Share

Carrying the Billionaire's Heir
Carrying the Billionaire's Heir
Author: Deigratiamimi

Chapter 1

Napabalikwas ako ng bangon nang may narinig akong nabasag na bagay sa labas ng kwarto ko. Hindi ko mapigilang kabahan nang narinig ko ang pagsigaw ni Daddy.

"Huwag muna ngayon, Felicia! Kalilibing lang ni Sarah!" sigaw ni Daddy.

Simula nang tumira ako rito ay palagi ko silang naririnig na nag-aaway ni Tita Felicia. Hindi ko rin nakakasundo ang tatlo kong kapatid kasi anak daw ako sa labas. Halos araw-araw nila akong pinagsasabihan ng kung anu-ano. Wala rin akong balak patulan sila kasi totoo naman. Anak ako sa labas ni Daddy. Bunga ako ng pagkakamali. At ako ang dahilan kaya muntik ng maghiwalay si Daddy at ang asawa niyang si Tita Felicia.

Humiga ako sa kama habang niyayakap ang larawan ni Mommy. Hindi pa rin ako makapaniwalang wala na siya. Ang bilis-bilis ng oras. Kanina lang namin siya inilibing at ngayon ay nasa bahay na ako ni Daddy. Kinupkop niya ako kasi wala na akong ibang matutuloyan. Nangungupahan lang kasi kami ni Mommy at si Daddy naman ay may sarili ng pamilya. Nahihirapan akong bayaran ang upa at mga bills namin sa kuryente at tubig kasi lahat ng sahod ko ay napupunta sa gamot ni Mommy.

Napatingin ako sa pinto nang may narinig akong pagkatok. Maingat kong inilagay sa bedside table ang larawan ni Mommy bago binuksan ang pinto. Napaatras agad ako nang nakita ko si Felicity. Nakabusangot ang mukha niya at nakakrus ang mga braso. Siya ang panganay na anak ni Daddy sa asawa niya. Mas matanda siya ng dalawang taon sa akin.

"Ate Feli, may kailangan po ba kayo?" kaswal na tanong ko nang pumasok siya sa kwarto ko.

"Leave the house. Ang kapal-kapal ng mukha mong tumira rito pagkatapos sirain ng Mommy mo ang pamilya namin!" galit na sigaw niya at kinuha ang ibang mga gamit ko sa loob ng closet. "Lumayas ka sa bahay na 'to!"

"Hindi ako pwedeng umalis dito. Wala na akong ibang mapupuntahan, Ate Feli," saad ko at pinulot ang mga gamit ko sa sahig.

"Wala akong pakialam, Sabrina! Ikaw ang dahilan kaya palagi na lang nag-aaway sina Daddy at Mommy! Kasalanan mo kung bakit nasisira ang pamilyang 'to!" panunumbat niya.

Napansin ko ang pagpasok ng kambal na kapatid ni Ate Feli na sina Felipe at Felix sa loob ng kwarto ko. Napadaing ako nang biglang sipain ni Felix ang mukha ko. Gusto kong lumaban, ngunit nakita kong pumasok ang kanilang ina.

"Anong nangyayari rito?" tanong ni Tita Felicia at tumingin sa akin. Lumapit ang kambal na anak niya sa kanya. "Simula ngayong araw, huwag niyo ng aawayin ang Ate Sabrina niyo."

Napatayo ako agad nang narinig ko ang sinabi ni Tita Felicia. Hindi ako makapaniwalang sa kanyang bibig manggagaling ang salitang 'yon.

"Mommy, why? Anak siya ng kabit ni Daddy! Bakit ba kasi kinupkop pa siya ni Daddy? Hindi natin obligasyon kung wala siyang matitirhan o mamatay siya sa gutom!" pagtataray ni Ate Feli.

"Kailangan natin siya, Feli. Siya ang magiging susi para maisalba natin ang kompanya," nakangiting saad ni Tita Felicia kaya hindi ko mapigilang mapatitig sa kanya.

Naagaw ni Daddy ang atensiyon ko nang nakita ko rin siyang pumasok sa kwarto ko. Hindi ko mapigilang makaramdam ng inggit nang yakapin niya ang mga anak niya. Ni hindi ko man lang naranasang yakapin ako ni Daddy kahit isang beses. Napansin ko ang pagbaba ng tingin ni Daddy sa mga gamit kong nakakalat sa sahig.

"Anong ginagawa niyo rito sa kwarto ni Sabrina?" tanong ni Daddy at tumingin sa akin.

"Tinutulongan lang namin siya sa pag-aayos ng mga gamit niya, Dad," sagot ni Ate Feli.

"Hindi kasi marunong magtupi ng damit si Ate Sabrina kaya tinutulongan siya ni Ate Feli," singit ni Felipe.

"Totoo ba ang mga sinasabi nila, Sabrina?" tanong ni Daddy.

Napansinghap ako nang napansin ang pagtitig ng mga kapatid ko sa akin. Gusto kong matawa sa mga kasinungalingan nila. Napatango na lang ako kasi ayoko rin ng gulo.

"Yes, Dad. Tinutulongan lang nila ako," sagot ko at pinulot ang iba kong mga gamit.

"Mabuti naman kung ganoon. Pagkatapos mo riyan, magbihis ka ng maayos kasi may ipapakilala kami sa 'yo. Nasa tamang edad ka naman. Walang problema sa akin kung magkaroon ka ng boyfriend basta kilala ko ang lalaking makakatuloyan mo," saad ni Daddy kaya napahinto ako sa ginagawa ko.

"Dad, wala akong balak magkaroon ng boyfriend sa ngayon. Maghahanap pa ako ng trabaho."

"Hindi mo naman kailangan magtrabaho para sa sarili mo, Sabrina. May pera naman ang pamilya natin. Ang gagawin mo lang naman ay papakasalan ang kaibigan ko," sabi ni Daddy na siyang ikinagulat ko.

"Ipapakasal niyo sa akin ang kaibigan niyo?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Kailangan ko ba talagang gawin 'yan, Dad?"

"Huwag ka na lang kasing mag-inarte riyan, Sabrina. Hindi ka naman kagandahan. Pasalamat ka nga at may nagkakagusto pa sa 'yo! Para sa kompanya naman natin 'yan. Kapag sinunod mo ang sinabi ni Daddy, hinding-hindi ka na namin gugulohin," asik ni Ate Feli.

"Hindi naman sa nag-iinarte ako, Ate. Pero kung 'yan ang gusto niyong gawin ko para tanggapin niyo ako, gagawin ko. Total, kaibigan naman ni Daddy 'yon." Ngumiti ako at pinigilang ipakita sa kanila na excited akong makita ang lalaking papakasalan ko.

"Huwag kang mag-aalala, hija. Binata naman ang kaibigan ko," hirit ni Daddy kaya naging kampante ako na nasa tamang tao ako.

Gabi na at katatapos ko lang din mag-ayos. Kanina pa pabalik-balik ang mga kasambahay sa kwarto ko. Pinapalabas na nila ako kasi naghihintay na raw ang kaibigan ni Daddy sa baba. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin habang naglalagay ng lip gloss. Pinahiram pa ako ni Ate Feli ng damit para magmukha akong elegante. Paglabas ko ng kwarto, napalunok ako ng laway nang nakita ko sina Ate Feli at ang kambal sa labas.

"Sigurado akong maiinlove agad sa 'yo ang kaibigan ni Daddy," saad ni Ate Feli at inayos niya ang takas kong buhok. "Halika na. Kanina pa naghihintay ang kaibigan ni Daddy. Ang soon-to-be-husband mo."

Hindi ko mapigilang mapangiti nang napansin ang pagiging mabait ni Ate Feli sa akin ngayon. Napatingin ako sa kamay ng kambal nang bigla nila itong inilahad sa akin. Pakiramdam ko, para akong prinsesa ngayong gabi.

Pababa na kami ng hagdanan at pabilis nang pabilis naman ang pagtibok ng puso ko. Kinakabahan ako baka hindi ako magustohan ng kaibigan ni Daddy. Pero palagi namang sinasabi ni Ate Feli na ako raw ang isa sa mga tipo ng babae na magugustohan ni Edward.

"Ang ganda-ganda mo, Sabrina," komplimento ni Tita Felicia nang nakita niya ako. Abot tainga ang ngiti ko pagkatapos niya akong yakapin. Pakiramdam ko, tanggap na nila ako. "Handa ka na bang makilala ang kaibigan ng Daddy mo?"

Agad akong tumango at hindi pa rin inaalis ang ngiti sa labi ko. "Yes, Tita. Kinakabahan nga po ako kasi baka hindi ako magustohan."

"Huwag kang kabahan. Maganda ka naman. Bagay na bagay kayong dalawa," hirit ni Tita kaya nabawasan ng kaunti ang kabang nararamdaman ko.

Luminga-linga ako sa paligid. Hinahanap ko ang lalaking sinasabi nila na ipapakilala ni Daddy sa akin. Napalingon ako sa kusina nang nahagip ng mga mata ko Daddy. May kasama siyang tatlong lalaki na kasing edad niya. Napaigtad ako nang naramdaman ko ang kamay nina Tita Felicia at Ate Felicity ang mga kamay nila sa beywang ko.

"Let's go. Baka niinip na si Edward," saad ni Tita Felicia.

Umupo ako sa harapan ng tatlong kaibigan ni Daddy. Luminga-linga ako sa paligid kasi wala akong nakitang binata. Napangiwi ako nang napansin ang malagkit na pagtitig ng matandang lalaki sa akin.

"How's my daughter, Edward?" tanong ni Daddy at inakbayan ang matandang lalaki na nasa harapan ko.

Napalunok ako ng laway at nilingon si Daddy. "I-Ito po si E-Edward?" nauutal kong tanong.

"It's nice to finally meet you, Sabrina," sabi ng matandang lalaki at naglahad ng kamay sa akin. Tiningnan ko lang ang kamay niya. Muling bumalik ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

Umiling-iling ako. "No, Dad. Hindi ako papayag na ikasal sa kaibigan niyo!" asik ko at tumayo para umalis sana, ngunit hinawakan nina Tita Felicia at Ate Felicity ang braso ko.

"Huwag mo kaming ipapahiya sa harapan ng kaibigan ng Daddy mo, Sabrina Malilintikan ka talaga sa akin!" bulyaw ni Tita Felicia.

"If you'll marry me, Sabrina, isasalba ko ang kompanya niyo," sabi ni Edward. Tumayo siya at lumapit sa akin. "Ang ganda-ganda ng anak mo, Antonio. Hindi ko aakalaing magugustohan ko siya agad kahit ngayon ko lang siya nakita."

"Daddy, please lang. Huwag naman ganito. Wala na bang ibang paraan para maisalba ang kompanya? Akala ko ba binata ang papakasalan ko. Bakit ganito, Dad? Ayoko. Ayokong ikasal sa lalaking 'to. Parang awa niyo na."

"Sabrina, ito lang ang paraan para maisalba ang kompanya. Huwag kang mag-aalala. Mabait naman si Edward. Binata pa naman si Edward. Never siyang ikinasal," saad ni Daddy. Hindi siya makatingin sa akin.

"Daddy, ayoko..." Bumagsak na ang mga luha ko, pero parang wala lang sa kanya.

"Your engagement will be on Saturday evening. You will marry him, Sabrina. That's an order from me. Kung ayaw mong itakwil kita bilang anak, pakasalan mo si Edward."

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Kolette 🩷
My God matandang binata!🥹...️‍...
goodnovel comment avatar
Deigratiamimi
ginagawa mo rito? HAHAHAHA
goodnovel comment avatar
SEENMORE
Ay matanda pala si koya. Takbo, Sabrina🥹
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status