Bumalik sa huwisyo si Mari nang mapansin na tumigil sila sa airport.
Napakunot ang noo ni Mari at hindi niya gusto ang nararamdaman.
"Kuya, bakit dito? Anong—?" 'di pa tapos magsalita si Mari nang agad na nagsalita ang Kuya Miguel niya.
"Baba na bunso," utos nito.
Magsasalita sana si Mari pero ipinagbukas na siya ng pintuan ng Kuya Miguel niya at wala na siyang nagawa kundi ang sundin ito.
May kinuha itong isang traveling bag at agad na isinukbit sa balikat nito.
"Tara na," ma-awtoridad na utos sa kaniya nito.
Pagpasok nila sa loob ng airport ay kinabahan na nang todo si Mari.
Inilibot niya ang paningin hanggang sa mapako ang paningin niya sa lalaking nakasuot ng white T-shirt at denim short, nakasuot din ito ng gray Cap, palapit ito sa kanilang magkapatid.
Sa kilos, tindig, at sa hilatsa ng pagmumukha kahit malayo ay agad na nakilala ito ni Mari.
"Kuya Miguel! What is the meaning of this?" inis na tanong ni Mari sa kapatid.
Pero imbes na sagutin siya nito ay ang bag nitong nakasabit sa balikat ang ibinigay sa kaniya at isang ticket.
Aapela sana si Mari pero agad na inunahan na siya ng Kuya Miguel niya.
"Mari, sana maintindihan mo kung bakit nagawa namin ito sa iyo. He's the only one we know who can save you. Kaya sana, I want you to be good to him," mahinang saad at pakiusap sa kaniya ng kaniyang Kuya Miguel.
Ipinaliwanag naman sa kaniya ng pamilya niya kung bakit nagawa ng mga ito na ipakasal siya sa isang katulad ni Austin Lagdameo.
Ang ikinasasakit lang ng loob niya ay bakit hindi matanggap ng mga ito ang nobyo niyang si Harry gayong ito ang mahal niya.
Bakit hindi si Harry?
Sumikip ang dibdib niya nang maalala ang sinabi ni Austin na ang pamilya naman niya ang nagpupumilit na makasal siya dito.
"What do you mean by that I need to be good to him?" napalunok si Mari habang hinihintay ang magiging sagot ng Kuya niya.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Miguel, ibinaba nito ang tingin na tila ayaw makita ang galit sa mga mata ng bunsong kapatid.
"Just give him anything that he want," walang patlang na saad ni Miguel.
Pagkarinig na pagkarinig n'on ni Mari ay parang gusto niyang magwala sa harap ng kapatid, o 'di kaya naman ay takasan ang lahat at magpakalayo-layo. Ngunit, alam niyang hindi niya matatakasan ang sitwasyon na kinasasadlakan kaya kailangan niyang panindigan ito para sa kaniyang pamilya.
Pero hindi ibig sabihin n'on ay bibigay na siya sa mga kagustuhan ni Austin.
Nakatingin si Mari kay Austin habang papalapit ito sa kanila. May nabuo nang plano sa kaniyang isipan, marami siyang gustong malaman na hindi sinasabi sa kaniya ng kaniyang sariling pamilya, at nais din niyang malaman ang dahilan kung bakit siya pinakasalan ni Austin. At sa pamamagitan nang plano na naisip niya ay mapapalaya niya ang sarili mula sa pagiging asawa ng isang Austin Lagdameo.
Tumigil si Austin sa harap nilang magkapatid, at binati nito ang dalawa.
"Please take care of my one and only sister," seryosong saad ni Miguel kay Austin.
"Don't worry I will," assurance ni Austin.
Napansin ni Miguel na hindi umiimik ang bunsong kapatid kaya hinawakan niya ang magkabilang balikat nito at marahan na ipinihit ang kapatid paharap sa kaniya.
"From now on, you need to behave yourself, hindi ka na dalaga, you're married now. And...I'm sorry," 'yon lang ang kayang sabihin ni Miguel sa kapatid dahil iyon lang ang mga salitang kayang ipampalubag sa nagrerebeldeng damdamin ng kaniyang kapatid.
Walang salitang namutawi sa mga labi ni Mari ngunit ang puso niya halos magwala sa galit, pakiramdam niya ngayon ipinamimigay siya ng kaniyang sariling pamilya sa walang kwentang lalaki.
Matapos makapag-paalam ni Miguel sa kapatid.
"Sabi ni Mommy, after ng one week honeymoon niyo dumiretso muna kayo sa bahay," ani Miguel.
Tumango at ngumiti naman si Austin, at tinawag nitong Kuya si Miguel.
Parang pusa lang si Mari na nakasunod kay Austin, hanggang sa makasakay sila ng eroplano. Magkatabi sila nang upuan.
Hindi na nakatiis si Mari kaya inunahan na nito si Austin.
"Walang magaganap na honeymoon," matigas at mahinang saad ni Mari.
Biglang nagsalita ang nakapikit na si Austin.
"Then why you're here with me?" sarkastikong tanong nito kay Mari.
"Wala akong choice, pero hindi ibig sabihin n'on I will give in to you." Paglilinaw dito ni Mari.
Isang pagak na tawa ang narinig ni Mari mula kay Austin, na mas lalong ikinabangon nang inis niya dito.
"As if I'm too interested in you, para umabot ako sa stage na I will make love to you," pang-iinsulto ni Austin kay Mari.
That moment parang sinampal si Mari.
"The feeling is mutual," balik ni Mari kay Austin.
Iminuwestra na lang ni Austin ang kamay na give up na siya sa pakikipagtalo kay Mari.
Ilang minuto na katahimikan ang namayani sa pagitan ng dalawa hanggang sa biglang humingi si Mari ng papel at ball pen sa isang stewardess. Agad na inabutan naman siya nito ng kaniyang mga hinihingi.
Habang nasa flight ay panay ang sulat ni Mari sa papel.
Twenty minutes bago makarating ng Boracay ay nagising na si Austin.
"Finally, gising ka na, pakipirmahan na lang 'yan," sabay nguso ni Mari sa papel na may nakasulat at nakalatag sa harap ni Austin.
Kinusot-kusot pa ni Austin ang mga mata at nakailang kurap pa ito bago mabasa nang malinaw ang mga nakasulat sa papel.
"Ano 'to?" natatawang saad ni Austin.
"Kontrata. Kontrata na nagsasaad ng mga pwede at hindi natin pwedeng gawin sa isa't isa," paliwanag ni Mari.
"Tsss. Kailangan pa ba nito? Ano tayo teenager?" nang-iinis na saad ni Austin.
"Pirmahan mo na lang, ang dami mo pang sinasabi. Kung may gusto ka pang idagdag isulat mo na lang," inis na saad ni Mari.
"We don't need this, lalaki akong kausap, kung ayaw mo eh 'di huwag!" dagdag pa ni Austin.
"Sigurista akong tao, hindi napapatunayan sa korte ang mga salitang pwedeng baguhin at pabulaanan lang ng isang lalaking katulad mo, kaya kung ako sa iyo pirmahan mo na iyan," maawtoridad na saad ni Mari dito.
Hindi umimik si Austin, nakatuon ang atensyon nito sa pagbabasa sa papel na may mga nakalagay na rules and regulation under their marriage.
Ilang sandali pa ay tumikhim na si Austin.
"So, you still want to continue your relationship with your boyfriend kahit na kasal na tayo?" hindi makapaniwalang tanong ni Austin kay Mari.
Tumango si Mari.
"Same goes for you, bahala ka kung gusto mong mambabae, walang kaso sa akin 'yon. Ang akin lang huwag kaming pakikialaman ng boyfriend ko," paglilinaw pa ni Mari.
"Okay, pero—" binitin ni Austin ang sasabihin dahil gusto niyang ihayag ang kaniyang saloobin.
"Pero ano?"
"When I'm around...you're my wife, so you need to act like Mrs. Lagdameo. And I don't care if your boyfriend is just around the corner or what. Lalo na kapag nasa harap ng pamilya natin," ani Austin.
"No," mariin na tinutulan agad ito ni Mari.
"Come on, you want me to agree with all your shit, tapos kapag ako na against ka? Mari, in order to sealed this with my signature, you also need to agree with my rules and regulations," seryosong saad ni Austin.
"Mag-ready ka na ma-touchdown na sa airport ang eroplanong ito," pag-iiba ni Austin ng usapan."But I wanted to clear to you that no honeymoon will happen, and most of all...rule number 5, no sex involved inside our marriage," dagdag ni Mari.
"Wow, el niño?" sarkastikong saad ni Austin.
"Ikaw? Tagtuyot era? Imposible, ikaw pa ba? Kahit posteng nakasuot ng palda hindi mo pinapalagpas," dire-diretsong saad ni Mari, hindi nito alintana ang mararamdaman ni Austin.
"You really know me, huh? I wonder why you hate me that much? Eh ngayon pa lang naman tayo nagkakilala?" nakatingin pa din si Austin sa hawak-hawak na papel.
"I hate the fact that my family entrusted me to you. Hindi ko alam kung anong meron ka, ang alam ko lang wala kang kwentang tao," sinagad na ni Mari ang pagkainis niya dito.
Lihim na napangiti na lang si Austin sa tinuran ni Mari.
"I will sign this, right here, right now, para matigil ka na," pinal na saad ni Austin.
Nakahinga nang maluwag si Mari dahil hindi na siya nahirapan pa na mapapayag ito sa kondisyones niya.
Agad na pinirmahan iyon ni Austin at pagkatapos ay iniabot nito ito kay Mari.
Ngunit bago ito nakuha kay Austin ay may sinabi muna ito kay Mari.
"Just make sure that you will not fall for me," nakangiting saad ni Austin.
"Asa ka," sabay hila ng papel mula dito.
Pagkababa na pagkababa nina Austin at Mari sa airport ay sinundo ang mga ito ng isang kotse na pagmamay-ari ng hotel kung saan sila naka-book.Nang makarating sa hotel room nilang dalawa ay agad na sumalampak si Austin sa king sized bed, animo'y grabe ang inabot nitong pagod sa byahe, hindi na nito nagawang tanggalin pa ang mga bulaklak na kwintas na nakasabit sa leeg nito.Ibinaba naman ni Mari ang traveling bag na dala sa table na malapit sa pintuan at agad na dumiretso sa loob ng comfort room para umihi.Pagkatapos nitong umihi ay lumabas na ito ng comfort room.Naabutan nito ang humihilik na si Austin na nakanganga pa kung matulogNapailing na lamang si Mari at hinayaan na lamang ang kasama na matulog, samantalang siya naman ay kinuha ang papel na pinirmahan ni Austin kanina habang sakay sila ng eroplano.Naupo siya sa upuan na katabi ng table na pinaglagyan niya ng traveling bag niya. Nakatalikod siya sa natutulog na si Austin.N
4b Nasa isang bar sina Austin, malapit lang ito sa hotel kung saan sila naka-check in ni Mari. Hindi na sila nag-abala pa na maghanap ng iba pang bar dahil nagustuhan na nila agad ang ambiance ng lugar. Naka-upo na sila paikot sa isang rounded table. "Tanginang 'yan, honeymoon niyo pala ngayon tapos gagawin mo pa kaming sabit dito," natatawang saad ni Polaris. "Hindi kasi tayo nakapag-pastag party kaya ito magpapakasaya tayo buong week," nakangiting saad ni Austin. "Kami lang ang magpapakasaya, hindi ka na puwede," kantiyaw pa ni Orion na kapatid ni Polaris. "Anong hindi puwede? Hoy, dahil sa akin kaya nandito kayo," inis na saad ni Austin. "Pumunta lang naman kami dito kasi akala namin outing ng barkada, 'yon pala honeymoon mong sira-ulo ka," tatawa-tawang saad ni Sid, ang Fil-Am na kaibigan ni Austin. "May pa stag party ka pang nalalaman diyan, eh ni hindi mo nga sinabi sa amin na kinasal ka na palang damuho ka," kunw
4cMaagang nagising si Mari pero mas maagang nagising si Rebi kaysa sa kaniya.Paglabas ni Mari ng kwarto, kararating lang din ni Rebi galing labas may dala itong isang malaking paper bag. Puro pagkain ang binili ni Rebi."Breakfast na tayo," aya ni Rebi sa kaibigan.Nakangiting tumango lang si Mari at nagmamadaling dumiretso ito ng comfort room.Habang nasa loob ng comfort room si Mari ay inaayos na ni Rebi ang mga pagkain sa lamesa. Sanay na si Rebi sa kaibigan, at magkapatid na ang turingan nila sa isa't isa.Nauna na si Rebi na mag-almusal, kape at roasted bread lang ang inalmusal niya ngunit naabutan pa din siya ni Mari na kalalabas lang ng comfort room.Panay pa ang punas ni Mari sa mukha ng towel nang ayain ito ni Rebi na mag-almusal.Agad na naupo si Mari sa katapat na upuan ni Rebi.Pagkakita ni Mari ng mga pagkain na nakahain ay agad na natakam ito dahil hindi pa ito kumakain ng dinn
4dKararating lang ni Polaris sa ospital kakagaling lang nito sa police station, nagbigay ito nang statement sa nangyaring pangingidnap sa asawa ng kaibigang si Austin kasama ang kaibigan nitong nagngangalang Rebi.Kagabi pa ang suot niyang damit, nawala na ang kaniyang hangover dahil sa nangyari kagabi. May mga pinamili na rin siyang mga pagkain para sa kanilang lahat.Nasa ospital siya ngayon dahil nand'on sina Orion, Sid, at Ned. Pinabantayan niya ang mga naka-confine na kasamahan.Pagpasok nito sa private room kung saan sina Rebi, Mari, at Austin, naabutan nitong tulog na tulog sina Orion sa isang mahabang sofa. Hindi na muna ginising ni Polaris ang mga kaibigan at hinayaan na makapagpahinga, inilagay na lang nito ang mga pinamiling pagkain sa isang table.Naupo si Polaris sa tabi ni Ned na tulog na tulog pa rin. Nakaramdam ito nang pagod nang sumayad ang likod nito sa malambot na sandalan. Tinapunan nito nang tingin ang walang malay na si
4eKakagising pa lang ni Mari nang mabungaran nito ang pagmumukha ni Austin. Muling bumangon ang inis nito para kay Austin."Are you okay?" Nag-aalalang tanong nito sa kaniya.Napaismid si Mari at isang matalim na tingin ang ipinukol nito dito. Ngunit nagulat si Mari sa mga sumunod na ginawa ni Austin.Agad na hinawi ni Austin ang kumot na tumatakip sa katawan ni Mari, mabuti na lamang at nakasuot ng hospital gown si Mari. Nanlaki ang mga mata nito nang walang sabi-sabing hinawakan ni Austin ang mga binti niya at sinuri ng maigi ang mga ito na para bang may hinahanap na kung ano. Napasinghap si Mari nang ililis nito pataas ang hospital gown niya, umabot ito ng ilang inch above her knee ay doon na umalma si Mari."What the hell are you doing?" Galit at pasigaw na saad ni Mari kay Austin. Dumagundong ang boses nito sa apat na sulok ng kwarto at nakuha nito ang atensyon ng mga taong naroroon.Ngunit hindi ito pinansin ni Austin, muli nitong ibi
5a Agad na nakalabas ng ospital sina Rebi, Mari at Austin dahil wala naman nakitang internal injury sa mga ito. Kinunan din sila nang statement about sa nangyaring pangingidnap sa kanila ni Rebi. After n'on ay dumiretso sila sa rest house nila Rebi. Napagdesisyunan nilang walo na mag-stay sa rest house ng family nila Rebi. May anim na kwartong available doon, ang apat na kwarto ay inukopa na ng apat na lalaki, sa sariling kwarto naman si Rebi at ang master's bedroom ay ibinigay naman kina Mari at Austin. First night na magkasama nina Mari at Austin sa iisang kwarto pero nagulat si Mari nang magpaubaya si Austin, dahil sa lapag ito natulog hindi rin sila nagkaroon nang bangayan, samantalang sa bed naman natulog si Mari. Kinabukasan ay maagang nagising si Marie, naabutan niyang nagluluto ang mga kalalakihan nang umagahan, samantalang si Rebi ay prenteng naka-upo at naghihintay na matapos magluto ang mga bisita nila. Nakangiting inaya
5b Para mahimasmasan ang dalawa, pagkatapos ng agahan nila ay inaya muna nina Polaris si Austin sa terrace para doon kausapin ang kaibigan. Samantalang si Mari naman ay hinila ni Rebi at kinausap ito sa sariling kwarto. (Sa kwarto ni Rebi) "Bakit mo pa ako hinila dito sa kwarto mo, Rebi?" Takang tanong ni Mari sa kaibigan. "Dinala kita dito para kumalma," ani Rebi. "Hindi kailangan na kumalma pa ako, kanina pa ako kalmado," natatawang saad ni Mari. "Bakit mo naman pinagsabihan nang gan'on 'yung asawa mo? Eh halata naman na nag-aalala lang 'yung tao," pagbubukas ni Rebi nang topic. Napataas ang isang kilay ni Mari at napaturo ito sa sarili. "Ako? Rebi, sinabi ko lang ang dapat kong sabihin," paliwanag ni Mari. "Dapat hinayaan mo na lang siya,
5cSa iisang van nakasakay sina Austin at Mina, kasama ng mga ito ang kanilang mga kaibigan.Bantay sarado nila Austin sila Mari, hindi pa ito nakuntento naghire pa si Austin ng mga private bodyguards para mabantayan nang mabuti sila Mari.Naka-masid lang ang mga ito sa may 'di kalayuan, para mabilis na makaresponde sa kanila.Naboboring na sila sa rest house kaya napagkaisahan nila na magstay sa resthouse nila Polaris na malapit sa beach, private property 'yun kaya safe sila d'on, halos tatlong oras din ang naging byahe nila. Si Polaris na ang nagdrive dahil ito naman ang may alam ng daan.Pagdating nila doon ay agad na sinalubong sila ng caretaker ng lugar."Magandang umaga po, Sir," ani Mang Teroy, care taker ng rest house nila Polaris."Pasensya na po kung wala kaming pasabi na uuwi kami," ani Polaris."Ay ayos lang po, Sir. Maayos at nakahanda na po ang inyong mga kwarto," anito."Salamat po, Mang Teroy," naka