Sabrina’s POVPapasok na ako ng kotse nang may napansin akong lalaking nakatingin sa akin. Sinundo ko si Evara kasi didiretso kami sa kompanya dahil gusto siyang makita ni Ryan. Nagtago sa malaking poste ang lalaki nang sumilip ako.“Mommy, hindi pa ba tayo aalis?” tanong ni Evara nang mapansing hindi pa rin ako pumapasok sa loob ng kotse. Chinicheck ko kung sa akin ba ‘yon talaga nakatingin.Naglakad ako patungo sa malaking puno, ngunit pagdating ko roon ay wala akong nakita. Tanging mga basura ang nakita ko kaya Bumalik na lang ako sa kotse. Huminga ako ng malalim at binuhay ang makina ng sasakyan.Pagdating namin sa opisina ni Ryan ay wala siya sa loob. Ang sabi ng kaniyang sekretarya ay may meeting pa raw siya. Habang naghihintay kay Ryan, binihisan ko na lang muna ang anak namin kasi naliligo na sa pawis si Evara.Napatingin ako sa pinto nang bumukas ‘yon. Pumasok si Ryan, nakakunot ang noo, na para bang pinagsakluban ng langit at lupa.“Kanina pa ba kayo?” tanong ni Ryan nang ma
Sa Maldives kami nagbakasyon ni Ryan, isa sa mga bansang nais kong mapuntahan. Hindi namin sinama si Evara kasi may pasok ang bata. Dalawang linggo lang kaming mananatili rito kaya susulitin ko ang bawat araw. Tiningnan ko ang aking sarili sa malaking salamin upang i-check kung hindi ba malaswang tingnan ang suot kong swimsuit kahit siya lang naman ang makakakita sa akin. Nasa isang private resort kami na pagmamay-ari ng kanilang pamilya. Hindi ko aakalain na mararanasan ko ang mga ganitong bagay na nakikita ko lang sa mga ads noon. Pagdating ko sa swimming pool ay nakita ko si Ryan na nakaupo sa gilid ng pool habang may kausap sa phone niya. Dahan-dahan akong bumaba sa pool upang maligo. Binaba niya ang tawag nang makita niya ako. Napalunok ako nang bigla siyang sumisid patungo sa akin. Hinalikan niya ang leeg ko, pababa sa aking dibdib, at dahan-dahang hinawakan ang aking suso. "Mas lalo kang gumaganda kapag nakahubad," bulong niya at mabilis na inalis ang suot kong bra. Napada
Gumala kami kahit saan ni Ryan. Pinaranas niya sa akin ang mga bagay na hindi ko pa nararanasan noon. Masasabi kong ibang Ryan ang kasama ko ngayon. Hindi na siya ang dating Ryan na nakikilala kong selfish. Sa tingin ko seryoso talaga siya sa mga sinabi niya sa akin na gagawin niya ang lahat upang mahulog ang loob ko sa kaniya. Kahit kabaitan ang pinapakita at pinaparamdam niya sa akin, hindi ko pa rin maiwasang mag-isip na baka may kapalit na naman ang lahat ng ginagawa niya para sa amin. Inayos ko ang aming mga gamit, ngayon ang uwi namin sa Pilipinas. Ang bilis ng araw, hindi ako makapaniwalang tapos na kaming magbakasyon sa Maldives. Babalik na naman kami sa dati. Magiging busy na naman siya sa kompanya nila. "Are you done?" tanong ni Ryan sa akin pagkalabas niya ng banyo. Tumango ako. "May mga gamit ka pa bang ilalagay sa maleta mo?" "Wala na. Let's go?" Sabay kaming lumabas ng hotel. Nakasunod naman sa amin ang mga tauhan niya, bitbit ang aming mga gamit. Napatingin ako sa
Napabalikwas ako ng bangon nang may narinig akong parang nabasag na bagay. Namilog ang mga mata ko nang makitang nakatali ang aking mga kamay at paa sa kama. Pinasadahan ko ng tingin ang silid at napagtantong hindi ito ang aking kwarto. Napakagat-labi ako nang maramdaman ang pagsakit ng aking tiyan. Bumaba ng paningin ko sa aking paa. Bigla akong kinabahan nang may nakita akong dugo sa aking paa at kumot.Napatingin ako sa pinto nang bumukas ‘yon, pumasok ang matandang babaeng katulong. May bitbit siyang pagkain na nakalagay sa food tray. Maingat niyang inilagay ang ‘yon sa bedside table. Namilog ang aking mga mata nang makita kong pumasok si Edward.“Nasaan ako?” tanong ko kay Edward nang bigla siyang umupo sa tabi ko.Ang huli kong naalala ay ang malakas na pag-iyak ni Evara. Tiningnan ko ulit ang aking mga paa at kumot na may bahid ng dugo. Mas lalo lang akong nakaramdam ng takot nang sumagi sa isipan ko na baka buntis ako at nakunan matapos suntokin ng armadong lalaki ang aking ti
Napabalikwas ako ng bangon nang may narinig akong nabasag na bagay sa labas ng kwarto ko. Hindi ko mapigilang kabahan nang narinig ko ang pagsigaw ni Daddy. "Huwag muna ngayon, Felicia! Kalilibing lang ni Sarah!" sigaw ni Daddy. Simula nang tumira ako rito ay palagi ko silang naririnig na nag-aaway ni Tita Felicia. Hindi ko rin nakakasundo ang tatlo kong kapatid kasi anak daw ako sa labas. Halos araw-araw nila akong pinagsasabihan ng kung anu-ano. Wala rin akong balak patulan sila kasi totoo naman. Anak ako sa labas ni Daddy. Bunga ako ng pagkakamali. At ako ang dahilan kaya muntik ng maghiwalay si Daddy at ang asawa niyang si Tita Felicia. Humiga ako sa kama habang niyayakap ang larawan ni Mommy. Hindi pa rin ako makapaniwalang wala na siya. Ang bilis-bilis ng oras. Kanina lang namin siya inilibing at ngayon ay nasa bahay na ako ni Daddy. Kinupkop niya ako kasi wala na akong ibang matutuloyan. Nangungupahan lang kasi kami ni Mommy at si Daddy naman ay may sarili ng pamilya. N
Ikinulong nila ako sa kwarto ko. Bantay sarado ako ng mga kasambahay at tauhan ni Daddy. Iyak lang ako nang iyak buong araw. Palagi akong nagmamakaawa kay Daddy na huwag niyang ituloy ang engagement namin ni Edward. Pero parang bingi si Daddy. Sinabi niya sa akin na hindi na pwedeng umurong kasi nakapagbayad na raw si Edward. Ayokong makasal sa matandang lalaki na 'yon. Magiging caregiver niya lang ako. Mas matanda pa nga 'yon kaysa kay Daddy. Napalingon ako sa pinto nang bumukas ito at pumasok si Ate Felicity. May bitbit siyang gown na kulay asul. Ito siguro ang susuotin ko mamaya. Nag-iwas ako ng tingin nang ilagay niya sa ibabaw ng kama ang gown. "Anong tinutunganga mo pa riyan? Magbihis ka na kung ayaw mong magalit na naman sina Mommy at Daddy sa 'yo!" singhal ni Ate Feli at tiningnan ang sarili niya sa salamin. "Ayoko. Hinding-hindi ako lalabas sa kwartong 'to," saad ko at inilayo sa akin ang gown. "Tama na ang pag-iinarte, Sabrina! Papakasalan mo lang naman si Edward. Pagkat
Pinulot ko agad ang mga gamit ko sa sahig nang nagising ako. Kailangan ko ng umalis bago magising ang lalaking nakasama ko kagabi. Babalik pa ako sa traveller's inn upang kunin ang mga gamit ko roon. Nandoon lahat ng mga dokumentong kakailanganin ko sa pag-apply ng trabaho. Chineck ko muna ang lahat ng mga gamit ko bago ako nag-check out. Nakahinga ako ng maluwag kasi umabot pa ako. Kapag nahuli ako ng dating kahit isang oras lang, magbabayad na naman ako uli. Baka maubos ang ipon ko. Kailangan kong magtipid simula ngayong araw kasi wala pa akong trabaho. I-susumite ko pa ang mga requirements na 'to sa kompanyang ina-apply-an ko. Pagkatapos kong i-sumite ang mga requirements, inubos ko ang natitirang oras ko sa paghahanap ng matutuloyan. Bukas ay magsisimula na akong magtrabaho bilang isang janitress sa Jacobs Corporation. Hindi kasi ako nakapagtapos ng pag-aaral kasi kapos sa pera. Kahit bed space o maliit na kwarto ay ayos lang sa akin. Ang importante ay hindi ako matutulog sa da
Napahawak ako sa pisngi ko nang sampalin ako ni Daddy ng malakas. Namamanhid na ang pisngi ko kasi apat na silang sumampal sa akin. Si Edward, Ate Feli, Tita Felicia, at si Daddy. "Look what you have done, Sabrina!" sigaw ni Daddy at sinampal ang kabilang pisngi ko. "Anong ginawa mo kay Edward? Nag-aagaw buhay siya! Si Edward na lang ang pag-asa nating maisalba ang kompanya, pero anong ginawa mo? Pinabugbog mo pa siya!" "Dad, hindi ko siya pinabugbog -" "Ang lakas ng loob mong sumagot kay Daddy, Sabrina!" putol ni Ate Feli sa sasabihin ko. "Ipapakulong kita kapag may nangyaring masama kay Edward!" galit na singhal ni Daddy. Nag-angat ako ng tingin sa kanya kasabay no'n ang pagbagsak ng mga luha ko. "Dad, wala akong kasalanan. Hindi ko nga kilala ang lalaking gumawa nito kay Edward. Huwag niyo po akong ipakulong..." "Kung sinunod mo lang sana ang sinabi ko hindi aabot sa ganito ang problema natin, Sabrina!" Dinuro-duro ako ni Daddy. "Anong gagawin mo ngayong nanganganib ang buhay