4c
Maagang nagising si Mari pero mas maagang nagising si Rebi kaysa sa kaniya.
Paglabas ni Mari ng kwarto, kararating lang din ni Rebi galing labas may dala itong isang malaking paper bag. Puro pagkain ang binili ni Rebi.
"Breakfast na tayo," aya ni Rebi sa kaibigan.
Nakangiting tumango lang si Mari at nagmamadaling dumiretso ito ng comfort room.
Habang nasa loob ng comfort room si Mari ay inaayos na ni Rebi ang mga pagkain sa lamesa. Sanay na si Rebi sa kaibigan, at magkapatid na ang turingan nila sa isa't isa.Nauna na si Rebi na mag-almusal, kape at roasted bread lang ang inalmusal niya ngunit naabutan pa din siya ni Mari na kalalabas lang ng comfort room.
Panay pa ang punas ni Mari sa mukha ng towel nang ayain ito ni Rebi na mag-almusal.
Agad na naupo si Mari sa katapat na upuan ni Rebi.
Pagkakita ni Mari ng mga pagkain na nakahain ay agad na natakam ito dahil hindi pa ito kumakain ng dinn
4dKararating lang ni Polaris sa ospital kakagaling lang nito sa police station, nagbigay ito nang statement sa nangyaring pangingidnap sa asawa ng kaibigang si Austin kasama ang kaibigan nitong nagngangalang Rebi.Kagabi pa ang suot niyang damit, nawala na ang kaniyang hangover dahil sa nangyari kagabi. May mga pinamili na rin siyang mga pagkain para sa kanilang lahat.Nasa ospital siya ngayon dahil nand'on sina Orion, Sid, at Ned. Pinabantayan niya ang mga naka-confine na kasamahan.Pagpasok nito sa private room kung saan sina Rebi, Mari, at Austin, naabutan nitong tulog na tulog sina Orion sa isang mahabang sofa. Hindi na muna ginising ni Polaris ang mga kaibigan at hinayaan na makapagpahinga, inilagay na lang nito ang mga pinamiling pagkain sa isang table.Naupo si Polaris sa tabi ni Ned na tulog na tulog pa rin. Nakaramdam ito nang pagod nang sumayad ang likod nito sa malambot na sandalan. Tinapunan nito nang tingin ang walang malay na si
4eKakagising pa lang ni Mari nang mabungaran nito ang pagmumukha ni Austin. Muling bumangon ang inis nito para kay Austin."Are you okay?" Nag-aalalang tanong nito sa kaniya.Napaismid si Mari at isang matalim na tingin ang ipinukol nito dito. Ngunit nagulat si Mari sa mga sumunod na ginawa ni Austin.Agad na hinawi ni Austin ang kumot na tumatakip sa katawan ni Mari, mabuti na lamang at nakasuot ng hospital gown si Mari. Nanlaki ang mga mata nito nang walang sabi-sabing hinawakan ni Austin ang mga binti niya at sinuri ng maigi ang mga ito na para bang may hinahanap na kung ano. Napasinghap si Mari nang ililis nito pataas ang hospital gown niya, umabot ito ng ilang inch above her knee ay doon na umalma si Mari."What the hell are you doing?" Galit at pasigaw na saad ni Mari kay Austin. Dumagundong ang boses nito sa apat na sulok ng kwarto at nakuha nito ang atensyon ng mga taong naroroon.Ngunit hindi ito pinansin ni Austin, muli nitong ibi
5a Agad na nakalabas ng ospital sina Rebi, Mari at Austin dahil wala naman nakitang internal injury sa mga ito. Kinunan din sila nang statement about sa nangyaring pangingidnap sa kanila ni Rebi. After n'on ay dumiretso sila sa rest house nila Rebi. Napagdesisyunan nilang walo na mag-stay sa rest house ng family nila Rebi. May anim na kwartong available doon, ang apat na kwarto ay inukopa na ng apat na lalaki, sa sariling kwarto naman si Rebi at ang master's bedroom ay ibinigay naman kina Mari at Austin. First night na magkasama nina Mari at Austin sa iisang kwarto pero nagulat si Mari nang magpaubaya si Austin, dahil sa lapag ito natulog hindi rin sila nagkaroon nang bangayan, samantalang sa bed naman natulog si Mari. Kinabukasan ay maagang nagising si Marie, naabutan niyang nagluluto ang mga kalalakihan nang umagahan, samantalang si Rebi ay prenteng naka-upo at naghihintay na matapos magluto ang mga bisita nila. Nakangiting inaya
5b Para mahimasmasan ang dalawa, pagkatapos ng agahan nila ay inaya muna nina Polaris si Austin sa terrace para doon kausapin ang kaibigan. Samantalang si Mari naman ay hinila ni Rebi at kinausap ito sa sariling kwarto. (Sa kwarto ni Rebi) "Bakit mo pa ako hinila dito sa kwarto mo, Rebi?" Takang tanong ni Mari sa kaibigan. "Dinala kita dito para kumalma," ani Rebi. "Hindi kailangan na kumalma pa ako, kanina pa ako kalmado," natatawang saad ni Mari. "Bakit mo naman pinagsabihan nang gan'on 'yung asawa mo? Eh halata naman na nag-aalala lang 'yung tao," pagbubukas ni Rebi nang topic. Napataas ang isang kilay ni Mari at napaturo ito sa sarili. "Ako? Rebi, sinabi ko lang ang dapat kong sabihin," paliwanag ni Mari. "Dapat hinayaan mo na lang siya,
5cSa iisang van nakasakay sina Austin at Mina, kasama ng mga ito ang kanilang mga kaibigan.Bantay sarado nila Austin sila Mari, hindi pa ito nakuntento naghire pa si Austin ng mga private bodyguards para mabantayan nang mabuti sila Mari.Naka-masid lang ang mga ito sa may 'di kalayuan, para mabilis na makaresponde sa kanila.Naboboring na sila sa rest house kaya napagkaisahan nila na magstay sa resthouse nila Polaris na malapit sa beach, private property 'yun kaya safe sila d'on, halos tatlong oras din ang naging byahe nila. Si Polaris na ang nagdrive dahil ito naman ang may alam ng daan.Pagdating nila doon ay agad na sinalubong sila ng caretaker ng lugar."Magandang umaga po, Sir," ani Mang Teroy, care taker ng rest house nila Polaris."Pasensya na po kung wala kaming pasabi na uuwi kami," ani Polaris."Ay ayos lang po, Sir. Maayos at nakahanda na po ang inyong mga kwarto," anito."Salamat po, Mang Teroy," naka
5dTatlong araw na sila dito sa rest house nila Polaris, at tatlong araw na din noong huling away nila ni Austin, sa mga mata ng mga kaibigan nila nagkaayos na sila, pero kay Mari ginawa niya lang 'yun para hindi na siya kulitin at konsensyahin ng kaibigang si Rebi.Noong naabutan sila ng mga ito na tinutulungan niya si Austin sa pagpapalit ng damit ay halos tampulan na sila ng tukso ng mga kaibigan nila. Pakitang-tao at nakikisama lang si Mari pakiramdam niya ay ganoon rin si Austin. Nagpapasalamat sila ni Rebi at hindi naulit pa ang insidente nang pangkikidnapp sa kanila, pero mahigpit pa rin ang pagbabantay sa kanila nila Austin.Hindi sila naboboring dahil araw-araw silang nagsuswimming dahil malapit lang naman ang rest house nila Polaris sa beach. Sa gabi naman sila-sila ang magkakasama nagpaparty gamit lang nila ang isang chargeable music box tapos magpapatugtog sila nang malakas sa tabing dagat at magsasayawan, magkakantahan, maglalasing magdamag. A
5eNagising si Mari at napahawak ito sa ulo dahil sa hangover, nakahiga pa rin ito sa kaniyang kama. Marahan na iminulat nito ang mga mata, malabo ang kaniyang paningin ngunit matapos nitong kusutin ang mga mata ay muli nito iminulat ang mga ito.Tila tumigil ang pag-ikot ng mundo ni Mari nang masilayan ang mukha ng taong nangako sa kaniya ngunit sa ikalawang pagkakataon ay binigo siya nito.Agad na nagising ang diwa ni Mari, mabilis na nagproseso ang kaniyang utak, pilit na inalala ang mga nangyari kagabi. Agad na nanlamig ang buong katawan niya dahil naalala niya ang lahat ng mga nangyari kagabi.Mabilis na nag-init ang sulok ng mga mata ni Mari, agad na sinuri niya ang sarili at napasinghap siya nang makita na wala siyang suot ni isang saplot, at tanging mainit na kumot lang ang bumabalot sa kaniyang hubad na katawan.Pinilit ni Mari na makaupo at napangiwi siya nang maramdaman ang pananakit nang kaniyang lower body. Tinakpan niya ng
6aOn the way na sila sa resthouse nila Rebi para isauli ang van na gamit nila, si Orion ang driver katabi naman nito si Austin na tahimik lang na nakatanaw sa kalsada.Tahimik silang pito, sa hulihan naka-upo sina Mari at Rebi. Samantalang sina Sid, Ned, at Polaris ay sa gitna mga naka-upo.Yakap ni Mari ang sarili habang nakatanaw sa labas ng bintana, mugto ang mga mata nito. Bumalik na naman sa isip niya ang mga nangyari kaninang umaga.(Flashback)"Then let me remember everything," unti-unting inilapit ni Austin ang mukha kay Mari.Nagpupuyos sa galit si Mari, kaya nang inilapit ni Austin ang mukha sa kaniya ay malakas na inuntog niya ang kaniyang noo dito.Napa-aray si Austin at napangiwi ito sa sobrang sakit, bahagyang lumuwag sa pagkakahawak nito kay Mari. Sinamantala niya ang pagkakataon nagpupumiglas siya at nakawala siya mula sa pagkakahawak nito.At dahil nasa ibabaw ni Mari si Austin ay buong lakas na it