Sa condo ni William kami didiretso kung saan nakatira ang girlfriend niya. Gusto niya itong sorpresahin. Hindi niya kasi sinabing uuwi siya ngayon. Habang nasa biyahe kami, hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung bakit muli akong nakaramdam ng ganito: takot at kaba. Limang taon na ang nakaraan, pero hindi ko pa rin nakalimutan ang taong 'yon. Hindi ako pwedeng magkamali. Si Ryan Jacobs ang nakita ko. Naputol ang pag-iisip ko nang biglang yumakap ng mahigpit sa akin si Evara. Hinaplus-haplos ko ang buhok niya nang napansing tulog ito. Baka nananaginip na naman siya. "We're here," masayang sabi ni William nang huminto ang taxi na sinasakyan namin sa harap ng malaking condo. "Pagmamay-ari mo 'to?" Namamanghamg tanong ko habang nasa malaking building ang paningin ko. "Oo. One of my investment," sagot niya habang tinutulongan ang taxi driver na ibaba ang aming mga gamit. "You'll live her. Marami namang vacant rooms sa loob." Tumangu-tango na lang ako at hinila ang maleta namin ni Evar
Pinagmasdan ko si William na nakaupo sa sa labas ng condo habang sinusunog ang mga larawan nila ni Maris. Hindi pa rin siya humihinto sa pag-iyak. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Pati mga gamit na ibinigay ni Maris sa kaniya, sinunog niya rin. Huminga ako ng malalim at humakbang papalapit sa kaniya. Hinawakan ko ang balikat niya at inabot ang panyo. "Tama na 'yan. Pumasok ka na sa loob. Baka nilalamok ka na rito," sabi ko at tiningnan ang mga larawan nilang unti-unting nasusunog. "Para ka namang hindi lalaki. Makakahanap ka pa ng mas better kay Maris. Habulin ka naman ng mga babae. Makakalimutan mo rin siya." "Sampung taon. Sinayang niya ang pinagsamahan namin. Nang dahil lang nasa malayo ako ay nagawa niyang mangaliwa," sabi ni Knight at pinunasan ang mukha niya. "Kasalanan ko 'to. Kung hindi ako pumayag na pumunta sa ibang bansa hindi siya maghahanap ng iba." "Wala kang kasalanan, Wil. Mas mabuti na 'yung nalaman mo ng maaga ang pagtataksil niya. Huwag ka ng umi
"Mommy, where are we you going?" tanong ni Evara pagkatapos ko siyang bihisan. "We'll meet my family," sagot ko at sinimulang suklayin ang mahaba niyang buhok. "Really? I'm excited!" Pilit akong ngumiti habang pinagmamasdan si Evara, na nagtatalon sa excitement na nararamdaman niya. Hindi ko mapigilang kabahan kung ano ang magiging reaksiyon nila kapag nakita nila si Evara. Napabuntong-hininga ako nang naalala ang sinabi ni Ate Feli kagabi, na huwag akong pupunta sa bahay nila kasi pupunta rin ang fiancee niya. Wala akong pakialam kung sino man ang lalaking pumatol sa kaniya. Ngayon pa lang, naawa na ako sa makakatuloyan niya kasi alam kong pera lang ang habol niya rito. "Where are you going?" tanong ni William na kagigising lang habang nakahawak ang isang kamay sa ulo niya. "Ang sakit-sakit ng ulo ko." "Pupuntahan ko si Daddy, Wil. Ipapakilala ko rin si Evara sa kaniya," sagot ko. "Gusto ko kayong sabayan, pero masama kasi ang pakiramdam ko. Hiramin mo na lang ang kotse ko." "
"She's one of my employees before," sagot ni Ryan. Napamura ako nang biglang nasugatan ang kamay ko sa basag na mga basong pinupulot ko. Nanlaki ang mga mata ko nang napansin ang pagluhod ni Ryan at hinawakan niya ang kamay ko. "May sugat ka," saad niya. Binawi ko ang kamay ko sa kaniya. "Ayos lang ako," sabi ko at mabilis na tumayo. Napansin ko ang malalim na pagtitig ng pamilya ko sa akin. "Magtitimpla na lang po ako ng bagong juice," wika ko bago sila iniwan. Napapikit ako sa sakit habang hinuhugasan ng tubig ang sugat ko sa hintuturo. Naghanap ako ng gamot sa cabinet, ngunit wala akong nakita. "Mommy, are you okay?" tanong ni Evara nang nakita niya akong tinatalian ang sugat ko ng telang pinunit ko sa damit ko. "Yes, Eva," tipid kong sagot. Napahinto ako sa ginagawa ko nang napagtantong baka makita siya ni Ryan. Binuhat ko ang anak ko at naghanap ng pwedeng mapagtataguan niya, ngunit huli na dahil nakita kong naglalakad si Ryan papasok sa kusina. Nanigas ako sa kinatatayuan
Sinubukan kong buhayin muli ang makina ng kotse. Napasinghap ako nang gumana ito. Tiningnan ko si Ryan. Nasa kay Evara ang paningin niya. Isinara ko ang bintana ng kotse. Narinig ko pa ang malakas na pagmura niya. Hinawakan ko ng mahigpit ang manibela at pinaharurot ang kotse paalis. Nakahinga lang ako ng maluwag nang nakalayo na ako sa bahay ng pamilya ko. Pagbalik namin sa condo ni William, si Maris ang nagbukas ng pinto sa amin. Luminga-linga ako sa paligid at hinahanap si William. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko kay Maris. "Go to our room, Evara," saad ko pagkatapos kong tanggalin ang headphone niya. "Ikaw dapat ang tinatanong ko, Sabrina," sabi ni Maris kaya umigting ang panga ko. "Ang lakas din ng loob mong bumalik dito pagkatapos mong lokohin si William, 'no?" Pinagkrus ko ang mga braso ko. "May karapatan akong pumunta rito kasi magiging ama na siya." Nangunot agad ang noo ko nang ipakita niya sa akin ang pregnancy test. "Nababaliw ka na ba? Sa tingin mo ba mapap
"Namimiss mo ba ako?" nakangising tanong ni Edward. "Sa puder ni Engr. Harrington ka lang pala nagtatago." Hinila ako ni William at itinago sa likod niya. "Anong ginawa mo rito sa condo ko?" "Gusto ko lang kunin ang pag-aari ko, William. Ibigay mo sa akin si Sabrina kung ayaw mo ng gulo," sabi ni Edward. Humigpit ang paghawak ko sa damit ni William. Bakit hanggang ngayon hindi pa rin ako tinitigilan ng matandang 'to? Limang taon na ang nagdaan at akala ko maayos na ang lahat. "Hindi mo siya pagmamay-ari, Mr. Lazarus," sabi ni William at hinawakan ang kamay ko. "Sabrina Turner is not yours." Tumawa si Edward at sinipa ng malakas ang pinto. Marahas na pumasok sa loob ng condo ang mga tauhan niya. Bumilis ang pagtibok ng puso ko nang nakitang pinapalibutan nila kami at may baril na nakatutok sa ulo ni William. "Ibibigay mo ba sa akin si Sabrina o hindi?" tanong ni Edward at itinutok niya rin ang hawak niyang baril sa ulo ni William. "Bibilang ako ng tatlo, William. Ibigay mo sa aki
Pinapunta ni William ang mga tauhan niya upang linisan ang nakakalat na dugo sa sahig ng condo niya. Nanatili lang kami sa loob ng kwarto namin ni Evara dahil nag-uusap pa sina William at Ryan. Halos maubos ko na ang kuko ko sa kakakagat sa kaiisip kung ano ang pinag-uusapan nila. Matagal na kaming magkaibigan ni William, pero bakit hindi ko man lang napagtantong magkaibigan sila lalo na't pareho sila ng mundong ginagalawan? Sinapo ko ang noo ko. Ang tanga-tanga ko. Kung sinabi ko kay William ang pangalan ng lalaking nakabuntis sa akin, baka hindi niya ako papalabasin ng bansa lalo na't naikwento pala ni Ryan, na nakabuntis ito. Napatayo agad ako nang narinig ang pagkatok sa pinto. Nilingon ko si Evara, mahimbing na itong natutulog habang niyayakap ang paborito niyang unan. Humugot muna ako ng malalim na paghinga bago binuksan ang pinto. "Kakausapin ko kayo," sabi ni William at pinagkrus ang mga braso niya. "Parang naging kasalanan ko pa kung bakit nahirapan ang kaibigan ko sa pagh
Pinagmasdan ko ang inosenteng mukha ni Evara habang kumakain siya ng pasta at nanunuod ng videos sa cellphone ko. Hindi ako papayag na makuha siya ni Ryan nang ganoon lang kadali. Kahit dumaan pa kami sa korte, ipaglalaban ko ang karapatan ko bilang ina ni Evara. "Anong plano mo ngayon? Mukhang seryoso si Ryan sa gagawin niya," sabi ni William at nilagyan ng wine ang baso ko. "Ayokong makisali sa problema niyo, Sabrina. Kaibigan ko kayong dalawa at hindi dapat ako pipili kung sino ang papanigan ko." "Ayos lang ako, Wil. Gagawin ko ang lahat upang hindi niya makuha si Evara sa akin," sabi ko. Pilit kong hindi pinapahalata sa kaniya ang takot sa posibleng mangyari kapag natalo ako ni Ryan. "Kakausapin ko rin si Ryan. Pero hindi ako sigurado kung magbabago ang desisyon niya dahil noon pa man determinado siyang mahanap ka at makuha ang bata, Sabrina. Siya lang ang nag-iisang anak at hinahanapan na kasi siya ng anak. Kung hindi niya maibibigay ang hinihingi ng mga magulang niya, aalisan