Inimbitahan kami ng mga magulang ni Ryan na pumunta sa bahay nila kasi kaarawan ng kapatid niya. Labag man sa loob kong pumunta, wala akong ibang nagawa dahil pinilit ako ng mga magulang niya. Balak ko ring opisyal na ipakilala si Evara sa pamilya ni Ryan. May karapatan siyang makilala ang kaniyang ama at pamilya nito. Ayokong maranasan ng anak ko kung ano man ang naranasan ko. "Mommy, you're so gorgeous!" sabi ni Evara pagkatapos kong ayosan ang sarili ko. "Saan pa ba magmamana ang anak ko?" nakangiting saad ko at hinawakan ang kamay niya. "Gusto mo bang makilala ang Daddy mo?" "He's alive? I thought he's dead," wika ni Evara, bakas sa boses niya ang pagkagulat. "He's alive, Eva. And he wants to meet you. Gusto ka rin makilala ng mga pamilya niya." Lumiwanag ang mukha ni Evara. "I can't wait to meet them!" excited niyang saad. Pagdating namin sa living room, nakapagbihis na rin si William. May kausap siya sa telepono, hindi na naman maipinta ang mukha niya sa sobrang kunot ng n
Palihim akong napangiti nang napansin ang hindi maipintang ekspresyon ng mukha ni Ate Felicity. Minsan napapaisip ako kung totoong lalaki ba 'tong si William kasi kahit babae ay pinapatulan niya. Wala siyang pakialam kung nakakasakit ba ang mga sinasabi niya. "Sabrina, William," nakangiting sambit ng Mommy ni Ryan nang nakita niya kami. "Good evening po," nahihiyang bati ko at tumingin sa babaeng nakaupo, diretsong nasa akin ang paningin niya, na para bang pinag-aaralan ang kabuohan ko. "Mommy," tawag sa akin ni Evara nang hawakan siya ng Mommy ni Ryan. Isinubsob ni Evara ang mukha niya sa leeg ni William. "Akin na ang bata, Wil," sabi ko at kinuha si Evara sa kaniya. Pinagpapawisan ako ako nang nakita ang buong pamilya ni Ryan. Pinaupo ko si Evara at pinaharap sa kanila. Lumuhod ako para maka-level siya. "'Di ba gusto mong makilala ang Daddy mo at ang pamilya niya?" Tumango si Evara at dahan-dahang tumingin sa pamilya ni Ryan, na nakatingin din sa kaniya. Napalunok ako nang napa
Hindi ko maiwasang makaramdam ng saya habang pinagmamasdan ang pamilya ni Ryan kung gaano sila ka sayang nakikipag-usap kay Evara. Pinagpapasahan na nila si Evara matapos ko itong ipakilala ng pormal sa kanila. Noong una ay nahihiya pa ang bata, pero hindi rin nagtagal ay nakikipaghalubilo na siya. "Evara, call me Tita Lala," nakangiting sabi ni Ryla at pinisil ang pisngi ng bata. "Manang-mana ka sa Daddy mo, ang ganda-ganda ng pilikmata mo!" Yumuko ako nang napansin ang paglingon ni Ryla sa akin. Napalunok ako nang napansing umupo sa tabi ko ang mga magulang nila. Nagsalin ng wine sa baso si Mrs. Jacobs at ibinigay ito sa akin. "Maraming salamat dahil hindi mo pinagkait sa amin ang bata, hija," sabi ni Mrs. Jacobs. "Ako po ang dapat magpasalamat kasi tinanggap niyo po ang anak ko. Ito rin kasi ang pangarap ni Evara, ang makilala ang Daddy niya, at kayo na pamilya ni Ryan," nahihiyang sabi ko at ibinalik kina Ryan at Ryla ang paningin ko na abala sa pakikipagkulitan kay Evara. "A
Napalingon ako kay Ryan nang napansin ko siyang naglalakad papalapit sa kinaroroonan namin. Buhat-buhat niya pa rin ang anak namin habang mahimbing itong natutulog. "I can help you pay the bills," Ryan said, looking at my family. "If Sabrina agrees to my condition," he added, causing my heart to race. "A-Anong kondisyon?" tanong ko at sinulyapan si Evara. "Sa akin mapupunta ang bata, Sabrina." "Hindi pwede 'yan, Ryan. Anong klaseng ama ka ba at idadamay mo ang anak ko sa problema ng pamilya ko?" Tumataas na ang boses ko. "May dalawang kondisyon kang pagpipilian, Sabrina. Ibibigay mo sa akin ang bata kapalit ng tulong na ibibigay ko sa 'yo o papakasalan mo ako?" "Ano?" sabay-sabay na tanong ng pamilya ko. "Hindi mo pwedeng pakasalan ang kapatid ko, Ryan!" sabi ni Ate Felicity. "Ako ang fiancee mo, 'di ba? Ako na lang ang pakasalan mo." "We're done, Felicity." Bumaling si Ryan sa akin. "You choose, Sabrina." "Ryan, baka pwedeng pag-usapan muna natin 'to. May gusto ka ba sa kani
"The operation was successful," balita ng doktor pagkabalik ko galing banyo. Sa sobrang tuwa, hindi ko mapigilang yakapin si Ryan ng mahigpit habang umiiyak. "You saved him. T-Thank you," sambit ko. Kumalas ako sa yakap at pinunasan ang aking mga luha. "Maiwan ko muna ko, Miss Turner, Mr. Jacobs," paalam ng doktor at muling pumasok sa operating room. Hinahanap ng mga mata ko ang pamilya ni Daddy, ngunit hindi pa rin silang lahat dumarating hanggang sa nailipat na si Daddy sa kaniyang silid. Tinawagan ko si Ate Felicity, pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. "I'll call her," sabi ni Ryan at tinawagan ang numero ng kapatid ko. "She's not answering my call, too." Napalingon kaming dalawa ni Ryan sa pinto nang bigla itong bumukas. Nanlaki ang mga mata ko nang nakitang pumasok si Edward at ang mga tauhan niya. Tumakbo si Evara papalapit sa akin at itinago naman kami ni Ryan sa likod niya. "Sabrina, Sabrina, Sabrina," nakangising sambit ng matanda habang nasa kay Daddy ang paningin
Pinagmasdan ko si Daddy, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising. Hinawakan ko ang kamay niya habang pinupunasan ang mga luha ko. "Dad, I'm sorry," sambit ko at hinaplos ang kamay niya. "Kung alam ko lang na magkakaganito ka pala pag-alis ko hindi na lang sana kita iniwan. Sinunod ko na lang sana ang kagustuhan mo." Mabilis kong pinunasan ang mukha ko nang pumasok ang pamilya ni Daddy. Kaagad akong tumayo upang harapin sila. Nakakunot ang noo ni Ate Felicity at masamang tumingin naman si Tita Felicia sa akin. "Bakit nandito ka pa? 'Di ba dapat sumama ka na kay Ryan?" sarkastikong tanong ni Ate Felicity at inirapan ako. "Ano kaya ang magiging reaksiyon ni Daddy kapag nalaman niyang inagaw mo sa akin si Ryan? Mas lalo ka lang sigurong itatakwil kasi isa kang suwail na anak." "Hindi ko inagaw si Ryan sa 'yo, Ate. Wala akong inagaw at hindi ko rin gustong ikasal sa kaniya," pilit kong pinapakalma ang sarili ko. "Anong tawag sa ginawa mo, Sabrina? Alam mo namang ikakasal n
Nanginginig ang mga kamay ko nang sagutin ko ang tawag ni Ryan. "H-Hello?" "They're dead," malamig niyang sagot sa kabilang linya. Napatakip ako ng bibig at sinulyapan ang pamilya ko. Nakatingin silang lahat sa akin at bakas sa mga mukha nila ang pagtataka kung sino ang kausap ko. "Mommy, where's Daddy?" tanong ni Evara kaya napalingon ako sa kaniya. "Saang hospital dinala ang pamilya mo? Papunta kami riyan ni Evara." Sinulyapan ko ulit ang pamilya ko nang napansin ang paglapit nila sa akin. "Hindi na kailangan, Sabrina," sagot niya at pinatay ang tawag. "Sino ang tumawag sa 'yo? Si Ryan ba?" tanong ni Ate Felicity. Tumango ako at tinawagan si William. Sa kaniya na lang ako magtatanong kung saang hospital dinala ang pamilya ni Ryan. Kailangan ko siyang puntahan. Sigurado akong may kinalaman ang aksidenteng 'yon sa sinabi ni Edward. "Wil, alam mo ba kung saan dinala ang pamilya ni Ryan?" diretsong tanong ko nang sagutin niya ang tawag. "I'll pick you up. Hintayin ninyo
Nagising ako nang maramdaman ang malamig na kamay na dumampi sa pisngi ko. Mabilis akong napabangon sa pagkahiga sa couch ng bahay nila nang nakita si Ryan sa harapan ko. "Sa kwarto ka matulog. Ako muna ang magbabantay sa pamilya ko," sabi niya at binuhat si Evara na mahimbing ding natutulog sa tabi ko. "Sumunod ka sa akin." Pumasok siya sa kwarto namin ni Evara kaya sumunod kaagad ako. Maingat niyang pinahiga ang bata sa kama at nilagyan ng kumot. "Ako na ang bahala sa bata," sabi ko at kumuha ng malinis na pamunas sa katawan ni Evara. "Feel at home, Sabrina. Kung may kailangan ka tawagin mo lang ang mga katulong. Magpahinga ka na rin kasi dalawang araw ka ng nagbabantay sa pamilya ko," sabi ni Ryan na siyang ikinagulat ko. "Okay," tipid kong sagot nang hindi siya tinitingnan. Napabuntung-hininga ako nang mapansing nakalabas na siya ng kwarto. Pagkatapos kong bihisan si Evara, nagpasya akong maligo muna bago matulog. Mabilis lang akong naligo kasi baka magising ang bata. Umiiya