September 5, 2024 Good evening! It's been awhile at ngayon lang ulit nakapag-update :( Pasensiya na po at medyo naging busy lang, may pinagdaanan din. Starting today, mag-u-update na po ako araw-araw đ«¶
Nagising ako nang maramdaman ang malamig na kamay na dumampi sa pisngi ko. Mabilis akong napabangon sa pagkahiga sa couch ng bahay nila nang nakita si Ryan sa harapan ko. "Sa kwarto ka matulog. Ako muna ang magbabantay sa pamilya ko," sabi niya at binuhat si Evara na mahimbing ding natutulog sa tabi ko. "Sumunod ka sa akin." Pumasok siya sa kwarto namin ni Evara kaya sumunod kaagad ako. Maingat niyang pinahiga ang bata sa kama at nilagyan ng kumot. "Ako na ang bahala sa bata," sabi ko at kumuha ng malinis na pamunas sa katawan ni Evara. "Feel at home, Sabrina. Kung may kailangan ka tawagin mo lang ang mga katulong. Magpahinga ka na rin kasi dalawang araw ka ng nagbabantay sa pamilya ko," sabi ni Ryan na siyang ikinagulat ko. "Okay," tipid kong sagot nang hindi siya tinitingnan. Napabuntung-hininga ako nang mapansing nakalabas na siya ng kwarto. Pagkatapos kong bihisan si Evara, nagpasya akong maligo muna bago matulog. Mabilis lang akong naligo kasi baka magising ang bata. Umiiya
Isang buwan na ang nakalipas mula nang namatay ang mga magulang ni Ryan. Paminsan-minsan ko lang siyang nakikita sa bahay kasi naging abala siya sa kompanya nila. Gumagaling na rin si Daddy, pero hanggang ngayon hindi ko siya nabisita o nakausap man lang. Pinagbabawalan ako ng pamilya niyang bisitahin si Daddy. Wala akong ibang nagawa kundi sundin ang sinabi nila. Nakatira ako sa bahay nila Ryan. Naninibago pa rin ako hanggang ngayon kasi hindi ako sanay na tumira sa ganitong bahay. Nahihiya akong makipag-usap o halubilo sa tuwing may mga bisitang pumupunta - mga kaibigan ng kanilang pamilya. "Ma'am Sabrina, tumawag po pala si Sir Ryan. Pinapasabi niyang susundin daw niya kayo mamaya pagkarating niya ng airport," sabi ni Manang Maya habang naghuhugas siya ng mga pinggan at kumakain naman ako ng pananghalian. "Sige po," tipid kong sagot at ipinagpatuloy ang pagkain. Hapon na nang makauwi si Evara galing sa paaralan. Kasisimula pa lang ng klase nila noong isang linggo, pero parang p
"Hey, Sabrina. I'm asking you," usal ni Ryan na para bang naiinip. "Will you marry me?" "Hindi mo na ako kailangang tanongin, Ryan. May utang ako sa 'yo at mababayaran ko lang 'yon kapag pinakasalan kita." Kinuha ko ang singsing at inilagay ito sa daliri ko tsaka ipinakita sa kaniya. "Papakasalan kita kahit hindi ka pa mag-propose. Tumayo ka na riyan. Para ka namang -" "I'm serious, Sabrina." Tumayo siya at hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Seryoso rin naman ako." "Gusto kitang pakasalan hindi dahil ikaw ang ina ni Evara at may utang ka pa sa akin. Papakasalan kita dahil -" "Gutom lang 'yan. Kumain na lang tayo ng almusal," putol ko sa sasabihin niya at naunang lumabas ng silid. Pagkababa ko ng hagdanan, namilog ang mga mata ko nang isa-isang lumapit ang mga kasambahay sa akin at binigyan ako ng tig-iisang pulang rosas. Kahit nalilito, tinanggap ko pa rin 'yon. "Sir Ryan, nakahanda na po ang lahat," sabi ni Manang Agnes. Napalingon ako kay Ryan. Nakatayo siya sa tabi ko,
Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang bigla niyang siilin ng halik ang labi ko. Pinaglalaruan niya ang labi ko, na para bang pinapahiwatig niya na kailangan kong sabayan ang bawat galaw ng labi niya. Napadaing ako nang kagatin niya ang pang-ibabang labi ko. Hinawakan niya ang batok ko habang hinahalikan ako sa leeg. "Nagkaroon ka ba ng boyfriend habang nasa ibang bansa ka?" tanong ni Ryan. Nangunot ang noo ko sa tanong niya. "W-Wala. Never akong nagka-boyfriend - damn it!" sigaw ko nang bigla niyang hilahin ang ang suot kong damit kaya napunit 'yon. "Good," he smirked. Napakagat-labi nang sinimulan niyang halikan ang dibdib ko habang pinipisil 'yon. "R-Ryan..." sambit ko. Napakapit ako sa balikat niya nang kagat-kagatin niya ang utong ko. "Kailan ka huling nakipag-sex?" tanong niya. "F-Five years ago..." nahihiyang sagot ko. Siya lang naman ang lalaking nakasama ko sa kama. Namilog ang mga mata ko nang bigla niya akong buhatin. Muli niya akong hinalikan habang naglalakad patungo
Mabilis kumalat ang balitang engaged na kaming dalawa ni Ryan. Hindi na bago sa akin ang mga nababasang negatibo tungkol sa akin kasi mayaman at kilalang tao ang mapapangasawa ko. Ako rin ang sinisisi sa biglaang paghihiwalay nina Felicity at Ryan. "Where is the ring?" Nakakunot ang noo ni Ryan at tiningnan ang daliri ko. "Bakit hindi mo suot ang singsing?" "Hindi ako sanay," sagot ko at binawi ang kamay ko sa kaniya. Papasok na sana ako sa loob ng kotse, ngunit humarang siya sa daan. "Kunin mo ang singsing. Huwag mo 'yong aalisin sa daliri mo," utos niya. "May meeting ka ngayon, 'di ba? Mas uunahin mo pa ang singsing na 'yon kesa sa -" "Yes, Sabrina. Kaya kunin mo na sa loob ng bahay sng singsing na ibinigay ko sa 'yo." "Fine!" Padabog akong naglakad papasok sa loob ng bahay upang kunin sa kwarto ang engagement ring. Pupunta kami ngayon sa kompanya nila at expected na rin na maraming media ang nag-aabang sa pagdating namin. Ipinakita ko sa kaniya ang kamay ko bago pumasok sa
Nasa akin ang atensiyon ng lahat nang pumasok kami sa loob ng meeting room. Kinakabahan ako kasi first time kong makita sa personal ang mga mahahalagang tao sa kompanya nila. Hindi rin maganda ang simula ng relasyon namin ni Ryan. Naging fiancé niya lang naman ako dahil kay Daddy at sa anak namin. Hindi rin nagtagal ay nagsisimula na ang meeting. Hindi ako nakakasabay sa mga pinag-uusapan nila kaya inabala ko na lang ang sarili ko sa pagbabasa ng mga dokumento tungkol sa kompanya nila. Napapalingon ako kay Ryan sa tuwing nagsasalita siya at mabilis ko namang binabalik ang atensiyon ko sa binabasa ko. Napahawak ako sa tiyan ko nang maramdaman ang pagkalam nito. Kaunti lang ang kinain ko kanina kasi nahihiya akong hintayin ni Ryan. Napalingon ako sa empleyadong nagdi-distribute ng mga snacks. Mas lalo lang akong nakaramdam ng gutom nang maamoy ang masarap na pagkain. Napakagat-labi ako nang mapansing umalis kaagad ang empleyado matapos silang magbigay ng snacks, pero nagtataka ako kun
Ryanâs POVPinagmasdan ko si Sabrina na mahimbing na namang nakatulog sa study table niya. Mukhang pagod na pagod siya ngayong araw. Today is her first day sa internship niya. Napatingin ako sa sketch pad niya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko nang makita ang mga drawings niya. Binitawan ko ang sketch pad nang bigla siyang gumalaw. Nagpasya akong ilipat siya sa kama nang muntik na siyang mahulog sa mesa. Lalabas na sana ako sa silid nila nang biglang nagising si Evara.âDaddy,â mahinang tawag niya sa akin at bumangon. âDito ka na lang po matulog. Tabihan mo po kami.ââSigurado ka ba na ayos lang sa âyo?âTumango si Evara. Umurong siya at humiga sa gitna. âDito po kayo,â saad niya na kaagad ko naman sinunod. âGood night, DadddyâŠâ she whispered.Hinalikan ko ang noo niya at ipinikit ang mga mata ko upang makatulog na sana, ngunit hindi ako dinadalaw ng antok. Sinulyapan ko Evara. Nakatulog na ulit siya. Pagtingin ko sa wall clock, mag-a-alas dos na ng madaling araw.Hindi ako makatulog
Sabrinaâs POVTiningnan ko ang sarili ko sa malaking salamin pagkatapos akong ayosan ng make-up artist. Hindi pa rin ako makapaniwalang ikakasal na kami ni Ryan ngayong araw. Parang kailan lang tumatakas ako sa pamilya ko noon kasi gusto nilang ipakasal sa akin ang matandang kaibigan ni Daddy na si Edward Lazarus. Ngayon ay ikakasal na ako sa ama ng aking anak kahit na pareho kaming dalawa na walang nararamdaman para sa isaât isa.Nawala ang ngiti sa labi ko nang sumagi sa isipan ko ang mga masasamang salita na natanggap ko kay Daddy nang malaman niyang ikakasal ako kay Ryan. Sinubokan ko siyang imbitahan sa kasal kasi gusto kong nandoon siya sa kasal ko kahit hindi naman namin mahal ang isaât isa ni Ryan. Inimbitahan ko siya kasi malaki pa rin ang respeto ko sa kaniya dahil siya lang naman ang aking nag-iisang ama, pero para niya akong isinumpa nang nalamang ex-fiancĂ© ni Felicity ang papakasalan ko.Ipinaliwang ko kay Daddy ang lahat kaya humantong sa kasalan ang nangyari, pero sarad
Sabrinaâs POVFive years later⊠âHappy Birthday, Maâam Sabrina!â Napakurap ako nang marinig ko ang malakas na sigawan ng mga empleyado mula sa likuran ko. Bigla akong napaikot, at sinalubong ako ng mga nakangiting mukha ng mga empleyado ko. May mga hawak silang mga lobo at streamers, at sa gitna, isang malaking cake na may nakasinding kandila. Napangiti ako. Hindi ko inaasahan âto. Akala ko simpleng trabaho lang ang gagawin ko ngayong araw.âHappy birthday, Maâam Sabrina!â sabay-sabay nilang bati ulit sa akin.Pakiramdam ko ay lumulutang ako sa sobrang saya kahit na taon-taon naman nila akong sinusurpresa. Pero ang saya ko ay biglang napalitan ng gulat nang makita ko kung sino ang may hawak ng cake. Si Felicity. Ang half-sister ko. Ang babaeng halos hindi ko na kilala. Ang babaeng palagi na lang galit sa akin at panay ang paninira sa buhay ko.Nakasuot siya ng isang simpleng damit, pero ang ngiti niya ay tila may kakaibang intensidad. Parang isang nakakalokong plano ang nasa likod
Sabrinaâs POVâMaâam, ayaw tanggapin ng inyong kapatid ang perang pinapabigay ninyo. Gusto ka raw nilang makita,â saad ni Irene sa kabilang linya.âHindi pa tapos ang meeting ko, Irene. Ano na naman ba ang kailangan ng babaeng âyan?â Hindi ko na maitago ang iritasyong nararamdaman ko. Bumuntong-hininga ako. âFine. Pagkatapos ng meeting ko ngayong araw ay didiretso ako riyan,â saad ko at binaba na ang tawag.Habang nasa meeting, hindi ako makapag-focus kasi tawag nang tawag si Felicity sa akin. I had no choice kung âdi ang i-block siya. Hindi rin nagtagal ay natapos ang meeting. Ire-review ko na lang ulit ang mga napag-usapan sa meeting pagkabalik ko galing sa ospital.Nang nasa ospital na ako, kaagad kong hinanap ang room number ng pinaglagyan kay Tita Felicia. Tinawagan ko si Irene nang nasa labas na ako ng kwarto, ngunit hindi niya sinasagot ang tawag. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago pumasok.âFelicity!â sigaw ko nang sampalin niya si Irene habang nakaluhod.âMay pinagma
Sabrinaâs POVLimang buwan na ang nakaraan mula nang mamatay si Ryan. Hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako na buhay siya, pero alam kong imposible ang iniisip ko. Hindi na mabubuhay ang taong namatay, pero gusto kong bisitahin niya ako kahit sa panaginip na lang. Gusto ko siyang makita at sabihin sa kaniyang sobrang namimiss ko na siya. Namimiss na namin siya.âAng lalim na naman yata ng iniisip mo? Si Ryan na naman ba?â tanong ni William sa akin nang pumasok siya sa loob ng kwarto ko. â1 pm magsisimula ang program.ââTapos na akong mag-ayos. Letâs go?â Tumayo ako at kinuha ang bag ko.Simula ngayong araw, ako na ang bagong Presidente ng Jacobs Corporation. Labag man sa loob ko na tanggapin ang posisyon, pero kailangan kong panindigan ang sinabi ko kay William at kay Ryan noong nakaraang buwan. Hindi ito para sa sarili ko, para ito sa kapakanan ng kompanya at pamilya ni Ryan.Maraming tumutol sa pagiging bagong Presidente ko kasi hindi pa raw ako lubos kilala ng mga tao. Sa mga nakaraa
Sabrinaâs POVNasa ospital na ako nang magising ako. Kaagad kong niyakap si Evara nang makita ko siya, umiiyak at hinahanap ang kaniyang ama. Bumukas ang pinto at nakita kong pumasok si William.âNakita ba nila si Ryan?â diretsong tanong ko.Napasinghap ako nang umiling si William. âHeâs dead. Hindi mahanap ng mga pulis ang kaniyang katawan.â Umupo si William sa bakanteng upuan. âHindi siya nakatakas nang sumabog ang bomba. Kasalanan ko âto. Mas nangibabaw ang takot ko kesa isiping maililigtas ko siya.âNagsimula na naman mangilid ang aking mga luha. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko. Wala na siya Ryan. Paano ko sasabihin kay Evara ang nangyari sa kaniyang ama?âMommy, nasaan si Daddy?â tanong ni Evara sa akin.Nanuyo ang aking lalamunan. Kahit isang salita ay hindi ko maibuka ang aking bibig. Niyakap ko ng mahigpit ang aming anak. Sasabihin ko na lang sa kaniya kapag nakauwi na kami sa bahay.Kinausap ako ng mga pulis. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa nang ku
Sabrinaâs POVâHeâs dead,â saad ni William kaya napaupo ako sa sahig habang pinagmamasdan si Edward na nakahandusay. âKailangan nating makaalis dito!ââSi Ryan. Kailangan natin siyang mailigtas,â saad ko at mabilis na tumayo. Kumuha ako ng damit na masususuot sa closet ni Edward.Inalalayan ako ni William palabas ng kwarto ni Edward. Nakita ko ang ibang mga tauhan ni Edward, wala ng buhay. Hinanap namin kung saan ikinulong si Ryan. Tinakpan ko ang aking mga kamay nang bigla kaming pinaputokan ng baril. Binigyan ako ni William ng baril, ngunit hindi ko alam kung paano iyon gamitin.Parang hindi nauubos ang mga tauhan ni Edward kasi hindi kami makagalaw sa pinagtataguan namin. Pinapaulanan nila kami ng pagpapaputok ng baril. Napahawak ako sa hita ko nang bigla akong tinamaan. Napadaing ako sa sakit at hindi na lang pinansin.âMay tama ka!â sigaw ni William.âAyos lang ako. Si Ryan ang kailangan nating makita!â saad ko kay William.Inisa-isa naming binuksan ang mga kwarto, ngunit hindi n
Sabrinaâs POVNapaluhod ako sa sahig habang pinagmamasdan si Ryan na walang-awang binugbog ng mga tauhan ni Edrward. Sigaw lang ako nang sigaw na huwag nilang sasaktan ang asawa ko, pero bakas sa mukha nilang uhaw na uhaw nang pumatay. Nakaupo lang si Edward habang uminom ng wine. Bakas sa mukha niyang tuwang-tuwa sa nasaksihan niya. Pinagsisipa nila ang katawan ni Ryan, wala itong kalaban-laban dahil Nakapusas ang mga kamay at paa nito.âRyanâŠâ paulit-ulit kong sambit. âEdward, parang awa mo na. Tama naâŠâDuguan na ang buong katawan ni Ryan. Namamaga ang labi ang mga bata niya. Parang pinipiga ang puso ko nang marinig ang paulit-ulit niyang pagdaing dahil sa sakit. Hindi ko na rin mapigilan ang pagbagsak ng aking mga luha. Wala akong ibang nagawa kung âdi pagmasdan si Ryan na pinapahirapan.âIkulong siya! Huwag na huwag nâyo siyang bigyan ng pagkain at tubig!â utos ni Edward sa mga tauhan niya na kaagad naman ilang sinunod.âEdward, Nagmamakaawa ako. Ako naman ang kailangan mo, âdi b
Ryanâs POVâWe found him,â saad ni William sa akin nang pumasok siya sa opisina ko.Mabilis akong tumayo at kinuha ang mga papel na hawak niya. Mga kuha ito ng CCTV Footage sa bahay namin at mga larawan ng sasakyan na ginamit nila noong gabing kinidnap si Sabrina.âNasa Lazarus Compound si Sabrina. Papunta na roon ang aking mga tauhan,â dagdag ni William.Hinubad ko ang suot kong black suit. Napatingin ako sa pinto nang bumukas âyon at pumasok si Daniel, ang aking secretary.âIkaw muna ang bahala sa kompanya. Ikanswla mo lahat ng aking mga meeting ngayong araw dahil may mahalaga akong pupuntahan,â utos ko kay Daniel.âPero âââNot buts. Just follow my instructions. Ngayon na kami aalis,â putol ko sa sasabihin ni Daniel.âKailangan natin mag-ingat dahil alam mong mahigpit na pinagbabawal ng mga pulis ang hulihin siya nang walang warrant of arrest. Baka biglang bumaliktad ang sitwasyon at tayong dalawa ang makukulong,â saad ni William nang pumasok kami sa loob ng elevator.Tinawagan ko
Ryanâs POVâI will kill that old man!â sigaw ko pagkatapos kong makausap si William. Tinulongan niya ako sa paghahanap ng lahat ng mga kasagutan ng aking problema lalong-lalo na sa taong nagpapatay sa pamilya ko.Kumuyom ang aking mga kamao. Nanggigigil ako sa galit. Edward Lazarus killed my family. Ayokong pati si Sabrina ay kukunin niya rin sa akin. Sisiguradohin kong ako mismo ang papatay sa matandang âyon.Napatingin ako sa phone ko nang mapansin ang pag-vibrate noân. Mas lalo lang akong nag-aapoy sa galit nang makita ang larawan na ipinadala sa akin. Duguan si Sabrina. Kinakabahan ako baka may ginawang masama ang matandang âyon. That old man is obsessed with her. Alam kong gagawin niya ang lahat makuha lang sa akin si Sabrina, pero hindi ko hahayaang magtagumpay siya sa binabalak niya. Hindi ako papayag na aalisan niya ng ina si Evara. Kailangan siya ng aming anak.Halos paliparin ko na ang kotse ko patungo sa police station upang i-report ang mga nalaman ko. Patungo na rin si Wi
Napabalikwas ako ng bangon nang may narinig akong parang nabasag na bagay. Namilog ang mga mata ko nang makitang nakatali ang aking mga kamay at paa sa kama. Pinasadahan ko ng tingin ang silid at napagtantong hindi ito ang aking kwarto. Napakagat-labi ako nang maramdaman ang pagsakit ng aking tiyan. Bumaba ng paningin ko sa aking paa. Bigla akong kinabahan nang may nakita akong dugo sa aking paa at kumot.Napatingin ako sa pinto nang bumukas âyon, pumasok ang matandang babaeng katulong. May bitbit siyang pagkain na nakalagay sa food tray. Maingat niyang inilagay ang âyon sa bedside table. Namilog ang aking mga mata nang makita kong pumasok si Edward.âNasaan ako?â tanong ko kay Edward nang bigla siyang umupo sa tabi ko.Ang huli kong naalala ay ang malakas na pag-iyak ni Evara. Tiningnan ko ulit ang aking mga paa at kumot na may bahid ng dugo. Mas lalo lang akong nakaramdam ng takot nang sumagi sa isipan ko na baka buntis ako at nakunan matapos suntokin ng armadong lalaki ang aking ti