“Besh sumasakit na yung tiyan ko at tuloy-tuloy na. Parang manganganak na ako.” Sabi ni Quinette sa kanyang bestfriend. Agad naman bumangon ang dalaga at inalalayan niya ang kanyang kaibigan. Dala ang gamit ng baby ay agad na silang nagtungo sa ospital.
“Kamusta na Besh ok ka lang ba? Malapit na tayo” Tanong ni Rhian habang nagdadrive.
“Hindi na kasi sobrang sakit talaga, mukhang lalabas na talaga ang baby ko.” Namimilipit na sabi ni Quinette.
“Oo nga eh, ako excited na makikita na ntin ang baby na yan naku kanino kaya kamukha” Excited na sabi ni Rhiane.
Nakarating na sila sa ospital at agad na dinala si Quinette sa ER para macheck-up bago manganak. Makalipas ang tatlong oras na paglabor niya ay nanganak siya ng sanggol na lalaki.
Napaiyak si Quinette ng makita nag kanyang sanggol, pero hindi umiiyak ang kanyang anak kaya nag-alala ang doctor at nirevived ito. Umiyak ang sanggol ng pagkalakas lakas, matapos irevived. Matapos niyang marinig ang iyak ay napanatag siya at napapikit siya, nagpasalamat siya sa Diyos na ligtas sila pareho ng kanyang anak.
Nasa ward na si Quinette kasama niya si Rhiane na nag-aasikaso sa kanya. Nang magising na si Quinette ay hinatid na ng mga nurse ang kanyang sanggol.
“Ohhhh ayan na ang baby natin Beshhh….!!!” Excited na sigaw ni Rhiane. Napangiti naman si Quinette dahil nasasabik din siya sa kanyang anak.
“Quindell Klyde ang ipapangalan ko sa kanya besh…” Nakangiting sabi ni Quinette.
“Ito na po ang inyong baby mommy Quinette.” Magiliw na sabi ng nurse.
Kinarga naman ito agad ni Quinette at h******n sa noo. Nagtitili naman ang kanyang bestfriend dahil sa sobrang cute ng sanggol.
“Ayyy grabe ang gwapo beshhyyyy… kamukha niya ang kanyang tatay.” Sigaw ni Rhiane.
“Oo nga, ang kapal ng kilay at tangos ng ilong niya.” Kilig din na sabi ni Quinette.
“Pabuhat din ako besh… kakagigil at napakabango pa.” Gigil na sabi ni Rhiane.
“ Syempre naman o ayan ikaw naman ang magkarga.” pag-abot ni Quinette sa kanyang anak kay Rhiane.
“Baby quindell Klyde ako si mamaninang… diba ang ganda ko…” pagbibiro ni Rhiane at umuyak naman ang sanggol.
“Naku hindi ka daw maganda, ang mommy Quin lang maganda diba Quindell Klyde” Paglalambing na sabi niya sa kanyang anak.
“Baka nagugutom na besh, sige na kay mommy ka na. Para makadede ka na po… “ ani ni Rhiane habang inaabot ang sanggol ka Quinette.
“Akin na yang baby na yan..” pagkuha naman ni Quinette.
“Wala ka ba talaga balak sabihin sa tatay ng anak mo na niluwal mo na ang anak niyo.” Seryosong tanong ni Rhiane kay Quinette.
“Wala nga…. alam mo naman kung ano naging sitwasyon namin diba. Ayaw kong makilala at lalo na kung itatanggi niya ang anak namin.” Paliwanag ni Quinette sa kanyang bestfriend.
“Pero tatay pa rin siya ni Baby Quindell Klyde, karapatan niya malaman yun Besh…” Sagot ni Rhiane.
“Tadhana na lang namin ang makakapagsabi kung muli ba kaming magtatagpo.” Nakangiting sabi ni Quinette.
“Sabagay tama ka, basta ninang ako ahhh besh” Pagpresinta ni Rhiane.
“Oo naman noh, unang una ka po sa listahan.” Pagbibiro ni Quinette.
Habang nagtatawanan sila ay pumasok ang isang doctor na napakagwapo at ngumiti ito kanila.
“Good day Mommy Quinette I’m Dr. Jandro Cortez.” Pagpakilala ng doctor sa kanila.
“Hello po dok… Quinette Ruiz po”Pagpapakilala din ni Quinette.
“I’m a Cardiologist doctor, nacheck-up ko po c baby Quindell.” ani ni Dr. Janro.
“Opo doc ano po ba kalagayan ng anak ko?” nagtatakang tanong ni Quinette.
“Hindi po maganda ang kalagayan ng puso ni baby. May congenital heart disease po ang anak niyo. Kaya kailangan po maoperahan na siya pagkalimang taon ni baby” Mahabang paliwanag ni Dr. Jandro.
"Kawawa naman ang anak ko. May posibilidad naman po na gumaling siya diba Doc?" Nag-aalalang tanong ni Quinette.
"Opo mommy, pag naoperahan po siya. Sa ngayon kailangan po siyang ipacheck up-monthly at may gamot po na ipapainom kay baby. Sa ngayon yun po muna ang mga gagawin at ibang mga laboratory test." Explain ulit ni Doctor Jandro.
"Kaya ni baby Klyde yan beshhh sa tulong ni Doctor Jandro, magaling siyang heart surgeoan at napakabait pa." Pagpapalakas ng loob ni Rhiane sa kanyang bestfriend.
" Oo naman tutulungan ko si Baby na gumaling at maging malusog ang kanyang puso." Pagsang-ayon naman ni Doctor Jandro.
" Maraming salamat po ... aasahan ko yang sinabi nyo" Pagpasalamat ni Quinette.
"Pagkatapos ng ilang mga laboratory test niya at makuha ang mga resulta, pwede na po kayo madis-charge" Ani ng doktor at nagpaalam na ito dahil may rounds pa ito sa ibang pasyente.
Tahimik naman na pinagmasdan ni Quinette ang kanyang sanggol na natutulog. Napaka-bata pa niya para maoperahan, siya naman kailangan niyang mag-ipon at makahanap siya ng mas magandang trabaho. Kung ipaalam na lang kaya niya sa ama ng kanyang anak. Kaso alam niyang hindi nito matatanggap ang kanyang anak mas sobrang ng kahihiyan pag itinakwil din ang kanyang anak ng sarili nitong ama. Mamumuhay na lang silang dalawa na lang. Naiiyak siya dahil hindi niya akalain na ganon ang magiging sitwasyon nilang mag-ina. Mabuti na lamang at nandyan ang kanyang bestfriend na hindi siya iniwan mula simula ng kanyang pagbubuntis at ngayon na nakapanganak na siya ay suportado pa rin siya ni Rhiane. Ililihim niya na lamang habang buhay ang pagkatao ng kanyang anak. At sana hindi magtagpo pang muli ang landas nila ni Randell Gomez.
"Ayos ka lang ba besh?" Nag- aalalang tanong ni Rhiane kay Quinette na naabutan niyang umiiyak.
"Oo naman kailangan ko maging matapang para sa anak ko at matatag. Naawa lang ako sa kanya kasi nagkaroon siya ng sakit sa puso." Sagot ng dalaga.
"Mga superheroes ang mga napiling magkaroon ng ganyang sakit. Isa ang anak mo na maging superhero dahil magiging matapang at matatag siya alam ni Lord na kakayanin ni baby Klyde ang pagsubok na yan." Paliwanag at pagpapalakas ng loob ni Rhiane kay Quinette.
"Superhero nga ang baby Quindell Klyde ko kasi siya ang dahilan na patuloy akong lumalaban sa buhay kahit pa tinalikuran ako ng sarili kong pamilya." Malungkot na sabi ni Quinette.
"Regalo siya ni Lord sayo Quin dahil alam ng Diyos kung gaano ka kabait, hindi natin maiiwasan ang mga tukso at alam ko na hindi mo naman talaga ginustong mangyari yun. Ang mahalaga may baby Quindell Klyde ka na magiging inspirasyon mo at paghuhugutan mo ng lakas. " Pag suporta ni Rhiane sa kanyang Bestfriend.
"Tama ka besh... maraming salamat din sayo kasi hindi mo ako tinalikuran at lagi kang nandyan para tulungan ako." Madramang sabi ni Quinette.
"Hmmm tama na nga yan, halika yakapin kita para mabawasan yang bigat na nararamdaman mo." Paglalambing na sabi ni Rhiane.
Nagyakapan silang magbestfriend at sabay nagtawanan. Mahirap para kay Quinette ang sitwasyon ng kanyang anak pero alam niya kakayanin nilang mag-ina anumang pagsubok. At mananatiling sekreto ang pagkatao ng kanyang anak. Magsisinungaling siya sa ama nito kung sakaling malaman nito ang katotohanan. Kahit anong trabaho ay kanyang papasukin maligtas lang ang kanyang anak na nagsisilbi niyang pag-asa.
`
Makalipas ang limang taon ay malapit na ang operasyon ni Klyde kaya kailangan makahanap ni Quinette ng trabaho na mas malaki ang sahod. Kaya ng alukin siya ni Rhiane na maging private nurse ni Don Miguel ay agad niya itong tinanggap. Babalik siya ulit ng maynila, para doon na ulit magtrabaho. Sumama din si Rhiane at maging si Doctor Jandro para maalagaan ng maayos si Klyde. Nakakuha na din sila ng apartment na malapit sa condo ni Doctor Jandro. Sila naman ni Rhiane ay magpapalitan pa rin sa pag-aalaga sa kanyang anak, habang naka-duty siya sa mansyon ni Don Miguel si Rhiane ang mag-aalaga sa kanyang anak. Pag araw naman ng operasyon ni Klyde ay si Doctor Jandro naman ang mag-aalaga sa kanyang anak. Lumaki na mabait at masayahin si Klyde kahit na minsan ay may pagkapilyo. Sobrang saya ni Quinette dahil lumalaking mapagmahal ang kanayng anak at nagpapasalamat siya na hindi masasakitin kahit na may butas ang puso ng kanyang anak."Handa na ba kayo ahh, ikaw Quindell Klyde?" Magiliw na t
Bumangon ng maaga si Quinette para magluto ng kanilang almusal. Si Rhiane ay papauwe pa lamang galing sa duty nito. Siya naman ay papasok palang bilang personal nurse ni Don Miguel, pumayag naman ito na mag stay-out siya dahil may kapalitan naman siyang nurse. Pagluto niya ng mga pagkain ay agad niyang inihanda ang mga gamit ni Klyde at kanyang mga damit na din. Pagkahanda ng kanilang mga gamit ay ginising na niya ang kanyang anak para makaligo at makapag-almusal na din."Anak Klyde... Gising ka na para hindi ka po ma-late sa first day ng school mo..." Paggising ni Quinette sa kanyang anak. Agad naman itong bumangon at yumakap sa kanya. Hinagkan din siya ni Klyde sa kanyang pisngi."Goodmorning po Nanay Quin...mwuahh..." Paglalambing ni Klyde sa kanyang nanay. "Goodmorning anak ko, mwuahh.." Paglalambing din ni Quinette sa kanyang bibong anak."Nanay sobrang excited po ako sa aking first day of school." Kumikinang ang mga mata ni Klyde na sabi sa kanyang nanay Quinette."Ako din exc
Maagang pumasok si Quinette dahila may espesyal na lakad si Don Miguel. Ibinilin na muna niya ang kanyang anak kay Rhiane. Mabuti na lamang at day-off ngayon ng kanyang bestfriend. Inihanda na niya lahat ng mga gamot na dadalhin at maging mga dokumento na maaring kailanganin sa negosyo ng Don. Simple lang ang kanyang suot nakabestida lamang siya, dahil dadaan namn daw sila sa boutique ng anak nito bago pumunta sa event na dadaluhan nila. Nakaready na lahat ng bumaba na si Don Miguel agad niya itong binati."Goodmorning po Don Miguel." Nakangiti niya pagbati."Morning, ano ready na ba ang date ko ahh..." Pagbati at tanong ng Don." Opo ready na po lahat sir Don..." Pagsagot naman ni Quinette."Renz tara na aalis na tayo, pero dadaan muna tayo sa RM Boutique ahh para maayusan ang maganda kong date." Pag-utos ni Don Miguel sa kanyang driver." Masusunod po sir, ihanda ko lang po ang sasakyan." Agad na pagsunod ng driver na si Renz.Matapos ihanda ni Renz ang sasakyan ay agad na silang u
Dumating na sa venue sila Quinette at Don Miguel. Malaki at napakaganda ng pagkadecorate sa venue, maraming panauhin. Puro sosyal at mayaman ang mga imbitado. Puro pasosyalan, ang mga babaeng panauhin naman ay nagpapatalbugan sa kasexyhan sa kanilang mga mamahaling gown at bag. Naisip na lamang ni Quinette na napaka-swerte ng mga babaeng ito kasi ang iniisip ay kung paano lang sila magiging maganda. Samantalang siya buong buhay niya ngayon ay iniisip kung paano makakaipon ng pang operasyon sa puso ng kanyang anak na si Quindell Klyde. Isa pa din niyang probelma ang pagtatagpo nilang muli ni Randell at ang pinakamahirap pa sa kanyang sitwasyon ay anak ito ni Don Miguel at pinagbibintangan pa siya nito na kalaguyo niya ang ama nito. Ano ba ang ginawa niya sa nakaraang buhay niya bakit pinapahirapan siya ng ganito ng Diyos. Sa sobrang pagkabagot ay tinitigan na lamang niya ang picture ng kanyang anak sa kanyang cellphone. Kung hindi lang para sa anak niya matagal na siyang sumuko sa
Maagang bumangon si Quinette, dahil day-off niya ay ipapacheck-up niya ang kanyang anak na si Klyde kay Doctor Jandro. Kailangan kasi mageneral check-up ang bata bago ang operasyon nito. Excited lagi ang kanyang anak pagpupunta ng ospital dahil makakasama niya daw ng matagal ang kanyang Daddy Jandro. Ang doktor na kasi ang nagsilbing pangalawang ama ni Klyde, pero alam ng bata na hindi niya totoong ama ang Daddy Jandro niya. Magtatagal sila sa ospital, dahil may mga kailangan itest kay Klyde, nasanay na sa ganong sitwasyon ang kanyang anak. Kaya kailangan niya maging matapang para sa kanyang anak, para hindi panghinaan ng loob ang kanyang Quindell Klyde. Nasa ospital na sila at nakapila na para sa check-up ni Klyde. Habang sila ay nakaupo at naghihintay ay may tumawag kay Quinette, kaya iniwan niya muna sa upusan ang kanyang anak, sinabihan niya rinh ito na huwag aalis sa upuan. Pero sadyang makulit ang bata kaya ito ay naglakad-lakad at nakarating sa canteen ng ospital. Dahil sa pali
Namutla si Quinette nang makita niya si Randell na katabi ng kanyang anak at hawak-hawak nito ang kamay ng binata. "Anak hindi pwdeng basta ka na lang tatawag sa ibang tao ng tatay ah. Hindi magandang pag-uugali yun." Paliwanag ni Quinette sa kanyang anak. "Kasi po diba sabi niyo si tatay po ay gwapo, matangkad, malambing at mabait. Kaya naisip ko na si Tatay Randell po yun kasi mabait po siya ibinili niya ako ng cake at milk." Inosenteng sabi ni Quindell Clyde sa kanyang nanay Quin. Nahabag na lamang ang dalawang lalaki na nakatingin sa mag-ina na nag uusap. " Sorry po Nanay Quin... Daddy Jandro Sorry din po..." Paghingi ng sorry ni Klyde. "Okey lang baby Klyde, tara na sa clinic ko macheck-up na kita anak.." Paglalambing ni Dr. Jandro sa kanyang batang pasyente. Nilapitan niya ito at niyakap. Binatawan naman ni Klyde ang kamay ni Randell at yumakap ang bata sa doktor. Napatingin na lamang si Randell at nagtataka dahil ang tawag sa doktor ay Daddy Jandro, gayong hindi pala ito
Habang hinihintay ni Randell si Quinette ay napapaisip talaga siya kung sino ba ang ama ng anak nito. Maaring ang kanyang ama o maaaring siya pero ang pinagtataka niya hindi man lang ito lumapit sa kanila para humingi ng tulong. Maaari din namang hindi silang mag-ama dahil madaming lalaki ang karelasyon nito. Dahil sa tuwing makikita niya ito ay iba-ibang lalaki ang mga kasama. Hindi niya masisi ang dalaga kasi maganda at sexy talaga ito kahit may anak na. Kahit siya nabubuhay ang kanyang pagkalalaki pag katabi nya ito lalo na pag naaalala niya yung gabi na naangkin niya ito. Pero kung siya ang magiging ama ni Clyde, napakasaya niya pero ang bata lang gusto niya. Ayaw niya sa nanay dahil hindi maganda ang pagkakilala nila sa isa’t-isa at hindi niya makkasundo. Kumatok ng dalawang beses si Quinette sa opisina sa mansiyon ni Randell. Sobrang kinakabahan siya dahil biglaan siya nitong pinapapunta, alam niya din na maaring kasama ang kanyang anak sa kanilang pag-uusapan. Kahit hindi na i
Nakauwe na si Quinette sa kanilang apartment, naabutan niya pang nanonood sa sala ang kanyang bestfriend habang nag-mimidnight snack.“Oh beshie para kang nalugi ahh…” Bungad na sabi ni Rhiane at tinatigan siya nito ng seryoso.“Masaklap pa sa nalugi beshie.” Malungkot naman na sagot ni Quinette.“Oh siya magpalit ka muna ng damit mo at yakapin moa ng anak mo para mabawasan yang lungkot mo at magahhanda na ako ng ating iinumin.” Masayang sabi ni Rhiane, alam talaga nito kung ano ang kailangan niya pag malungkot at problemado siya.“ Sige beshie magpapalit lang ako ako ng aking damit, kailangan ko talaga ngayon ng kausap.” Mahinahon nasagot ni Quinette at umakyat na sa kanilang silid at natutulog na ang kanyang anak.Pagkapalit niya ng kanyang damit ay tinabihan niya ang kanyang anak sa paghiga at niyakap niya ito ng mahigpit, h******n niya rin ito sa pisngi. Binulong niya sa paslit na bakit napakasama ng kanyang tunay na ama, ang salbahe nito sa kanya. Pero gagawin niya ang lahat para
Mabilis na lumipas ang ang mga araw at isang taon na kaarawan ngayon, ng anak nila Randell at Quinette na si Quiara Rain. Ginanap lamang ang selebrasyon sa pool ng mga Gomez, Pool Party ang napili nila mag- asawa. Magaling na din ang kanilang anak, naoperahan na ang butas nito sa puso kaya napakasaya nila mag- asawa. Nanganak na din ang bestfriend ni Quinette na si Rhiane at lalaki ang baby nila Atty. Carl Suarez. Nag- engaged na din ang abogado kay Rhiane kaya malapit na din ikasal ang mga ito. Mag- uumpisa na ang pool party kaya mabilis na binihisan ni Quinette ang kanyang mga anak. Si Randell aman ay inasikaso ang kanilang mga bisita."Mahal ko... Marami na tayong bisita, ready na ba ang ating birthday princes...?" Masayang tanong ni Randell sa kanyang asawa."Oo mahal ko, inaayos ko a lang ang gown ni Quiara Rain... Tingnan mo ang ganda ng little mermaid natin..." NAkangiting sabi ni Quinette." Oo nga... mana talaga kay tatay nuh..." Paglalambing na sabi ni Randell."Hmmp... Wala
Bago pumunta ng ospital sila Randell at Quinette at pumunta muna sila sa presinto para kamustahin ang kaso laban kila Andrea at doktor Jandro dahil sa pag- dukot sakanilang anak. Gusto din nilang maka- usap na mag- asawa si Andrea. Pero nakiusap si Quinette na gusto niya munang makausap mag- isa si Andrea. Kaya nandito siya para hintayin ito. Nang makalapit ito sa lamesa at kinauupuan ay nakatitig lamang ito sa kanya at halatang hindi masaya sa pagdalaw niya."Kamusta na Andrea... nagulat ka ba nandito ako para bisitahin ka. May dala ako sayong pasaalubong, huwag kang mag- alala walang lason yan at wala akong balak na maging katulad mo na masamang tao." Mataray na sabi ni Quinette."Anong problema mo...??? Bakit nagpunta ka poa rito, naiirita lang ako sa mukha mong mang- aagaw ng fiance." Pang- iinsulto ni Andrea sa kanya."Ehhemm... Hanggang ngayon hindi ka pa rin pala maka- move on ahh... Ako ang pinakasalan at inanaka , dalawa na nga eh at muntik mo pang patayin ang isa naming anak
Ngayon araw na makakalabas ng ospital si Randell, pero si baby Quiara Rain ay mako- confine pa rin nang isang linggo dahil lumalaki ang puso ng sanggol. Kaya dapat pang obserbahan ng mga doktor, malungkot man na balita. Hindi pa rin nawawalan nang pag- asa na gagaling din ang kanilang anak. One month old na ito bukas kaya sa ospital na lamang sila magsese- celebrate at ipinalipat na nila sa private room kaya maninitil pa rin sila sa ospital hanggang sa gumaling ang kanilang anak. "Masaya ako mahal ko na magaling ka na at maayos na ang kalagayan mo. Pero malungkot pa rin dahil hindi pa rin okey ang anak natin na si baby Quiara Rain." Malungkot at naiiyak na sabi ni Quinette sa kanyang asawa."Mahal ko Quinette... ngayon pa ba tayo mawawalan ng pag- asa, kinaya natin na bawiin siya kay Andrea at mailigtas. Ang diyos lang ang nakakaalam kung kailan tayo dapat sumuko, ipaparamdam niya sa atin yun. Pero sa ngayon hangga't pinag- kakatiwala niya sa atin si baby Quiara Rain. Alagaan natin si
Napaluhod sa harap ng kama, at habang yakap ni Quinette ang bangkay ng kanyang asawa."Mahal ko...! Randell... nangako ka sa akin na hindi mo ako iiwan diba...??? Mahal na mahal kita Randell, paano na ako mabubuhay nang wala ka mahal ko...! Isama mo na din ako..." Sigaw ni Quinette habang humahaguhol ng iyak."Misis... maaari bang tumabi ka muna, sino ba ang iniiyakan mo diyan ah. Di ba asawa mo si Randell Gomez." Pagtatakang tanong ng doktor kay Quinette."Opo... diba siya po itong nakabalot sa kumot na puti dok...???" Pag -tatakang tanong ni Quinette sa doktor at nagkasalubong pa ang kanyang mga kilay."Mahal ko..., Quinette buhay pa ako, lumipat na ako ng private room kaya iba na ang pasyente diyan kinuha ko lang itong naiwan ko na celphone." Pagtatakang tanong ni Randell sa asawa pero natatawa na kinikilig siya sa mga sinabi nito, dahil narinig niya lahat. Kaya naman tumayo na siya kahit nahihirapan siyang humakbang at niyakap ang kanyang asawa na naka- salampak sa sahig."Akala k
Nagpunta na sila Rhiane at Quinette sa nursery room para dalawin at makita ang kanyang anak na si Quiara Rain. Sobra siyang nasasabik dahil magiging una nilang pagkikita mag- ina, nasasabik siyang mahawakan at mayakap ang kanyang sanggol na nawalay sa kanya ng dahil sa kasamaan ni Andrea. Smilip muna sila labas ng pintuan. Itinuro sa kanya ni Rhiane ang kanyang anak, at bumilis ang tibok ng kanyang puso, ito na ba ang lukso ng dugo na sinasabi nila. Nilapitan na nila ito at mahimbing na natutulog ang sanggol, pero bahagyang dumilat ang mga mata. Marahil naramdaman nito na nasa tabi siya na kanyang nanay. Umiyak ito ng napaka- lakas. "Baby Quiara Rain... nandito na si nanay Quinette mo. Napaka- ganda at puti mo anak ko." Naiiyak na sambit ni Quinette sa kanyang anak. Umiyak ng malakas ang sanggol kaya nataranta sila ni Rhiane."Naku... beshie naramdaman niya sigiro na nadito ang kanyang mommy kaya umiyak ng malakas si baby Quiara para buhatin mo." Saad ni Rhiane kaya binuhat nito si b
Napaupo na lamang sa silya si Quinette dahil nanghina ang kanyang mga tuhod nang marinig ang sinabi ng doktor na kailangan maoperahan si Randell dahil nasa delikado itong sitwasyon."Mrs. Gomez... Maraming dugo ang nawala sa kanya kaya kailangan muna natin siya masalinan ng dugo bago maumpisahan ang kanyanmg operasyon." Paliwanag ng doktor kay Quinette."Ako po pwede ako mag- donat ng dugo sa kaibigan ko dok." Pagpresinta ni Atty. Carl Suarez."Sige papapuntahin ko ang isang nurse dito para madala kayo sa lab at matest muna ang mga blood donors bago mag- donate ng dugo sa pasyente." Sagot ng doktor."Ako din po willing mag- donate." Saad ni Rhiane."Mauuna na ako hija..." Paalam ng doktor kay Quinette."Beshie... huwag ka na malungkot at masyadong mag- alala diyan. Kailangan siya operahan para matanggal ang bala sa kanyang dibdib at kami na bahala mag- donate ng dugo sa kanya." Paliwanag ni Rhiane at niyakap muli ang kanyang bestfriend."Oo nga Quinette kailangan mong lakasan ang lo
Pinigilan ni Quinette si Andrea na sundan si Rhiane para kunin ang kanyang anak, hinayaan niya na maunang makalabas ang kanyang bestfriend at sa sobrang galit niya hindi niya napigilan na sabunutan si Andrea para matulungan din si nurse Mae."Beshie sige na iligtas mo ang anak ko...! Ako na ang bahala rito..." Sigaw ni Quinette."Sige beshie...!" Sagot ni Rhiane at mabilis nang naglakad buhat ang sanggol para makalabas sa airport. Hindi na siya muli pang lumingon sa mga ito at ang tanging nasa isip niya ay mailayo kay Andrea ang sanggol. Kaya lakad at takbo ang kanyang ginawa makapunta lang parking lot. Nang makalayo na si Rhiane ay tinulungan ni Quinette si nurse Mae para makatakas din kay Andrea. Hinila niya ang buhok nito at pinagtulungan nila na sabunutan."Tumakas ka na nurse Mae... Sundan mo si Rhiane." Utos ni Quinette at humarap kay Andrea." Ikaw na malandi ka...! Dapat sayo mamatay! Mang- aagaw ka..." Galit na sigaw ni Andrea kay Quinette."Wala akong inagaw sayo!... Hindi
Nasa biyahe na sila Randell at Quinette nang mag- message sa kanya si Atty. Carl Suarez para ibalita na tatakas si Andrea at dala ang kanilang anak. Papunta na ang mga ito sa airport kasama si Nurse Mae pero nahuli ni Andrea na nagreport ang dalaga sa mga police kaya kinuha nito ang celphone. Tinilungan si Andrea nang daddy nito na muling makatakas. Kaya imbes na uuwe sila sa kanilang mansiyon ay dumerecho siya sa airport. Kaya nagtataka naman si Quinette dahil naiba ang kanilang dinaan kaya nagtanong ito sa kanyang asawa kung saan sila puputa."Mahal ko... Saan tayo pupunta bakit nag- iba ka nag daan ahh..???" Pag- tatakang tanong ni Quinette kay Randell. "Kailangan natin dumerecho sa airport mahal ko. Nag text saa akin si Carl at tatakas daw si Andrea dala ang anak natin. Kaya kailangan antin siya maabutan para mabawi si baby Quiara Rain." Seryosong sagot sa kanya ni Randell."Napaka- sama talaga niya, hindi na siya naaawa sa anak natin, wala naman kasalanan sa kanya ang baby nati
Hindi na muna umuwe ng mansiyon sila Randell at Quinette. Gusto ni Randell na makapag -usap sila ni Quinette nang sarilinan tungkol sa isyu ni doktor Jandro. Ayaw niyang lumaki pa ito magkaroon sila ng samaan ng loob mag- asawa. Dinala niya ito sa isang beach sa cavite, gusto niyang maglakad- lakad na hawak ang kamay ng asawa. "Dito na muna tayo, gusto ko maglakad- lakad sa dalampasigan. Para mapag- usapan na din natin ang tungkol sa mga sinabi ni Jandro sayo." Saad ni Randell sa kanyang asawa at bumaba ng kanyang kotse at pinag- buksan ng pinto ang kanyang asawa.Wala naman imik si Quinette at sumunod lamang siya gusto ng kanyang asawa. Hinawakan ni Randell ng mahigpit ang kanyang kamay at naglakad na sila papunta sa dalampasigan. Nang mapagod sila paglalakad ay inaya siya ni Randell na maupo na muna sila habang pinapanood ang alon ng dagat."Maupo na muna tayo mahal ko..." Ani ni Randell sa kanyang asawa."Sige.. mahal ko..." Pagsang- ayon ni Quinette.Tahimik lang silang nakating