HI PO... SANA PO TANGKILIKIN NIYO PO HANGGANG SA ENDING ANG STORY NILA RANDELL AT QUINETTE... COMMENT NMAN PO KAYO... AT MAG IWAN PO NG REVIEW MARAMING SALAMAT PO.
Napaluhod sa harap ng kama, at habang yakap ni Quinette ang bangkay ng kanyang asawa."Mahal ko...! Randell... nangako ka sa akin na hindi mo ako iiwan diba...??? Mahal na mahal kita Randell, paano na ako mabubuhay nang wala ka mahal ko...! Isama mo na din ako..." Sigaw ni Quinette habang humahaguhol ng iyak."Misis... maaari bang tumabi ka muna, sino ba ang iniiyakan mo diyan ah. Di ba asawa mo si Randell Gomez." Pagtatakang tanong ng doktor kay Quinette."Opo... diba siya po itong nakabalot sa kumot na puti dok...???" Pag -tatakang tanong ni Quinette sa doktor at nagkasalubong pa ang kanyang mga kilay."Mahal ko..., Quinette buhay pa ako, lumipat na ako ng private room kaya iba na ang pasyente diyan kinuha ko lang itong naiwan ko na celphone." Pagtatakang tanong ni Randell sa asawa pero natatawa na kinikilig siya sa mga sinabi nito, dahil narinig niya lahat. Kaya naman tumayo na siya kahit nahihirapan siyang humakbang at niyakap ang kanyang asawa na naka- salampak sa sahig."Akala k
Ngayon araw na makakalabas ng ospital si Randell, pero si baby Quiara Rain ay mako- confine pa rin nang isang linggo dahil lumalaki ang puso ng sanggol. Kaya dapat pang obserbahan ng mga doktor, malungkot man na balita. Hindi pa rin nawawalan nang pag- asa na gagaling din ang kanilang anak. One month old na ito bukas kaya sa ospital na lamang sila magsese- celebrate at ipinalipat na nila sa private room kaya maninitil pa rin sila sa ospital hanggang sa gumaling ang kanilang anak. "Masaya ako mahal ko na magaling ka na at maayos na ang kalagayan mo. Pero malungkot pa rin dahil hindi pa rin okey ang anak natin na si baby Quiara Rain." Malungkot at naiiyak na sabi ni Quinette sa kanyang asawa."Mahal ko Quinette... ngayon pa ba tayo mawawalan ng pag- asa, kinaya natin na bawiin siya kay Andrea at mailigtas. Ang diyos lang ang nakakaalam kung kailan tayo dapat sumuko, ipaparamdam niya sa atin yun. Pero sa ngayon hangga't pinag- kakatiwala niya sa atin si baby Quiara Rain. Alagaan natin si
Bago pumunta ng ospital sila Randell at Quinette at pumunta muna sila sa presinto para kamustahin ang kaso laban kila Andrea at doktor Jandro dahil sa pag- dukot sakanilang anak. Gusto din nilang maka- usap na mag- asawa si Andrea. Pero nakiusap si Quinette na gusto niya munang makausap mag- isa si Andrea. Kaya nandito siya para hintayin ito. Nang makalapit ito sa lamesa at kinauupuan ay nakatitig lamang ito sa kanya at halatang hindi masaya sa pagdalaw niya."Kamusta na Andrea... nagulat ka ba nandito ako para bisitahin ka. May dala ako sayong pasaalubong, huwag kang mag- alala walang lason yan at wala akong balak na maging katulad mo na masamang tao." Mataray na sabi ni Quinette."Anong problema mo...??? Bakit nagpunta ka poa rito, naiirita lang ako sa mukha mong mang- aagaw ng fiance." Pang- iinsulto ni Andrea sa kanya."Ehhemm... Hanggang ngayon hindi ka pa rin pala maka- move on ahh... Ako ang pinakasalan at inanaka , dalawa na nga eh at muntik mo pang patayin ang isa naming anak
Mabilis na lumipas ang ang mga araw at isang taon na kaarawan ngayon, ng anak nila Randell at Quinette na si Quiara Rain. Ginanap lamang ang selebrasyon sa pool ng mga Gomez, Pool Party ang napili nila mag- asawa. Magaling na din ang kanilang anak, naoperahan na ang butas nito sa puso kaya napakasaya nila mag- asawa. Nanganak na din ang bestfriend ni Quinette na si Rhiane at lalaki ang baby nila Atty. Carl Suarez. Nag- engaged na din ang abogado kay Rhiane kaya malapit na din ikasal ang mga ito. Mag- uumpisa na ang pool party kaya mabilis na binihisan ni Quinette ang kanyang mga anak. Si Randell aman ay inasikaso ang kanilang mga bisita."Mahal ko... Marami na tayong bisita, ready na ba ang ating birthday princes...?" Masayang tanong ni Randell sa kanyang asawa."Oo mahal ko, inaayos ko a lang ang gown ni Quiara Rain... Tingnan mo ang ganda ng little mermaid natin..." NAkangiting sabi ni Quinette." Oo nga... mana talaga kay tatay nuh..." Paglalambing na sabi ni Randell."Hmmp... Wala
Lumuwas ng maynila si Quinette para maghanap ng trabaho. Graduate siya ng kursong nursing, dito na din niya balak mag exam. Pero habang nagrereview ay hahanap muna siya ng maapplyan na trabaho. Dahil wala naman pang-suporta ang kanyang mga magulang, dahil pagsasaka lamang ang hanapbuhay ng mga ito. Isinama siya ng kanyang kaklase sa apartment na tinutuluyan nito. At dito na muna din siya mag-uuwian. Akala niya madali lang buhay sa maynila, hindi pala ganon kadali ang ammuhay dito. Lahat ng kilos ay pera. Mahal ang mga bilihin, mahal din ang pamasahe. Magtatatlong linggo na siya pero wala pa rin siya napapasukan at malapit na ang bayaran ng kanyang upa, bayad sa tubig at kuryente. Paubos na din ang kanyang tabi na pera, para sa kanyang pagkain. Mukhang minamalas siya sa paghahanap ng trabaho. Kahit na graduate siya a kolehiyo ay mas tainatanggap pa rin ang taga maynila na maya karanasan na at mga graduate dito sa lungsod. Araw-araw siyang naghahanap at nagpapasa ng kanyang resume, pero
Napatingin siya sa kanyang regalo na tahimik lang sa isang tabi na parang kinakabahan din. Namumula ang mga pisngi nito alam niya hindi ito sanay uminom ng alak. Pero pag nilapitan niya ito siguradong hindi niya mapipigilan ang init ng kanyang katawan. Alam niyang may nilagay ang mga kaibigan nya sa kanyang inumin.Pero ayaw niyang gumawa ng pagtataksil sa kanyang fiance at kawawa naman na madamay din ang kanyang regalo. Nilapitan niya ang dalaga para pauwein na ito at binigay niya ang kanyang coat dahil alam niyang nilalamig na ito sa suot na damit na ewan ba niya kung damit pa bang matatawag yun."Miss... maari ka nang umuwe tapos na ang serbisyo mo at para makapagpalit ka." Sabi ni Randell sa dalaga."Pero ang utos po sakin magdamag daw po kitang sasaahan sir at paliligayahin." Wala sa sariling sabi ni Quinette."Hindi na kailangan miss, kaya ko na sarili ko at baka mapahamak ka pa kasi anong oras na. Babayaran ko pa rin ang serbisyo mo kahit hindi mo tapusin." Utos niya sa dalaga p
“Anong nangyari sayo Quinette???”Nagtatakang tanong ni Jessica sa dalaga.“Hindi ko rin alam, ang naalala ko lang ay pinainom nila ako ng alak. Tapos yun may nangyari samin ni Sir Randell.” Naiiyak na sabi ni Quinette.“Ano?!!,” malakas na sigaw ni Jessica.“Hindi ko naman sinasadya yun, at iba talaga yung pakiramdam ko kagabi. Sobrang init at para akong nawawala sa sarili ko.” Mahabang paliwanag ni Quinette habang tumutulo ang kanyang mga luha.“Hayyy kilala mo ba kung sino at anong klaseng tao yung kliyente mo kagabi???” Seryosong tanong ni Jessica kay Quinette.“Pangalan lang ang alam ko Jessica, wala ng iba pa.” Sagot naman ng dalaga.“Si sir Randell Gomez ay isang Ceo at bilyonaryo, mayaman, negosyante at tanyag na tao lalo na sa larangan ng pagnenegosyo. Yung bride naman niya ay anak din ng isa sa mga kasosyo niya, nakakatakot silang mga tao kasi kaya nilang bilhin kahit buhay pa ng tao.” Nag-aalalang sabi ni Jessica.“Anong gagawin ko Jessica, hindi ko naman sinasadya at alam k
“Besh sumasakit na yung tiyan ko at tuloy-tuloy na. Parang manganganak na ako.” Sabi ni Quinette sa kanyang bestfriend. Agad naman bumangon ang dalaga at inalalayan niya ang kanyang kaibigan. Dala ang gamit ng baby ay agad na silang nagtungo sa ospital. “Kamusta na Besh ok ka lang ba? Malapit na tayo” Tanong ni Rhian habang nagdadrive. “Hindi na kasi sobrang sakit talaga, mukhang lalabas na talaga ang baby ko.” Namimilipit na sabi ni Quinette. “Oo nga eh, ako excited na makikita na ntin ang baby na yan naku kanino kaya kamukha” Excited na sabi ni Rhiane. Nakarating na sila sa ospital at agad na dinala si Quinette sa ER para macheck-up bago manganak. Makalipas ang tatlong oras na paglabor niya ay nanganak siya ng sanggol na lalaki. Napaiyak si Quinette ng makita nag kanyang sanggol, pero hindi umiiyak ang kanyang anak kaya nag-alala ang doctor at nirevived ito. Umiyak ang sanggol ng pagkalakas lakas, matapos irevived. Matapos niyang marinig ang iyak ay napanatag siya at napapikit s