Kinabukasan ay hindi na ako makapaghintay lalo na't unang araw ko sa paghahanap ng trabaho. Iilan lang naman ang papeles na dadalhin ko dahil hindi naman ako 'yong tipong nakapagkolehiyo. Nakatapis lamang ako ng tuwalya dahil kanina pa tinititigan ni Jona ang katawan ko. Kailangan daw kasi, kahit sa pananamit ay ma-impress ko sila.
"High school graduate lang ako Jona. Hindii naman ako tatanggapin sa mga matataas na posisyon kahit maganda ang ipa-suot mo sa akin," bulong ko habang abala siya sa pagkuha ng damit sa sulok ng kaniyang kabinet.
"Kahit na. At saka rito sa Maynila, madaya rito. Minsan kung sino pa ang mga magaganda o mapipera sila pa ang nabibigyan ng magandang oportunidad, hindi mo naman kailangan magbanal-banalan dito, Ada. Kailangan mo ng diskarte kung gusto mong mabuhay," mahabang litanya nito saka bumaling sa akin at ngiting idinikit sa aking katawan ang damit na iyon. "Whoah! Ito na lang!"
Napasilip tuloy ako sa damit na tinutukoy niya. Maganda naman 'yon kung tutuusin, kulay pula ang polo na long sleeves at itim na fitted na paldang itim na mukhang pang-opisina. Nagtataka man sa binigay niya ay sinuot ko na lang iyon dahil wala naman akong gamit. Nakakailang nga lang dahil kita ang hita ko at medyo masikip sa akin ang damit. Itinali ko na lang ng ponytail ang buhok ko para naman maayos ako tingnan. Morena lang ako pero makinis naman ang balat ko at isa raw 'yon sa mga kailangan kapag maghahanap ng trabaho.
"Pero huwag kang aasa Ada ah? Naging katulad mo rin naman ako, kaso walang tumanggap sa akin kaya kay tita ako bumagsak. Tara na?" nakangiting alok nito sa akin kaya lumabas na ako ng kwarto dala ang brown envelope.
Tahimik ang buong bahay dahil ang iba ay tulog dahil sa trabaho nila na hindi ko pa rin natatanong. Ang alam ko lang ay kasamahan nila si Ate Calli na nagpatira sa akin dito at kung umuwi ang iba ay halos lasing at pagod.
"Dapat maging pamilyar ka sa mga lugar dito kasi delikado talaga. May mga taong hindi mapagkakatiwalaan. May iba naman na hindi ka sure kung tao o ano. Tapos galing ka pa sa probinsya. Kaya nga hangga't maaari, eh, sasamahan kita hanggang sa masanay ka na rito," mahabang litanya na naman sa akin at hindi ko alam kung anong dapat na isagot.
Gano'n din naman ang sinasabi ni Ate Calli sa akin noon. Pero hindi ko na lang pinapansin dahil hindi ko naman inisip na makakapunta ako rito.
Sa jeep na sinakyan namin ay sinadyang kunin ni Jona ang envelope para ipatong sa aking hita. Nangunot na lang ako pero hindi iyon pinansin. Ngunit nakita kong masama ang tingin ni Jona sa lalaking malapit sa akin sa kabilang upuan. Doon ko lang nakita ang lalaking titig na titig sa hita ng babae na malapit lang din sa akin na abala sa pagtingin sa selpon niya.
Napapitlag na lang ako dahil sa agad niyang pagtingin sa akin at saka ngumiti. Mukhang pamilyado na ang itsura niya, ngingitian ko saka ito nang huminto ang jeep at saka hinawakan ni Jona ang kamay ko.
"Una ka na," utos nito sa akin kaya yumuko agad ako para makababa.
Bumungad sa akin ang tabi-tabing mga gusali na halos singkitan ko na ang aking mata dahil sa sobrang taas. Maraming mga taong naglalakad at nakaayos ang mga damit nila gaya ng akin. Pakiramdam ko ay isa rin akong empleyado. Pangarap ko talaga ang makapagtrabaho sa ganitong kagandang lugar ang kaso lang ay hindi naman gano'n kataas ang pinag-aralan ko.
"Simulan natin dito." Turo niya sa gawing kanan kaya ko siya sinundan.
Halos hindi ako makahiwalay kay Jona dahil baka mamaya ay maligaw ako lalo na't ang dami kong nakakasalubong. Bahagya pa akong natatapilok dahil sa suot kong pulang sandals, na ngayon ko lang din nasuot. Mabuti na lang at natigil kami dahil sa isang guwardiya na humarang sa amin.
"Saan punta ninyo?"
"Mag-a-apply po ng trabaho 'yong kaibigan ko Sir." Kinuha ni Jona ang envelope ko saka binigay sa lalaking katapat namin na tiningnan ang kabuoan ko saka sumulyap sa papel.
Pinanlakihan lang ako ng mata ni Jona at saka muling bumaling sa guwardiya. Umiling ito at saka pabalag na inabot sa akin ang envelope.
"Bakit po?" tanong ko dahil sa inakto niya.
"Hindi sila tumatanggap ng high school graduate, pasensya na. Sayang ka saka kaso mukhang hindi mo kaya ang mga gawain dito. Sige na. Hanap ka na lang ng iba," suhestiyon niya sa amin.
Nangunot lang ako dahil bakit siya ang nagdidisisyon? Ngumiti na lang ako ng pilit samantalang si Jona ay umirap sa lalaking iyon.
"Guwardiya ka lang naman dito. Kung umasta ka para kang may-ari—"
"Miss—"
"Ayusin mo 'yang pagbibigay mo ng papel sa kaniya. Ikaw ang unang nakikita ng mga tao tapos ganyan 'yang imahe mo? Kawawang kumpanya," inis na sambit ni Jona, na mabilis akong hinila palayo roon.
"Bakit mo naman sinabi 'yon? Ayos lang naman 'yon Jona. Kayo na rin ang nagsabing mahirap makahanap ng trabaho rito, e."
"Kahit pa, hindi dapat gano'n ang i-asta niya. Tara na nga sa iba," pang-aalok nito kaya pinuntahan pa namin ang ilan sa mga katabi nitong building.
Buong araw na inilaan namin ang oras sa paghahanap at pagpasok sa kumpanya. Kadalasan ay ako lang ang pumapasok sa loob at naging maayos naman ang pakikitungo ng iba sa akin. Sobrang hirap nga lang makibagay dahil nagsasalita sila ng Ingles samantalang ako ay hindi kaya ang gano'n. Nakakaintindi ako pero hindi ko kayang magsalita. Sinasabi ko naman sa kanila na hindi ko kaya, at sa huli ay sinasabi nila na tatawagan na lang ako.
Alam ko naman na ang magiging kahihinatnan ng usapan na halos iisa lang naman ang sinasabi nila. Masyadong mataas ang tingin ko sa sarili kong tatanggapin nila ako pero alam kong hindi. Gusto ko nang maayos na kita. Iyong maipagagamot agad si mama, at maaayos ang bahay.
Pero gaya ng sinabi ni mama, okay na rin ang maliit na kita kaysa sa wala.
"Ano sabi?" bungad ni Jona na napatayo habang hawak ang softdrinks na ibinigay sa akin ang isa.
Umiling ako ngunit pinilit kong ngumiti. "Tatawagan daw nila ako. Tara na? Uwi na lang tayo," mahina kong saad saka uminom.
Ngumuso lang si Jona na alam kong pagod dahil sa kakaasikaso sa akin. Panay ako sorry pero hindi naman niya ako pinapansin.
"Subukan pa natin sa isa. May kakilala ako roon. Mabait naman sila. Tapos pagkatapos, uwi na tayo. Sa online na lang tayo humanap ng trabaho mo, kasi masyadong mababa ang tingin ng mga naglalakihang kumpanya rito."
Nagpatuloy kami sa paglalakad. Halos hapon na at kung ano-ano na lang ang pinag-uusapan namin. Wala na pala siyang magulang at nag-iisa lang siyang anak. Pinalayas siya ng tita niya kaya siya napilitang huminto ng pag-aaral at humanap ng trabaho, hindi ko alam kung bakit hindi siya nahihiyang magkuwento tungkol sa sarili niya samantalang ako ay pinipilit kong isipin na maayos ang buhay ko.
"Iyon ang trabaho namin."
Literal na napahinto ako sa paglalakad dahil sa sinabi nito. Agad na nagbalik-tanaw ako dahil sa mga nakikita ko sa mga babaeng kasamahan ko sa bahay. Maya siguro madaling araw na sila kung umuwi. Idagdag pa ang mga damit nilang halos kita na ang lahat sa kanila, at halos lantay na kung umuwi. Napatitig ako kay Jona na hindi naman halata sa kaniya. Matapang siyang babae base na rin sa nakikita ko. Hindi niya hinahayaang mabastos siya, at ang kilos niya ay parang lalaki.
"Kung huhusgahan mo ako ayos lang. Lahat ng kakilala ko na hindi nagtatrabaho ng gano'n, eh madali lang sa kanila na husgahan kami," normal na sabi nito na halos wala namang nagbago sa tono ng pagkukuwento niya.
Napatingin naman siya sa gusaling kinatatayuan namin, nandito na kami sa lugar kung saan huling susubukan namin bago umuwi. Ngunit hindi ko maiwasang mapangiti sa babaeng halos buksan ang isipan ko sa paraan ng pamumuhay rito sa Maynila. Talaga palang mahirap maging mangmang.
"Wala naman akong karapatang manghusga, ginagawa mo lang naman 'yan para mabuhay. Alam ko naman na hindi mo gagawin 'yan kung may pagpipilian," nakangiting sabi ko sa babaeng sana gano'n din ako.
Sana sintapang niya ako.
"Alam mo, sana makapasok ka rito. Sasabunutan ko na 'yong kakilala ko kapag hindi ka pinasok dito," natatawang sabi nito saka itinaas ang kamay at saka kumaway.
"Alora! Hoy babae!" malakas na sigaw nito saka tumingin sa amin.
Napatuwid ako ng tayo nang ngumiti ang babae sa amin at saka lumakad papunta sa amin dala ang isang papel. Inalis nito ang sumbrero niyang kulay puti at napakaway pa sa amin.
"Hi! Ahm, what brought you here, Jona?" mahinhing tanong nito habang hinahawi ang buhok niyang nililipad ng hangin.
Hindi ko maiwasang mapangiti lalo na't kumaway pa ito sa akin. Ang bait naman niya.
"Kanina pa kasi kami naghahanap ng trabaho. Kaso puro sila tatawagan na lang siya keme. Baka naman may bakante kayo riyan?" Pangngunguso ni Jona rito.
"Oh! That's great! Kailangan namin ng Engineer dito—"
"High school graduate lang po ako Ma'am," nakangiting pagpuputol ko sa sinasabi niya kaya nawala ang ngiti niya.
Kagaya ng iba ay napatitig ang iba sa katawan ko saka ngumuso. "Really? I'm sorry, I didn't know. Hindi ko kasi alam kung may iba pa silang ma-o-offer dito, e. I don't want to offend you but... kulang kami sa mga maintenance staff like janitors and such. You can apply naman sa mga mall as saleslady, maganda ka ahm, what's your name?"
"A-Ah, Adaline po. Ada na lang po," pagpapakilala ko at agad siyang ngumiti saka h*****k sa aking pisngi.
"Oh, Ada. I'm sorry again. You can try to apply as saleslady, for sure tatanggapin ka roon," sabi nito sa akin na dahan-dahan kong tinanguan.
Hindi ko alam kung bakit parang ayos lang sa akin. Sobrang bait ng kaibigan ni Jona, at kahit na wala talagang bakante maayos ang paraan niya nang pagsasabi.
"Magsara na kayo," bulong ni Jona na tinawanan lang ni Ma'am Alora.
Umiling ito at saka tumingin sa likuran dahil sa pagtawag sa kaniya ng lalaking nakakunot mula sa amin.
"Oh, kailangan ko nang umalis. Pasensya na ulit Ada—"
"Ah, okay lang po ba kung pasukin ko 'yong pagiging janitres?" nakangiting tanong ko na ikinagulat niya.
Tumingin pa siya kay Jona na bahagya akong kinalabit ngunit hindi ako nagpatinag.
"Ayos lang ba sa 'yo 'yon?" tanong niya na ikinatango ko.
Okay ka rin 'yon. Sanay naman ako sa gano'ng gawain at kahit alilahin nila ako, ayos lang. Mukhang mabait naman ang mga tao rito. At kailangan ko talaga ng trabaho.
"Opo ma'am. Ayos lang po sa akin 'yon."
"Okay, hihintayin kita bukas dito. Mga alas-otso siguro para maabutan mo ako since pupunta pa ako sa site bukas. Sasabihan ko na rin 'yong head para alam nila. I'll go na, mag-iingat kayo. Take care of her Jona, okay?"
"Salamat sa trabaho?" sabi ni Jona na ikinatawa nito saka umalis sa harapan namin. "Ganda-ganda mo tapos janitres ka lang?" Baling niya sa akin saka kumapit sa kamay ko.
"Ayos lang. Salamat pala, ah. Pramis, babawi ako sa 'yo kapag okay na lahat," sabi ko rito na nginitian niya lang ako.
"Wala 'yon, mag-asawa ka lang ng engineer na nagtatrabaho roon, bayad ka na," natatawang sabi niya na ikinakunot ko.
Kahit papaano ay nakahinga na ako nang maluwag. Matutuwa si mama kapag nalaman niyang may trabaho na ako. Hindi naman ako pababayaan ni Jona rito.
Nakangiting tinitigan ko ang aking sarili sa harap ng salamin. Nakasuot lang ako ng tipikal na pantalon at puting t-shirt. Itinali ko na lang ang aking buhok dahil hindi naman ako masyadong mahilig na ilaylay ang buhok ko dahil sa mahaba ito at mainit sa pakiramdam. Ayoko namang pagupitan dahilbaka magtampo.Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at nagmadali na akong bumaba para naman makapagluto na dahil gising na rin ang iba. Hindi pa naman ako nakakapagbayad ng upa dahil wala pa akong trabaho, kaya bilang ganti ay ako na ang kumikilos sa gawaing bahay. Hindi rin naman ako nag-iisa dahil kasama ko lagi si Jona. Dalawang linggo din kasi siyang suspended dahil sa pagtusok niya ng tinidor sa isang costumer na sinasayawan niya noon, hinipuan daw siya sa bandang ibaba niya kaya niya iyon nagawa. Hanggang sayaw lang naman daw siya at kung kailangan talagang gawin ang bagay na ayaw niyang mangyari, ay doon niya lang ginagawa. Kaya pala panay ang pagpap
"Okay! Tapos na ako!" masayang sabi ko nang sa wakas ay malinis na ang buong floor sa pinakataas. Inayos ko na ang mga gamit para makababa na ngunit hindi ko maiwasang matakot, dahil ngayon ko lang nakita na ako na lang ang tao sa floor na ito. Mas lalo akong napakapit nang magpatay ang ilaw dahilan para wala akong makita. Pinilit kong kapain ang selpon ko na keypad lang at saka nagmadaling binuksan ang flashlight. "May tao ba riyan? Nandito pa po ako," nangangatal na sabi ko habang dahan-dahang naglalakad sa kahabaan ng hallway. Sanay ako sa madilim, pero natatakot ako sa mga naiisip ko na baka may makita akong kung ano, o kaya baka sarado na ang kumpanya at hindi ako makalabas. Pinilit kong lakasan ang loob ko para lang makarating sa gitna at gumamit ng elevator. Iyon nga lang ay baka hindi 'yon gumana dahil walang kuryente rito sa itaas. Ngunit gano'n na lang ang paghinto ko sa paglalakad nang marinig ko ang pagsara ng pinto malapit sa aki
Halos kalahating buwan din ang lumipas, normal naman ang mga nangyari. Medyo kilala na rin ako ng mga taong nasa mataas na floor dahil doon ako nagtatrabaho, kaya mas malaki ang tyansa na madalas nila akong utusan na hindi naman masyadong nadadamay ang trabaho ko. Naging mabait naman sa akin ang iba, 'yon nga lang ay grabe naman magsalita ang ibang mga babae roon kapag nagkakamali ako o 'di kaya'y naguguluhan. Buti pa 'yong mga lalaki, mababait sa akin, parang salungat sa mga sinasabi nila Jona. Napangiti na lang ako nang maibigay ko na ang kape sa mga kaibigan ni Ma'am Alora, ako na rin kasi ang madalas na utusan ni Ma'am Alora, at siya pa ang nagtatanggol sa akin, sobrang bait niya at minsan ay nagkukwento pa siya tungkol sa kaniyang buhay. "Salamat, Ada, kumain ka na rin," ngiting sabi nito na tinanguan ko. "Sige po. Una na po ako, sir," pagpapaalam ko saka umalis sa harapan nila. Marami kasi ang nag-over time dahil may mga meeting pa sila,
Wala sa sariling nginunguya ko ang sabaw na hindi naman dapat. Nakurot ko pa nang kaunti ang aking pisngi dahil napapadalas ang aking pagiging tulala. Inis na ibinaba ko ang kutsara at saka muling tinitigan ang sarili sa kaharap kong baso kung saan kitang-kita ko ang aking repleksyon. Bakit ko ba kasi naiisip 'yong kanina?! Dapat kasi hindi na ako pumunta roon, e. Hindi pa naman ako mabilis makalimot sa mga nakikita ko sa paligid ko. Pero ewan ko ba, wala naman akong dapat na pakialam sa ginagawa nila ate kanina pero naaapektuhan ako. May kung ano sa akin na para akong kasama roon."Ada, nandito na ako," isang boses na nagmumula sa sala kaya ako napa-angat ng tingin. Hindi ko alam kung bakit una kong tiningnan ang suot ni Jona, kahit na madalas naman niyang suot iyon. Tumaas ang kilay niya kaya ako napangiti at ininom agad ang sabaw na niluto ko kanina. "So anong ginagawa mo kanina sa club? Ayan Ada, ah!" Panlalaki nito ng kaniyang ma
Halos hindi ako makapagsalita dahil sa mga kuwento ni Jona sa akin tungkol kay Emy, na buntis nga ito dahil sa kung sinong lalaking nakasama niya. Walang ideya si Emy dahil marami siyang lalaking nakakasama at aminadong lasing minsan sa tuwing nangyayari ang bagay na iyon. Hindi ko maiwasang maawa kay Emy, normal na pala iyon sa kanila na may nabubuntis at kung minsan ay winawakasan nila ang buhay ng bata. Hindi ko alam kung may buhay na ba ang dugo. Kaya ipinaglalaban nilang ayos lang sa kanila na ipalaglag iyon, dahil wala pa namang muwang at alam.Ang hirap malaman kung ano nga ba ang totoo. Hindi ko alam kung saan makikinig dahil parehas na mayroong dahilan. "Basta, huwag na tayo mangi-alam, okay naman na, e. Nakapagdesisyon na siya, malalaki na tayo Ada, e, kaya alam na natin ang tama sa mali. Alam na natin kung anong pipiliin natin, kung mangyari man ang bagay na hindi naman sinasadya, pananagutan pa rin natin iyon, kasi involve tayo, e," mahabang
Tahimik lang akong kumakain ng tinapay habang nasa daan. Maaga kaming pinauwi dahil malakas ang bagyong paparating, at isa pa ay ang mga tao sa kumpanya ay nasa site nila mula bukas kaya wala naman daw kaming gagawin. Pero bawas sweldo nga lang kami. Wala akong pasok bukas, hindi ko tuloy alam kung saan ako kukuha ng pera. Sa ilang buwan na pananatili ko rito ay talaga ngang mahirap maghanap ng trabaho at kahit pagiging katulong ay hindi madali. Nang matanaw ko na ang bahay ay napansin ko roon si Leni na nagwawalis, siya 'yong babaeng bihira ko lang makita rito dahil kadalasan ay umuuwi siya sa pamilya niya. Napalingon ito sa akin at saka ngumiti. Tahimik lang siya pero ang ganda niya, hindi nakakasawang tingnan ang mukha niya, samantalang si Jona maririndi ka dahil sa boses na paulit-ulit. "Ang aga mo ngayon?" Inilapag nito ang hawak niyang plastik sa lapag. "Ah, oo nga e. Pati na rin ata bukas," sagot ko saka siya umiling. "Pasok na ako, ah,
Agad kong inilapag ang walis at saka naghilamos ng mukha. Halos nakaramdam lang ako ng ginhawa sa mukha nang mabuhusan ko iyon ng tubig. Tanghaling tapat ngayon kaya napakainit, ang ibang floor kasi ay hindi bukas ang aircon dahil wala namang tao. Sobrang kaunti lang. Sobrang bilis ng panahon, puro half day na lang kami at mas lalong naghigpit dahil sa pagnanakaw na nangyari sa loob ng kumpanya, isa lang daw sa mga staff dito ang nagnakaw dahil kabisado ang mga lalagyan, e, hindi ko nga alam kung saan nangyari ang nakawan dahil nandito ako sa parking lot noon, nadamay pa kami dahil may mop doon sa gilid ng cabinet kung saan may nawalang importanteng papeles at pera. Kaya mas lalong naghigpit at mababa ang suweldo. Napangiti pa ako nang maalala ko na pinagtanggol ako nila Sir Valera dahil isa ako sa tinuro ni Ma'am Sunny. Mabuti na lang at dumating si Ma'am Alora para sabihin na buong araw ko siyang kasama noong mangyari iyon, hindi ko talaga alam kung b
Naalimpungatan na lang ako dahil sa sobrang liwanag. Una pang bumungad sa akin ay si Jona, na titig na titig sa akong mukha kaya ako mas napaurong. Medyo masakit ang likuran ko kaya hindi ako masyadong makagalaw. "Ada? Naririnig mo kami?" mahinang sabi nito ngunit hindi ako sumagot. Naririnig ko naman sila. Pero ayoko lang na kumilos dahil sobrang sakit talaga ng katawan ko. Sinabunutan ba naman ako at kinaladkad na halos umalis na ang kaluluwa ko. Hindi rin ako sanay sa gano'n. Ayoko talaga ng gulo. Nanatili akong tikom at napansing nasa kwarto na ako, sa bahay mismo. Kitang-kita ko ang mukha ni Jona na alalang-alang at hinahawakan pa ang aking kamay. Bigla namang bumukas ang pinto at si Ate Calli ang bumungad doon. "Ano na? Maayos na ba siya? Kilala mo pa ba kami Ada?" tanong ni Ate Calli na nginitian ko nang kaunti. Nahilo lang naman ako kanina. Dala na rin kasi ng init ng panahon kaya siguro gano'n. "O-Okay lang po ako,
"One, two, three, smile!" Halos mapangiti ako nang makita ko na naman ang litrato naming lahat no'ng ikinasal ako. Lahat ay kumpleto, walang nakaligtaan kahit pa ang mga katrabaho ko noon ay inimbita ni Gab, pati ang naging amo ko sa kumpanya nila Gab dahil minsan akong magtrabaho roon. "Ma?" tawag ko kay mama at marahang naglakad papunta sa gawi niya. May project kasi sina Gab kaya isang buwan siya nawala, kaya si mama muna ang lumuwas para tumingin sa akin dahil pitong buwan na rin ang pangalawang pinagbunbuntis ko. Mabuti na lang at babae na dahil usapan namin ni Gab na hanggang dalawa lang kapag babae ang pinagbunbuntis ko ngayon. "Nagugutom ka na naman? Kakain mo lang ah," sabi nito saka binitawan ang walis at lumapit sa akin. "Gusto ko po ng sinigang mamaya," nguso ko dahilan para ma-iling ang ibang kasambahay. "Oo sige, magluluto ako mamayang hapunan." Ngumiti lang ako sa kaniya at saka sila iniwan sa sala. Dumiretso agad ako sa kwarto kung nasaan gumagawa si Jace ng ass
"Happy birthday papa," mahinang usal ko habang kinakaway-kaway ang braso ni Jace dahilan para matawa ito. Naalimpungatan tuloy si Gab kaya ako umusog sa kama at hinayaang gumapang si Jace papunta sa kaniya. Nakangiting sinalubong ito ni Gab at ang bahagyang paghalik nito sa leeg ng anak. "Anong oras ka uuwi mamaya?" tanong ko habang nilalabas ang mga gamit na kailangan niya para sa trabaho. Hindi ito sumagot dahil abala ito sa paglalaro kay Jace. Hinayaan ko na lang silang dalawa. Iniwan ko sila sa kwarto para naman paghandaan ng pagkain ang mag-ama, ugali na kasi ni Gab na tuwing umaga ay siya ang magpakain sa anak niya at bago man lang umalis ay maalagaan niya lamang. Nadatnan ko agad ang mga kasambahay na nag-aasikaso na rin, kaniya-kaniya sila ng gawain kaya mabilis natatapos, kaunti lang din naman ang gawain dito sa bahay dahil wala naman masiyadong kalat. "Nay? Hanggang tanghalian na po ba iyan?" tanong ko na nginitian niya. "Oo naman, lalo na't tanghali na rin naman. Papa
Halos hindi maalis ang aking ngiti nang makapasok kami sa mismong bahay, ni hindi ko rin kasi lubos maisip na ganito pala kalaki at halos kumpleto na ang mga kailangan namin, may tatlong kasambahay na ang dalawa ay kasambahay nila Gab at kakilala ang isa. "Ada? Sila ang mga Nana ko, 'yong isa pamangkin ni Nana Lita. Ah, Nana, kilala ninyo na po siya 'di ba?" pagpapakilala nito sa akin. Ngumiti ang dalawang matanda samantalang ang dalaga ay kumaway sa akin. "Aba'y oo naman. Kami pa ata ang unang nakaalam sa relasyon ninyo bago ang magulang mo," sabi nito na ikinatawa namin. Nagmano lang ako sa mga ito na mukhang mababait naman base na rin sa kuwento ni Gab sa akin. "Sila ang makakasama mo rito kapag nasa trabaho ako, si Nana Lita na ang nag-alaga sa akin kaya matutulungan niya tayo, 'di ba nang?" "Ikaw talagang bata ka, kahit sampung anak pa iyan, kaya namin."Halos magtawanan kami dahil sa pang-aasar na iyon ng mga kasambahay. Tinulungan na muna nila kami sa paglalagay ng mga ga
Ilang linggo na ang nagdaan at hindi pa rin ako makakilos, hindi na rin muna tumanggap ng project si Gab para naman mabantayan kami ng anak niya. Hindi rin kasi kami puwedeng umalis hangga't hindi ako magaling, inaayos din kasi ang mga papeles ko at ng bata para sa Maynila ay wala ng ibang problemahin pa. Pinagmamasdan ko lang si Gab na buhat-buhat ang bata habang marahang sinasayaw, madalas lang itong tumingin at ang bahagyang pagngiti nito sa akin. "Hindi niya pa ba kayang magsalita?" tanong ni Gab. Hindi ko alam kung tatawa ba ako o iintindihin siya dahil sa pagkakaalam ko ay naging baby rin si Lucy. "Hindi mo ba nakitang sanggol si Lucy?" tanong ko na inilingan niya. "Medyo malaki na si Lucy no'ng nakita ko siya, kaya wala talaga akong alam sa mga sanggol, normal naman iyon 'di ba? At saka nandiyan naman sina mama kung sakaling hindi natin alam ang gagawin," ngiting asta nito dahilan para panandalian akong huminto sa dapat na pagtayo. Mama? Sa pagkakaalam ko mommy ang tawag
"Anong pakiramdam?" Hindi ko pa rin sinasagot ang mga tanong ni Annie dahil abala ako sa pagtutupi ng mga damit, wala kasi akong magawa mula pa kahapon dahil tinutulungan ko rin si Gab sa pag-aayos ng mga papeles. Buo na rin ang desisyon kong sumama sa kaniya ngunit kapag nakapanganak na lang ako. "Ayan Ada, ah, hindi mo ako pinapansin." "Tinatamad ako magsalita," reklamo ko dahil wala talaga ako mood makipag-usap. May sinabi pa itong hindi ko na narinig at saka siya umalis dahil kailangan niya pang mamalengke kasama ang kaibigan namin dito na si Rhoda. Naglinis na lang ako ng buong kwarto at pati kwarto niya ay nilinis ko na rin. Limitado na lang din ako gumalaw dahil sobrang sakit na ng balakang ko, minsan pa nga hindi na ako makatayo kaya naka-upo na lang. Naaawa rin ako kay Annie kasi alam kong hindi na siya nakaka-ipon, kaya kapag umalis ako rito, isasama ko siya sa Maynila. Kinabukasan ay nagising na lang ako dahil sa ingay sa ibaba. Ang mas lalo pang ikina-inis ko ay ang p
Kanina pa ako panay himas sa aking tiyan at inaabangan kung darating ba siya. Biglaan kasi ang pagtawag nila sa kaniya lalo na't may koneksyon naman sila roon. Kanina pa nakatitig sa akin si Annie na paulit-ulit na nagsusuklay gamit ang daliri. Literal kasi na kinakabahan ako o ano. "Hilong-hilo na ako sa 'yo," bulong nito saka kumuha ulit ng tinapay. "Hindi ka naman ata excited na makita siya ano?" biglang ngiti nito na hindi ko pinansin. Mas mahalaga ang baby ko kaysa sa gano'ng bagay. Gusto ko lang siyang maka-usap nang maayos at linawin ang lahat. Kahit hindi na siya magpaliwanag dahil tapos na rin naman na ang mga nangyari, doktor na kasi ang nagsabing baka maka-apekto sa akin ang mga negatibong nangyayari. "Pero sa totoo lang Ada, bet ko talaga para sa 'yo si Gab. Sana lang maging okay kayo. Kaso siyempre, hindi ako marunong makalimot sa ginawa niya sa 'yo, pero kasi siya ang ama. Sana lang maging okay kayo, pero kasi potangina pa rin ng ginawa niya," nanggigigil na sabi nit
"Oh pak! Ubos na naman! Ano kayo ngayon?!" natatawang sabi ni Annie na tinawanan ng mga nakatambay sa paligid namin. Nailing na lang ako dahil kanina pa siya nagmamakaawang ubusin na ang mga ulam para maaga kaming makapagligpit, at dahil hapon pa lang ay puwede pa kaming magpahinga bago ulit mag-asikaso dahil darating daw sila Jona mamayang gabi. "Ligpitin ko na ah?" Kinuha ko agad ang mga kaserola at sama-samang inilagay sa lababo. Medyo may kalakihan kasi ang bahay ni Annie rito, at kaunti lang din ang gamit kaya mas lalong maluwag sa paningin. Ako na ang naghugas ng mga kaserola habang si Annie ay nagliligpit sa labas, dinig na rinig ko pa rin ang tawa niya dahil sa pang-aasar niya sa ilang mga nagtitinda sa karinderya. Mabuti na lang at walang napipikon sa kaniya. Idagdag pa ang pagiging mabait ng mga tao sa amin kahit hindi namin sila ka-ano-ano. "Ada? Maligo lang ako ah? Pagkatapos mo riyan asikaso ka na rin, tapos mamaya na siguro tayo magluto," sabi nito na ikinatango ko.
Isa sa pinaka magandang desisyon na nagawa ko ay ang pagsama kay Annie rito sa kaniyang probinsya, para bang bumalik ako sa dati kong buhay kung saan presko ang hangin, nabibigyan ko ng oras ang aking sarili at mas lalo pang naghanda. Pakiramdam ko, binigyan ko ng halaga ang sarili ko sa mga taong tinalikuran ako... o baka sadyang hindi lang nila maintindihan ang kalagayan ko. Ilang buwan na ang nakakaraan nang lumuwas kami rito, no'ng una ay sobrang hirap dahil parehas kaming walang pera, may ipon naman ako pero ayaw iyon kunin ni Annie dahil para na raw iyon sa pagpapaanak ko. Ang tanging bunubuhay sa amin ay ang pagluluto niya ng pagkain at ako ang nagtitinda, dahil marami daw ang mahilig kumain dito at malapit din kami sa dagat ay naging madali lang ang kumita ng pera, karaniwan sa niluluto ni Annie ay ang mga putaheng hindi pa nakikita rito sa La Union o bihira lang maluto. "Punyeta talaga 'yang mga iba riyan, akala mo naman kung sinong magaling magluto," pandadaldal ni Annie.
Lahat ay halos tahimik. Nanatili ako sa pagkakaupo sa aking kama habang sina Maylene, Annie at Jona ay nakatayo sa harapan ko, at si Ate Calli... na halos balisa dahil sa mga nangyari. Ang bilis din kasi, parang dati lang ay okay kami tapos ngayon nabuntis ako. Ang bilis niyang talikuran ako. "Ano na? Anong balak mo?" tanong ni Ate Calli habang nakasandal ito sa pinto. Umiling ako. Wala naman akong mapupuntahan bukod dito, wala akong matinong trabaho at alam ko na pagbabawalan na ako sa pag-ta-trabaho roon kapag nalaman na buntis ako. Kaya marami sa mga kasamahan namin dito rin daw ang umalis dahil sa pagkabuntis. Maliban na lang kung ipqpalaglag ito. Pero hindi ko kaya, hindi maatim ng konsensya ko ang mamuhay araw-araw nang mayroong pinatay. "A-Aalis na lang po ako rito," wala sa sariling sagot ko. Walang nagsalita sa kanila, tanging paulit-ulit na pagbuntonghininga lang ni Ate Calli ang naririnig ko. Habang ang tatlo ay nasa harapan ko lang at iniiwasang tumingin sa akin. Hindi