"Anong tinatawa-tawa mo riyan?" takang tanong ni Roger kay Axis. Nasa bukid silang dalawa, kasama ang pitong taon na dalaga nito at pinipitas ang bunga ng mga beans na tanim niya. May nag-aangkat kasi ng mga ito na isang tindera sa crosstown. Isa iyong single mother na tinulungan niya noong unang buwan niya rito sa mountain province. Nakita kasi niya ang dedication ng babaeng 'yun na mabigyan ng magandang buhay ang anak nito kaya naawa siya.
Muli siyang tumawa nang marinig ang tanong ng kaibigan niya. Kaninang inutusan niya itong maghugas ay sinilip niya ito. At labis ang gulat niya sa nakitang pag-iyak nito. Ito lamang ang babaeng nakita niya na malala ang reaksyon dahil sa hugasin. Ang anak nga ni Roger ay minsan na n'yang nakita na hinugasan nito ang ginamit nila at hindi man lang umiyak.Ilsng beses pa nitong tinignan ang kuko nito at nang makitang nasira iyon ay medyo lumakas ang hikbi nito. Sa loob-loob nga niya ay tinatawanan niya ang dalaga sa pagiging overacting nito. Puwede naman kasing pahabain ulit nito ang kuko kung gusto nito."Hindi ako makapaniwala na umiyak si Abigail dahil pinaghugas ko siya ng pinggan," natatawang hayag niya. "At pati ang kuko niya na naputol ay iniyakan din niya. Hindi ko maintindihan kung bakit parang napaka priceless sa kaniya ang kuko niya!""Sino po ang umiyak, uncle, dahil naghugas siya ng pinggan?" tanong ni Trisha. Tumingala ito sa kaniya kaya tumabingi ang ngiti niya.Hinaplos ni Roger ang ulo nito. "Hindi mo rin kilala iyon, 'anak." Pagkatapos sabihin iyon ay tumingin ito sa kaniya at napailing. "Mukhang hindi mo yata tinantanan ang bisita mo sa pang-aalaska sa kaniya. Give her a break, man!"Inilagay niya sa sako ang napitas na beans bago luminga rito at ngumisi. "I got annoyed when she pointed her finger at me. Wala pang kahit sino ang gumawa 'nun sa'kin. Kung hindi lang siya babae ay dinurog ko na ang daliri niya. Pinapakita lang talaga niya na wala siyang manners. Kababaeng tao pero kung magsalita ay puro bad words.""Hindi na ako nagulat na kaya niyang gawin 'yan sa'yo," wika ni Roger at napailing. "Kahit pa yata binata ako ay hindi ko siya bibigyan ng pangalawang sulyap. Mas pipiliin ko pa na maging matandang binata. Hindi niya mahihigitan ang katangian ng asawa ko."Natawa siya. Ang asawa kasi nito ay hindi matatawag na maria clara pero maganda ang ugali at may respeto sa kapwa. Kaya naman nakikita niya kung gaano nito kamahal ang asawa nito. At isa ito sa kinaiinggitan niya sa kaibigan. Naging successful kasi ang marriage nito at nakahanap pa ng babaeng mahal na mahal siya.Maghapon silang pumitas ng beans at mga dalawang sako rin ang nakuha nilang tatlo. Alas kwatro y media ng hapon ay nagbiyahe sila papunta sa crosstown para dalhin ang beans kay Riva. Pagdating nila roon ay malawak ang ngiting kinuha nito ang beans at nagbayad sa kaniya. Hindi niya ito siningil ng mahal kaya nahiya pa ito at akmang bibigyan siya ng tinda nitong cabbage pero tumanggi siya. Kahit na anong pilit nito ay hindi niya iyon tinanggap.Nang makuha niya ang bayad ay pumunta sila sa isang stall kung saan may nagtitinda ng kutson. Pinili niya ang mas makapal at baka magreklamo pa rin si Abigail."Anong gagawin mo sa kutson? Hindi ba at meron ka naman sa bahay mo," tanong ni Roger sa kaniya."Gagamitin ng maarteng bisita ko. Kaninang umaga ay parang nakipag-jugjugan ng magdamag dahil sa latang-lata siya," biro niya at mahinang tumawa. Ginaya pa niya ang hitsura ng dalaga kanina na may ngisi sa labi.May kahinaang sinuntok ni Roger ang balikat niya dahil napasulyap ang babaeng tindera. "Stop making fun of her!"Ngumiti siya sa babae at itinuro ang kutson na napili niya. Nang sabihin nito ang price ay agad siyang nagbayad at binuhat iyon. Pagkatapos ay iniligay niya iyon sa likod ng pickup. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Abigail kung makita na may kutson na ang kama nito? Magpapasalamat kaya ito sa kaniya? But he doubt it. Sa tingin niya ay hindi ito marunong humingi ng tawad."Sandali muna at kailangan kong bumili ng ulam namin mamayang gabi. Ayaw kong makitang ngumawa si Abigail kapag palaka na naman ang ihahain ko," wika niya. "Ang sarap tignan ng mukha niya nang makita ko ang pandidiri sa mata niya."Humalakhak si Roger. "Hell! Iyon pa talaga ang napili mong ulam na ihain sa kaniya! Bilib na talaga ako sa'yo, Axis, na nagawa mong gawin 'yan sa bisita mo!" He then waved his hand and said, "Sige na! Bumili ka na at uuwi na tayo. Hindi ka umuwi maghapon at baka sinunog na niya ang bahay mo. O baka naman sinira na niya ang ibang mga gamit mo roon!"Pumunta siya sa nagtitinda ng karne ng baka at bumili ng tatlong kilo. Ibibigay niya kay Roger ang isang kilo at alam niyang mahilig ang pamilya nito sa karne ng baka. Pagkatapos makabili ay bumalik siya sa kinapaparadahan ng kaniyang pickup at nagbiyahe na sila pauwi.Inihatid muna niya ang mag-ama bago siya umuwi. Pagkaparada niya ng sasakyan ay may naamoy siyang nasusunog. Nang una ay kumunot ang noo niya. Suminghot siya at biglang nagtagis ang kaniyang bagang. Narinig kasi niya ang hiyaw ng babae sa loob."Damn it!!" usal niya at patakbong pumasok sa loob. Dumeretso siya sa kusina para lang malutong na mapumara nang makita ang nakasalang na kaserola sa burner at umuusok. Agad na pinatay niya ang kalan at nilingon si Abigail na namumutlang nakasiksik sa sulok. Bakas ang takot sa mukha nito habang nakatingin sa umuusok na niluluto nito. Pigil ang sariling pilipitin niya ang leeg nito dahil sa galit."Gusto mo bang sunugin ang bahay ko?" 'di niya napigilang singhal niya sa babae na agad napakagat labi at nagbaba ng tingin. Halatang guilty ito sa ginawa nito. "Kung hindi ka marunong magluto ay bakit ka nagluto? Ang tanda mo na ay wala kang alam sa pagluluto!" halata pa rin sa boses niya ang inis.Ang Roger na 'yun, he really hates him for having a crow mouth! Kung hindi nito sinabi iyon ay baka maiiwasan ang ganitong insidente."Gutom kasi ako a-at wala ka pa kaya—"Napahilot siya sa kaniyang batok. Kung hindi pinadala ng mama niya ang babaeng 'to rito ay wala sana siyang sakit ng ulo. Hindi na nga marunong na rumespeto, pati ba naman ang pagluluto ay wala din itong alam? Hindi niya tuloy mapigilan ang sisihin din ang magulang nito. Hindi naman magiging ganito ang anak nila kung hindi rin nila hinayaang gawin ang gusto nito. Saka nila poproblemahin na ganito ang naging ugali ng anak nila."Doon ka muna sa sala at hintayin mong makapagluto ako," mababa ang boses na taboy niya rito. Dahil sa totoo lang ay gusto niyang hilahin ito papunta sa bukid at pagtrabahuhin doon at baka sakaling matuto ito sa buhay.Nakayuko ang ulo na lumabas nga ito habang siya ay sinimulan na ang pagluluto. Walang kaso naman sa kaniya ang kahit pagod siya sa bukid at uuwi siya na siya pa rin ang gagawa sa gawaing bahay dahil nasanay na siya. Pero ang umuwi siya na ang madadatnan ay maraming hugasin at sunog na kaldero ay parang gusto niyang pilipitin ang leeg ni Abigail.Pagkatapos niyang magluto ay lumabas siya at nakita niya ang dalaga na kagat labing nakaupo sa sofa habang hawak ang tiyan. Humugot siya ng malalim na hininga para kalmahin ang sarili. Kumikibot pa ang labi nito sa pinipigilang iyak. This useless woman! Walang alam gawin kundi ang umiyak."Nakaluto na ako. Bahala kang kumuha ng kakainin mo," sabi niya at lumabas. Kinuha niya ang binili niyang karne ng baka at binuhat ang kutson. Ibinaba muna niya ang kutson sa sala at pumasok sa kusina para ilagay ang karne sa ref. Hindi na muna niya iluluto ito at nakapagluto naman siya.Hindi niya pinansin ang dalaga na maganang kumakain na parang wala itong ginawang kasalanan kanina. At mukha ngang gutom na gutom ito dahil sa malalaking subo nito.Muli siyang lumabas ng kusina at binuhat ang kutson at dinala sa kuwarto ng dalaga. Inayos niya iyon at nilagyan ng kubre kama bago lumabas. Ayaw niyang magrereklamo na naman ito na hindi siya hospitable sa kaniyang bisita.Ang sumunod na ginawa niya ay naligo siya at pagkatapos ay nagkulong sa kuwarto niya. Kinuha niya ang laptop sa drawer ng aparador at binuksan ang WiFi. Maya-maya lamang ay abala na siya sa trabaho niya sa Mondragon empire. May mga na-email ang pinsan niyang si Amara na siyang pinagkakatiwalaan niyang maging president ng kompanya simula nang tumira siya rito.Naging abala siya sa pagbasa ng financial statement last year pagkatapos mabasa ang business proposal ni Esther Williams. At wala siyang makitang problema dahil malaki pa rin ang naipasok na pera sa kompanya. Naging profitable naman ang kompanya kaya alam niyang walang irereklamo ang mga investors at creditors.Kinuha niya ang headset na ginagamit niya 'pag tinatawagan si Amara at kinabit iyon sa laptop. Pagkatapos ay nag-request ng video call dito. Na agad naman nitong sinagot."Kuya Axis," nakangiting bati nito. Noon ay Boss ang tawag nito pero sinaway niya ito."Doon sa nabasa kong proposal ni Miss Williams. Marami akong nakita na kulang sa project details. Lalo na ang budget na inilagay niya roon. Sa nakikita ko ay masyadong malaki ang perang hinihingi niya sa proposal. Ibalik mo sa kaniya at sabihin ang problema. Kung matapos niyang ayusin iyan ay saka mo email uli sa'kin," saad niya."Okay, kuya," pagtango nito. "May invitation nga pala na dumating dito kanina. Kasal ng isa sa kaibigan mo noong kolehyo, si Garry…""Bumili ka ng regalo at ipadala mo na lang sa kaniya. Hindi ako puwedeng lumuwas sa ngayon," putol niya sa sinasabi nito.Nang matapos silang mag-usap ni Amara ay pinatay na niya ang laptop pati ang WiFi at ibinalik sa drawer. Nag-inat muna siya bago tinignan ang oras sa cellphone niya. Alas nuwebe na pala ng gabi kaya nararamdaman niyang nagrereklamo na ang kaniyang tiyan.Tumayo na siya at pumunta sa kusina para kumain. Akmang iinitin niya ang ulam nang makita ang hindi pa nahuhugasan na pinagkainan ni Abigail. Naningkit ang kaniyang mata at pilit na kinalma ang sarili. He's a very patient person ngunit napupuno rin siya. Lalo na 'pag ganitong pagod siya sa trabaho.Seriously! Why doesn't he spank her butt? Baka 'pag ginawa niya iyon ay hindi na niya kailangan na utusan itong gawin ang madaling trabaho katulad nito. Kung sana kasi ay mas matured ito mag-isip."She's hopeless!!" nausal na lamang niya at kumain pagkatapos ay hinugasan ang lahat ng mga pinagkainan nila. Pati na ang kaserola na sinunog ni Abigail kanina.Kung hindi lang niya iniisip na magtatampo ang kaniyang ina ay pinabalik na niya ang dalaga sa magulang nito.Axis woke up that morning with a start. He felt like there's a heavy object resting on his chest at hindi siya makahinga ng maayos. Sa una ay sinubukan niyang pinalis ang bagay na iyon pero nag-freeze ang kamay niya nang maramdaman na malambot iyon. Mabilis na tinignan niya ang bagay na 'yun at kulang na lang ang gulat na naramdaman niya sa nakita. Animo nabilog ang ulo niya at hindi siya agad makapag-isip ng tama. Hindi siya makapaniwala at nakataas lamang ang kamay niya sa ere.Ang inakala kasi niyang bagay na nakadantay sa dibdib niya ay ang ulo ni Abigail at mahimbing ang tulog nito. At ang nahawakan niya pala ay ang pisngi nito kaya malambot at mainit iyon. Ang mga paa nito ay nakalaylay sa gilid ng kama. Hindi niya maintindihan kung bakit biglang narito sa kuwarto niya ang dalaga gayong pumasok naman siyang mag-isa rito pagkatapos niyang kumain. Nang mahiga rin siya ay sure siyang hindi man lang ito kumatok hanggang sa makatulog siya. Kahit kaluskos sa labas ay wala siyang narin
Nakapangalumbaba si Abigail habang tulalang nakatingin sa binabantayan niyang palay. Ang sabi ni Axis ay hindi siya mababagot pero ito at parang gusto na niyang magpapadyak dahil sa inis. Para siyang tanga na nakaupo lang dito. At sa totoo lang ay feeling niya'y panis na ang kaniyang laway sa ilang oras na hindi siya nagsasalita. Nakakaramdam na rin siya ng antok at parang gusto na niyang pumasok sa kuwarto para matulog. Feeling niya ay wala na siyang buto dahil parang dadausdos na siya sa kaniyang kinauupuan.Buti pa ang hudyong si Axis ay naroon sa kuwarto nito at baka masarap na ang tulog nito. Habang siya ay nandito at pinipilit na huwag sumigaw sa inis. Paulit-ulit na humugot siya ng malalim na hininga. Mariing pumipikit pa siya baka sakaling mawala ang antok niya.Itinukod niya ang siko sa tuhod niya bago ipinatong ang baba sa kamay niya at pumikit nang hindi na niya mapigilan ang antok. Puwede naman siguro siyang umidlip, 'di ba? Total wala naman siyang nakitang manok na kumaka
Ramdam ni Axis ang pagkamuhi ni Abigail sa kaniya simula nang halikan niya ito apat na araw na ang nakakalipas. Mas nag-level pa nga yata ang galit nito dahil sa tuwing nakatingin ito sa kaniya ay animo kutsilyo ang matalim na tingin nito. Animo sinasaksak nito ang bawat parte ng katawan niya. Na kung nakamamatay lamang iyon ay matagal na siyang pinaglalamayan ng magulang niya. At sa tuwing kinakausap niya ito ay palaging naka-angil ito sa kaniya. She will even roll her eyes to him and snort. Pagkatapos ay dadabugan pa siya nito at ibabalibag ang pinto ng kuwarto nito. Umuusok pa ang ilong nito sa pagkabuwisit sa kaniya. At hindi niya napipigilan ang sariling ngumisi sa tuwing nakikita niya iyon.May time pa na parang pinipigilan lang nito ang tumili. Pero kita naman niya ang pag-igting ng ugat sa leeg nito at pamumula ng mukha nito.Magkaganun pa man ay deadma siya sa nakikitang reaksyon ni Abigail. Umakto siya na parang hindi niya napapansin iyon at katulad pa rin ng dati ay inaalas
Hindi pa sumisilip ang inang araw ay ginising na ni Axis si Abigail na agad nagreklamo sa kaniya. Puwede nang sabitan ng kaldero ang nguso sa haba 'nun. Nakatanggap pa siya ng nakamamatay na tingin dito ngunit hindi niya iyon pinansin. Pinilit niya pa rin na kumain sila ng agahan at pagkatapos ay nagpalit ng damit. Hindi niya sinabi kung saan sila pupunta at basta ito kinaladkad kanina kahit todo angal ito. Habang naglalakad sila papunta sa bukid ay naririnig niya ang maaanghang na salitang lumalabas sa bibig nito. At pumapasok lang iyon sa kaliwang taynga niya at lumalabas naman sa kabila. Parang wala siyang naririnig na tuloy tuloy lamang sila sa paglalakad.Gilalas na napatingin ito sa pilapil na dadaanan nila. Nanlalaki ang matang nilinga siya nito at itinuro iyon."Huwag mong sabihin na ito ang daan?" hindi makapaniwalang bulalas nito.Tumango siya at imunuwestrang magpatuloy na ito sa paglalakad. "Lakad na!"Matigas na umiling ito. Bakas sa mukha nito ang pagtutol pero mahinang
The most embarrassing thing that happened to Abigail's life was after coming to this place. Lahat na lamang ng mga bagay na hindi pa niya nagagawa sa America ay ginawa na niya rito. Katulad ng pagbaon ng takong ng sandal niya sa lupa. Ang makita ni Axis na nakababa ang pantalon niya at lalo na ang madulas sa pilapil at bumagsak sa putikan.At ang pinaka worst na naranasan niya ay ang pumasok sa banyo ang binata na wala siyang saplot. Idagdag pa na ito ang naghanda ng underwear at napkin na isusuot niya. At dahil nahirapan din siyang tumayo para itaas ang pantalon niya ay ito na rin ang gumagawa. Kung puwede lamang na burahin niya ang mga bagay na 'to sa buhay niya ay nagawa na niya. Pero hindi naman puwede dahil nangyari na. Kahit itanggi rin niya ito ay hindi pa rin mabubura sa isip niya ang mga kahihiyan na ito.Mariing pumikit siya at huminga ng malalim. Kasalukuyang nandito siya sa kuwarto at balak niyang lumabas para kumain ng tanghalian. Pero 'pag gusto niyang itapak ang na-spra
Nagdisisyon si Axis na maglaba ngayong araw sapagkat marami na siyang labahin. Hindi niya iyon nalabhan noong isang linggo kaya ito at puno na ang hamper niya. Idagdag pa ang mga pinagpalitan ni Abigail. Mabuti na lamang at may washing machine siyang nabili noong nakaraan na ginagamit niya sa paglalaba. Mas madali na sa kaniya ito at hindi na niya kailangan na kuskusin pa ang mga lalabhan niya. Lalo na kapag pagod siya galing sa bukid ay hindi na siya mahihirapan.Binanlawan niya ang mga natapos nang masabon at nilagay sa spinner pagkatapos ay hinintay na matapos iyon. Pagkatapos ay nilagay niya sa laundry basket ay binitbit niya iyon at pumunta sa bakuran. May sampayan doon kaya dito niya sinampay ang mga nalabhan niya. Mataas na ang sikat ng araw kaya baka mamayang hapon ay tuyo na ang mga ito at puwede na niyang tupihin at ilagay sa cabinet.Nang kunin niya ang isang panloob at isinampay ay nakarinig siya ng malakas na singhap. Agad na nilinga niya si Abigail na nakaupo sa bangkito
Pagkatapos ng nangyari kanina ay parang bumalik na sila sa pagiging estranghero sa isa't isa. Katulad noong unang araw ni Abigail dito sa bahay niya. Naging tahimik sila at hindi na nag-usap. Tinutulungan pa rin naman ni Axis ang dalaga subalit walang kahit na salitang namutawi sa bibig nito. She just pursed her lips tightly and let him carry her. Hindi rin ito makatingin sa kaniya ng maayos. Sa tuwing lalapit siya ay magbababa ito ng tingin. And then she'll start fiddling with her fingers or she will begin fidgeting. Her cheeks were so red like cherries. Ang tensyon sa pagitan nilang dalawa ay mas malala pa kaysa noong unang magkakilala sila.Ito ang pinupunto niya, eh, ang magiging awkward silang humarap sa isa't isa. At ito ang ayaw niyang mangyari. Mas maganda pa nga kung iyong laging iniinis niya ito tapos papatulan nito at walang tigil na magbabangayan na naman sila. Ayaw niya ang ganitong nagkakahiyaan pa sila gayong sa iisang bubong lang sila nakatira. Sa part niya ay hindi si
Hindi pa tuluyang gumaling ang paa ni Abigail kaya minabuti na lamang ni Axis na bungkalin ang lupa sa likod ng kaniyang bahay. Ang bukid niya nakasalukyan inaararo ni uncle john ay pinagkatiwala muna niya rito. Ang matanda na rin ang magtuturo sa mga babayaran niyang mag-aalis ng mga ligaw na damo roon. May tiwaala naman siya sa matanda dahil uncle ito ng asawa ni Roger. Isa pa ay napakabait nito.Hindi niya gustong iwan mag-isa si Abigail dito sa bahay niya at baka hindi na lang ang kaserola ang susunugin nito. Baka buong bahay na. Hindi pa niya nakakalimutan ang panunubok nitong magluto kaya mas maganda pa kung dito na muna siya hanggang sa gumaling ang paa nito.Nakakalakad naman na ito pero kailangan pa rin nito ng suporta. Biniro niya ito minsan na kung kailangan nito ng saklay ay puwede naman siyang bumili. At halos hindi na maipinta ang mukha nito nang banggitin niya ito. Hindi raw ito embalido para gumamit ng tungkod.Nasa gilid ito at nakaupo sa bangkito sa lilim ng puno ng
Kasalukuyang nakaupo siya sa duyan sa lilim ng bayabas at katatapos lamang na kumain ng tanghalian. Naiwan naman sa loob ng bahay si Axis na ngayon ay kaniya nang asawa. Noong last Saturday ang kasal nila ng kabiyak at iyon ang pinakamasayang araw sa buhay niya. Ang mga vows na palitan nila at I do's na sinagot nila sa pari'ng nagkasal sa kanila ay fresh pa sa utak niya. At alam niyang kahit lumipas ang maraming taon ay hindi niya ito makakalimutan.Ang kasal nila ay dinaluhan ng mga matataas na personalidad ng bansa. At may mga media pa ang dumating. At lahat ay namangha nang makita kang naging bulaklak na ginamit nilang dekorasyon. Iyon ay ang mga tanim ni Axis at Roger na cabbages at iba pang gulay sa bukid nila. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa kokote ng kaniyang asawa at iyon ang sinabi sa wedding planner. Kaya naman binansagan na bilyonaryong magsasaka si Axis ng kaniyang mga kakilala na tinawanan lamang nito.Sa ibang bansa sana sila mag-honeymoon pero siya ang pumiling
"Hindi kaya sila magtataka na bigla tayong nawala roon?" atubling tanong ni Abigail kay Axis nang makapasok sila sa room ng una.Ikinulong niya ang kasintahan sa mga bisig niya at agad ipinasok ang palad sa loob ng suot nitong blouse. "They won't mind!" anas niya habang hinahalikan ito sa leeg."Pero napansin ko na sumulyap si Gale at Amara kanina nang paalis tayo," ani Abigail pero hindi naman siya sinaway.Bagkos ay inilapat nito ang dalawang palad sa kaniyang dibdib at bahagya siya itinulak. Napangiti siya at umatras naman hanggang sa mapansandal siya sa dingding na hindi naglalayo ang katawan nilang dalawa. Tumingala ito sa kaniya habang ang baba ay nakapatong sa kaniyang dibdib. Ang mga mata nito ay puno ng pang-aakit at pagnanasa.Pinisil niya ang baywang nito at bumaba ang kaniyang ulo. Hinalikan muna niya ito sa noo, sa pagitan ng kilay nito, pababa sa mata nito at sa tungki ng ilong nito. Saglit na tumigil siya at gamit ang hinlalaki niya ay pinunasan niya ang ibabang labi ni
Napangiti si Axis nang makita ang luhaang mukha ni Abigail. Gusto niyang lapitan ito at yakapin. Sabihin na okay lang at hindi naman talaga siya galit at nasaktan kanina. Ginawa lamang niya iyon para makalabas siya ng room nito at pumunta rito sa second floor kung nasaan ang restaurant. Siya ang owner nito kaya pinaayos na agad niya ito kaninang hapon. And Amara hired many people to arrange everything.After kasing hindi bumalik ang dalaga ay nag-usap sila ng ama nito. At hindi siya ang may plano nito ang sarili rin nitong ama. He told him how sad he was after she went back home. Her eyes are filled with yearning even though she's smiling. At hindi nila kayang makita iyon kaya nagplano ito at sinabing mag-lunch sila na agarang sinang-ayunan niya. Iyon pala ay gusto lang nitong gumawa ng rason para maihatid nito ang dalaga sa kaniya. Kaya noong nasa Los Angeles pa ang mga ito ay nagplano na ang magulang nito. Kahit hindi sila sigurado kung papayag siya ay itinuloy pa rin nila. They even
Kunot ang noong binuksan ni Abigail ang pinto at lalo siyang nagtaka nang makitang walang tao roon. Akmang isasara sana niya ito pero may nahagip ang mata niya na note at nakadikit sa pinto. Inabot niya ito at binasa ang nakasulat doon. Para lamang lumaki ang mata niya. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang nabasa.Nagmamadaling pumasok siya sa loob at deretsong inayos ang mga gamit niya. Ang nagtatakang si Axis ay mabilis na pinigilan siya. Pero pumalag siya at isinuksok sa bag ang damit niya. Gusto niyang bilisan ang pagkilos dahil baka makaalis na ang kaniyang ama at hindi niya ito maabutan.Ang nakasulat kasi sa note ay nagpaalam ang daddy niya na babalik na ito nang hindi siya kasama. Hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang ginawa ng ama niya."What's wrong?" tanong ni Axis at hinawakan ang kamay niya. Tinabig niya ang kamay nito at hinarap niya ito."You knew, don't you?" akusa niya sa binata. "Alam mo na ngayong gabi ang balik ni daddy sa Los Angeles. At kaya ka biglang sum
Sakay na sina Axis at Amara sa kotse pabalik sa office niya. Napapailing siya sa nakitang pangbungisngis ng pinsan niya. Mukhang siyang-siya ito sa ginawang kalokohan at pang-iinis kay Abigail. Hindi niya sinaway ito kanina sapagkat gusto niyang makita ang reaksyon ng dalaga. Kung paano nito pakikitunguhan ang kaniyang pinsan. At nang makita niya ang pilit nitong itinatagong inis at selos ay pinigilan niya ang mapangiti. Parang sasakmalin kasi nito sa tingin si Amara.Katunayan ay nagulat din siya nang makita niya ito. Dahil sinabi niya sa magulang nito huwag sabihin ang tungkol sa pagiging owner niya ng Levanter. Pero ito at sinama pa rin para sa lunch nila. Hindi naman siya galit sa ama nito. Mas nangibabaw ang tuwa dahil ito nagawa niyang makita muli ito. Madali lang naman na puntahan niya ito sa Los Angeles pero nerespeto pa rin niya ang sinabi nito. Peto ngayon na ito mismo ang sumulpot sa harapan niya ay mas gumaan pa ang loob niya.Kung hindi lang niya inisip kanina na nasa pub
Pasulya-sulyap si Abigail sa entrance ng restaurant lalo na 'pag may pumapasok doon. Baka sakaling ang susulpot doon ay ang may-ari ng Levanter. Pero kapag may dumarating ay kung hindi may kasama at uupo sa ibang mesa, ang iba naman ay may kasama na rito at hinihintay sila. Isa pa ay wala pa siyang makita na taong masasabi niyang 'ito siguro ang owner' sa isip niya.Hindi niya napansin na napapailing ang kaniyang ama sa kabilang silya habang pinapanood siya.Nang makitang hindi sa mesa nila dumeretso ang nakita niyang pumasok ay bumuntong hininga siya. Kinuha niya ang baso at uminom ng tubig. Mabilis na ibinaba niya iyon nang makitang ngumiti ang kaniyang ama at ang mata nito ay nakatutok sa may entrance. Kumuha siya ng napkin at pinunasan ang bibig niya bago sila tumayo ng kaniyang ama. Nagplaster siya ng ngiti sa labi at hinarap ang paparating para lamang mapatda.Her hand shook and she almost lost her composure. Even her knees trembled when she saw the person approaching. He's wear
"What do you mean we're going to the Philippines?" puno ng kalituhan na tanong ni Abigail sa kaniyang ama. Kagigising lang niya at nagkakape sila nang biglang sabihin ito ng ama niya. Napaso pa ang dila at labi niya dahil sa gulat. Hindi niya lubos maisip na maririnig sa bibig ng kaniyang ama ito. Dahil wala sa isip niya ang bumalik muna roon habang wala pa siyang napapatunayan kay Axis. She's still not good enough to become the next CEO of their company."Ako lang sana ang pupunta pero total gusto mo naman na maging pamilyar sa business natin ay magsisimula ka sa pagiging assistant ko. Isasama kita sa mga meetings ko at mag-take note para sa akin," esplika nito."P-Pero bakit kailangan nating pumunta roon?" may pagtutol sa tonong bigkas niya. "A-Ayaw ko pa ang bumalik sa pinas, Dad." Dahil kung pupunta siya ay baka hindi niya mapigilan ang sariling puntahan si Axis."Dahil katatagpuin ko ang may-ari ng Levanter —""Samson, honey," may warning sa boses na tawag ni Stephie sa asawa. "B
It's been a week since Abigail came back. At aminin niyang parang kagigising lang niya sa isang napakagandang panaginip sa gitna pero sa wakas ay naging sad ending. Kahit pa gaano siya kalungkot sa paglayo niya ay pinilit niyang magpakatatag. Hindi niya ipinahalata sa magulang na sa kalooblooban niya ay umiiyak at nagdurusa siya sa pag-ibig niyang agad natapos pagkalipas lang ng dalawang buwan. Those two months were the happiest and memorable days of her life with Axis. At kapag nakahiga na siya ay ang mukha at ngiti ng binata ang agad na naglalaro sa kaniyang balintataw. At sa hindi nakikita ng magulang niya ay umiiyak siya at tinatawag ang pangalan ng binata.At sa isang linggo na narito siya sa kanilang bahay sa Los Angeles ay ang tignan ang mga assets at nakaraang financing activities ng kanilang pabrika. Ito ang inatupag niya mula umaga hanggang sa hating gabi. Pero hindi pa rin ito sapat para maiwaglit niya sa isip si Axis. Dahil kahit na anong gawin niya ay ito pa rin ang laman
Sa isang mataas at particular na gusali sa Manila ay nakatayo ang isang binata at nakatanaw sa isang maliit na eroplano sa himpapawid. Napakaliit 'nun pero hindi pa rin umaalis sa harap ng floor to ceiling na glass window ang lalaki. His face was emotionless but inside his heart was in turmoil. No one will expect that this cold and stern man is fighting himself inside his head. At dahil iyon sa kagustuhan niyang sundan ang dalagang kahahatid lamang niya sa airport. Na sa oras na ito ay nakalulan na sa eroplanong ngayon ay hindi na abot ng kaniyang tanaw.But if you look closely at his emotionless face, in particular to his eyes. You will know that there's a hidden emotion inside of it. Sadness, longingness and repentance. There's also love within it. Ngunit dahil sa lamig na nagmumula sa awra nito ay walang maglalakas ng loob na titigan ang mukha nito. Natatakot silang masalubong ang mata nito dahil kahit na walang ekspresyon ang mukha nito ay animo may dalang panganib ang tingin nito