Mari Demia was already in a relationship with someone until she fell into her parent's trap. She married a man she had only met that day. She married Austin, a famous player (playboy). To protect herself from him, she made a contract and made him sign it. She thought that that contract could save her from him, not until something happened between them during the last night of their honeymoon. Her hate for Austin intensified when she found out that she was pregnant with his baby. To get revenge on Austin, she must hide her hatred for him and seek out his soft spot (his heart), causing him to fall in love with her and break his heart. Where will her defiance lead her? Will she be able to handle it all once she discover Austin's secret?
Lihat lebih banyak"Hindi s'ya nararapat sa 'yo, kaya huwag mo nang ipilit kung ano man ang mayroon kayo," matigas na saad ng Daddy ni Mari.
"Fix yourself, may pupuntahan tayo," anang Mommy naman nito.
"Little sis, stop being so stubborn, at makinig ka sa amin, he is no good for you," anang Kuya Miguel nya. Bihis na bihis na ito maging ang Kuya Beni n'ya, tanging si Mari na lang ang hindi pa bihis.
"Harry is a good man, 'wag n'yo naman maliitin 'yung tao," galit na saad ni Mari.
Her father hissed.
"Not now Mari! Never mention that bastard's name, I'm warning you," galit na saad ng Daddy n'ya.
"Magbihis ka na kasi, napagalitan ka pa tuloy," sisi sa kan'ya ng Kuya Beni n'ya.
Inis na tumalima si Mari, kahit kailan hindi talaga nila binibigyan nang mga ito ng pagkakataon ang nobyo ni Mari na makilala ito at makadaupang-palad.
Pinabackground check daw ng Daddy n'ya si Harry, at napag-alaman daw nito na isang masamang tao ang nobyo n'ya, pero hindi naniniwala si Mari sa mga pinagsasabi ng pamilya n'ya dahil mas kilala n'ya si Harry more than anyone.
Mabilis na nakapa-ayos ng sarili si Mari at nakapagbihis nang magandang damit.
Agad na pinasakay na s'ya ng Mommy nya sa loob ng van. Halos isang oras lang ang binyahe nila papunta sa isang rest house.
Pagkababa na pagkababa nila ay agad na sinalubong sila ng isang mag-anak, tahimik lang sa isang tabi si Mari habang nakikipag-kumustahan pa ang pamilya n'ya at sa mag-anak na sumalubong sa kanila.
Pinakilala s'ya ng kan'yang mga magulang sa mag-asawang Lagdameo, kasunod ay ipinakilala na s'ya sa bunsong anak ng mga ito na si...si Austin Lagdameo.
Napakuyom ang isang kamay ni Mari, dahil sa dinami-dami pa ng lalaki sa mundo, kay Austin Lagdameo pa talaga s'ya nakatakdang ikasal, kilalang playboy ito at araw-araw kung magpalit ng babae, halos lahat babae sa campus natikman na nito, well except Mari.
Pansamantalang iniwan silang dalawa ni Austin para makilala ang isa't isa.
"Austin Lagdameo," sabay abot ng kamay nito, iba ang titig nito kay Mari at hindi maalis ang ngisi nito.
"Drop the formality, I don't want to get married with you, may boyfriend ako at s'ya ang gusto kong pakasalan," matapang na saad ni Mari.
Napangiti si Austin dahil sa tinuran ng dalagang kausap.
"Good! Hoooo! I don't wanna get married with you, too. Already settled then," masayang saad ni Austin. Parang nabunutan ito ng tinik sa lalamunan dahil sa pagiging pranka ni Mari.
Ilang minuto lang ay kinausap nila ang pamilya nila para ipaalam sa mga ito na pareho silang tutol sa kagustuhan ng kanilang magulang na ipakasal silang dalawa.
"Nakapagdesisyon na po kami, sana respetuhin n'yo 'yon," magalang na saad ni Mari.
"I second the motion," support ni Austin.
"Sabi ko na nga ba at mangyayari ito," anang Daddy ni Austin, pinatawag na nito ang pari.
Lumabas ang pari mula sa isang silid, naka-ready na ito.
"Medyo bilisan lang natin at magbabyahe pa po ako pa-Manila," anang pari.
Parehong nanlaki ang mga mata nina Austin at Mari, di nila akalain na gagawin sa kanila ng pamilya nila ang ganitong ka-desperadong bagay.
"What the hell is this?" galit na saad ni Austin.
Isang pagkasa ng isang shotgun ang nagpalamig sa buong sistema ni Mari, ang Kuya Beni at Kuya Miguel n'ya may mga hawak na shotgun at nakatutok ang mga 'yon kay Austin.
"Kuya Miguel! Kuya Beni! Ano ba? Ibaba n'yo yan!" galit na saad ni Mari sa mga kapatid n'ya.
"Just shut up, Mari! Makipag-cooperate ka na lang!" inis na saad ng Kuya Miguel n'ya.
Nagsimula na ang seremonya ng isang simpleng kasalan.
Hanggang dumako ang tanong sa—
"Austin Lagdameo, do you take Mari Demia to be your lawfully wedded wife?" dalawang beses na inulit ng pari ang katanungan na 'yon pero walang naging tugon si Austin.
Naubos ang pasensya ng kapatid ni Mari na si Miguel kaya itinutok nito ang hawak na shotgun sa sentido ni Austin.
"Just say, I do, para hindi agad matapos ang maliligayang araw mo," mahinahong saad ni Miguel.
Pero ang tanging sagot na natanggap ni Miguel mula rito.
"No."
Ramdam ni Mari ang tensyon akmang magsasalita sana s'ya pero may isang estranghero ang umepal.
Isang matandang lalaki na halos kaedad lang Daddy ni Mari ang umeksena may mga kasama itong armadong lalaki.
"Renato! Ano 'to? Bakit ipinapakasal mo ang anak mo sa iba? Hindi ba't sa akin s'ya dapat makasal?" galit na saad ng matandang lalaki.
"Umalis ka na Dante!" Agad na nilapitan ito ng Daddy ni Mari at ipinagtulakan ito palabas ng bahay ng mga Lagdameo.
"Kukunin ko ang anak mo! Hindi s'ya maaaring ikasal sa ibang lalaki, sa akin lang!" hindi napigil ng Daddy ni Mari ang matandang lalaki na nagngangalang Dante, dahil inundayan ito ng suntok ng mga tauhan nung Dante.
Nakipagsuntukan na ang mga kapatid ni Mari para lang hindi makalapit si Dante at ang mga tauhan nito kay Mari. Tumulong na din ang Daddy ni Austin at ang isa pa nitong kapatid na lalaki ngunit sadyang madami at malalakas ang mga tauhan ni Dante.
Hanggang sa makalapit si Dante kina Mari at Austin.
Walang sabi-sabi na hinawakan nito si Mari sa braso at pwersahang hinila palayo kay Austin.
"Matagal akong naghintay hanggang sa mahinog ka, tapos ngayon ipapakasal ka lang ng magulang mo sa isang totoy? Mari ikaw ang kabayaran ng pamilya mo sa pamilya ko, hindi ba nasabi sa iyo ng mga magulang mo?" nakangising tanong ni Dante.
Gulat at naguguluhang napatingin si Mari sa Daddy niya na ngayon ay duguan, naunang ibinaba nito ang tingin, at dahil doon ay nakuha na niya ang sagot na hinihingi mula dito.
"No, mas gugustuhin ko na lang ang mamatay kesa mapunta o makasal sa isang tulad mo!" matapang na saad ni Mari.
"Gan'on?" mas lalong hinigpitan nito ang pagkakahawak sa braso ng dalaga dahilan para mapangiwi ito sa sobrang sakit.
Napa-igik si Mari dahil sa ginawa ni Dante, at pilit na kumakawala sa mahigpit na pagkakahawak nito.
"Ano ba? Bitiwan mo ako you old geezer!" singhal ni Mari sa matanda.
Nagtagis ang bagang ni Austin dahil sa ginawang pananakit ng Dante na 'yon kay Mari. Kinuha ni Austin ang mga singsing na nakalatag sa maliit na table at sinuot n'ya ang isa sa kan'yang palasingsingan.
'Di na nakapagpigil pa si Austin hinawakan nito ang braso ni Mari at pasimpleng isinuot ang singsing sa pala-singsingan nito.
"Get off your filthy hand out of my wife's precious arm," kalmadong saad ni Austin pero bakas ang galit sa mga mata nito.
Kapwa natigilan sina Dante at Mari dahil sa tinuran ni Austin.
Napatitig si Mari kay Austin habang nakikipagsukatan ito ng tingin kay Dante.
Isang nakaka-insultong tawa ang pinakawalan ni Dante.
"Your wife? In your dreams, I heard that you already said no, kaya wala kang karapatan na angkinin si Mari!" galit na saad ni Dante.
"Really? You're late, our wedding was coming to an end when you arrived," napangisi si Austin at sabay pakita ng wedding ring nila ni Mari na nakalagay na sa mga daliri nila.
Hindi pinansin ni Austin ang bumangon na galit sa mga mata ni Dante.
"Father, what's the last part of the ceremony again?" tanong dito ni Austin.
Agad na nakuha ng pari ang ibig sabihin ni Austin.
"You may now kissed the bride," deklara ng pari.
Hindi pa rin binibitawan ni Dante ang braso ni Mari kaya ubod lakas na hinila ni Austin ang braso ni Mari na hawak n'ya, 'di naman nabigo si Austin agad na hinapit nito ang beywang ni Mari palapit sa kan'ya.
Sa bilis ng pangyayari ay halos hindi makasabay si Mari sa mga eksena para s'yang dahon ng punong kahoy na sumasabay lang sa ihip ng hangin.
Hindi maialis ni Mari ang tingin kay Austin, umaalon sa kaba kaniyang dibdib at palakas nang malakas ang pagkabog ng kaniyang puso, nais niyang tumutol ngunit mas naunang nahigit niya ang paghinga nang biglang bumagal ang pag-inog ng kaniyang mundo nang sumunod na pangyayari.
"Mari Demia, I do."
And Austin sealed it with a kiss.
Mari is now married to a man she only met today.
7e Tahimik na kumakain ang magkaibigang Rebi at Mari sa loob ng cafeteria, hindi nila makuhang magsaya dahil pinagalitan silang lahat na mga student council na nasa assembly kahapon ng President ng Montriego University. Walang kibuan ang magkaibigan, tahimik na kumakain ng fries si Rebi, samantalang panay lang ang inom ni Mari ng iced tea. Pansin ni Rebi na malalim ang iniisip ng kaibigan kaya binagsag na nito ang katahimikan na namamayani sa pagitan nilang dalawa. "It was our fault, we jump to our judgment without digging deeper about the truth." Panimula ni Rebi. Napaangat nang tingin si Mari sa kaibigan, at napataas ang isang kilay nito. Ibinaba ni Mari ang hawak na baso na hindi inaalis ang tingin sa kaibigan. Hindi rin nito nagustuhan ang tinuran ni Rebi. "Our fault? Rebi, totoo lahat ng accusations natin sa grupo na 'yon. His members are doing monkey business inside our school. And he's just trying to cover up his member's illegal activities. He just pull some strings
7d Busy na ang lahat ng student council officers para sa yearly assembly ng lahat ng organization leaders at kasama na sila roon. Mapupuno na ang mga upuan na inihanda nila dahil nagsipagdatingan na ang karamihan at kakaunti na lang ang hinihintay. Napatingin si Mari sa kaniyang relo dahil malapit na magsimula ang kanilang assembly meeting. Lumapit si Rebi kay Mari at dala-dala nito ang mga listahan ng mga um-attend. Napalingon at napangiti si Mari sa pintuan social hall nang makita nito ang lalaking pumasok doon. Sinundan ni Rebi nang tingin kung saan nakatingin ang kaibigang si Mari, napatitig din ito sa lalaking nakangiti na patungo sa direksyon nila. Huminto sa harap nila at binati ito ni Rebi. "Welcome back, Pres. Harry." "Thank you, Rebi." Nakangiting saad ni Harry. Harry Wilson na boyfriend ni Mari, ang President ng student council. "Balita ko naaksidente ka raw, Pres." Usisa ni Rebi dito. "Yeah, halos tatlong linggo rin ang itinagal ko sa ospital dahil sa dami ng
7c Naglalakad sila sa hallway ng department nila pero mukhang hindi stress si Mari ngayon kahit na halos ma-stress si Rebi sa mga papers na ipinapapasa ng mga officers bago matapos ang first semester. Halata ni Rebi na sobrang saya ng kaibigan at medyo blooming ito ngayon. "Anong meron?" Hindi napigilan ni Rebi na magtanong sa kaibigan. Isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi ni Mari. "Bati na ba kayo ni Austin?" Tanong ni Rebi. Dagliang nawala ang ngiti ni Mari at agad na sumimangot ito. "Huwag mo nga mabanggit-banggit ang pangalan ng damuho na 'yun." Inis na saad ni Mari. "Pangalan pa lang nakakasira na ng araw." Dagdag pa nito. "Oo na, hindi ko na babanggitin pangalan ni you know who. Pero hindi naman sa pagiging marites, mukha ka kasing nadiligan, napaka-blooming and happy mo today." Pansin ni Rebi. Napalo ni Mari si Rebi sa braso dahil medyo napalakas ang pagkakasabi ng kaibigan sa word na 'nadiligan' baka kasi maraming makarinig. Napa-aray si Rebi at nasapo nito an
7b Paglabas ni Austin ng office ay dumiretso ito ng living room ng TAU house, nadatnan niya na maraming kliyente ang mga miyembro. Binati siya ng mga ito isang tango lang ang naging tugon ni Austin sa mga ito. Naupo siya sa isang sulok at pinagmasdan ang mga miyembro niya na hindi magkandaugaga sa pag-asikaso sa mga kliyente ng mga ito. Natutuwa siya habang pinagmamasdan ang ilan sa kanila na nagbago ang buhay matapos makapasok at maging miyembro ng fraternity nila. Ang fraternity na itinayo niya ay iba ang hangarin, hindi ito katulad ng ibang fraternity na nasasangkot sa gulo at patayan. Ang kanilang initiation ay hindi nahahaluan ng pisikal na pananakit. Kilala na ang pangalan ng fraternity nila sa buong Pilipinas, marami ang sumasali ngunit bilang lang sa kamay ang pumapasa. TAU ALPHA PHI Fraternity is exclusive only for college boys na enrolled sa Montreal University they don't cater students from other school. Kaya nam
7a Napabangon si Austin mula sa pagkakahiga niya sa sofa dahil sa sobrang ingay sa living room ng TAU house, inis na tumayo ito at agad na tumungo doon. Lumabas ito ng sariling office at dire-diretso sa living room. "What's with the fucking noise?" Sigaw ni Austin sa mga miyembro ng fraternity niya na nagkakasiyahan. Natigilan ang lahat nang makita siya ng mga ito. Ngunit hindi ang mga kaibigan nitong sina Polaris, Orion, Sid, at Ned. Napasipol si Polaris nang makitang nakasuot lang ng puting robe si Austin. "Ehem Supremo, outside de kulambo ka ba kagabi?" Nakangising tanong ni Polaris sa kaibigan. "Outside de condo kamo." Segunda pa ni Orion sa kapatid. "No way! Pinalayas ka ba ni Kumander?" Natatawang saad ni Sid. "Mga ulol." Austin raise his middle finger to his friends. Napuno nang tawanan ang living room ng TAU house. "So, how's your client kagabi? Satisfied ba?" Ani Ned.
6eWalang imik si Mari habang kumakain kasama ang kaibigang si Rebi sa cafeteria. Marami siyang biniling pagkain dahil hindi siya nakapag-almusal kanina dahil sa naging eksena nila ni Austin sa condo.Hindi niya napaalis si Austin kaya buwisit na buwisit siya ngayong umaga.Hindi ni Mari napansin na pinagmamasdan pala siya ng kaibigang si Rebi."Hinay-hinay sa pagkain, Babae. Sa dami nang binili mong pagkain baka gusto mo mag-share?" Natatawang saad ni Rebi.Pansamantalang tumigil si Mari sa pagkain at pinunasan muna nito ng tissue ang bibig bago magsalita. Napatuwid ito nang upo saka tinapunan nang tingin si Rebi, sabay lapag ng french fries sa harap nito."So, how was your dinner with your parents?" Curious na tanong ni Rebi sa kaibigan."He's like a fucking saint in front of my family," inis na saad ni Mari."Hindi pa rin ba umaamin?" Tanong ulit ni Rebi habang ngumangata ng french fries.Umiling si Mari."Mati
6dHindi agad sila nakakibo nang magtama ang kanilang mga mata, ilang segundo pa ang lumipas bago nila napagtanto na nasa isang nakakahiyang sitwasyon silang dalawa. Napasigaw si Mari at agad na itinabing ang kurtina sa hubad nitong katawan samantalang si Austin naman ay hindi magkandatuto kung paano itatago ang kaniyang 'mini me' sa loob ng kaniyang pantalon.Sa loob pa lang ng comfort room ay nagsiliparan na ang mga mga sabon, bote ng shampoo, bote ng conditioner, at kung anu-ano pa.Walang nagawa si Austin kundi ang salagin ang mga binabato sa kaniya at agad na tumakbo palabas ng comfort room.Nang makitang wala na si Austin ay agad na binuksan ni Mari ang kurtina at nagmamadaling kinuha nito ang kulay puting robe saka isinuot.Wala nang punas-punas, tumutulo pa ang tubig sa buhok ni Mari nang lumabas ng comfort room, nagngingitngit ito sa galit nang makita si Austin na nasa sala, namutla ito nang makitang papalapit siya sa dir
6cPagkasundo ng family ni Mari kina Austin at Mari ay agad na dumiretso ang mga ito sa bahay ng mga Demia at doon na nagdinner, inaya din ng Mommy ni Marie si Rebi pero tumanggi ito sa kadahilanang hinihintay din ito ng sariling pamilya na makauwi kahit na ang totoo ay ayaw din nitong makasama si Austin.Ngayong nasa harap sila ng hapagkainan ay panay ang bida ng Mommy ni Mari kay Austin ng mga putahe na niluto nito.Wala naman imik si Mari, nakatuon lang ang buong atensyon nito sa mga pagkain na nasa sariling plato. Hinahayaan na pumasok sa kabilang tainga at lumabas sa kabila ang mga papuri ng pamilya niya kay Austin kahit na sa totoo lang ay muhing-muhi siya dito.Sige lang ang hiwa ni Mari sa steak na nasa plato, tahimik na pinanggigigilan nito ang karne dahil sa isip nito ay si Austin ang hinihiwa nito.Bahagyang natigilan si Mari ng biglang tanungin ng kaniyang Daddy si Austin about sa mga pasa nito sa mukha."Ah nap
6b (Continuation) "So be it, at kapag nalaman ko na kasabwat kayo? Idadamay ko kayong lahat," matapang na saad ni Mari. Hindi naman natinag si Polaris. "Let's go Rebi, uuwi na tayo," ani Mari. Parang nakahinga nang maluwag sina Polaris nang sabihin ni Mari na uuwi na ang mga ito ibig sabihin lang n'on ay wala na itong balak na magfile ng case. Bumalik na ito sa kwarto at inayos lahat ng gamit, gan'on din ang ginawa ni Rebi. Naka-ready na ang lahat ng gamit nila, isasakay na lang sa loob ng van pero paglabas nila hindi nila inaasahan na hinihintay na pala sila nina Polaris, ready na rin ang mga gamit ng mga ito. "What's the meaning of this? That's my van maghanap kayo ng masasakyan niyo pauwi," ani Rebi. "Walang masasakyan dito papuntang bayan, once a week lang nagkakaroon ng byahe dito," paliwanag ni Orion. "I don't care, get off my car, find yours," damay lahat ng kaibigan ni Austin sa galit at inis ni
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen