Share

Chapter 25

"Hey, Sabrina. I'm asking you," usal ni Ryan na para bang naiinip. "Will you marry me?"

"Hindi mo na ako kailangang tanongin, Ryan. May utang ako sa 'yo at mababayaran ko lang 'yon kapag pinakasalan kita." Kinuha ko ang singsing at inilagay ito sa daliri ko tsaka ipinakita sa kaniya. "Papakasalan kita kahit hindi ka pa mag-propose. Tumayo ka na riyan. Para ka namang -"

"I'm serious, Sabrina." Tumayo siya at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"Seryoso rin naman ako."

"Gusto kitang pakasalan hindi dahil ikaw ang ina ni Evara at may utang ka pa sa akin. Papakasalan kita dahil -"

"Gutom lang 'yan. Kumain na lang tayo ng almusal," putol ko sa sasabihin niya at naunang lumabas ng silid.

Pagkababa ko ng hagdanan, namilog ang mga mata ko nang isa-isang lumapit ang mga kasambahay sa akin at binigyan ako ng tig-iisang pulang rosas. Kahit nalilito, tinanggap ko pa rin 'yon.

"Sir Ryan, nakahanda na po ang lahat," sabi ni Manang Agnes.

Napalingon ako kay Ryan. Nakatayo siya sa tabi ko,
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status