Share

Chapter 5

Kinaladkad ako ni Tita Felicia palabas ng dorm ko. Ibabalik niya raw ako sa mansiyon at sisiguradohin nilang hindi na ako makakatakas. Kapag nagising si Edward, ikakasal kami agad. Kapag namatay naman ay ipapadampot nila ako sa mga pulis.

"Ayokong sumama sa inyo!" sigaw ko. Pinagtitinginan na kami ng ibang kasama kong nakatira sa dorm.

"Ang tigas-tigas talaga ng ulo mo! Puro na lang problema ang ibinibigay mo sa amin!" bulyaw ni Tita Felicia at hinila ang braso ko.

Agad niyang ni-lock ang pintuan ng kotse nang nakapasok na ako sa loob. Sinubokan ko itong buksan, pero ayaw talaga. Para akong kinidnap sa sitwasyon ko.

Hinila ni Tita Felicia ang buhok ko pagpapasok sa loob ng mansiyon. Para akong makakalbo sa lakas ng pagkahila niya. Nakita ko ang mga kapatid kong nakaupo sa couch. Tumayo si Ate Feli at naglakad papalapit sa akin at tinulongan ang Mommy niya na kaladkarin ako paakyat ng hagdanan.

"Hinding-hindi ka lalabas hangga't hindi nagigising si Edward, Sabrina! Ipapakulong ka namin kapag may nangyaring masama sa kaniya. Sisiguradohin kong mabubulok ka sa kulongan!" sigaw ni Tita Felicia bago ako tinalikuran.

Napahawak ako sa tiyan ko. Hindi ako pwedeng magtagal sa bahay na 'to. Mas lalo lang nila akong kamumuhian kapag nalaman nilang nagdadalang tao ako. Hindi nila pwedeng malaman na buntis ako. Kailangan kong makatakas uli rito.

Hinanap ko ang cellphone ko sa loob ng bag. Nakahinga ako ng maluwag nang nakita ko ito sa loob kasama ang mga ATM cards ko. Dinial ko agad ang numero ni William - ang matalik kong kaibigan na kauuwi lang ng Pilipinas. Isa siyang engineer sa kilalang kompanya sa Canada. Siya lang ang makakatulong sa akin upang makaalis ako rito sa lalong madaling panahon. Kung hindi ako aalis, malalagay sa panganib ang anak ko. Gusto siyang kunin ni Ryan kapalit ng tulong na ibibigay niya para sa pamilya ko. Kahit aksidente lang nangyari kaya nabuo ang batang 'to, hinding-hindi ko ito ibibigay sa kaniya.

"William, kailangan ko ang tulong mo," diretsong saad ko nang sagotin niya ang tawag ko. "Kailangan kong makatakas. Nanganganib ang buhay ko..."

Ikinuwento ko kay William ang lahat-lahat. He's willing to help me. Sinabi niya rin sa akin na siya na ang bahala sa lahat ng mga dokumentong kakailanganin ko para makalabas agad ako ng bansa. Plinano rin namin kung paano ako tatakas uli sa mansiyon.

Mag-iisang buwan na at hindi pa rin nagigising si Edward. Hindi na ako mapakali. Natatakot ako baka tuloyan na ngang mamatay ang matandang 'yon. Tapos ako ang sisisihin nila. Hindi ako pwedeng makulong. Si Ryan Jacobs dapat ang managot at hindi ako.

Agad kong kinuha ang cellphone ko nang nakita ko sa screen ang pangalan ni William. Pumasok ako sa banyo para kausapin siya.

"Mamayang gabi kita kukunin diyan. We'll leave the country using my private jet. Hintayin mo lang ang tawag ko. Naghahanda na rin ang mga tauhan ko," saad ni William.

"Maraming salamat, Wil," tugon ko at binaba ang tawag.

Pagtungtong ng alas onse ng gabi, tahimik na ang buong bahay. Pinagpapawisan na ako habang hinihintay ang tawag ni William. Sumilip ako sa bintana. Nagkalat pa rin ang mga tauhan ni Daddy sa labas. Kinakabahan ako baka mahuli nila ang mga tauhan ni William at malalaman nila ang pagtakas ko.

Napaigtad ako nang naramdaman ang pag-vibrate ng cellphone ko. Pumasok ako sa banyo bago sinagot ang tawag ni William.

"We're here. Nakapasok na rin sa loob ng bahay niyo ang mga tauhan ko. Lumabas ka na habang tulog pa ang mga nagbabantay sa 'yo. Sa bintana ka dumaan. Naghihintay sa baba ang mga tauhan ko," utos ni William.

Kinuha ko ang mga importanteng gamit ko. Maingat kong binuksan ang bintana sa kwarto ko. Nanginginig ang tuhod ko nang nagsimula akong humakbang palabas. Baka mahulog ako sa bintana. Pinasadahan ko ng tingin ang buong paligid. Nakita kong nakahandusay sa lupa ang mga tauhan ni Daddy.

Nakita kong kumaway ang tauhan ni William sa akin. Tinulongan nila akong makababa sa bintana gamit ang hagdanan. Nakahinga ako ng maluwag nang nakaapak na ako sa lupa. Hindi na ako babalik sa lugar na 'to. Mas mabuting iwan ko ang pamilyang 'to kaysa manatili rito. Bahala na kung ano ang mangyayari sa akin kinabukasan at sa mga susunod na araw. Ang importante ay makalayo ako sa pamilya na 'to at sa ama ng anak ko.

"Thank you, Wil," saad ko pagkapasok ko sa loob ng kotse niya.

"You're welcome. Kailangan na nating umalis bago pa magising ang mga tauhan ng Daddy mo," tugon niya at pinaharurot ang kotse paalis.

Hindi ko alam kung anong buhay ang naghihintay sa akin sa Canada kapag nandoon na ako. Pansamantala muna akong titira sa apartment ni William habang wala pa akong trabaho. Tutulongan niya rin naman ako sa paghahanap ng mapapasokang trabaho roon. Madali lang daw makahanap ng trabaho sa Canada basta masipag ka lang at mapagkakatiwalaan. Kahit tagahugas lang ng mga pinggan ay tatanggapin ko. Ang importante ay may trabaho ako para buhayin ang batang nasa sinapupunan ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status