Hindi maipinta ang mukha ni Abigail habang nakasakay sa pickup ng nagngangalang Axis. Kung 'di siya nagkakamali ay ito ang binanggit ng magulang niya na may-ari ng bahay na tutuluyan niya. Hindi niya alam kung paano nila nakilala ang lalaking 'to na parang hindi naliligo. Nang sumilip ito sa bintana ay halos lumuwa ang mata niya nang makita ito.
Magulo ang mahabang buhok nito na basta lamang nito tinali. Ang suot nitong pang-itaas ay luma at kupas na. At nang bumaba siya ay 'di na niya napigilan ang pagngiwi niya nang makita ay suot nitong itim na jogging pants. May butas iyon sa tuhod at may mga mantsa pa. At ang sapin nito sa paa ay itim na tsinelas. Kung puwede lang ay hindi niya gugustuhin ang mapalapit sa lalaki pero nilunok niya lahat ng pagkasura niya.Bakit nga ba siya biglang tinapon ng magulang niya rito?Maasim na napangiti siya nang maalala ang dahilan. Sinamantala niya na nasa business conference ang magulang niyaatt nag-host siya ng party sa mismong bahay nila. Maayos naman iyon sa una pero nagkagulo nang biglang dumating ang mga police. Nag-report ang kapitbahay nila dahil sa ingay na nagmumula sa kanilang bahay. May mga underage pa na dumalo kaya isa ito sa naging dahilan para mapauwi ng wala sa oras ang magulang niya. Sa galit nila ay nagdisisyon na silang 'itapon' siya rito.Kahit na labis ang pagtutol niya ay hindi siya pinakinggan ng kaniyang magulang. Lalo na ang kaniyang ama na kung pina-freeze lahat ng cards niya at grounded pa siya."Narito na tayo," sabi ni Axis na pumutol sa pagbabalik tanaw niya.Nang tumingin siya sa labas ay gilalas na kumuyom ang kamao niya. Nasa gitna sila ng palayan at tanging maliit na bahay ang nakatayo sa gitna ng bukid.Pinagbuksan siya ni Axis ng pinto at parang ayaw na niyang bumaba ng sasakyan. Pero napilitan pa rin siyang bumaba. Pagtapak pa lamang niya ay nanlaki ang kaniyang mata at napasigaw nang bumaon sa lupa ang takong ng sandal niya. Kung hindi siya naging maagap na humawak sa pinto ng sasakyan ay baka natumba na siya."Oh my! Sh*t!!" malutong na mura niya at pulang-pula ang pisnging pilit niyang iginagalaw ang paa para mahugot niya ang takong ng sandals niya. Mas lalo pang kumulo ang kaniyang dugo nang makitang nakakuyom ang kamaong itinapat ni Axis iyon sa bibig at tumikhim. Halatang pinagtatawanan nito ang nangyari sa kaniya. "Are you laughing at me?" gigil na sikmat niya sa binata na agad ibinaba ang kamay at painosenteng tumingin sa kaniya."Tulungan na kita," alok nito at umuklo sa paanan niya. Bago pa niya mahulaan ang gagawin nito ay inalis nito ang suot niyang de-takong na sandals niya."What the h*ck are you doing??" horrified na bulalas niya lalo pa ng bitbitin nito ang sandals niya. Kinikilabutan siya na nakatapak siya sa maduming lupa nang walang suot na tsinelas."Tinutulungan ka na maayos na makalakad dito sa bakuran ko," balewalang sagot ni Axis at binalingan si Roger na nakamasid lang sa kanilang dalawa. "Tulungan mo akong ipasok ang bagahe niya. Pagkatapos ay imaneho mo na muna itong pickup sa inyo para maiuwi mo ang mga binili mo."Tumango si Roger at ibinaba ang mga bagahe niya sa likod ng sasakyan. Habang si Axis ay binuksan ang pinto ng bahay nito.Ilang beses siyang humugot ng malalim na hininga para kalmahin ang sarili niya. Pero kahit anong gawin niya ay umiinit pa rin ang ulo niya at parang gusto na niyang sumigaw sa iritasyon. Gusto niyang hablutin ang susi ng pickup sa kamay ni Axis para patakbuhin ang iyon at bumalik siya sa America.Hindi talaga niya kaya ang tumira sa gitna ng bukid na 'to. Na sa tingin niya ay walang internet at signal. Idagdag pa na wala man lang siyang makitang ibang tanawin kundi ang mga bukirin.Pinigilan niya ang mapaiyak dahil pakiramdam niya ay itinakwil na siya ng pamilya niya sa pagdala sa kaniya rito. Kung puwede lang niyang ibalik ang oras ay hindi na sana siya nagpa-party sa bahay nila at pumunta na lamang sila sa bar."Pumasok ka na sa loob Miss at magpahinga," ani Roger na sumakay muli sa pickup. "Huwag mong hinatayin na ayain ka ni Axis dahil abala na iyon sa pagluluto sa kusina."Kahit na diring-diri ang paa niya ay naglakad siya ng barefoot at pumasok sa loob ng bahay. Maliit ang sala ng bahay pero kompleto ang sala set. Ang mesa at mga sofa ay gawa sa pine trees. May maliit na TV din doon pero hindi niya alam kung gumagana pa ba iyon o hindi.Napatingin siya sa bukana ng kusina nang dumungaw soon si Axis na may hawak na baso ng tubig. Inilapag nito iyon sa mesa at ngumiti."Uminom ka muna habang hinihintay na makapagluto ako bago tayo kakain ng lunch. Kung gusto mo naman na magpahinga ay pumasok ka sa pintong iyon. Iyon ang magiging kuwarto mo. Dinala na namin doon ang mga gamit mo." Itinuro nito ang isang pinto.Bumalik muli sa kusina si Axis. Pigil ang iyak na kinuha niya ang baso at ininom lahat ang laman 'nun. Pagkatapos ay muling inilapag at nilapitan ang pintong tinuro nito. Pagbukas niya ay nanlambot ang tuhod niya at pakiramdam niya ay nabuhusan siya ng nagyeyelong tubig sa nakita.Maliit ang kuwarto at mas malawak pa ang banyo niya sa kanilang bahay sa America. Ang kama ay maliit din at may lumang aparador sa gilid.Nagliliyab sa galit ang matang nagmartsa siya papunta sa kusina. Humarap agad sa kaniya ang binata na ngayon ay walang suot na pang-itaas.Hindi niya alam kung dahil bakat sa mabibigat na trabaho si Axis kaya maganda ang pangangatawan nito. Lalo na ang abs nito na nakakatakam. Parang inaakit siya nito na pisilin at haplusin iyon. Halatang umitim lang ito sa araw-araw na nakabilad sa araw pero napaka-attractive pa rin tignan ang katawan niyo."May kailangan ka?" kaswal na tanong nito.She snapped in her trance and pointed her finger at him. Halos umusok na ang ilong niya sa inis. "You expect me to sleep in that bed without any cushion or mattress? Are you kidding me?"Itinaas nito ang kamay kaya napahinto siya sa masungit niyang paglilitanya. Masama ang tingin na tinignan niya ito."Puwede bang magtagalog ka at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo," wika nito. "Isa lang akong hamak na magsasaka at walang pinag-aralan kaya kahit simpleng Ingles ay hindi ko maintindihan," hindi man lang nahiyang pag-amin nito."You!!" Namumula na ang mukha niya sa galit at napapadyak sa inis. Sa lahat ng nakilala niyang lalaki ay ito lang nagagawang buwisitin siya kahit wala itong ginagawang masama. "Ang sabi ko ay patutulugin mo ako roon na walang unan at kutson!!"Animo napaisip ito. "Bukas na ako pupunta sa crosstown para maghanap ng kutson at nakalimutan ko kanina na bumili. Sa ngayon ay tiisin mo muna ang humiga sa matigas na kama. Kung ang unan naman ay tignan mo sa aparador at may dalawa roon. May banig at kumot din nga pala roon na puwede mong gamitin."Pagkatapos sabihin iyon ay hinarap muli nito ang niluluto. Ngali-ngaling hablutin niya ang thermos at ibato sa nakatalikod na lalaki. Napaka-insensitive nito at hindi man lang inisip na ang katulad niyang laki sa ibang bansa ay hindi sanay sa ganitong klase ng pamumuhay.Mariing pumikit siya bago impit na tumili at nagdadabog na bumalik sa kuwarto. Pabalibag na isinara niya ang pinto at namawyang sa gilid ng kama. Pinasadahan niya ng tingin ang matigas na kama at naiisip pa lang na doon siya matutulog mamayang gabi ay gusto na niyang umatungal ng iyak."How can I possibly sleep this kind of bed??" mangiyak ngiyak na bulalas niya. "Oh, Dad!! How can you punish me like this?"Sumalampak siya ng upo sa malamig na sahig at animo latang-lata na humikbi siya. Hindi niya lubos maisip na darating ang araw na mararanasan niya ang ganito. Nasanay siya sa marangyang buhay kaya pakiramdam niya sa oras na 'to ay pinagsakbluban siya ng langit at lupa. Feeling niya ay inabandona siya ng mundo.Exaggerated man ang nararamdaman niya ay iyon ang saloobin niya sa oras na 'to. Paano siya mabubuhay dito na walang kahit anong entertainment na puwede niyang pagkaabalahan?Baka 'pag tumagal pa siya rito ay makakalbo siya dahil sa frustrations. Idagdag pa ang nakakaimbyernang Axis na 'yun. Na hindi yata makaramdam kahit na naiinis siya rito."Ang sarap kalmutin sa mukha!" gigil na bulong niya.Kinagabihan, kahit na napipilitan ay luumabas pa rin si Abigail sa kuwarto at pumunta sa kusina. Katunayan ay ayaw niyang kumain na kasalo sa hapag si Axis subalit wala siyang pagpipilian. Ito ang nagluto ng mga pagkain at animo nananadya pa na hinihintay siyang lumabas para makakain na sila.Nang makita niya ang pagkain sa mesa ay namutla siya. Gilalas na nakamata siya sa isang mangkok kung saan ang nakikita niyang nakalagay roon ay palaka. Naramdaman niya ang pagbaliktad ng sikmura niya kaya agad siyang napatutop sa bibig.Umarko ang kilay ni Axis na kumuha ng isa at isinubo iyon. He eats it with so much gusto. He even licked the tip of his finger and smiled at her. Ngunit para sa kan'ya ay nang-aasar ang ngiti nito."Pagpasensyahan mo na at isa akong hikahos na tao kaya hindi kita mahahainan ng masarap na… ano nga ang tawag niyong mayayaman doon… ah, steak nga pala," ngumunguyang sabi nito.Ang nararamdaman niyang gutom ay biglang nawala dahil sa nakitang inihain nito. Mariing nagl
Nagkakape si Axis nang umagang 'yun at iniisip kung ano ang gagawin niya mamaya nang dumungaw si Abigail sa may bukana ng kusina. Napatigil siya sa paghigop ng kaniyang kape at napatitig sa dalaga. Magulo ang buhok nito at very conspicuous ang itim sa paligid ng mga mata nito. Parang hindi ito natulog magdamag dahil sa hitsura nito. Animo nanlalata ang buong katawan na naglakad ito at naupo sa silya. Laglag ang balikat nito at parang pasan ang pinakamalaking problema sa mundo.Nang tumingin ito sa kaniya ay ngumiti siya rito. Walang kabuhay-buhay na napatitig lang ito sa kaniya. At pati yata pagkurap nito ay parang tinatamad dahil slow motion pa iyon."Magandang umaga magandang, binibini," bati niya. Hindi ito nag-react sa sinabi niya at huminga lang ito ng malalim. Itinulak niya ang isang mug at ang thermos sa harap nito. Pati na rin ang asukal na nakalagay sa maliit na container. "Nagkakape ka ba ng barako? Ayan, magtimpla ka ng iyo," sabi niya pagkatapos ay muling humigop at pinano
"Anong tinatawa-tawa mo riyan?" takang tanong ni Roger kay Axis. Nasa bukid silang dalawa, kasama ang pitong taon na dalaga nito at pinipitas ang bunga ng mga beans na tanim niya. May nag-aangkat kasi ng mga ito na isang tindera sa crosstown. Isa iyong single mother na tinulungan niya noong unang buwan niya rito sa mountain province. Nakita kasi niya ang dedication ng babaeng 'yun na mabigyan ng magandang buhay ang anak nito kaya naawa siya.Muli siyang tumawa nang marinig ang tanong ng kaibigan niya. Kaninang inutusan niya itong maghugas ay sinilip niya ito. At labis ang gulat niya sa nakitang pag-iyak nito. Ito lamang ang babaeng nakita niya na malala ang reaksyon dahil sa hugasin. Ang anak nga ni Roger ay minsan na n'yang nakita na hinugasan nito ang ginamit nila at hindi man lang umiyak.Ilsng beses pa nitong tinignan ang kuko nito at nang makitang nasira iyon ay medyo lumakas ang hikbi nito. Sa loob-loob nga niya ay tinatawanan niya ang dalaga sa pagiging overacting nito. Puwede
Axis woke up that morning with a start. He felt like there's a heavy object resting on his chest at hindi siya makahinga ng maayos. Sa una ay sinubukan niyang pinalis ang bagay na iyon pero nag-freeze ang kamay niya nang maramdaman na malambot iyon. Mabilis na tinignan niya ang bagay na 'yun at kulang na lang ang gulat na naramdaman niya sa nakita. Animo nabilog ang ulo niya at hindi siya agad makapag-isip ng tama. Hindi siya makapaniwala at nakataas lamang ang kamay niya sa ere.Ang inakala kasi niyang bagay na nakadantay sa dibdib niya ay ang ulo ni Abigail at mahimbing ang tulog nito. At ang nahawakan niya pala ay ang pisngi nito kaya malambot at mainit iyon. Ang mga paa nito ay nakalaylay sa gilid ng kama. Hindi niya maintindihan kung bakit biglang narito sa kuwarto niya ang dalaga gayong pumasok naman siyang mag-isa rito pagkatapos niyang kumain. Nang mahiga rin siya ay sure siyang hindi man lang ito kumatok hanggang sa makatulog siya. Kahit kaluskos sa labas ay wala siyang narin
Nakapangalumbaba si Abigail habang tulalang nakatingin sa binabantayan niyang palay. Ang sabi ni Axis ay hindi siya mababagot pero ito at parang gusto na niyang magpapadyak dahil sa inis. Para siyang tanga na nakaupo lang dito. At sa totoo lang ay feeling niya'y panis na ang kaniyang laway sa ilang oras na hindi siya nagsasalita. Nakakaramdam na rin siya ng antok at parang gusto na niyang pumasok sa kuwarto para matulog. Feeling niya ay wala na siyang buto dahil parang dadausdos na siya sa kaniyang kinauupuan.Buti pa ang hudyong si Axis ay naroon sa kuwarto nito at baka masarap na ang tulog nito. Habang siya ay nandito at pinipilit na huwag sumigaw sa inis. Paulit-ulit na humugot siya ng malalim na hininga. Mariing pumipikit pa siya baka sakaling mawala ang antok niya.Itinukod niya ang siko sa tuhod niya bago ipinatong ang baba sa kamay niya at pumikit nang hindi na niya mapigilan ang antok. Puwede naman siguro siyang umidlip, 'di ba? Total wala naman siyang nakitang manok na kumaka
Ramdam ni Axis ang pagkamuhi ni Abigail sa kaniya simula nang halikan niya ito apat na araw na ang nakakalipas. Mas nag-level pa nga yata ang galit nito dahil sa tuwing nakatingin ito sa kaniya ay animo kutsilyo ang matalim na tingin nito. Animo sinasaksak nito ang bawat parte ng katawan niya. Na kung nakamamatay lamang iyon ay matagal na siyang pinaglalamayan ng magulang niya. At sa tuwing kinakausap niya ito ay palaging naka-angil ito sa kaniya. She will even roll her eyes to him and snort. Pagkatapos ay dadabugan pa siya nito at ibabalibag ang pinto ng kuwarto nito. Umuusok pa ang ilong nito sa pagkabuwisit sa kaniya. At hindi niya napipigilan ang sariling ngumisi sa tuwing nakikita niya iyon.May time pa na parang pinipigilan lang nito ang tumili. Pero kita naman niya ang pag-igting ng ugat sa leeg nito at pamumula ng mukha nito.Magkaganun pa man ay deadma siya sa nakikitang reaksyon ni Abigail. Umakto siya na parang hindi niya napapansin iyon at katulad pa rin ng dati ay inaalas
Hindi pa sumisilip ang inang araw ay ginising na ni Axis si Abigail na agad nagreklamo sa kaniya. Puwede nang sabitan ng kaldero ang nguso sa haba 'nun. Nakatanggap pa siya ng nakamamatay na tingin dito ngunit hindi niya iyon pinansin. Pinilit niya pa rin na kumain sila ng agahan at pagkatapos ay nagpalit ng damit. Hindi niya sinabi kung saan sila pupunta at basta ito kinaladkad kanina kahit todo angal ito. Habang naglalakad sila papunta sa bukid ay naririnig niya ang maaanghang na salitang lumalabas sa bibig nito. At pumapasok lang iyon sa kaliwang taynga niya at lumalabas naman sa kabila. Parang wala siyang naririnig na tuloy tuloy lamang sila sa paglalakad.Gilalas na napatingin ito sa pilapil na dadaanan nila. Nanlalaki ang matang nilinga siya nito at itinuro iyon."Huwag mong sabihin na ito ang daan?" hindi makapaniwalang bulalas nito.Tumango siya at imunuwestrang magpatuloy na ito sa paglalakad. "Lakad na!"Matigas na umiling ito. Bakas sa mukha nito ang pagtutol pero mahinang
The most embarrassing thing that happened to Abigail's life was after coming to this place. Lahat na lamang ng mga bagay na hindi pa niya nagagawa sa America ay ginawa na niya rito. Katulad ng pagbaon ng takong ng sandal niya sa lupa. Ang makita ni Axis na nakababa ang pantalon niya at lalo na ang madulas sa pilapil at bumagsak sa putikan.At ang pinaka worst na naranasan niya ay ang pumasok sa banyo ang binata na wala siyang saplot. Idagdag pa na ito ang naghanda ng underwear at napkin na isusuot niya. At dahil nahirapan din siyang tumayo para itaas ang pantalon niya ay ito na rin ang gumagawa. Kung puwede lamang na burahin niya ang mga bagay na 'to sa buhay niya ay nagawa na niya. Pero hindi naman puwede dahil nangyari na. Kahit itanggi rin niya ito ay hindi pa rin mabubura sa isip niya ang mga kahihiyan na ito.Mariing pumikit siya at huminga ng malalim. Kasalukuyang nandito siya sa kuwarto at balak niyang lumabas para kumain ng tanghalian. Pero 'pag gusto niyang itapak ang na-spra
Kasalukuyang nakaupo siya sa duyan sa lilim ng bayabas at katatapos lamang na kumain ng tanghalian. Naiwan naman sa loob ng bahay si Axis na ngayon ay kaniya nang asawa. Noong last Saturday ang kasal nila ng kabiyak at iyon ang pinakamasayang araw sa buhay niya. Ang mga vows na palitan nila at I do's na sinagot nila sa pari'ng nagkasal sa kanila ay fresh pa sa utak niya. At alam niyang kahit lumipas ang maraming taon ay hindi niya ito makakalimutan.Ang kasal nila ay dinaluhan ng mga matataas na personalidad ng bansa. At may mga media pa ang dumating. At lahat ay namangha nang makita kang naging bulaklak na ginamit nilang dekorasyon. Iyon ay ang mga tanim ni Axis at Roger na cabbages at iba pang gulay sa bukid nila. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa kokote ng kaniyang asawa at iyon ang sinabi sa wedding planner. Kaya naman binansagan na bilyonaryong magsasaka si Axis ng kaniyang mga kakilala na tinawanan lamang nito.Sa ibang bansa sana sila mag-honeymoon pero siya ang pumiling
"Hindi kaya sila magtataka na bigla tayong nawala roon?" atubling tanong ni Abigail kay Axis nang makapasok sila sa room ng una.Ikinulong niya ang kasintahan sa mga bisig niya at agad ipinasok ang palad sa loob ng suot nitong blouse. "They won't mind!" anas niya habang hinahalikan ito sa leeg."Pero napansin ko na sumulyap si Gale at Amara kanina nang paalis tayo," ani Abigail pero hindi naman siya sinaway.Bagkos ay inilapat nito ang dalawang palad sa kaniyang dibdib at bahagya siya itinulak. Napangiti siya at umatras naman hanggang sa mapansandal siya sa dingding na hindi naglalayo ang katawan nilang dalawa. Tumingala ito sa kaniya habang ang baba ay nakapatong sa kaniyang dibdib. Ang mga mata nito ay puno ng pang-aakit at pagnanasa.Pinisil niya ang baywang nito at bumaba ang kaniyang ulo. Hinalikan muna niya ito sa noo, sa pagitan ng kilay nito, pababa sa mata nito at sa tungki ng ilong nito. Saglit na tumigil siya at gamit ang hinlalaki niya ay pinunasan niya ang ibabang labi ni
Napangiti si Axis nang makita ang luhaang mukha ni Abigail. Gusto niyang lapitan ito at yakapin. Sabihin na okay lang at hindi naman talaga siya galit at nasaktan kanina. Ginawa lamang niya iyon para makalabas siya ng room nito at pumunta rito sa second floor kung nasaan ang restaurant. Siya ang owner nito kaya pinaayos na agad niya ito kaninang hapon. And Amara hired many people to arrange everything.After kasing hindi bumalik ang dalaga ay nag-usap sila ng ama nito. At hindi siya ang may plano nito ang sarili rin nitong ama. He told him how sad he was after she went back home. Her eyes are filled with yearning even though she's smiling. At hindi nila kayang makita iyon kaya nagplano ito at sinabing mag-lunch sila na agarang sinang-ayunan niya. Iyon pala ay gusto lang nitong gumawa ng rason para maihatid nito ang dalaga sa kaniya. Kaya noong nasa Los Angeles pa ang mga ito ay nagplano na ang magulang nito. Kahit hindi sila sigurado kung papayag siya ay itinuloy pa rin nila. They even
Kunot ang noong binuksan ni Abigail ang pinto at lalo siyang nagtaka nang makitang walang tao roon. Akmang isasara sana niya ito pero may nahagip ang mata niya na note at nakadikit sa pinto. Inabot niya ito at binasa ang nakasulat doon. Para lamang lumaki ang mata niya. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang nabasa.Nagmamadaling pumasok siya sa loob at deretsong inayos ang mga gamit niya. Ang nagtatakang si Axis ay mabilis na pinigilan siya. Pero pumalag siya at isinuksok sa bag ang damit niya. Gusto niyang bilisan ang pagkilos dahil baka makaalis na ang kaniyang ama at hindi niya ito maabutan.Ang nakasulat kasi sa note ay nagpaalam ang daddy niya na babalik na ito nang hindi siya kasama. Hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang ginawa ng ama niya."What's wrong?" tanong ni Axis at hinawakan ang kamay niya. Tinabig niya ang kamay nito at hinarap niya ito."You knew, don't you?" akusa niya sa binata. "Alam mo na ngayong gabi ang balik ni daddy sa Los Angeles. At kaya ka biglang sum
Sakay na sina Axis at Amara sa kotse pabalik sa office niya. Napapailing siya sa nakitang pangbungisngis ng pinsan niya. Mukhang siyang-siya ito sa ginawang kalokohan at pang-iinis kay Abigail. Hindi niya sinaway ito kanina sapagkat gusto niyang makita ang reaksyon ng dalaga. Kung paano nito pakikitunguhan ang kaniyang pinsan. At nang makita niya ang pilit nitong itinatagong inis at selos ay pinigilan niya ang mapangiti. Parang sasakmalin kasi nito sa tingin si Amara.Katunayan ay nagulat din siya nang makita niya ito. Dahil sinabi niya sa magulang nito huwag sabihin ang tungkol sa pagiging owner niya ng Levanter. Pero ito at sinama pa rin para sa lunch nila. Hindi naman siya galit sa ama nito. Mas nangibabaw ang tuwa dahil ito nagawa niyang makita muli ito. Madali lang naman na puntahan niya ito sa Los Angeles pero nerespeto pa rin niya ang sinabi nito. Peto ngayon na ito mismo ang sumulpot sa harapan niya ay mas gumaan pa ang loob niya.Kung hindi lang niya inisip kanina na nasa pub
Pasulya-sulyap si Abigail sa entrance ng restaurant lalo na 'pag may pumapasok doon. Baka sakaling ang susulpot doon ay ang may-ari ng Levanter. Pero kapag may dumarating ay kung hindi may kasama at uupo sa ibang mesa, ang iba naman ay may kasama na rito at hinihintay sila. Isa pa ay wala pa siyang makita na taong masasabi niyang 'ito siguro ang owner' sa isip niya.Hindi niya napansin na napapailing ang kaniyang ama sa kabilang silya habang pinapanood siya.Nang makitang hindi sa mesa nila dumeretso ang nakita niyang pumasok ay bumuntong hininga siya. Kinuha niya ang baso at uminom ng tubig. Mabilis na ibinaba niya iyon nang makitang ngumiti ang kaniyang ama at ang mata nito ay nakatutok sa may entrance. Kumuha siya ng napkin at pinunasan ang bibig niya bago sila tumayo ng kaniyang ama. Nagplaster siya ng ngiti sa labi at hinarap ang paparating para lamang mapatda.Her hand shook and she almost lost her composure. Even her knees trembled when she saw the person approaching. He's wear
"What do you mean we're going to the Philippines?" puno ng kalituhan na tanong ni Abigail sa kaniyang ama. Kagigising lang niya at nagkakape sila nang biglang sabihin ito ng ama niya. Napaso pa ang dila at labi niya dahil sa gulat. Hindi niya lubos maisip na maririnig sa bibig ng kaniyang ama ito. Dahil wala sa isip niya ang bumalik muna roon habang wala pa siyang napapatunayan kay Axis. She's still not good enough to become the next CEO of their company."Ako lang sana ang pupunta pero total gusto mo naman na maging pamilyar sa business natin ay magsisimula ka sa pagiging assistant ko. Isasama kita sa mga meetings ko at mag-take note para sa akin," esplika nito."P-Pero bakit kailangan nating pumunta roon?" may pagtutol sa tonong bigkas niya. "A-Ayaw ko pa ang bumalik sa pinas, Dad." Dahil kung pupunta siya ay baka hindi niya mapigilan ang sariling puntahan si Axis."Dahil katatagpuin ko ang may-ari ng Levanter —""Samson, honey," may warning sa boses na tawag ni Stephie sa asawa. "B
It's been a week since Abigail came back. At aminin niyang parang kagigising lang niya sa isang napakagandang panaginip sa gitna pero sa wakas ay naging sad ending. Kahit pa gaano siya kalungkot sa paglayo niya ay pinilit niyang magpakatatag. Hindi niya ipinahalata sa magulang na sa kalooblooban niya ay umiiyak at nagdurusa siya sa pag-ibig niyang agad natapos pagkalipas lang ng dalawang buwan. Those two months were the happiest and memorable days of her life with Axis. At kapag nakahiga na siya ay ang mukha at ngiti ng binata ang agad na naglalaro sa kaniyang balintataw. At sa hindi nakikita ng magulang niya ay umiiyak siya at tinatawag ang pangalan ng binata.At sa isang linggo na narito siya sa kanilang bahay sa Los Angeles ay ang tignan ang mga assets at nakaraang financing activities ng kanilang pabrika. Ito ang inatupag niya mula umaga hanggang sa hating gabi. Pero hindi pa rin ito sapat para maiwaglit niya sa isip si Axis. Dahil kahit na anong gawin niya ay ito pa rin ang laman
Sa isang mataas at particular na gusali sa Manila ay nakatayo ang isang binata at nakatanaw sa isang maliit na eroplano sa himpapawid. Napakaliit 'nun pero hindi pa rin umaalis sa harap ng floor to ceiling na glass window ang lalaki. His face was emotionless but inside his heart was in turmoil. No one will expect that this cold and stern man is fighting himself inside his head. At dahil iyon sa kagustuhan niyang sundan ang dalagang kahahatid lamang niya sa airport. Na sa oras na ito ay nakalulan na sa eroplanong ngayon ay hindi na abot ng kaniyang tanaw.But if you look closely at his emotionless face, in particular to his eyes. You will know that there's a hidden emotion inside of it. Sadness, longingness and repentance. There's also love within it. Ngunit dahil sa lamig na nagmumula sa awra nito ay walang maglalakas ng loob na titigan ang mukha nito. Natatakot silang masalubong ang mata nito dahil kahit na walang ekspresyon ang mukha nito ay animo may dalang panganib ang tingin nito