Isang gabi ng pagkakamali ang nagbunga ng isang responsibilidad na babago sa buhay ni Sabrina Turner. Dinadala niya ngayon ang tagapagmana ng isang bilyonaryong si Ryan Jacobs, isang lihim na maaaring sumira o bumuo sa kanilang mga mundo. Sa gitna ng mga intriga, panlilinlang, at posibleng pag-ibig, paano niya mapoprotektahan ang kanyang anak at ang kanyang sarili mula sa makapangyarihang ama nito?
view moreSabrina’s POV Ang bawat salita ko ay tila nawala sa hangin nang maramdaman ko ang biglaang pagdampi ng kanyang labi sa akin. Ang init ng kanyang hininga, ang pagdiin ng kanyang halik, at ang paraan ng pagkakahawak niya sa beywang ko—lahat ng ito ay nagpatigil sa mundo ko. Parang tumigil ang oras. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Nagulat ako, oo. Pero higit sa lahat, isang bahagi ng puso ko ang parang kinakalabit ng isang bagay na hindi ko maipaliwanag. Bumitaw siya, pero hindi niya inalis ang kamay niya sa beywang ko. Nakatitig siya sa akin—ang titig na parang bumabasa ng kaluluwa ko, na tila alam niya ang bawat lihim, bawat takot, bawat tanong sa isipan ko. “Paano ko ba magpapatunayan sa iyo na ako ang asawa mo?” ulit na tanong niya sa mababa ang boses, halos hindi ko marinig, pero malinaw at puno ng emosyon. Hindi ko siya sinagot agad. Tumitig lang ako pabalik sa kanya, pilit na hinahanap ang kasagutan sa kanyang mga mata. Pero ang nakita ko roon ay isang halo ng s
Sabrina’s POVAng bigat ng ulo ko ang unang pumukaw sa akin. Bumigat ang bawat pikit at bukas ng aking mga mata, parang may ulap na bumabalot sa isipan ko. Nang tuluyan kong idilat ang mga mata, hindi ko agad naintindihan kung nasaan ako. Ang paligid ay hindi pamilyar—ang malalambot na kulay abo at beige na kurtina, ang malinis na minimalistang dekorasyon, at ang kakaibang bango ng lavender na tila nagpapakalma sa akin ngunit nagdagdag ng takot sa bawat hinga. Bigla akong bumangon mula sa kama. Ang kutson ay masyadong malambot, hindi tulad ng sa sariling kwarto ko. Ang malamig na tiles na sumayad sa talampakan ko ay nagpabalik sa akin ng bahagyang katinuan. Sinilip ko ang paligid. May isang malaking bintana na natatakpan ng sheer na kurtina, tinatanglawan ng banayad na liwanag mula sa labas. Ang isang wooden nightstand ay may nakapatong na basong tubig at isang digital clock—alas siyete ng umaga. Nagtungo ako sa malaking salamin na nakasabit sa dingding. Napatingin ako sa sarili k
Sabrina’s POVHabang abala ako sa opisina, tinitigan ko ang mga dokumento sa aking harapan. Nakasanayan ko na ang ganitong uri ng gawain—mga kontrata, proposal, at mga dokumento na kailangang pirmahan agad. Ang Jacobs Group ay hindi biro pamahalaan, at bawat desisyon, bawat papel na nilalagdaan ko, ay may malaking epekto sa negosyo at sa buhay ng mga tao. Kaya naman, talagang sinisigurado kong maayos ang lahat ng mga detalye bago ko tuluyang isara ang bawat isa.Nagtaas ako ng kape at tinikman ang init nito bago muling ibaba at itutok ang atensiyon sa isa pang proposal. Ngunit bago ko pa man magpatuloy, isang tunog mula sa aking laptop ang nagbigay pansin sa akin—ang notification ng isang bagong email. Bago ko pa man masimulan basahin ang laman ng email, agad kong napansin ang sender. Isang pangalan na hindi ko matandaan na may kinalaman sa mga kalakaran sa mundo ng sining at koleksyon—isang auction house na kilala sa pagbebenta ng mga rare at mamahaling mga kagamitan. Ang subject l
Sabrina’s POV“Sabrina, sandali lang,” tawag ni Roscoe.Huminto ako at humarap sa kanya, pilit pinapanatili ang aking composure. “Ano pa ang kailangan mo, Roscoe?”Lumapit siya, ang mga mata niya ay nagliliyab sa galit. “Ano bang klaseng ina ka? Paano mo hinayaang mapunta sa ganitong sitwasyon si Evara? Hindi mo ba siya tinuturuan ng tamang asal?”Nabigla ako sa kanyang mga salita. “Anong ibig mong sabihin? Ginagawa ko ang lahat para maging mabuting ina kay Evara!”“Talaga ba? Kung ganoon, bakit siya nasasangkot sa mga gulo? Baka naman masyado kang abala sa sarili mong buhay at nakakalimutan mo na ang responsibilidad mo bilang magulang,” sumbat niya, ang boses niya ay puno ng panunumbat.Naramdaman ko ang pag-init ng aking mukha sa galit. “Huwag mong husgahan ang pagiging ina ko, Roscoe. Wala kang karapatang magsalita ng ganyan, lalo na’t hindi mo alam kung ano ang mga pinagdaanan ko!” Hindi ko na napigilan ang aking sarili. “Wala kang alam sa mga pinagdaanan namin ni Evara! Wala kang
Sabrina’s POVAng bigat ng araw ko. Ilang araw na akong hindi makatulog nang maayos, at ngayon, nararamdaman ko ang epekto nito. Ang mga litrato ko kasama si Roscoe Mendoza na kumakalat sa internet ay parang apoy na hindi maapula. Paulit-ulit akong nakakatanggap ng tawag mula sa mga empleyado, kaibigan, at kahit mga taong hindi ko kilala. Lahat sila may tanong. Lahat sila may opinyon. Pero wala ni isa ang may sagot. Wala ni isa ang nakakaintindi. Nasa harapan ko ang laptop, bukas ang screen, ngunit hindi ko mabasa ang dokumentong nasa harapan ko. Paano ko mabibigyan ng solusyon ang mga problema ng Jacobs Group kung ang sariling isip ko ay puno ng mga tanong na hindi ko kayang sagutin? Ang bawat kaluskos mula sa labas ng opisina ko ay parang naghuhudyat ng paparating na sakuna. Alam kong nariyan ang media sa labas ng building. Kanina, bago ako pumasok, nakita ko ang mga camera at mikroponong halos ipasok na sa mukha ko. “Sabrina, totoo bang asawa mo si Roscoe Mendoza?” “Bakit hind
Sabrina’s POVPagkatapos ng mahahabang oras ng pagpupulong, hindi ko na kayang maghintay pa. Agad akong nagmadali palabas ng opisina at binanggit sa sekretarya ko na kukunin ko na ang anak ko. Habang papalapit ako sa school gate, nakaramdam ako ng init na hindi ko kayang ipaliwanag. Nasa loob ng gate, nakita ko si Evara, mag-isa, malungkot at parang may iniisip. Pero nang lumingon ako sa kanan, doon ko nakita ang eksaktong hindi ko inaaasahan. Si Maggie, ang anak ni Shaira Generoso, ay may hawak na sa buhok ni Evara at hinahablot ito! Parang ang mga mata ni Maggie ay naglalabas ng galit, at ang mga mata ko naman ay nagliliyab ng takot at galit."Anong ginagawa mo?!?" sigaw ko na agad habang mabilis na tinakbo ang dalawa. Mabilis ko silang nilapitan, at nang makalapit na ako, agad kong pinigilan si Maggie. "Maggie! Ano ang nangyayari?!?"Halatang gulat si Maggie at nang makita akong dumating, parang napawi ang mga galit na mata nito at agad nagbitiw ng mga salitang, “Wala po, wala po.
Sabrina’s POV Naramdaman ko ang bigat ng bawat segundo na dumaan matapos makuha ko ang mga headlines at larawan. Ang araw na ito ay tila naging isang magulong bagyong hindi ko kontrolado, at sa kabila ng lahat ng ito, kailangan ko pa ring magdesisyon kung paano ko haharapin ang mga tanong at insinuasyon. Hindi ko kayang maghintay na maging sunod-sunod ang mga chismis na walang katotohanan. Kailangan kong gawing tahimik ang ingay na ito bago pa lumala. Pumunta ako sa aking desk, at nag-swipe ako sa aking phone upang ma-contact ang ilan sa mga key personnel ko sa kumpanya. Mabilis akong tumawag kay Julius, isa sa mga pinaka-maaasahang empleyado sa IT department. Alam kong siya ang magiging susi sa pagtigil ng kalat na ito. "Julius, halika sa opisina ko, may gusto akong ipagawa," sabi ko, ang boses ko ay matigas ngunit may kabuntot na kaba. "H-Hello po, Ms. Jacobs. Ano po ‘yun?" tanong niya mula sa kabilang linya. "Hanapin mo ang pinagmulan ng mga larawan na kumakalat, at i-take
Sabrina’s POV Pagkatapos ng press conference, diretso na sana ako sa opisina ko. Pakiramdam ko ay naubos ang lakas ko sa bawat salitang binitiwan ko kanina. Ang bawat paghinga ay parang mabigat, at ang bigat ng mga tanong mula sa mga reporter ay patuloy na nakadagan sa akin. Habang papalapit ako sa pinto ng opisina, naramdaman kong tumunog ang telepono ko. Isang mensahe. Nang makita ko ang pangalan ng nagpadala, nanlamig ang mga daliri ko sa screen. Si Shaira Generoso. [Sabrina, I regret to inform you that I’m no longer interested in investing in Jacobs Group. Good luck with your future endeavors.]Parang kumukulong tubig ang dugo ko habang binabasa ang mensahe. Kaya niya akong iniwan nang ganito lang? Matapos ang lahat ng panahon, pagkatapos ng lahat ng effort ko para kumbinsihin siya kahit labag naman talaga sa loob ko ang kagustohan niya, ganito lang? Huminga ako nang malalim, pinilit kong kalmahin ang sarili bago binuksan ang pinto ng opisina. Ngunit ang sumalubong sa akin
Sabrina’s POVNakaupo ako sa dulo ng mahabang conference table ng opisina. Tahimik ang buong kwarto, pero ramdam ang tensyon sa paligid. Ang bawat empleyado, mula sa mga department heads hanggang sa mga communication officers, ay nakatingin sa akin, naghihintay ng anumang sasabihin ko. Ang aircon ay tila walang epekto sa bigat ng atmospera. “Thank you for coming,” panimula ko, ang boses ko ay mas malamig kaysa sa nararamdaman ko. Pilit kong pinapanatili ang composure ko, pero sa loob-loob ko, parang sasabog na ako sa halo-halong emosyon—galit, lungkot, at pagkabigo. Isa-isa kong tiningnan ang bawat tao sa loob ng silid. Karamihan sa kanila ay may halong takot at pag-aalala sa mukha. Alam kong lahat sila ay nag-aabang ng paliwanag tungkol sa mga kumakalat na larawan nina Ryan—ang lalaking iniisip ng lahat na patay na—at si Shaira Generoso, ang asawa niya ngayon bilang si Roscoe Mendoza. “Alam kong ang kumakalat na mga balita at larawan sa internet ay nagdulot ng malaking ingay,”
Napabalikwas ako ng bangon nang may narinig akong nabasag na bagay sa labas ng kwarto ko. Hindi ko mapigilang kabahan nang narinig ko ang pagsigaw ni Daddy. "Huwag muna ngayon, Felicia! Kalilibing lang ni Sarah!" sigaw ni Daddy. Simula nang tumira ako rito ay palagi ko silang naririnig na nag-aaway ni Tita Felicia. Hindi ko rin nakakasundo ang tatlo kong kapatid kasi anak daw ako sa labas. Halos araw-araw nila akong pinagsasabihan ng kung anu-ano. Wala rin akong balak patulan sila kasi totoo naman. Anak ako sa labas ni Daddy. Bunga ako ng pagkakamali. At ako ang dahilan kaya muntik ng maghiwalay si Daddy at ang asawa niyang si Tita Felicia. Humiga ako sa kama habang niyayakap ang larawan ni Mommy. Hindi pa rin ako makapaniwalang wala na siya. Ang bilis-bilis ng oras. Kanina lang namin siya inilibing at ngayon ay nasa bahay na ako ni Daddy. Kinupkop niya ako kasi wala na akong ibang matutuloyan. Nangungupahan lang kasi kami ni Mommy at si Daddy naman ay may sarili ng pamilya. N...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments