Paano kung ang dating conservative, probinsyana at mahiyain na dalaga ay naging palaban sa buhay para sa kanyang anak na may sakit sa puso. Dahil sa kahirapan ay tinanggap niya ang alok ng kanyang kaibigan na maging regalo sa stag party ni Randell Gomez. Kinuha ang serbisyo niya para paligayahin ang groom sa buong magdamag. Dahil sa kahirapan at bagong salta sa maynila ay tinanggap niya ang alok. Makalipas ang limang taon nagbalik si Quinette para mamasukan bilang personal nurse ni Don Miguel. At muling nagtagpo ang landas nila ng lalaking ama ng kanyang anak. Paano kung malaman nito na may anak sila at ama nito ang kanyang amo. Ipapakilala ba niya kay Randell ang kanilang anak para hingian ng tulong upang maoperahan sa puso ang bata. Maniniwala ba si Randell at paano kung may asawa na ito. Muli man nagtagpo ang mga landas nila Quinette at Randell. Inilihim pa rin niya ang kanyang anak at nag makaawa siya na huwag tanggalin sa trabaho dahil kailangan niya makaipon ng pampaopera. Gumawa ng kontrata ang binata kapalit ng pagpapahiram nito ng pera sa dalaga. Paano kung malaman ng binata na anak pala niya ang ooperahan sa puso at matatanggap ba niya ang bata kung bunga ito ng kanilang pagtataksil noon sa dati niyang nobya. Kaya pa ba niya magmahal muli at mapapatawad din ba siya ni Quinette sa mga pagpapahirap niya sa dalaga. Lalo na sa paglalaro sa damdamin nito, na akala niya ay isang bayarang babae.
view moreMabilis na lumipas ang ang mga araw at isang taon na kaarawan ngayon, ng anak nila Randell at Quinette na si Quiara Rain. Ginanap lamang ang selebrasyon sa pool ng mga Gomez, Pool Party ang napili nila mag- asawa. Magaling na din ang kanilang anak, naoperahan na ang butas nito sa puso kaya napakasaya nila mag- asawa. Nanganak na din ang bestfriend ni Quinette na si Rhiane at lalaki ang baby nila Atty. Carl Suarez. Nag- engaged na din ang abogado kay Rhiane kaya malapit na din ikasal ang mga ito. Mag- uumpisa na ang pool party kaya mabilis na binihisan ni Quinette ang kanyang mga anak. Si Randell aman ay inasikaso ang kanilang mga bisita."Mahal ko... Marami na tayong bisita, ready na ba ang ating birthday princes...?" Masayang tanong ni Randell sa kanyang asawa."Oo mahal ko, inaayos ko a lang ang gown ni Quiara Rain... Tingnan mo ang ganda ng little mermaid natin..." NAkangiting sabi ni Quinette." Oo nga... mana talaga kay tatay nuh..." Paglalambing na sabi ni Randell."Hmmp... Wala
Bago pumunta ng ospital sila Randell at Quinette at pumunta muna sila sa presinto para kamustahin ang kaso laban kila Andrea at doktor Jandro dahil sa pag- dukot sakanilang anak. Gusto din nilang maka- usap na mag- asawa si Andrea. Pero nakiusap si Quinette na gusto niya munang makausap mag- isa si Andrea. Kaya nandito siya para hintayin ito. Nang makalapit ito sa lamesa at kinauupuan ay nakatitig lamang ito sa kanya at halatang hindi masaya sa pagdalaw niya."Kamusta na Andrea... nagulat ka ba nandito ako para bisitahin ka. May dala ako sayong pasaalubong, huwag kang mag- alala walang lason yan at wala akong balak na maging katulad mo na masamang tao." Mataray na sabi ni Quinette."Anong problema mo...??? Bakit nagpunta ka poa rito, naiirita lang ako sa mukha mong mang- aagaw ng fiance." Pang- iinsulto ni Andrea sa kanya."Ehhemm... Hanggang ngayon hindi ka pa rin pala maka- move on ahh... Ako ang pinakasalan at inanaka , dalawa na nga eh at muntik mo pang patayin ang isa naming anak
Ngayon araw na makakalabas ng ospital si Randell, pero si baby Quiara Rain ay mako- confine pa rin nang isang linggo dahil lumalaki ang puso ng sanggol. Kaya dapat pang obserbahan ng mga doktor, malungkot man na balita. Hindi pa rin nawawalan nang pag- asa na gagaling din ang kanilang anak. One month old na ito bukas kaya sa ospital na lamang sila magsese- celebrate at ipinalipat na nila sa private room kaya maninitil pa rin sila sa ospital hanggang sa gumaling ang kanilang anak. "Masaya ako mahal ko na magaling ka na at maayos na ang kalagayan mo. Pero malungkot pa rin dahil hindi pa rin okey ang anak natin na si baby Quiara Rain." Malungkot at naiiyak na sabi ni Quinette sa kanyang asawa."Mahal ko Quinette... ngayon pa ba tayo mawawalan ng pag- asa, kinaya natin na bawiin siya kay Andrea at mailigtas. Ang diyos lang ang nakakaalam kung kailan tayo dapat sumuko, ipaparamdam niya sa atin yun. Pero sa ngayon hangga't pinag- kakatiwala niya sa atin si baby Quiara Rain. Alagaan natin si
Napaluhod sa harap ng kama, at habang yakap ni Quinette ang bangkay ng kanyang asawa."Mahal ko...! Randell... nangako ka sa akin na hindi mo ako iiwan diba...??? Mahal na mahal kita Randell, paano na ako mabubuhay nang wala ka mahal ko...! Isama mo na din ako..." Sigaw ni Quinette habang humahaguhol ng iyak."Misis... maaari bang tumabi ka muna, sino ba ang iniiyakan mo diyan ah. Di ba asawa mo si Randell Gomez." Pagtatakang tanong ng doktor kay Quinette."Opo... diba siya po itong nakabalot sa kumot na puti dok...???" Pag -tatakang tanong ni Quinette sa doktor at nagkasalubong pa ang kanyang mga kilay."Mahal ko..., Quinette buhay pa ako, lumipat na ako ng private room kaya iba na ang pasyente diyan kinuha ko lang itong naiwan ko na celphone." Pagtatakang tanong ni Randell sa asawa pero natatawa na kinikilig siya sa mga sinabi nito, dahil narinig niya lahat. Kaya naman tumayo na siya kahit nahihirapan siyang humakbang at niyakap ang kanyang asawa na naka- salampak sa sahig."Akala k
Nagpunta na sila Rhiane at Quinette sa nursery room para dalawin at makita ang kanyang anak na si Quiara Rain. Sobra siyang nasasabik dahil magiging una nilang pagkikita mag- ina, nasasabik siyang mahawakan at mayakap ang kanyang sanggol na nawalay sa kanya ng dahil sa kasamaan ni Andrea. Smilip muna sila labas ng pintuan. Itinuro sa kanya ni Rhiane ang kanyang anak, at bumilis ang tibok ng kanyang puso, ito na ba ang lukso ng dugo na sinasabi nila. Nilapitan na nila ito at mahimbing na natutulog ang sanggol, pero bahagyang dumilat ang mga mata. Marahil naramdaman nito na nasa tabi siya na kanyang nanay. Umiyak ito ng napaka- lakas. "Baby Quiara Rain... nandito na si nanay Quinette mo. Napaka- ganda at puti mo anak ko." Naiiyak na sambit ni Quinette sa kanyang anak. Umiyak ng malakas ang sanggol kaya nataranta sila ni Rhiane."Naku... beshie naramdaman niya sigiro na nadito ang kanyang mommy kaya umiyak ng malakas si baby Quiara para buhatin mo." Saad ni Rhiane kaya binuhat nito si b
Napaupo na lamang sa silya si Quinette dahil nanghina ang kanyang mga tuhod nang marinig ang sinabi ng doktor na kailangan maoperahan si Randell dahil nasa delikado itong sitwasyon."Mrs. Gomez... Maraming dugo ang nawala sa kanya kaya kailangan muna natin siya masalinan ng dugo bago maumpisahan ang kanyanmg operasyon." Paliwanag ng doktor kay Quinette."Ako po pwede ako mag- donat ng dugo sa kaibigan ko dok." Pagpresinta ni Atty. Carl Suarez."Sige papapuntahin ko ang isang nurse dito para madala kayo sa lab at matest muna ang mga blood donors bago mag- donate ng dugo sa pasyente." Sagot ng doktor."Ako din po willing mag- donate." Saad ni Rhiane."Mauuna na ako hija..." Paalam ng doktor kay Quinette."Beshie... huwag ka na malungkot at masyadong mag- alala diyan. Kailangan siya operahan para matanggal ang bala sa kanyang dibdib at kami na bahala mag- donate ng dugo sa kanya." Paliwanag ni Rhiane at niyakap muli ang kanyang bestfriend."Oo nga Quinette kailangan mong lakasan ang lo
Pinigilan ni Quinette si Andrea na sundan si Rhiane para kunin ang kanyang anak, hinayaan niya na maunang makalabas ang kanyang bestfriend at sa sobrang galit niya hindi niya napigilan na sabunutan si Andrea para matulungan din si nurse Mae."Beshie sige na iligtas mo ang anak ko...! Ako na ang bahala rito..." Sigaw ni Quinette."Sige beshie...!" Sagot ni Rhiane at mabilis nang naglakad buhat ang sanggol para makalabas sa airport. Hindi na siya muli pang lumingon sa mga ito at ang tanging nasa isip niya ay mailayo kay Andrea ang sanggol. Kaya lakad at takbo ang kanyang ginawa makapunta lang parking lot. Nang makalayo na si Rhiane ay tinulungan ni Quinette si nurse Mae para makatakas din kay Andrea. Hinila niya ang buhok nito at pinagtulungan nila na sabunutan."Tumakas ka na nurse Mae... Sundan mo si Rhiane." Utos ni Quinette at humarap kay Andrea." Ikaw na malandi ka...! Dapat sayo mamatay! Mang- aagaw ka..." Galit na sigaw ni Andrea kay Quinette."Wala akong inagaw sayo!... Hindi
Nasa biyahe na sila Randell at Quinette nang mag- message sa kanya si Atty. Carl Suarez para ibalita na tatakas si Andrea at dala ang kanilang anak. Papunta na ang mga ito sa airport kasama si Nurse Mae pero nahuli ni Andrea na nagreport ang dalaga sa mga police kaya kinuha nito ang celphone. Tinilungan si Andrea nang daddy nito na muling makatakas. Kaya imbes na uuwe sila sa kanilang mansiyon ay dumerecho siya sa airport. Kaya nagtataka naman si Quinette dahil naiba ang kanilang dinaan kaya nagtanong ito sa kanyang asawa kung saan sila puputa."Mahal ko... Saan tayo pupunta bakit nag- iba ka nag daan ahh..???" Pag- tatakang tanong ni Quinette kay Randell. "Kailangan natin dumerecho sa airport mahal ko. Nag text saa akin si Carl at tatakas daw si Andrea dala ang anak natin. Kaya kailangan antin siya maabutan para mabawi si baby Quiara Rain." Seryosong sagot sa kanya ni Randell."Napaka- sama talaga niya, hindi na siya naaawa sa anak natin, wala naman kasalanan sa kanya ang baby nati
Hindi na muna umuwe ng mansiyon sila Randell at Quinette. Gusto ni Randell na makapag -usap sila ni Quinette nang sarilinan tungkol sa isyu ni doktor Jandro. Ayaw niyang lumaki pa ito magkaroon sila ng samaan ng loob mag- asawa. Dinala niya ito sa isang beach sa cavite, gusto niyang maglakad- lakad na hawak ang kamay ng asawa. "Dito na muna tayo, gusto ko maglakad- lakad sa dalampasigan. Para mapag- usapan na din natin ang tungkol sa mga sinabi ni Jandro sayo." Saad ni Randell sa kanyang asawa at bumaba ng kanyang kotse at pinag- buksan ng pinto ang kanyang asawa.Wala naman imik si Quinette at sumunod lamang siya gusto ng kanyang asawa. Hinawakan ni Randell ng mahigpit ang kanyang kamay at naglakad na sila papunta sa dalampasigan. Nang mapagod sila paglalakad ay inaya siya ni Randell na maupo na muna sila habang pinapanood ang alon ng dagat."Maupo na muna tayo mahal ko..." Ani ni Randell sa kanyang asawa."Sige.. mahal ko..." Pagsang- ayon ni Quinette.Tahimik lang silang nakating
Lumuwas ng maynila si Quinette para maghanap ng trabaho. Graduate siya ng kursong nursing, dito na din niya balak mag exam. Pero habang nagrereview ay hahanap muna siya ng maapplyan na trabaho. Dahil wala naman pang-suporta ang kanyang mga magulang, dahil pagsasaka lamang ang hanapbuhay ng mga ito. Isinama siya ng kanyang kaklase sa apartment na tinutuluyan nito. At dito na muna din siya mag-uuwian. Akala niya madali lang buhay sa maynila, hindi pala ganon kadali ang ammuhay dito. Lahat ng kilos ay pera. Mahal ang mga bilihin, mahal din ang pamasahe. Magtatatlong linggo na siya pero wala pa rin siya napapasukan at malapit na ang bayaran ng kanyang upa, bayad sa tubig at kuryente. Paubos na din ang kanyang tabi na pera, para sa kanyang pagkain. Mukhang minamalas siya sa paghahanap ng trabaho. Kahit na graduate siya a kolehiyo ay mas tainatanggap pa rin ang taga maynila na maya karanasan na at mga graduate dito sa lungsod. Araw-araw siyang naghahanap at nagpapasa ng kanyang resume, pero ...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments