My Ugly Husband is a Billionaire

My Ugly Husband is a Billionaire

last updateLast Updated : 2024-03-31
By:   Miranda Monterusso  Completed
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
9.2
6 ratings. 6 reviews
181Chapters
56.5Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Nagpakasal ako sa lalaking tinatawag na pangit at inutil ng aking pamilya, pero tagapagmana pala at isa sa pinakamayamang tao sa Pilipinas. *** Nakahandang ibenta ni Rosita ang sarili sa mababang halaga, mabayaran lang ang utang ng mga taong itinuring na niyang mga magulang. Pero inalok siya ng limang milyong piso ng matandang nakabili sa kaniya. Ang kapalit? Pakasalan niya ang anak-anakan nito. Kapalit ang malaking halaga ay pumayag si Rosita na pakasal sa estranghero. Ang hindi niya alam, ubod ng pangit ang lalaking kailangan niyang pakasalan. Wala siyang nagawa kundi pumayag sa kasal at ibigay ang sarili sa pangit na lalaki, pero hindi ang kaniyang puso. Sigurado siyang hinding-hindi niya mamahalin ang katulad ni Sixto na pangit na nga, utusan pa sa Villa Hernandez. Dumating sa buhay niya si Hanz Concepcion—guwapo, simpatico, haciendero at gusto siyang agawin mula sa pangit niyang asawa. Paano kung ang inaakala nilang patay na—magbabalik bilang pinakamayaman at isa sa pinakaguwapong lalaki sa bansa? Titibok na kaya ang puso ni Rosita para sa asawa? Paano kung may ibang babae na pala sa buhay nito? Nakahanda ba siyang ilaban ang pagiging asawa niya—lalo pa't may anak sila?

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter 1

Rosi's POVMABILIS kong tinuyo ang mga luhang naglalandas sa magkabila kong pisngi. Shit, why am I even crying? Ako naman ang may gusto nito. Isa pa, hindi ito ang tamang oras para mag-drama. Sayang ang makeup.Muli akong nag-apply ng face powder sa mukha bago nagwisik ng mumurahing pabango sa katawan. Nang matapos ay tumayo ako sa harap ng salamin at pinasadahan ng tingin ang sarili ko.I looked beautiful wearing a see-through lace dress and a sexy lingerie inside. First time kong maglagay ng makeup kaya kahit na alam kong sa putikan ako masasadlak ngayong gabi, nakangiti pa rin ako at in-appreciate ang ganda ko."Oh, bakit nakatunganga ka pa rin diyan?"Lumapit sa akin si Tita Tuwad, ang baklang bugaw na kumumbinsi sa akin para pumasok sa Bukang-liwayway Club. Ito rin ang madalas kong takbuhan sa tuwing may problema akong pinansiyal."Malapit nang mag-alas-otso! Nakahanda na ang lahat at malapit nang matapos ang sayaw ni Margarita, pero aba, nandito ka pa rin at nag-e-emote! Ano? Tu...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Monica
SAAN PO PWEDE MABASA ANG ALTAGRSIA SERIES Isaac and Isabella? And ask ko lang din if may story sina Hanz & Cali...
2024-08-13 20:17:38
0
default avatar
Justforkikay
Update na po author nakaka excite na kasi
2023-12-31 22:12:23
2
user avatar
Carla Thanapat
wait ko nlng ulit update ni author ...️
2023-12-23 12:19:29
4
user avatar
Shah
I recommend this story though wala pang update si author
2023-12-07 17:19:51
1
user avatar
Shah
wala na pong update author? excited na ako
2023-12-07 17:18:56
2
user avatar
Joy-celyn Curds
Ang gulo ng story.
2024-01-25 21:33:02
0
181 Chapters
Chapter 1
Rosi's POVMABILIS kong tinuyo ang mga luhang naglalandas sa magkabila kong pisngi. Shit, why am I even crying? Ako naman ang may gusto nito. Isa pa, hindi ito ang tamang oras para mag-drama. Sayang ang makeup.Muli akong nag-apply ng face powder sa mukha bago nagwisik ng mumurahing pabango sa katawan. Nang matapos ay tumayo ako sa harap ng salamin at pinasadahan ng tingin ang sarili ko.I looked beautiful wearing a see-through lace dress and a sexy lingerie inside. First time kong maglagay ng makeup kaya kahit na alam kong sa putikan ako masasadlak ngayong gabi, nakangiti pa rin ako at in-appreciate ang ganda ko."Oh, bakit nakatunganga ka pa rin diyan?"Lumapit sa akin si Tita Tuwad, ang baklang bugaw na kumumbinsi sa akin para pumasok sa Bukang-liwayway Club. Ito rin ang madalas kong takbuhan sa tuwing may problema akong pinansiyal."Malapit nang mag-alas-otso! Nakahanda na ang lahat at malapit nang matapos ang sayaw ni Margarita, pero aba, nandito ka pa rin at nag-e-emote! Ano? Tu
last updateLast Updated : 2023-10-12
Read more
Chapter 2
Rosi's POVUMAGA na ako nakauwi matapos magising nang walang kasama sa loob ng hotel suite. Wala na ang anak-anakan ni Don Isidro, at tanging ang kalahating milyong piso sa loob ng maliit na brown paper bag ang naiwan sa kama.Gutom na gutom ako nang makauwi sa bahay. Katulad ng inaasahan, wala na namang tao pagdating ko. Nasa hospital sa bayan si Inay at siguradong hindi ulit umuwi si Itay. Nagtatago kasi ito sa mga taong pinagkakautangan niya.Kumakalam ang sikmura ko nang buksan ko ang takip sa ibabaw ng lamesa. Walang ulam, wala rin kanin sa rice cooker. Simot ang pagkain na niluto ko kagabi para sa lahat.Gusto ko na lang sanang matulog ulit dahil pagod na pagod ako at halos iika-ikang naglakad, pero dahil sa gutom, binalak kong magsaing at bumili na lang ng ulam. Pero laking dismaya ko nang makitang wala na rin bigas sa sako.Napatingin ako sa perang dala ko. Kahit gaano ko kagustong bawasan ito para makabili ng makakain, nang maisip ko sina Inay at Itay, tiniis ko na lang ang g
last updateLast Updated : 2023-10-12
Read more
Chapter 3
Rosi's POVMALAKI at magarbong mansion na tila palasyo ang bumungad sa akin nang makapasok sa bahay nitong nakatirik sa gitna ng malaking lupain.Pinaupo ako nito sa silyang katapat niya habang nasa loob kami ng living room. Si Itay ay hinatid nito sa bahay namin at ako lang ang dinala nito rito."Kayo ho ba ang pinagkakautangan ni Itay?"Banayad itong ngumiti habang tumatango. "He owe me two million pesos.""Two million?!"Hindi ako makapaniwala sa mga narinig mula rito. Kahit iyong isang milyon, hindi ko na alam kung saan hahagilapin. Two million pa kaya?"Hija, alam mo na sigurong nakasalalay sa iyo ang buhay ng iyong itay."May kinuha itong isang kahon sa glass table na malapit sa amin. Binuksan nito iyon at kumuha ng malaki at kulay brown na tobako.Matapos sindihan ang tobako ay ngumiti ito sa akin. "Pero puwede mo siyang iligtas."Natigilan ako nang maalala ang sinabi ni Itay kanina. Kailangan kong pakasalan ang anak-anakan ng pinagkakautangan nito para maabsuwelto ito sa utang
last updateLast Updated : 2023-10-12
Read more
Chapter 4
Rosi's POV"Huwag n'yo siyang hayaang makatakas!"Bago ko pa marating ang pinto ng simbahan, nakaharang na roon ang mga bodyguard ni Don Isidro. Pare-parehong armado ang mga ito."Ano sa tingin mo ang ginagawa mo!"Nilingon ko si Don Isidro. Halos magmakaawa ako sa kaniya habang umiiling. "Nagsinungaling kayo sa akin! Hindi n'yo sinabi ang totoo!""Anong gusto mong gawin ngayon? Nasa magulang mo na ang mga pera at kasalukuyan nang inooperahan ang inay mo!""Nagmamakaawa po ako sa inyo! Magtatrabaho ako kahit habang-buhay, mabayaran lang kayo!""Isang linggo! Kapag hindi mo itinuloy ang kasal, kailangan ninyo akong bayaran sa loob ng isang linggo! At oras na hindi ninyo nagawa, ikaw at ang mga magulang mo, ipapakulong ko!"Natigilan ako sa mga sinabi niya. "Maawa naman kayo, Don Isidro.""Sa kulungan na magpapagaling ang iyong inay! Ano? Gusto mo pa ring umalis? Ayaw mong ituloy ang kasal? Sige! Umalis ka!"Mabilis na nagbigay ng daan ang mga bodyguard ng matanda. Ngayon ay wala nang n
last updateLast Updated : 2023-10-12
Read more
Chapter 5
Rosi's POVNAKATAYO sa gilid ng tuktok ng hagdan si Sixto at nakatanaw sa akin. Halata ang pag-aalala sa mukha at mga mata niya. Hindi ko ito pinansin at agad na sinara ang pinto ng guest room kung saan matutulog ang pamilya ko habang nandito sila sa villa."Linawin mo nga ang sinasabi mo, Rosi! Ang pangit na iyon ang pinakasalan mo?! Nababaliw ka na ba! Bakit pumayag kang magpakasal sa isang mukhang ipis!"Nilagay ko ang hintuturo ko sa tapat ng labi ko. "Inay, huwag kayong maingay. Baka marinig niya kayo.""Ah, wala akong pakialam! Ano ngayon kung marinig niya tayo? Totoo naman ang sinasabi ko, ah! Pangit siya!""Hindi kaya nagkamali lang si Don Isidro, anak? Bakit naman ganoon ang hitsura ng anak-anakan niya?""Hindi ko alam, itay. Hindi ko rin alam na sa ganoong lalaki ako ikakasal.""E , scammer pala iyang Don Isidro na iyan! Sa dinami-dami ng lalaki sa mundo, pinakasal ka sa pangit at mukhang utusan.""Mabuti sana kung pangit pero mamahalin ang hitsura. E, iyong asawa mo, anak,
last updateLast Updated : 2023-10-24
Read more
Chapter 6
Rosi's POVMABILIS akong tumayo at iniwan si Sixto habang nakatulala ito matapos ng mga sinabi ko. Serves him right! Pagkatapos nila akong pilitin sa letseng kasal na ito, may kapal pa siya ng mukhang isipin na magugustuhan ko siya?!Lumabas ako ng kuwarto pero agad rin natigilan nang bumungad sa akin ang madilim na mukha ni Don Isidro."Tsk. Tsk."Nagbaba ako ng paningin sa takot at hiya. Siguradong narinig nito ang mga sinabi ko kay Sixto. "Sumunod ka sa akin," aniya habang madilim ang mukha.Dumoble ang kabog ng puso ko sa takot. Ayaw ko sanang gawin ang gusto nito, pero nang muli niya akong lingunin nang may matalim na tingin, wala akong nagawa kundi sundan siya.Sa pribado nitong opisina kami ay pumasok. Naupo ako sa harap ng table niya habang siya ay nagsisindi ng tabako.Naalala ko na naman ang nangyari noong dukutin nila ako para ipakasal sa anak niya. Muling nabuhay ang matinding inis sa dibdib ko."Kapag hindi mo pinakitunguhan nang maayos si Sixto, mawawalan ng bisa ang pi
last updateLast Updated : 2023-10-25
Read more
Chapter 7
Rosi's POVISA-ISANG pinasok ng mga katulong ang mga bagong lutong pagkain at nilapag ito sa ibabaw ng malaking table. Malalanghap ang nakakatakam na amoy ng bawat ulam sa hapag.Masarap at mamahaling pagkain ang laging pinapaluto ni Don Isidro kaya tuwang-tuwa sina Itay at Inay. Paminsan lang kasi kami nakakakain noon ng mga mamahalin at masasarap na ulam. Lechon manok, fried chicken, beefsteak, lobster, grilled shrimp at iba pang mga laman-dagat ang lutong nasa harap namin."Ang sasarap naman tingnan ng mga ito, Don Isidro! Parang fiesta dito. Ganito ba kayo lagi?""Hindi naman, pero sinadya kong magpahanda ng mga masasarap na pagkain para sa inyo."Lumapad lalo ang ngiti sa mukha ni Itay. Kahit sina Inay at Gio ay nakangiti na rin. Nag-umpisa nang kumain ang lahat nang lumapit kay Sixto ang mayordoma ng mga Hernandez."Hijo, heto, pinaluto ko ang paborito mo.""Wow! Bangus sardines! Salamat po, Inay Gina.""Nako, basta para sa iyo! Napakasipag mo talagang bata ka. Baka naman natuyu
last updateLast Updated : 2023-10-26
Read more
Chapter 8
Rosi's POVILANG araw na rin ang lumipas mula nang pumanaw si Don Isidro. Nagluluksa ang lahat sa pagkawala ng isang mabuting tao—para sa kanila.Hindi mabuting karanasan ang mayroon ako kay Don Isidro, pero kahit ganoon, hindi ko gugustuhin na mawala ito. At mas lalong hindi ako ang tipo ng tao na magsasaya dahil sa pagkamatay ng kapwa ko. Kaya hindi ko maatim makitang nagsasaya ang mga magulang ko.Nilingon ko sina Inay at Itay sa harap ng hapag habang kumakain sa loob ng dining. Nagluluksa ang lahat pero sila ay nagpaluto ng masasarap na pagkain. Masaya nilang pinagsaluhan ang mga pagkaing iyon habang nag-uusap na parang walang pinaglalamayan sa garden.Hinanap ng mga mata ko si Sixto. Kung mayroon mang pinakaapektado sa aming lahat, siguradong siya iyon. Para nang ama ang turing niya kay Don Isidro, at sa totoo lang, maliban sa mayordoma, ang don lang yata ang kakampi niya."Hindi ako makapaniwala na wala na si Don Isidro. Nagkita pa kami last month, at sobrang lakas pa niya."Nat
last updateLast Updated : 2023-10-27
Read more
Chapter 9
Rosi's POVPADABOG na isinara ni Inay ang pinto ng silid at saka pinagtatapon ang mga gamit na mahawakan ng kamay nito. Nagwawala na ito sa galit. Kahit si Itay ay hindi maipinta ang mukha."Tanginang matandang iyon! Bakit niya ibinigay ang lahat ng pera niya sa letseng charity at mga foundation na iyan! Mga wala naman kuwenta!""Itay, huminahon kayo.""Kung alam ko lang na ipamimigay ng matandang iyon ang lahat ng pera niya, sana ako na lang ang pumatay sa kaniya!""Itay, huwag kayong magsalita nang ganyan."Kinikilabutan ako sa mga naririnig at nakikitang reaction nila. Iba talaga ang dulot ng pera sa mga tao. Pero dahil din sa sinabi ni Itay, mas naging sigurado ako na wala talaga itong kinalaman sa nangyari kay Don Isidro.Siguro nga, itinago lang talaga ng matanda ang tungkol sa sakit niya sa puso. Iyon din kaya ang dahilan kung bakit minadali nitong maikasal kami ni si Sixto? Dahil alam niyang mawawala na siya?"Ano nang mangyayari sa atin ngayon, Lito?! Wala na lahat ang pera!
last updateLast Updated : 2023-10-28
Read more
Chapter 10
Sixto's POVNATIGILAN ako sa ginagawa nang biglang tinapon ni Rosi ang baso ng juice na dinala ko para sa kaniya. Pati ang cheesecake sa platito ay hindi nito pinalagpas at ibinato sa akin."Puwede bang iwan mo ako mag-isa?! Sinabi ko naman sa iyo! Ayaw kong makita iyang pagmumukha mo!""Rosi, gusto lang naman kitang dalhan ng pagkain. Kaunti lang ang kinain mo kahapon, baka magkasakit ka.""Wala kang pakialam kahit magkasakit ako! Kahit kailan talaga, bwiset ka sa buhay ko! Bwiset iyang mukha mo! Tigilan mo na ako, puwede ba? Huwag mo na akong sundan!"Halos madurog ang puso ko sa mga narinig na sinabi niya. Galit na galit ito at halos hindi na maipinta ang mukha.Sa loob lang nang ilang araw, tuluyang nagbago ang pakikitungo sa akin ng buong pamilya ng asawa ko—maging si Rosi. Lahat ng gusto nila, sinusunod ko para lang matanggap nila ako. Pero kaunting kibo, kaunting kilos, nagagalit sila sa akin. Iniinsulto ako at kung ano-ano pang masasakit na salita ang sinasabi."Lumabas ka! Ay
last updateLast Updated : 2023-10-29
Read more
DMCA.com Protection Status