Ang Bilyonaryong Magsasaka

Ang Bilyonaryong Magsasaka

last updateLast Updated : 2023-09-08
By:  Ced Emil  Completed
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
14 ratings. 14 reviews
70Chapters
124.8Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Pagkatapos masawi sa pag-ibig ang bilyonaryong si Maximus o mas kilalang Axis, ay nagdisisyon siya na tumira sa mountain province at piniling maging isang magsasaka. Sa lugar na 'to ay nagawa niyang makalimutan ang panlolokong ginawa ng ex-girlfriend niya. Subalit sa 'di inaasahang sandali ay dumating sa buhay niya si Abigail, ang dalagang spoiled brat na laking America. Magagawa kaya nitong pasukin ang puso niya? Paano kung sa ugali pa lang nito ay nalagyan na niya ng ekis ang pangalan nito?

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter 1

Two years ago, naranasan ni Axis ang masaktan at madurog ang puso niya. Naka-move on man siya ay paminsan-minsan ay naalala pa rin niya ang nangyari noon. Iyon ang araw na kagagaling niya sa ibang bansa.Bago lumabas si Axis sa elevator ay inayos muna niya ang kaniyang coat. Pagkatapos ay humakbang na siya at binagtas ang daan papunta sa condo ng kaniyang kasintahan na si Faith. Miss na niya ang dalaga at gusto niya itong yakapin ng mahigpit. Sabik na rin siyang mahalikan ito.Galing siya sa Italy para sa kaniyang business meeting. Halos isang linggo rin siya roon at kababalik lamang niya ngayon ng bansa. At sa halip na umuwi ay dumeretso siya rito sapagkat alam niyang bago siya lumipad patungong Italy ay nagtatampo si Faith dahil hindi siya pumayag na sumama ito sa kaniya. Umuungot ito na isama niya ito nang matuklasan ang pagpunta niya sa ibang bansa. Kaya naman gusto niyang surpresahin ito at ibigay na rin ang binili niyang regalo sa dalaga. Balak din niyang mag-propose kay Faith p

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Gutierrez Grenio E
isa,,rin aq mag sasaka,,mahirap,,tlaga ang magsaka ,,lalo't n maghapon k s gitna ng sikat,,ng araw,,,pero,,masaya pagnakita mo na aanihin mo ng ang iyong tanim,,n pinaghirapan
2024-04-18 20:04:32
2
user avatar
Pepa Gy
More story please highly recommend
2024-04-05 18:58:32
2
user avatar
Mia Dee
highly recommended
2024-03-16 20:20:38
1
user avatar
Maileen Hernandez
i like the story...
2024-03-08 16:20:36
1
user avatar
Analyn Bermudez
I love the story.........thank you Ms author...️
2023-11-25 21:16:30
1
user avatar
Naughty Girl
I love this story
2023-11-10 20:00:25
1
user avatar
Ryo Bi
I like the story
2023-09-30 20:37:46
2
user avatar
Maricel Hisugan Ramos
Magandang novel. Godbless po author
2023-09-02 20:12:23
3
user avatar
Filipina Magat
maganda Ang story
2023-09-02 04:31:34
2
user avatar
Noah Igie Ramos
Maganda po ang novel na to
2023-08-27 18:04:42
1
user avatar
Sheryl Jove
Hanggang ilang chapter po ba ito ms a?
2023-08-22 18:53:53
0
user avatar
Imelda Caranagan
nice Story!!
2023-08-22 10:50:30
1
user avatar
Ced Emil
hello hello!!! sa mga di pa nkpgbsa sa istorya ng parents ni Axis ay subukan niyo rin pong basahin. 'The Sadist Billionaire'
2023-08-15 10:03:16
4
user avatar
Ced Emil
Hello po!! sa August ko po itutuloy ito.. tatapusin ko munang isulat para tuloy tuloy ang update.. sana po ay abangan ninyo.. thank you!!
2023-07-03 17:02:47
2
70 Chapters

Chapter 1

Two years ago, naranasan ni Axis ang masaktan at madurog ang puso niya. Naka-move on man siya ay paminsan-minsan ay naalala pa rin niya ang nangyari noon. Iyon ang araw na kagagaling niya sa ibang bansa.Bago lumabas si Axis sa elevator ay inayos muna niya ang kaniyang coat. Pagkatapos ay humakbang na siya at binagtas ang daan papunta sa condo ng kaniyang kasintahan na si Faith. Miss na niya ang dalaga at gusto niya itong yakapin ng mahigpit. Sabik na rin siyang mahalikan ito.Galing siya sa Italy para sa kaniyang business meeting. Halos isang linggo rin siya roon at kababalik lamang niya ngayon ng bansa. At sa halip na umuwi ay dumeretso siya rito sapagkat alam niyang bago siya lumipad patungong Italy ay nagtatampo si Faith dahil hindi siya pumayag na sumama ito sa kaniya. Umuungot ito na isama niya ito nang matuklasan ang pagpunta niya sa ibang bansa. Kaya naman gusto niyang surpresahin ito at ibigay na rin ang binili niyang regalo sa dalaga. Balak din niyang mag-propose kay Faith p
Read more

Chapter 2

Nagpoprotestang umungol si Axis nang marinig ang sinabi ng kaniyang ina sa kabilang linya. Akala niya ay kung ano na ang itatawag nito sa ganito kaagang oras. Iyon pala ay para ipaalam sa kaniya na pumayag ito sa kaibigan nitong citizen sa America na dito nila dadalhin ang anak nila na nagngangalang Abigail.Ayon pa sa kaniyang ina ay gusto nilang turuan ng leksyon ang dalaga. Hindi alam ng ina niya ang detalye ng kasalanang ginawa ng dalaga. Ang nasabi lamang daw ng magulang nito ay walang katapusang party at gimik ang ginagawa ng naturang dalaga. Graduate na raw ito sa kolehyo at dapat ay nagtatrabaho na pero wala pa itong balak na magtrabaho. Hindi lang iyon, ayaw daw nito ang pinagsasabihan at napupuna ang mga maling kilos nito. Sa narinig na kuwento ng kaniyang ina ay nahuhulaan na niyang brat ang dalaga.Paanong ang isang dalagang dapat ay matured na mag-isip ay palaging ang gusto lang nito ang nasusunod? Parang bata na kung nag-tantrums ay kailangan na ito ang masunod sa halip
Read more

Chapter 3

Hindi maipinta ang mukha ni Abigail habang nakasakay sa pickup ng nagngangalang Axis. Kung 'di siya nagkakamali ay ito ang binanggit ng magulang niya na may-ari ng bahay na tutuluyan niya. Hindi niya alam kung paano nila nakilala ang lalaking 'to na parang hindi naliligo. Nang sumilip ito sa bintana ay halos lumuwa ang mata niya nang makita ito.Magulo ang mahabang buhok nito na basta lamang nito tinali. Ang suot nitong pang-itaas ay luma at kupas na. At nang bumaba siya ay 'di na niya napigilan ang pagngiwi niya nang makita ay suot nitong itim na jogging pants. May butas iyon sa tuhod at may mga mantsa pa. At ang sapin nito sa paa ay itim na tsinelas. Kung puwede lang ay hindi niya gugustuhin ang mapalapit sa lalaki pero nilunok niya lahat ng pagkasura niya.Bakit nga ba siya biglang tinapon ng magulang niya rito?Maasim na napangiti siya nang maalala ang dahilan. Sinamantala niya na nasa business conference ang magulang niyaatt nag-host siya ng party sa mismong bahay nila. Maayos na
Read more

Chapter 4

Kinagabihan, kahit na napipilitan ay luumabas pa rin si Abigail sa kuwarto at pumunta sa kusina. Katunayan ay ayaw niyang kumain na kasalo sa hapag si Axis subalit wala siyang pagpipilian. Ito ang nagluto ng mga pagkain at animo nananadya pa na hinihintay siyang lumabas para makakain na sila.Nang makita niya ang pagkain sa mesa ay namutla siya. Gilalas na nakamata siya sa isang mangkok kung saan ang nakikita niyang nakalagay roon ay palaka. Naramdaman niya ang pagbaliktad ng sikmura niya kaya agad siyang napatutop sa bibig.Umarko ang kilay ni Axis na kumuha ng isa at isinubo iyon. He eats it with so much gusto. He even licked the tip of his finger and smiled at her. Ngunit para sa kan'ya ay nang-aasar ang ngiti nito."Pagpasensyahan mo na at isa akong hikahos na tao kaya hindi kita mahahainan ng masarap na… ano nga ang tawag niyong mayayaman doon… ah, steak nga pala," ngumunguyang sabi nito.Ang nararamdaman niyang gutom ay biglang nawala dahil sa nakitang inihain nito. Mariing nagl
Read more

Chapter 5

Nagkakape si Axis nang umagang 'yun at iniisip kung ano ang gagawin niya mamaya nang dumungaw si Abigail sa may bukana ng kusina. Napatigil siya sa paghigop ng kaniyang kape at napatitig sa dalaga. Magulo ang buhok nito at very conspicuous ang itim sa paligid ng mga mata nito. Parang hindi ito natulog magdamag dahil sa hitsura nito. Animo nanlalata ang buong katawan na naglakad ito at naupo sa silya. Laglag ang balikat nito at parang pasan ang pinakamalaking problema sa mundo.Nang tumingin ito sa kaniya ay ngumiti siya rito. Walang kabuhay-buhay na napatitig lang ito sa kaniya. At pati yata pagkurap nito ay parang tinatamad dahil slow motion pa iyon."Magandang umaga magandang, binibini," bati niya. Hindi ito nag-react sa sinabi niya at huminga lang ito ng malalim. Itinulak niya ang isang mug at ang thermos sa harap nito. Pati na rin ang asukal na nakalagay sa maliit na container. "Nagkakape ka ba ng barako? Ayan, magtimpla ka ng iyo," sabi niya pagkatapos ay muling humigop at pinano
Read more

Chapter 6

"Anong tinatawa-tawa mo riyan?" takang tanong ni Roger kay Axis. Nasa bukid silang dalawa, kasama ang pitong taon na dalaga nito at pinipitas ang bunga ng mga beans na tanim niya. May nag-aangkat kasi ng mga ito na isang tindera sa crosstown. Isa iyong single mother na tinulungan niya noong unang buwan niya rito sa mountain province. Nakita kasi niya ang dedication ng babaeng 'yun na mabigyan ng magandang buhay ang anak nito kaya naawa siya.Muli siyang tumawa nang marinig ang tanong ng kaibigan niya. Kaninang inutusan niya itong maghugas ay sinilip niya ito. At labis ang gulat niya sa nakitang pag-iyak nito. Ito lamang ang babaeng nakita niya na malala ang reaksyon dahil sa hugasin. Ang anak nga ni Roger ay minsan na n'yang nakita na hinugasan nito ang ginamit nila at hindi man lang umiyak.Ilsng beses pa nitong tinignan ang kuko nito at nang makitang nasira iyon ay medyo lumakas ang hikbi nito. Sa loob-loob nga niya ay tinatawanan niya ang dalaga sa pagiging overacting nito. Puwede
Read more

Chapter 7

Axis woke up that morning with a start. He felt like there's a heavy object resting on his chest at hindi siya makahinga ng maayos. Sa una ay sinubukan niyang pinalis ang bagay na iyon pero nag-freeze ang kamay niya nang maramdaman na malambot iyon. Mabilis na tinignan niya ang bagay na 'yun at kulang na lang ang gulat na naramdaman niya sa nakita. Animo nabilog ang ulo niya at hindi siya agad makapag-isip ng tama. Hindi siya makapaniwala at nakataas lamang ang kamay niya sa ere.Ang inakala kasi niyang bagay na nakadantay sa dibdib niya ay ang ulo ni Abigail at mahimbing ang tulog nito. At ang nahawakan niya pala ay ang pisngi nito kaya malambot at mainit iyon. Ang mga paa nito ay nakalaylay sa gilid ng kama. Hindi niya maintindihan kung bakit biglang narito sa kuwarto niya ang dalaga gayong pumasok naman siyang mag-isa rito pagkatapos niyang kumain. Nang mahiga rin siya ay sure siyang hindi man lang ito kumatok hanggang sa makatulog siya. Kahit kaluskos sa labas ay wala siyang narin
Read more

Chapter 8

Nakapangalumbaba si Abigail habang tulalang nakatingin sa binabantayan niyang palay. Ang sabi ni Axis ay hindi siya mababagot pero ito at parang gusto na niyang magpapadyak dahil sa inis. Para siyang tanga na nakaupo lang dito. At sa totoo lang ay feeling niya'y panis na ang kaniyang laway sa ilang oras na hindi siya nagsasalita. Nakakaramdam na rin siya ng antok at parang gusto na niyang pumasok sa kuwarto para matulog. Feeling niya ay wala na siyang buto dahil parang dadausdos na siya sa kaniyang kinauupuan.Buti pa ang hudyong si Axis ay naroon sa kuwarto nito at baka masarap na ang tulog nito. Habang siya ay nandito at pinipilit na huwag sumigaw sa inis. Paulit-ulit na humugot siya ng malalim na hininga. Mariing pumipikit pa siya baka sakaling mawala ang antok niya.Itinukod niya ang siko sa tuhod niya bago ipinatong ang baba sa kamay niya at pumikit nang hindi na niya mapigilan ang antok. Puwede naman siguro siyang umidlip, 'di ba? Total wala naman siyang nakitang manok na kumaka
Read more

Chapter 9

Ramdam ni Axis ang pagkamuhi ni Abigail sa kaniya simula nang halikan niya ito apat na araw na ang nakakalipas. Mas nag-level pa nga yata ang galit nito dahil sa tuwing nakatingin ito sa kaniya ay animo kutsilyo ang matalim na tingin nito. Animo sinasaksak nito ang bawat parte ng katawan niya. Na kung nakamamatay lamang iyon ay matagal na siyang pinaglalamayan ng magulang niya. At sa tuwing kinakausap niya ito ay palaging naka-angil ito sa kaniya. She will even roll her eyes to him and snort. Pagkatapos ay dadabugan pa siya nito at ibabalibag ang pinto ng kuwarto nito. Umuusok pa ang ilong nito sa pagkabuwisit sa kaniya. At hindi niya napipigilan ang sariling ngumisi sa tuwing nakikita niya iyon.May time pa na parang pinipigilan lang nito ang tumili. Pero kita naman niya ang pag-igting ng ugat sa leeg nito at pamumula ng mukha nito.Magkaganun pa man ay deadma siya sa nakikitang reaksyon ni Abigail. Umakto siya na parang hindi niya napapansin iyon at katulad pa rin ng dati ay inaalas
Read more

Chapter 10

Hindi pa sumisilip ang inang araw ay ginising na ni Axis si Abigail na agad nagreklamo sa kaniya. Puwede nang sabitan ng kaldero ang nguso sa haba 'nun. Nakatanggap pa siya ng nakamamatay na tingin dito ngunit hindi niya iyon pinansin. Pinilit niya pa rin na kumain sila ng agahan at pagkatapos ay nagpalit ng damit. Hindi niya sinabi kung saan sila pupunta at basta ito kinaladkad kanina kahit todo angal ito. Habang naglalakad sila papunta sa bukid ay naririnig niya ang maaanghang na salitang lumalabas sa bibig nito. At pumapasok lang iyon sa kaliwang taynga niya at lumalabas naman sa kabila. Parang wala siyang naririnig na tuloy tuloy lamang sila sa paglalakad.Gilalas na napatingin ito sa pilapil na dadaanan nila. Nanlalaki ang matang nilinga siya nito at itinuro iyon."Huwag mong sabihin na ito ang daan?" hindi makapaniwalang bulalas nito.Tumango siya at imunuwestrang magpatuloy na ito sa paglalakad. "Lakad na!"Matigas na umiling ito. Bakas sa mukha nito ang pagtutol pero mahinang
Read more
DMCA.com Protection Status