"Okay! Tapos na ako!" masayang sabi ko nang sa wakas ay malinis na ang buong floor sa pinakataas.
Inayos ko na ang mga gamit para makababa na ngunit hindi ko maiwasang matakot, dahil ngayon ko lang nakita na ako na lang ang tao sa floor na ito. Mas lalo akong napakapit nang magpatay ang ilaw dahilan para wala akong makita. Pinilit kong kapain ang selpon ko na keypad lang at saka nagmadaling binuksan ang flashlight."May tao ba riyan? Nandito pa po ako," nangangatal na sabi ko habang dahan-dahang naglalakad sa kahabaan ng hallway.Sanay ako sa madilim, pero natatakot ako sa mga naiisip ko na baka may makita akong kung ano, o kaya baka sarado na ang kumpanya at hindi ako makalabas. Pinilit kong lakasan ang loob ko para lang makarating sa gitna at gumamit ng elevator. Iyon nga lang ay baka hindi 'yon gumana dahil walang kuryente rito sa itaas.Ngunit gano'n na lang ang paghinto ko sa paglalakad nang marinig ko ang pagsara ng pinto malapit sa akin at ang paglabas ng isang lalaking may dalang flashlight. Napapikit pa ako nang itutok niya sa akin ang ilaw dahilan para mapa-atras ako."M-Miss? S-Sorry. Ayos ka lang? Bakit nandito ka pa?" sunod-sunod na tanong nito na kamuntikan pang bumagsak sa kaniya ang hawak kong walis.Pamilyar sa akin ang kaniyang boses."Paalis naman na po ako kanina. Kaso po biglang nawala 'yong kuryente. Nasaraduhan na po ata tayo eh," mahinang sabi ko saka siya sinabayan sa paglalakad ngunit nasa likuran niya ako, at siya naman ay parang gustong pumantay sa akin.Naalala ko tuloy ang sinasabi sa akin nila Jona tungkol sa mga lalaking taga-rito na mag-ingat daw ako.Hindi naman nila sinabi kung bakit kailangan mag-ingat, eh mukhang mabait naman sila."Ah, bago ka pa lang dito? Alam kasi ng mga maintenance staff dito na tuwing alas-dyes, pinapatay na ang ilaw dito," paliwanag nito sa akin kaya ako nangunot.Wala namang nasabi ang nagtuturo sa akin.Nahinto pa ako nang bumukas ang elevator kung saan may ilaw naman doon, pero kasi kami lang dalawa ang tao. Tapos nasa mataas pa akong floor—"Let me help you. Don't worry, 'di naman ako masamang tao. Matagal na ako rito at kilala na ako ng mga katulad mo," kalmadong sabi nito saka kinuha sa kamay ko ang mga gamit na ipinasok niya sa loob.Gusto ko pa sanang magsalita pero pumasok na lang ako dahil nandoon ang mga gamit. Doon ko lang din napagtanto na siya 'yong lalaking nadulas kanina kaya mas lalo pa akong yumuko. Nakakahiya, paniguradong nadumihan ang damit niya kanina dahil ibang polo na ang kaniyang suot. Tapos marami pa ang nakakita at nagalit pa ang isang babae na hindi ko alam kung sino. Amo niya kaya 'yon?Nakatingin lang ako sa blurred na salamin sa harapan namin nang maramdaman kong mapatingin siya sa akin. Ang amoy nito ang bumabalot sa buong elevator na sobrang bango pa."You okay? Masyado kang tahimik. Ada, is your name right?" tanong nito saka ako tumango."O-Opo, sir.""Pasensya na nga pala sa nasabi sa 'yo ni Sunny, gano'n lang talaga siya."Sunny?Tumango na lang ako saka bumukas ang elevator at bumungad sa akin si Ally na halatang nakaayos na. Agad itong lumapit sa akin at kumaway sa katabi ko."Good evening po, sir," bati nito."Good Eve. Mauuna na ako sa inyo. Take care Ada," malalim na boses na sabi nito saka kami nilagpasan.Doon ko lang napansin na nandito na kami sa ground floor sa may parking lot. Sa gilid kasi nito ay doon daw kami talagang nakapuwesto o kaya magpapahinga. Pinagmasdan ko pa ang engineer na iyon sa pagpasok niya sa kaniyang kotse at sa pag-alis nito.Maya-maya pa ay natigil ako sa pagtitig nang marinig ang pagtawa ni Ally, kaya ko ito nilingon."Gaga ka, pamilyado na 'yon," natatawang usal ni Ally, saka ako inilingan.Pamilyado na? Hindi dapat siya umuuwi ng gabi dahil naghihintay ang pamilya niya sa kanilang bahay. Noon, si papa laging umuuwi ng maaga para sumabay sa aming kumain at tabing matulog.Inasikaso ko na lang ang aking sarili at kinukwento ang mga nangyari kanina. Normal na lang pala 'yon. Ang mabuti na lang daw ay si Sir Andrada ang naabutan ko dahil kung 'yong babaeng si Sunny raw ang nadulas. Baka tanggal na agad ako.Mukha naman mabait si Sir. Nahihiya nga lang ako kausapin siya dahil parang ang pangit naman tingnan ng gano'n. Engineer siya tapos ako janitres lang. Baka sabihin, gumagawa ako ng paraan para may makapitan."Mauuna na ako. Si Kuya Noel kasi may inaayos na kuryente. Ingat ka," pagpapaalam niya habang sinusuot ko ang aking tsinelas."Ingat ka rin," sabi ko saka umalis na rin.Madilim na ang paligid. Pero may mga kasabayan naman akong naglalakad at dahil nasa Maynila ako, marami pa ring tao, bukas pa rin ang mga tindahan at sobrang lamig. Alam ko naman na kung paano umuwi pero gusto kong lakarin ito. Ngayon lang ako makakapaglakad nang walang kasama at aasahan ko lang 'yong nga natatandaan kong pangalan ng kalye."Natapos na ang lahat, nandito pa rin ako..." pagkanta ko habang nasa daan, at nakikipagsabayan sa ingay ng mga dumaraang sasakyan.Sana nandito na lang sila mama, sana nakakalakad na lang siya. Paniguradong walang tao sa bahay dahil nasa trabaho sila, si Jona lang naman ang maaabutan ko at baka nagpapahinga na rin siya. Sa kalagitnaan nang paglalakad ko ay napalingon ako sa isang sasakyang itim na sobrang bagal ang pag-andar. Napatulala pa ako nang makita ko kung sino ang nagmamaneho at iyon si Sir Andrada.Kumaway ito sa akin at saka lumabas ng sasakyan. "Hatid na kita. Sobrang delikado rito," sabi nito sa akin na isinuklay ang daliri sa kaniyang buhok."Hindi na po, sir. Okay lang po ako," ngiting sabi ko saka umiwas ng tingin sa kaniya.Baka mamaya bigla akong makita ng asawa niya tapos sabunutan ako. Inaalagaan ko pa naman ang buhok ko."Kilala ko si Jona. Kababata namin siya ni Alora, pero baka hindi na niya ako maalala kasi umalis din ako sa lugar na pinagtirhan namin. C'mon, pauwi na rin naman ako—""Baka po magalit 'yong asawa ninyo po, sir," sagot ko agad na kaniyang nginitian.Tumingin ito sa malayo at saka binuksan ang pinto ng kaniyang sasakyan. "Please? I'm just worried because it's too late now. Buti sana kung may kasabay ka. May mga service kasi ang mga staff namin noon. Kaso tinanggal na rin dahil nangunti. Don't worry, this will be the last," nakangiting sabi nito kaya wala na rin akong nagawa kundi ang pumasok.Buti na lang at malinis ako sa katawan kaya hindi nakakahiyang maupo sa kotse niya. Nakita kong umikot ito at saka pumasok sa kabila."Saan ang street mo?""Pilar Street po, kahit sa labasan na lang po," mahinang tugon ko na sinang-ayunan niya."Music?" tanong nito sa akin na inilingan ko."Mabilis po akong antukin kapag may tugtog, sir," nakangiting sabi ko na tinawanan niya niya pa.Naging tahimik lang naman ang buong byahe namin. Naging panatag ako at nakalimutan ang mga sinabi ni Jona sa akin na mag-ingat sa mga lalaki. Eh mukhang okay naman si Sir Andrada. Huwag lang talaga akong mahuli ng asawa niya. Basta huli na 'to.Nang makapasok na kami sa looban ay doon lang biglang natahimik ang paligid, wala naman kasing tao at isa pa ay tahimik talaga sa lugar na ito. Panay siya tingin sa paligid na mukhang sinisipat pa kung anong klaseng bahay ang tinitirhan ko.Naikagat ko na lang ang aking labi nang makita ko si Jona na tumatanaw mula sa malayo. Agad kong kinalabit si Sir, na napatingin sa akin."Dito na lang po sir. Ayun na po 'yong kaibigan ko, e." Turo ko sa babaeng naglalakad pa rin at panay tingin sa selpon."Jona? Ah, yeah, hindi ko siya nakilala. Wait." Lumabas ito at sakto na napahinto si Jona sa paglalakad at napakunot pa.Pinagbuksan ako nito ng pinto saka ako ngumiti rito. "Salamat po—""Oy! Oy! Oy! Ano 'yan?!""Jona—""Bakit mo kasama kaibigan ko?" taas-kilay na sabi nito sa kasama kong hindi pa rin maalis ang ngiti."Hinatid ko lang siya, madilim na kasi sa daan. Don't worry, aalis na rin ako. I'll go Ada," sabi nito saka kami tinalikuran.Pinagmasdan ko lang ang pag-alis ng kotseng iyon na hindi ko naman siya makita sa loob. Doon lang ako napatingin kay Jona na gusto na gusto ang noo at bahagya pa akong siniko."Biruan lang naman na magbitbit ka ng engineer dito. Ikaw talaga!" panimula niya.Nangunot ang aking noo. "Hinatid niya lang talaga ako," natatawang sabi ko dahil sa pagnguso nito.Sa kaniya kasi ang sisisi kapag may nangyari sa akin dito dahil ibinilin ako ni Ate Calli sa kaniya. Ayoko naman na gawin akong special dito dahil may kaniya-kaniyang buhay rin naman sila."Kumusta work mo? Okay naman?""Oo. Masaya naman."Umarko ang kilay niya. "Kasi may engineer?""Hindi nga. Pamilyado na raw 'yon," bulong ko saka siya tumawa nang malakas.Umiling lang ito at saka kami pumasok sa loob ng bahay. Gaya ng dati, wala pa ring tao bukod sa amin. Nakakapagod ang araw na ito, pero mukhang ayos na rin kaysa naman sa tumunganga lang ako.Mukhang okay naman dito sa Maynila. Kailangan ko lang talagang makibagay.Halos kalahating buwan din ang lumipas, normal naman ang mga nangyari. Medyo kilala na rin ako ng mga taong nasa mataas na floor dahil doon ako nagtatrabaho, kaya mas malaki ang tyansa na madalas nila akong utusan na hindi naman masyadong nadadamay ang trabaho ko. Naging mabait naman sa akin ang iba, 'yon nga lang ay grabe naman magsalita ang ibang mga babae roon kapag nagkakamali ako o 'di kaya'y naguguluhan. Buti pa 'yong mga lalaki, mababait sa akin, parang salungat sa mga sinasabi nila Jona. Napangiti na lang ako nang maibigay ko na ang kape sa mga kaibigan ni Ma'am Alora, ako na rin kasi ang madalas na utusan ni Ma'am Alora, at siya pa ang nagtatanggol sa akin, sobrang bait niya at minsan ay nagkukwento pa siya tungkol sa kaniyang buhay. "Salamat, Ada, kumain ka na rin," ngiting sabi nito na tinanguan ko. "Sige po. Una na po ako, sir," pagpapaalam ko saka umalis sa harapan nila. Marami kasi ang nag-over time dahil may mga meeting pa sila,
Wala sa sariling nginunguya ko ang sabaw na hindi naman dapat. Nakurot ko pa nang kaunti ang aking pisngi dahil napapadalas ang aking pagiging tulala. Inis na ibinaba ko ang kutsara at saka muling tinitigan ang sarili sa kaharap kong baso kung saan kitang-kita ko ang aking repleksyon. Bakit ko ba kasi naiisip 'yong kanina?! Dapat kasi hindi na ako pumunta roon, e. Hindi pa naman ako mabilis makalimot sa mga nakikita ko sa paligid ko. Pero ewan ko ba, wala naman akong dapat na pakialam sa ginagawa nila ate kanina pero naaapektuhan ako. May kung ano sa akin na para akong kasama roon."Ada, nandito na ako," isang boses na nagmumula sa sala kaya ako napa-angat ng tingin. Hindi ko alam kung bakit una kong tiningnan ang suot ni Jona, kahit na madalas naman niyang suot iyon. Tumaas ang kilay niya kaya ako napangiti at ininom agad ang sabaw na niluto ko kanina. "So anong ginagawa mo kanina sa club? Ayan Ada, ah!" Panlalaki nito ng kaniyang ma
Halos hindi ako makapagsalita dahil sa mga kuwento ni Jona sa akin tungkol kay Emy, na buntis nga ito dahil sa kung sinong lalaking nakasama niya. Walang ideya si Emy dahil marami siyang lalaking nakakasama at aminadong lasing minsan sa tuwing nangyayari ang bagay na iyon. Hindi ko maiwasang maawa kay Emy, normal na pala iyon sa kanila na may nabubuntis at kung minsan ay winawakasan nila ang buhay ng bata. Hindi ko alam kung may buhay na ba ang dugo. Kaya ipinaglalaban nilang ayos lang sa kanila na ipalaglag iyon, dahil wala pa namang muwang at alam.Ang hirap malaman kung ano nga ba ang totoo. Hindi ko alam kung saan makikinig dahil parehas na mayroong dahilan. "Basta, huwag na tayo mangi-alam, okay naman na, e. Nakapagdesisyon na siya, malalaki na tayo Ada, e, kaya alam na natin ang tama sa mali. Alam na natin kung anong pipiliin natin, kung mangyari man ang bagay na hindi naman sinasadya, pananagutan pa rin natin iyon, kasi involve tayo, e," mahabang
Tahimik lang akong kumakain ng tinapay habang nasa daan. Maaga kaming pinauwi dahil malakas ang bagyong paparating, at isa pa ay ang mga tao sa kumpanya ay nasa site nila mula bukas kaya wala naman daw kaming gagawin. Pero bawas sweldo nga lang kami. Wala akong pasok bukas, hindi ko tuloy alam kung saan ako kukuha ng pera. Sa ilang buwan na pananatili ko rito ay talaga ngang mahirap maghanap ng trabaho at kahit pagiging katulong ay hindi madali. Nang matanaw ko na ang bahay ay napansin ko roon si Leni na nagwawalis, siya 'yong babaeng bihira ko lang makita rito dahil kadalasan ay umuuwi siya sa pamilya niya. Napalingon ito sa akin at saka ngumiti. Tahimik lang siya pero ang ganda niya, hindi nakakasawang tingnan ang mukha niya, samantalang si Jona maririndi ka dahil sa boses na paulit-ulit. "Ang aga mo ngayon?" Inilapag nito ang hawak niyang plastik sa lapag. "Ah, oo nga e. Pati na rin ata bukas," sagot ko saka siya umiling. "Pasok na ako, ah,
Agad kong inilapag ang walis at saka naghilamos ng mukha. Halos nakaramdam lang ako ng ginhawa sa mukha nang mabuhusan ko iyon ng tubig. Tanghaling tapat ngayon kaya napakainit, ang ibang floor kasi ay hindi bukas ang aircon dahil wala namang tao. Sobrang kaunti lang. Sobrang bilis ng panahon, puro half day na lang kami at mas lalong naghigpit dahil sa pagnanakaw na nangyari sa loob ng kumpanya, isa lang daw sa mga staff dito ang nagnakaw dahil kabisado ang mga lalagyan, e, hindi ko nga alam kung saan nangyari ang nakawan dahil nandito ako sa parking lot noon, nadamay pa kami dahil may mop doon sa gilid ng cabinet kung saan may nawalang importanteng papeles at pera. Kaya mas lalong naghigpit at mababa ang suweldo. Napangiti pa ako nang maalala ko na pinagtanggol ako nila Sir Valera dahil isa ako sa tinuro ni Ma'am Sunny. Mabuti na lang at dumating si Ma'am Alora para sabihin na buong araw ko siyang kasama noong mangyari iyon, hindi ko talaga alam kung b
Naalimpungatan na lang ako dahil sa sobrang liwanag. Una pang bumungad sa akin ay si Jona, na titig na titig sa akong mukha kaya ako mas napaurong. Medyo masakit ang likuran ko kaya hindi ako masyadong makagalaw. "Ada? Naririnig mo kami?" mahinang sabi nito ngunit hindi ako sumagot. Naririnig ko naman sila. Pero ayoko lang na kumilos dahil sobrang sakit talaga ng katawan ko. Sinabunutan ba naman ako at kinaladkad na halos umalis na ang kaluluwa ko. Hindi rin ako sanay sa gano'n. Ayoko talaga ng gulo. Nanatili akong tikom at napansing nasa kwarto na ako, sa bahay mismo. Kitang-kita ko ang mukha ni Jona na alalang-alang at hinahawakan pa ang aking kamay. Bigla namang bumukas ang pinto at si Ate Calli ang bumungad doon. "Ano na? Maayos na ba siya? Kilala mo pa ba kami Ada?" tanong ni Ate Calli na nginitian ko nang kaunti. Nahilo lang naman ako kanina. Dala na rin kasi ng init ng panahon kaya siguro gano'n. "O-Okay lang po ako,
Halos magbalat na ang sarili kong mga daliri dahil sa kanina ko pang pagkukurot dito. Kanina pa ako titig na titig kay Ate Calli na lakad nang lakad at ang ibang mga katrabaho kong isa-isang nag-aalis ng make-up sa mukha nila. Ala-singko na sila naka-uwi at mabuti na lang ay nakatulog na ako at nakapag-alarm na rin. "Nasisiraan ka na ba Ada? Ayokong isugal kita roon dahil hindi kita masubaybayan kapag naroon ka na. Ayokong sisihin mo ako o ng mama mo kapag may nangyaring masama sa iyo," seryosong saad ni Ate sa akin na ikinasandal ko na lang. Desisyon ko naman iyon, e. Sure na talaga ako, wala na rin naman akong malalapitan at walang-wala na talaga. Bahagya akong tumango at ngumiti. "Gusto ko po talaga ate, kailangan ko na kasi, e," seryosong sabi ko saka siya tuluyang naupo. Kitang-kita ko ang pagbuntonghininga ni ate, para bang ayaw niya akong ipasok dahil nga kasi bago pa ako at baka may mapahamak pa. Pero uunahin ko pa ba iyon? Kailangan k
Hindi ako makabangon. Pinilit ko namang buksan ang mata ko pero mas malakas pa rin ang kirot ng aking ulo. Dahan-dahan akong nagmulat at pinilit na maupo. Sa unti-unting pagmulat ko ay napansin ko agad ang iba na naglalakad sa kung saan at ang iba ay nakatingin sa akin. "A-Aray," reklamo ko nang pumitik ang kung ano sa akong ulo. "Inom pa," sabi ng katabi ko na hindi ko na inabala kung sino. Sandali akong huminto sa dapat na pag-upo ngunit pinilit din na makaupo. Halos umikot ang buong paningin ko nang buksan ko ang aking mga mata. Roon ko lang napansin ang ilan sa mga kasamahan kong titig na titig sa akin at ang iba ay naiiling pa. "Oh." Inabot sa akin ang tubig na dahan-dahan ko pang kinuha kay Annie. "Hindi mo pala kaya, uminom ka pa," umiiling na sabi nito habang inuubos ko ang tubig na para bang ilang linggo akong hindi nakainom. Nasa sala na ako. Ibig sabihin ay wala na ako sa lugar na madilim? Ang huli ko lang na naaalala ay nakikipagkuwentuhan ako sa lalaking kaharap ko n
"One, two, three, smile!" Halos mapangiti ako nang makita ko na naman ang litrato naming lahat no'ng ikinasal ako. Lahat ay kumpleto, walang nakaligtaan kahit pa ang mga katrabaho ko noon ay inimbita ni Gab, pati ang naging amo ko sa kumpanya nila Gab dahil minsan akong magtrabaho roon. "Ma?" tawag ko kay mama at marahang naglakad papunta sa gawi niya. May project kasi sina Gab kaya isang buwan siya nawala, kaya si mama muna ang lumuwas para tumingin sa akin dahil pitong buwan na rin ang pangalawang pinagbunbuntis ko. Mabuti na lang at babae na dahil usapan namin ni Gab na hanggang dalawa lang kapag babae ang pinagbunbuntis ko ngayon. "Nagugutom ka na naman? Kakain mo lang ah," sabi nito saka binitawan ang walis at lumapit sa akin. "Gusto ko po ng sinigang mamaya," nguso ko dahilan para ma-iling ang ibang kasambahay. "Oo sige, magluluto ako mamayang hapunan." Ngumiti lang ako sa kaniya at saka sila iniwan sa sala. Dumiretso agad ako sa kwarto kung nasaan gumagawa si Jace ng ass
"Happy birthday papa," mahinang usal ko habang kinakaway-kaway ang braso ni Jace dahilan para matawa ito. Naalimpungatan tuloy si Gab kaya ako umusog sa kama at hinayaang gumapang si Jace papunta sa kaniya. Nakangiting sinalubong ito ni Gab at ang bahagyang paghalik nito sa leeg ng anak. "Anong oras ka uuwi mamaya?" tanong ko habang nilalabas ang mga gamit na kailangan niya para sa trabaho. Hindi ito sumagot dahil abala ito sa paglalaro kay Jace. Hinayaan ko na lang silang dalawa. Iniwan ko sila sa kwarto para naman paghandaan ng pagkain ang mag-ama, ugali na kasi ni Gab na tuwing umaga ay siya ang magpakain sa anak niya at bago man lang umalis ay maalagaan niya lamang. Nadatnan ko agad ang mga kasambahay na nag-aasikaso na rin, kaniya-kaniya sila ng gawain kaya mabilis natatapos, kaunti lang din naman ang gawain dito sa bahay dahil wala naman masiyadong kalat. "Nay? Hanggang tanghalian na po ba iyan?" tanong ko na nginitian niya. "Oo naman, lalo na't tanghali na rin naman. Papa
Halos hindi maalis ang aking ngiti nang makapasok kami sa mismong bahay, ni hindi ko rin kasi lubos maisip na ganito pala kalaki at halos kumpleto na ang mga kailangan namin, may tatlong kasambahay na ang dalawa ay kasambahay nila Gab at kakilala ang isa. "Ada? Sila ang mga Nana ko, 'yong isa pamangkin ni Nana Lita. Ah, Nana, kilala ninyo na po siya 'di ba?" pagpapakilala nito sa akin. Ngumiti ang dalawang matanda samantalang ang dalaga ay kumaway sa akin. "Aba'y oo naman. Kami pa ata ang unang nakaalam sa relasyon ninyo bago ang magulang mo," sabi nito na ikinatawa namin. Nagmano lang ako sa mga ito na mukhang mababait naman base na rin sa kuwento ni Gab sa akin. "Sila ang makakasama mo rito kapag nasa trabaho ako, si Nana Lita na ang nag-alaga sa akin kaya matutulungan niya tayo, 'di ba nang?" "Ikaw talagang bata ka, kahit sampung anak pa iyan, kaya namin."Halos magtawanan kami dahil sa pang-aasar na iyon ng mga kasambahay. Tinulungan na muna nila kami sa paglalagay ng mga ga
Ilang linggo na ang nagdaan at hindi pa rin ako makakilos, hindi na rin muna tumanggap ng project si Gab para naman mabantayan kami ng anak niya. Hindi rin kasi kami puwedeng umalis hangga't hindi ako magaling, inaayos din kasi ang mga papeles ko at ng bata para sa Maynila ay wala ng ibang problemahin pa. Pinagmamasdan ko lang si Gab na buhat-buhat ang bata habang marahang sinasayaw, madalas lang itong tumingin at ang bahagyang pagngiti nito sa akin. "Hindi niya pa ba kayang magsalita?" tanong ni Gab. Hindi ko alam kung tatawa ba ako o iintindihin siya dahil sa pagkakaalam ko ay naging baby rin si Lucy. "Hindi mo ba nakitang sanggol si Lucy?" tanong ko na inilingan niya. "Medyo malaki na si Lucy no'ng nakita ko siya, kaya wala talaga akong alam sa mga sanggol, normal naman iyon 'di ba? At saka nandiyan naman sina mama kung sakaling hindi natin alam ang gagawin," ngiting asta nito dahilan para panandalian akong huminto sa dapat na pagtayo. Mama? Sa pagkakaalam ko mommy ang tawag
"Anong pakiramdam?" Hindi ko pa rin sinasagot ang mga tanong ni Annie dahil abala ako sa pagtutupi ng mga damit, wala kasi akong magawa mula pa kahapon dahil tinutulungan ko rin si Gab sa pag-aayos ng mga papeles. Buo na rin ang desisyon kong sumama sa kaniya ngunit kapag nakapanganak na lang ako. "Ayan Ada, ah, hindi mo ako pinapansin." "Tinatamad ako magsalita," reklamo ko dahil wala talaga ako mood makipag-usap. May sinabi pa itong hindi ko na narinig at saka siya umalis dahil kailangan niya pang mamalengke kasama ang kaibigan namin dito na si Rhoda. Naglinis na lang ako ng buong kwarto at pati kwarto niya ay nilinis ko na rin. Limitado na lang din ako gumalaw dahil sobrang sakit na ng balakang ko, minsan pa nga hindi na ako makatayo kaya naka-upo na lang. Naaawa rin ako kay Annie kasi alam kong hindi na siya nakaka-ipon, kaya kapag umalis ako rito, isasama ko siya sa Maynila. Kinabukasan ay nagising na lang ako dahil sa ingay sa ibaba. Ang mas lalo pang ikina-inis ko ay ang p
Kanina pa ako panay himas sa aking tiyan at inaabangan kung darating ba siya. Biglaan kasi ang pagtawag nila sa kaniya lalo na't may koneksyon naman sila roon. Kanina pa nakatitig sa akin si Annie na paulit-ulit na nagsusuklay gamit ang daliri. Literal kasi na kinakabahan ako o ano. "Hilong-hilo na ako sa 'yo," bulong nito saka kumuha ulit ng tinapay. "Hindi ka naman ata excited na makita siya ano?" biglang ngiti nito na hindi ko pinansin. Mas mahalaga ang baby ko kaysa sa gano'ng bagay. Gusto ko lang siyang maka-usap nang maayos at linawin ang lahat. Kahit hindi na siya magpaliwanag dahil tapos na rin naman na ang mga nangyari, doktor na kasi ang nagsabing baka maka-apekto sa akin ang mga negatibong nangyayari. "Pero sa totoo lang Ada, bet ko talaga para sa 'yo si Gab. Sana lang maging okay kayo. Kaso siyempre, hindi ako marunong makalimot sa ginawa niya sa 'yo, pero kasi siya ang ama. Sana lang maging okay kayo, pero kasi potangina pa rin ng ginawa niya," nanggigigil na sabi nit
"Oh pak! Ubos na naman! Ano kayo ngayon?!" natatawang sabi ni Annie na tinawanan ng mga nakatambay sa paligid namin. Nailing na lang ako dahil kanina pa siya nagmamakaawang ubusin na ang mga ulam para maaga kaming makapagligpit, at dahil hapon pa lang ay puwede pa kaming magpahinga bago ulit mag-asikaso dahil darating daw sila Jona mamayang gabi. "Ligpitin ko na ah?" Kinuha ko agad ang mga kaserola at sama-samang inilagay sa lababo. Medyo may kalakihan kasi ang bahay ni Annie rito, at kaunti lang din ang gamit kaya mas lalong maluwag sa paningin. Ako na ang naghugas ng mga kaserola habang si Annie ay nagliligpit sa labas, dinig na rinig ko pa rin ang tawa niya dahil sa pang-aasar niya sa ilang mga nagtitinda sa karinderya. Mabuti na lang at walang napipikon sa kaniya. Idagdag pa ang pagiging mabait ng mga tao sa amin kahit hindi namin sila ka-ano-ano. "Ada? Maligo lang ako ah? Pagkatapos mo riyan asikaso ka na rin, tapos mamaya na siguro tayo magluto," sabi nito na ikinatango ko.
Isa sa pinaka magandang desisyon na nagawa ko ay ang pagsama kay Annie rito sa kaniyang probinsya, para bang bumalik ako sa dati kong buhay kung saan presko ang hangin, nabibigyan ko ng oras ang aking sarili at mas lalo pang naghanda. Pakiramdam ko, binigyan ko ng halaga ang sarili ko sa mga taong tinalikuran ako... o baka sadyang hindi lang nila maintindihan ang kalagayan ko. Ilang buwan na ang nakakaraan nang lumuwas kami rito, no'ng una ay sobrang hirap dahil parehas kaming walang pera, may ipon naman ako pero ayaw iyon kunin ni Annie dahil para na raw iyon sa pagpapaanak ko. Ang tanging bunubuhay sa amin ay ang pagluluto niya ng pagkain at ako ang nagtitinda, dahil marami daw ang mahilig kumain dito at malapit din kami sa dagat ay naging madali lang ang kumita ng pera, karaniwan sa niluluto ni Annie ay ang mga putaheng hindi pa nakikita rito sa La Union o bihira lang maluto. "Punyeta talaga 'yang mga iba riyan, akala mo naman kung sinong magaling magluto," pandadaldal ni Annie.
Lahat ay halos tahimik. Nanatili ako sa pagkakaupo sa aking kama habang sina Maylene, Annie at Jona ay nakatayo sa harapan ko, at si Ate Calli... na halos balisa dahil sa mga nangyari. Ang bilis din kasi, parang dati lang ay okay kami tapos ngayon nabuntis ako. Ang bilis niyang talikuran ako. "Ano na? Anong balak mo?" tanong ni Ate Calli habang nakasandal ito sa pinto. Umiling ako. Wala naman akong mapupuntahan bukod dito, wala akong matinong trabaho at alam ko na pagbabawalan na ako sa pag-ta-trabaho roon kapag nalaman na buntis ako. Kaya marami sa mga kasamahan namin dito rin daw ang umalis dahil sa pagkabuntis. Maliban na lang kung ipqpalaglag ito. Pero hindi ko kaya, hindi maatim ng konsensya ko ang mamuhay araw-araw nang mayroong pinatay. "A-Aalis na lang po ako rito," wala sa sariling sagot ko. Walang nagsalita sa kanila, tanging paulit-ulit na pagbuntonghininga lang ni Ate Calli ang naririnig ko. Habang ang tatlo ay nasa harapan ko lang at iniiwasang tumingin sa akin. Hindi