakangiting sinalubong ito ni Gab at ang bahagyang paghalik nito sa leeg ng anak. "Anong oras ka uuwi mamaya?" tanong ko habang nilalabas ang mga gamit na kailangan niya para sa trabaho. Hindi ito sumagot dahil abala ito sa paglalaro kay Jace. Hinayaan ko na lang silang dalawa. Iniwan ko sila sa kwarto para naman paghandaan ng pagkain ang mag-ama, ugali na kasi ni Gab na tuwing umaga ay siya ang magpakain sa anak niya at bago man lang umalis ay maalagaan niya lamang. Nadatnan ko agad ang mga kasambahay na nag-aasikaso na rin, kaniya-kaniya sila ng gawain kaya mabilis natatapos, kaunti lang din naman ang gawain dito sa bahay dahil wala naman masiyadong kalat. "Nay? Hanggang tanghalian na po ba iyan?" tanong ko na nginitian niya. "Oo naman, lalo na't tanghali na rin naman. Papa
Halos hindi maalis ang aking ngiti nang makapasok kami sa mismong bahay, ni hindi ko rin kasi lubos maisip na ganito pala kalaki at halos kumpleto na ang mga kailangan namin, may tatlong kasambahay na ang dalawa ay kasambahay nila Gab at kakilala ang isa. "Ada? Sila ang mga Nana ko, 'yong isa pamangkin ni Nana Lita. Ah, Nana, kilala ninyo na po siya 'di ba?" pagpapakilala nito sa akin. Ngumiti ang dalawang matanda samantalang ang dalaga ay kumaway sa akin. "Aba'y oo naman. Kami pa ata ang unang nakaalam sa relasyon ninyo bago ang magulang mo," sabi nito na ikinatawa namin. Nagmano lang ako sa mga ito na mukhang mababait naman base na rin sa kuwento ni Gab sa akin. "Sila ang makakasama mo rito kapag nasa trabaho ako, si Nana Lita na ang nag-alaga sa akin kaya matutulungan niya tayo, 'di ba nang?" "Ikaw talagang bata ka, kahit sampung anak pa iyan, kaya namin."Halos magtawanan kami dahil sa pang-aasar na iyon ng mga kasambahay. Tinulungan na muna nila kami sa paglalagay ng mga ga
Ilang linggo na ang nagdaan at hindi pa rin ako makakilos, hindi na rin muna tumanggap ng project si Gab para naman mabantayan kami ng anak niya. Hindi rin kasi kami puwedeng umalis hangga't hindi ako magaling, inaayos din kasi ang mga papeles ko at ng bata para sa Maynila ay wala ng ibang problemahin pa. Pinagmamasdan ko lang si Gab na buhat-buhat ang bata habang marahang sinasayaw, madalas lang itong tumingin at ang bahagyang pagngiti nito sa akin. "Hindi niya pa ba kayang magsalita?" tanong ni Gab. Hindi ko alam kung tatawa ba ako o iintindihin siya dahil sa pagkakaalam ko ay naging baby rin si Lucy. "Hindi mo ba nakitang sanggol si Lucy?" tanong ko na inilingan niya. "Medyo malaki na si Lucy no'ng nakita ko siya, kaya wala talaga akong alam sa mga sanggol, normal naman iyon 'di ba? At saka nandiyan naman sina mama kung sakaling hindi natin alam ang gagawin," ngiting asta nito dahilan para panandalian akong huminto sa dapat na pagtayo. Mama? Sa pagkakaalam ko mommy ang tawag
"Anong pakiramdam?" Hindi ko pa rin sinasagot ang mga tanong ni Annie dahil abala ako sa pagtutupi ng mga damit, wala kasi akong magawa mula pa kahapon dahil tinutulungan ko rin si Gab sa pag-aayos ng mga papeles. Buo na rin ang desisyon kong sumama sa kaniya ngunit kapag nakapanganak na lang ako. "Ayan Ada, ah, hindi mo ako pinapansin." "Tinatamad ako magsalita," reklamo ko dahil wala talaga ako mood makipag-usap. May sinabi pa itong hindi ko na narinig at saka siya umalis dahil kailangan niya pang mamalengke kasama ang kaibigan namin dito na si Rhoda. Naglinis na lang ako ng buong kwarto at pati kwarto niya ay nilinis ko na rin. Limitado na lang din ako gumalaw dahil sobrang sakit na ng balakang ko, minsan pa nga hindi na ako makatayo kaya naka-upo na lang. Naaawa rin ako kay Annie kasi alam kong hindi na siya nakaka-ipon, kaya kapag umalis ako rito, isasama ko siya sa Maynila. Kinabukasan ay nagising na lang ako dahil sa ingay sa ibaba. Ang mas lalo pang ikina-inis ko ay ang p
Kanina pa ako panay himas sa aking tiyan at inaabangan kung darating ba siya. Biglaan kasi ang pagtawag nila sa kaniya lalo na't may koneksyon naman sila roon. Kanina pa nakatitig sa akin si Annie na paulit-ulit na nagsusuklay gamit ang daliri. Literal kasi na kinakabahan ako o ano. "Hilong-hilo na ako sa 'yo," bulong nito saka kumuha ulit ng tinapay. "Hindi ka naman ata excited na makita siya ano?" biglang ngiti nito na hindi ko pinansin. Mas mahalaga ang baby ko kaysa sa gano'ng bagay. Gusto ko lang siyang maka-usap nang maayos at linawin ang lahat. Kahit hindi na siya magpaliwanag dahil tapos na rin naman na ang mga nangyari, doktor na kasi ang nagsabing baka maka-apekto sa akin ang mga negatibong nangyayari. "Pero sa totoo lang Ada, bet ko talaga para sa 'yo si Gab. Sana lang maging okay kayo. Kaso siyempre, hindi ako marunong makalimot sa ginawa niya sa 'yo, pero kasi siya ang ama. Sana lang maging okay kayo, pero kasi potangina pa rin ng ginawa niya," nanggigigil na sabi nit
"Oh pak! Ubos na naman! Ano kayo ngayon?!" natatawang sabi ni Annie na tinawanan ng mga nakatambay sa paligid namin. Nailing na lang ako dahil kanina pa siya nagmamakaawang ubusin na ang mga ulam para maaga kaming makapagligpit, at dahil hapon pa lang ay puwede pa kaming magpahinga bago ulit mag-asikaso dahil darating daw sila Jona mamayang gabi. "Ligpitin ko na ah?" Kinuha ko agad ang mga kaserola at sama-samang inilagay sa lababo. Medyo may kalakihan kasi ang bahay ni Annie rito, at kaunti lang din ang gamit kaya mas lalong maluwag sa paningin. Ako na ang naghugas ng mga kaserola habang si Annie ay nagliligpit sa labas, dinig na rinig ko pa rin ang tawa niya dahil sa pang-aasar niya sa ilang mga nagtitinda sa karinderya. Mabuti na lang at walang napipikon sa kaniya. Idagdag pa ang pagiging mabait ng mga tao sa amin kahit hindi namin sila ka-ano-ano. "Ada? Maligo lang ako ah? Pagkatapos mo riyan asikaso ka na rin, tapos mamaya na siguro tayo magluto," sabi nito na ikinatango ko.
Isa sa pinaka magandang desisyon na nagawa ko ay ang pagsama kay Annie rito sa kaniyang probinsya, para bang bumalik ako sa dati kong buhay kung saan presko ang hangin, nabibigyan ko ng oras ang aking sarili at mas lalo pang naghanda. Pakiramdam ko, binigyan ko ng halaga ang sarili ko sa mga taong tinalikuran ako... o baka sadyang hindi lang nila maintindihan ang kalagayan ko. Ilang buwan na ang nakakaraan nang lumuwas kami rito, no'ng una ay sobrang hirap dahil parehas kaming walang pera, may ipon naman ako pero ayaw iyon kunin ni Annie dahil para na raw iyon sa pagpapaanak ko. Ang tanging bunubuhay sa amin ay ang pagluluto niya ng pagkain at ako ang nagtitinda, dahil marami daw ang mahilig kumain dito at malapit din kami sa dagat ay naging madali lang ang kumita ng pera, karaniwan sa niluluto ni Annie ay ang mga putaheng hindi pa nakikita rito sa La Union o bihira lang maluto. "Punyeta talaga 'yang mga iba riyan, akala mo naman kung sinong magaling magluto," pandadaldal ni Annie.
Lahat ay halos tahimik. Nanatili ako sa pagkakaupo sa aking kama habang sina Maylene, Annie at Jona ay nakatayo sa harapan ko, at si Ate Calli... na halos balisa dahil sa mga nangyari. Ang bilis din kasi, parang dati lang ay okay kami tapos ngayon nabuntis ako. Ang bilis niyang talikuran ako. "Ano na? Anong balak mo?" tanong ni Ate Calli habang nakasandal ito sa pinto. Umiling ako. Wala naman akong mapupuntahan bukod dito, wala akong matinong trabaho at alam ko na pagbabawalan na ako sa pag-ta-trabaho roon kapag nalaman na buntis ako. Kaya marami sa mga kasamahan namin dito rin daw ang umalis dahil sa pagkabuntis. Maliban na lang kung ipqpalaglag ito. Pero hindi ko kaya, hindi maatim ng konsensya ko ang mamuhay araw-araw nang mayroong pinatay. "A-Aalis na lang po ako rito," wala sa sariling sagot ko. Walang nagsalita sa kanila, tanging paulit-ulit na pagbuntonghininga lang ni Ate Calli ang naririnig ko. Habang ang tatlo ay nasa harapan ko lang at iniiwasang tumingin sa akin. Hindi
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments