Share

Chapter 8

Sa condo ni William kami didiretso kung saan nakatira ang girlfriend niya. Gusto niya itong sorpresahin. Hindi niya kasi sinabing uuwi siya ngayon.

Habang nasa biyahe kami, hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung bakit muli akong nakaramdam ng ganito: takot at kaba. Limang taon na ang nakaraan, pero hindi ko pa rin nakalimutan ang taong 'yon. Hindi ako pwedeng magkamali. Si Ryan Jacobs ang nakita ko.

Naputol ang pag-iisip ko nang biglang yumakap ng mahigpit sa akin si Evara. Hinaplus-haplos ko ang buhok niya nang napansing tulog ito. Baka nananaginip na naman siya.

"We're here," masayang sabi ni William nang huminto ang taxi na sinasakyan namin sa harap ng malaking condo.

"Pagmamay-ari mo 'to?" Namamanghamg tanong ko habang nasa malaking building ang paningin ko.

"Oo. One of my investment," sagot niya habang tinutulongan ang taxi driver na ibaba ang aming mga gamit. "You'll live her. Marami namang vacant rooms sa loob."

Tumangu-tango na lang ako at hinila ang maleta namin ni Evar
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status