Share

Kabanata 12

Author: Ms. Caffeine
last update Last Updated: 2022-05-06 02:36:32

Hindi ako makabangon. Pinilit ko namang buksan ang mata ko pero mas malakas pa rin ang kirot ng aking ulo. Dahan-dahan akong nagmulat at pinilit na maupo. Sa unti-unting pagmulat ko ay napansin ko agad ang iba na naglalakad sa kung saan at ang iba ay nakatingin sa akin.

"A-Aray," reklamo ko nang pumitik ang kung ano sa akong ulo.

"Inom pa," sabi ng katabi ko na hindi ko na inabala kung sino.

Sandali akong huminto sa dapat na pag-upo ngunit pinilit din na makaupo. Halos umikot ang buong paningin ko nang buksan ko ang aking mga mata. Roon ko lang napansin ang ilan sa mga kasamahan kong titig na titig sa akin at ang iba ay naiiling pa.

"Oh." Inabot sa akin ang tubig na dahan-dahan ko pang kinuha kay Annie. "Hindi mo pala kaya, uminom ka pa," umiiling na sabi nito habang inuubos ko ang tubig na para bang ilang linggo akong hindi nakainom.

Nasa sala na ako. Ibig sabihin ay wala na ako sa lugar na madilim? Ang huli ko lang na naaalala ay nakikipagkuwentuhan ako sa lalaking kaharap ko n
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • His Innocent Courtesan   Kabanata 13

    Suot ang maikling palda na na halos kita na ang aking hita ay agad ko iyon inayos bago bitbitin ang tray. Hindi ako sanay sa nakasabit sa aking mata lalo na't nangangati ito. Ang lahat kasi sa amin ay kailangan may suot na itim na maskara na parang masquerade mask na sinasabi ni Jona. Hindi naman ako masiyadong nailang o nahiya dahil walang makakakilala sa akin dito. Ang ibang kasamahan ko ay hindi ko na makita, kalat-kalat na kasi sila at nagkikita na lang kami tuwing ala-singko ng umaga sa mismong dressing room sa likuran. At tanging kailangan ko lang gawin ay ang magtrabaho ngayon. "Ada! Sis! Ikaw na magdala sa table 14 nito, rush kasi 'yong order ng VIP e," bungad sa akin ng babaeng hindi ko makilala kung sino. Tumango lang ako at ngumiti. "Okay lang, ako nang bahala," sabi ko rito na ikinatuwa niya naman at matapos magpasalamat ay tumalikod na. Napanguso na lang ako kasi nakilala agad nila ako, tapos ako ay nangangapa pa rin kung sino ang aking kausap. Sinunod ko ang sinabi n

    Last Updated : 2022-05-06
  • His Innocent Courtesan   Kabanata 14

    Lumipas ang ilang linggo sa pag-ta-trabaho ko na walang naging problema, nasanay na lang ako na panay pagbibigay ng alak ang gawain ko at ang paglilinis. Araw-araw din ay madalas akong tanungin nila Leni kung maayos lang ba ako, kung anong mga nangyayari sa akin dahil hindi ko naman sila madalas makita kapag nasa trabaho na. Nang matapos akong makapag-ayos ng sarili sa Cr ay nagpasiya na akong lumabas. Pinilit kong alisin sa utak ko ang mga nangyari kahapon, pero hindi ko magawa. Hindi ko rin magawang magsabi kina Jona, dahil baka patigilin ako sa pag-ta-trabaho rito, e, ito na lang talaga ang trabahong may kalakihan ang nakukuha kong pera. Hindi ko pa rin makalimutan kung paanong hipuin ng lasing ang aking pang-upo. Ni hindi pa ako makagalaw noon dahil sa sobrang bilis ng pangyayari, na tipong nakita ko na lang ang sarili ko na umiinom ng kape. Ugali ko na ang uminom ng kape sa tuwing na-iistress ako. Malaki na rin naman ako kaya bakit pa ako magsusumbong? Sa lugar na 'to hindi ko

    Last Updated : 2022-05-06
  • His Innocent Courtesan   Kabanata 15

    Lumipas ang ilang buwan na naging maayos ang lahat. Sabihin na natin na naging maganda ang takbo ng trabaho ko kahit na nadumihan na ako... kahit na hindi na ako 'yong babaeng mahinhin na iniingatan nila Jona. Ano pa bang iingatan ko kung naibigay ko na sa isang lalaking hindi ko kilala? Na inalukan ako ng pera at saktong kailangan ko dahil sinugod sa hospital si mama... bakit kailangan ko pang tumanggi kung okay lang naman. Kung okay nga lang ba? Pakiramdam ko ay nag-iba ako sa maikling panahon, maraming buwan na ang lumipas pero pakiramdam ko ay bago pa rin ako rito sa trabaho. Sa tuwing may lalapit o 'di kaya'y hinahawakan ang aking katawan ay agad akong natatakot, na paano kung malaman ito nila mama? Paano kung may mangyaring masama sa akin? Nang matapos ako sa paglagay ng red lipstick ay muli kong itinaas nang kaunti ang suot ko. Mukhang ako pa rin naman 'yong Ada na iniingatan nila pero kailangan kong magtrabaho, lalo na't nagiging abala na si Adrian sa eskwelahan kaya hangga't

    Last Updated : 2022-05-06
  • His Innocent Courtesan   Kabanata 16

    "Ang bobo naman kasi, kung hindi ba naman isa't kalahating kalandian, nagkasakit pa. Tapos ngayon susuka-suka ka? Buntis ka na! Oh my goodness!""Hoy! Bobo! Hindi ka ba nakakaintindi na nakakain ako ng panis kagabi? Pahingi na kasi ng tubig!" sigaw ni Annie kay Maylene. Hirap na hirap pa si Annie na maglakad dahil sa sobrang sakit ng kaniyang ulo at tiyan, ni hindi niya pa nga magawang buksan ang mata niya dahil sa pagkirot nito base na rin sa kanina niya pa inirereklamo. Inilapag ko muli ang hawak kong walis at saka uminom ng tubig. Ako ang pinakamaagang umuwi kanina kaya ako rin ang nagising ng maaga. Sabay kaming natawa ni Maylene nang sumuka ba naman si Annie. "Buntis ka na girl! Yari ka," pang-aasar ni Maylene na minura lang ni Annie. "Ada? Puwede bang ikaw muna ang mag grocery ngayon? May pupuntahan kasi ako tapos tulog pa 'yong iba," sabi nito na nginitian ko lang. "Sige, may bibilhin din ako, e. Ito lang ba lahat?" tanong ko nang iabot niya sa akin anh listahan ng mga kaila

    Last Updated : 2022-05-07
  • His Innocent Courtesan   Kabanata 17

    Nagsuot lang ako ng simpleng palda na siniguro kong hanggang tuhod ko. Isang sando na may kakapalan naman na naka tuck-in. Tinernuhan ko ito ng light brown flat shoes, at hinayaang nakalaylay ang buhok. Nang maayos na ay saka lang ako nagpasiyang lumabas ng kwarto at isa-isang pinatay ang ilaw. Holiday ngayon kaya walang pasok ang lahat, umuwi sila sa kanilang mga pamilya samantalang ako ay nanatili rito, gustuhin ko mang umuwi sa amin ay hindi rin ako tatagal dahil babalik din naman sa trabaho. Nagpasya na lang akong maglakad. Pinili kong alas-kwatro mamasyal para naman hindi masyadong mainit at paniguradong kahit gabihin ako sa daan ay marami namang tao. Nang makababa na ako mula sa jeep ay narating ko agad ang Mall na madalas naming puntahan ni Jona noon. Kabisado ko na rin ang pasikot-sikot dito kaya walang problema kung umikot ako. Balak ko rin kasi bumili ng mga gamit na puwede kong ipadala kina mama sa probinsya, o kaya kakain na lang siguro ako dahil hanggang ngayon ay hindi

    Last Updated : 2022-05-07
  • His Innocent Courtesan   Kabanata 18

    "Please, excuse me," bulong ko sa lalaking kanina pa hinihipu ang aking hita. Bumitaw naman agad siya kasabay nang paglapag niya ng kaniyang baraha. Muli kong pinagpagan ang aking suot dahil pakiramdam ko ay sa katawan ko natatapon ang mga abo sa kaniyang sigarilyo na kanina ko pa nalalanghap, pero okay na rin iyon dahil binigyan niya ako tip. Sa tip ako umaasa at sa sweldo ko bilang waitress dahil hindi muna ako tumatanggap ng extra services, tumatanggap lang naman ako ng mga gano'n kung kailangan talaga. Pero agad akong nahinto at lumayo sa entrance nang makita ko ang matandang babae na halos kuminang ang mga suot niyang alahas, galit na galit base sa taas ng kaniyang boses at para bang may hinahanap na kung sino. Alam kong ako iyon. Dahil minsan na niya kaming nahuli ni Rex, noong mga panahong gipit na gipit ako. "Ilabas ninyo ang babaeng iyon! Alam kong dito siya nagtatrabaho!" bulyaw nito ngunit mas lalo siyang pinagtabuyan ng mga bouncer doon. Agad akong tumalikod at saka pu

    Last Updated : 2022-05-07
  • His Innocent Courtesan   Kabanata 19

    Hindi ko alam na naging gano'ng kabilis ang paglipat ko. Biglaan man at naging mahirap no'ng magsimula ako ay hindi ko rin maitatanggi na masaya rito, ako ang pinaka bata kaya gano'n na lang ang pag-alalay sa akin ng iba, nakinig lang talaga ako sa mga iniuutos nila at sa tuwing pinapagalitan ako ay hindi mo iyon dinadamdam, literal na nagpapasalamat pa ako dahil mas lalo akong nag-improve. Wala namang problema rito, isang food court ang pinapasukan ko at mas malaki ang sakop, marami kaming mga server kaya hindi rin ako nahirapan, all around nga lang ako at sampung libo kada kinsenas ang sweldo ko, okay na rin iyon, at least panatag ako. Hindi gaya no'ng nasa club ako na madalas paranoid dahil baka biglang may sumabunot sa akin o patayin ako dahil sa mga asawa nilang lalaki na kusang lumalapit sa akin. At least dito, medyo maayos, may pagkakataon lang na pinagtitinginan ako ng mga kalalakihan dahil sa fitted ang suot ko at may kalakihan ang aking dibdib, lubog ang aking tiyan dahil

    Last Updated : 2022-05-07
  • His Innocent Courtesan   Kabanata 20

    Halos dalawang oras lang ang inilaan namin sa pag-iikot, no'ng una kasi ay okay na kami, pero masyadong tahimik at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dahil hindi naman niya ako kinikibo. Para bang may gusto siyang sabihin sa akin na ayaw naman niya. "Dalawa po ate," sabi nito sa nagtitinda ng burger. Napakunot pa ako dahil masyadong malaki ang tinda nila na in-order pa ni Gab. Kanina pa kasi kami nag-iikot at panay tingin sa paligid, literal na hindi talaga bumubukas ang bibig namin. Hindi ko alam kung anong nangyayari, siguro ah hindi ako sanay. Tahimik naman kasi talaga siya, madaldal ako sa kaibigan niyang si Jack na hindi ko na napapansin ngayon. "Here." Abot nito ng pagkain sa akin. "Salamat," sagot ko. At katahimikan na naman. Malayon ang tingin niya na para bang nagdadalawang-isip kung kakain ba siya kasama ko. Napatingin ito sa akin at ako naman ang umiwas ng tingin. Mabagal kaming naglalakad, hindi ko alam kung mas papakiramdaman ko siya o ang kinakain ko. Huminga

    Last Updated : 2022-05-07

Latest chapter

  • His Innocent Courtesan   Wakas

    "One, two, three, smile!" Halos mapangiti ako nang makita ko na naman ang litrato naming lahat no'ng ikinasal ako. Lahat ay kumpleto, walang nakaligtaan kahit pa ang mga katrabaho ko noon ay inimbita ni Gab, pati ang naging amo ko sa kumpanya nila Gab dahil minsan akong magtrabaho roon. "Ma?" tawag ko kay mama at marahang naglakad papunta sa gawi niya. May project kasi sina Gab kaya isang buwan siya nawala, kaya si mama muna ang lumuwas para tumingin sa akin dahil pitong buwan na rin ang pangalawang pinagbunbuntis ko. Mabuti na lang at babae na dahil usapan namin ni Gab na hanggang dalawa lang kapag babae ang pinagbunbuntis ko ngayon. "Nagugutom ka na naman? Kakain mo lang ah," sabi nito saka binitawan ang walis at lumapit sa akin. "Gusto ko po ng sinigang mamaya," nguso ko dahilan para ma-iling ang ibang kasambahay. "Oo sige, magluluto ako mamayang hapunan." Ngumiti lang ako sa kaniya at saka sila iniwan sa sala. Dumiretso agad ako sa kwarto kung nasaan gumagawa si Jace ng ass

  • His Innocent Courtesan   Kabanata 55

    "Happy birthday papa," mahinang usal ko habang kinakaway-kaway ang braso ni Jace dahilan para matawa ito. Naalimpungatan tuloy si Gab kaya ako umusog sa kama at hinayaang gumapang si Jace papunta sa kaniya. Nakangiting sinalubong ito ni Gab at ang bahagyang paghalik nito sa leeg ng anak. "Anong oras ka uuwi mamaya?" tanong ko habang nilalabas ang mga gamit na kailangan niya para sa trabaho. Hindi ito sumagot dahil abala ito sa paglalaro kay Jace. Hinayaan ko na lang silang dalawa. Iniwan ko sila sa kwarto para naman paghandaan ng pagkain ang mag-ama, ugali na kasi ni Gab na tuwing umaga ay siya ang magpakain sa anak niya at bago man lang umalis ay maalagaan niya lamang. Nadatnan ko agad ang mga kasambahay na nag-aasikaso na rin, kaniya-kaniya sila ng gawain kaya mabilis natatapos, kaunti lang din naman ang gawain dito sa bahay dahil wala naman masiyadong kalat. "Nay? Hanggang tanghalian na po ba iyan?" tanong ko na nginitian niya. "Oo naman, lalo na't tanghali na rin naman. Papa

  • His Innocent Courtesan   Kabanata 54

    Halos hindi maalis ang aking ngiti nang makapasok kami sa mismong bahay, ni hindi ko rin kasi lubos maisip na ganito pala kalaki at halos kumpleto na ang mga kailangan namin, may tatlong kasambahay na ang dalawa ay kasambahay nila Gab at kakilala ang isa. "Ada? Sila ang mga Nana ko, 'yong isa pamangkin ni Nana Lita. Ah, Nana, kilala ninyo na po siya 'di ba?" pagpapakilala nito sa akin. Ngumiti ang dalawang matanda samantalang ang dalaga ay kumaway sa akin. "Aba'y oo naman. Kami pa ata ang unang nakaalam sa relasyon ninyo bago ang magulang mo," sabi nito na ikinatawa namin. Nagmano lang ako sa mga ito na mukhang mababait naman base na rin sa kuwento ni Gab sa akin. "Sila ang makakasama mo rito kapag nasa trabaho ako, si Nana Lita na ang nag-alaga sa akin kaya matutulungan niya tayo, 'di ba nang?" "Ikaw talagang bata ka, kahit sampung anak pa iyan, kaya namin."Halos magtawanan kami dahil sa pang-aasar na iyon ng mga kasambahay. Tinulungan na muna nila kami sa paglalagay ng mga ga

  • His Innocent Courtesan   Kabanata 53

    Ilang linggo na ang nagdaan at hindi pa rin ako makakilos, hindi na rin muna tumanggap ng project si Gab para naman mabantayan kami ng anak niya. Hindi rin kasi kami puwedeng umalis hangga't hindi ako magaling, inaayos din kasi ang mga papeles ko at ng bata para sa Maynila ay wala ng ibang problemahin pa. Pinagmamasdan ko lang si Gab na buhat-buhat ang bata habang marahang sinasayaw, madalas lang itong tumingin at ang bahagyang pagngiti nito sa akin. "Hindi niya pa ba kayang magsalita?" tanong ni Gab. Hindi ko alam kung tatawa ba ako o iintindihin siya dahil sa pagkakaalam ko ay naging baby rin si Lucy. "Hindi mo ba nakitang sanggol si Lucy?" tanong ko na inilingan niya. "Medyo malaki na si Lucy no'ng nakita ko siya, kaya wala talaga akong alam sa mga sanggol, normal naman iyon 'di ba? At saka nandiyan naman sina mama kung sakaling hindi natin alam ang gagawin," ngiting asta nito dahilan para panandalian akong huminto sa dapat na pagtayo. Mama? Sa pagkakaalam ko mommy ang tawag

  • His Innocent Courtesan   Kabanata 52

    "Anong pakiramdam?" Hindi ko pa rin sinasagot ang mga tanong ni Annie dahil abala ako sa pagtutupi ng mga damit, wala kasi akong magawa mula pa kahapon dahil tinutulungan ko rin si Gab sa pag-aayos ng mga papeles. Buo na rin ang desisyon kong sumama sa kaniya ngunit kapag nakapanganak na lang ako. "Ayan Ada, ah, hindi mo ako pinapansin." "Tinatamad ako magsalita," reklamo ko dahil wala talaga ako mood makipag-usap. May sinabi pa itong hindi ko na narinig at saka siya umalis dahil kailangan niya pang mamalengke kasama ang kaibigan namin dito na si Rhoda. Naglinis na lang ako ng buong kwarto at pati kwarto niya ay nilinis ko na rin. Limitado na lang din ako gumalaw dahil sobrang sakit na ng balakang ko, minsan pa nga hindi na ako makatayo kaya naka-upo na lang. Naaawa rin ako kay Annie kasi alam kong hindi na siya nakaka-ipon, kaya kapag umalis ako rito, isasama ko siya sa Maynila. Kinabukasan ay nagising na lang ako dahil sa ingay sa ibaba. Ang mas lalo pang ikina-inis ko ay ang p

  • His Innocent Courtesan   Kabanata 51

    Kanina pa ako panay himas sa aking tiyan at inaabangan kung darating ba siya. Biglaan kasi ang pagtawag nila sa kaniya lalo na't may koneksyon naman sila roon. Kanina pa nakatitig sa akin si Annie na paulit-ulit na nagsusuklay gamit ang daliri. Literal kasi na kinakabahan ako o ano. "Hilong-hilo na ako sa 'yo," bulong nito saka kumuha ulit ng tinapay. "Hindi ka naman ata excited na makita siya ano?" biglang ngiti nito na hindi ko pinansin. Mas mahalaga ang baby ko kaysa sa gano'ng bagay. Gusto ko lang siyang maka-usap nang maayos at linawin ang lahat. Kahit hindi na siya magpaliwanag dahil tapos na rin naman na ang mga nangyari, doktor na kasi ang nagsabing baka maka-apekto sa akin ang mga negatibong nangyayari. "Pero sa totoo lang Ada, bet ko talaga para sa 'yo si Gab. Sana lang maging okay kayo. Kaso siyempre, hindi ako marunong makalimot sa ginawa niya sa 'yo, pero kasi siya ang ama. Sana lang maging okay kayo, pero kasi potangina pa rin ng ginawa niya," nanggigigil na sabi nit

  • His Innocent Courtesan   Kabanata 50

    "Oh pak! Ubos na naman! Ano kayo ngayon?!" natatawang sabi ni Annie na tinawanan ng mga nakatambay sa paligid namin. Nailing na lang ako dahil kanina pa siya nagmamakaawang ubusin na ang mga ulam para maaga kaming makapagligpit, at dahil hapon pa lang ay puwede pa kaming magpahinga bago ulit mag-asikaso dahil darating daw sila Jona mamayang gabi. "Ligpitin ko na ah?" Kinuha ko agad ang mga kaserola at sama-samang inilagay sa lababo. Medyo may kalakihan kasi ang bahay ni Annie rito, at kaunti lang din ang gamit kaya mas lalong maluwag sa paningin. Ako na ang naghugas ng mga kaserola habang si Annie ay nagliligpit sa labas, dinig na rinig ko pa rin ang tawa niya dahil sa pang-aasar niya sa ilang mga nagtitinda sa karinderya. Mabuti na lang at walang napipikon sa kaniya. Idagdag pa ang pagiging mabait ng mga tao sa amin kahit hindi namin sila ka-ano-ano. "Ada? Maligo lang ako ah? Pagkatapos mo riyan asikaso ka na rin, tapos mamaya na siguro tayo magluto," sabi nito na ikinatango ko.

  • His Innocent Courtesan   Kabanata 49

    Isa sa pinaka magandang desisyon na nagawa ko ay ang pagsama kay Annie rito sa kaniyang probinsya, para bang bumalik ako sa dati kong buhay kung saan presko ang hangin, nabibigyan ko ng oras ang aking sarili at mas lalo pang naghanda. Pakiramdam ko, binigyan ko ng halaga ang sarili ko sa mga taong tinalikuran ako... o baka sadyang hindi lang nila maintindihan ang kalagayan ko. Ilang buwan na ang nakakaraan nang lumuwas kami rito, no'ng una ay sobrang hirap dahil parehas kaming walang pera, may ipon naman ako pero ayaw iyon kunin ni Annie dahil para na raw iyon sa pagpapaanak ko. Ang tanging bunubuhay sa amin ay ang pagluluto niya ng pagkain at ako ang nagtitinda, dahil marami daw ang mahilig kumain dito at malapit din kami sa dagat ay naging madali lang ang kumita ng pera, karaniwan sa niluluto ni Annie ay ang mga putaheng hindi pa nakikita rito sa La Union o bihira lang maluto. "Punyeta talaga 'yang mga iba riyan, akala mo naman kung sinong magaling magluto," pandadaldal ni Annie.

  • His Innocent Courtesan   Kabanata 48

    Lahat ay halos tahimik. Nanatili ako sa pagkakaupo sa aking kama habang sina Maylene, Annie at Jona ay nakatayo sa harapan ko, at si Ate Calli... na halos balisa dahil sa mga nangyari. Ang bilis din kasi, parang dati lang ay okay kami tapos ngayon nabuntis ako. Ang bilis niyang talikuran ako. "Ano na? Anong balak mo?" tanong ni Ate Calli habang nakasandal ito sa pinto. Umiling ako. Wala naman akong mapupuntahan bukod dito, wala akong matinong trabaho at alam ko na pagbabawalan na ako sa pag-ta-trabaho roon kapag nalaman na buntis ako. Kaya marami sa mga kasamahan namin dito rin daw ang umalis dahil sa pagkabuntis. Maliban na lang kung ipqpalaglag ito. Pero hindi ko kaya, hindi maatim ng konsensya ko ang mamuhay araw-araw nang mayroong pinatay. "A-Aalis na lang po ako rito," wala sa sariling sagot ko. Walang nagsalita sa kanila, tanging paulit-ulit na pagbuntonghininga lang ni Ate Calli ang naririnig ko. Habang ang tatlo ay nasa harapan ko lang at iniiwasang tumingin sa akin. Hindi

DMCA.com Protection Status