Maging mayaman iyan ang pangarap ni Lexi De Asis na kaniyang makamtan sa pamamagitan ni Ally Sandoval ang bilyonaryong businessman na boss niya. Ngunit hindi tumatalab ang kaniyang pang-aakit sa binata dahil napakasungit nito sa kaniya at hindi nito pinapansin ang kaniyang karisma. Hanggang sa sumuko si Lexi sa kaniyang boss at magkaroon naman ng interes sa nakababatang kapatid ni Ally na si Gilbert. Muling ginamit ni Lexi ang kaniyang karisma sa bunsong kapatid ni Ally ngunit hindi inakala ni Lexi na ang kaniyang naging biktima sa plano niya ay si Ally. Dahil sa kahihiyan na inabot ni Lexi sa kaniyang boss ay umalis siya ng trabaho na nagdadalang tao. Muli pa bang magkru-krus ang kanilang landas ni Ally o tuluyang magkakalayo ang kanilang landas dahil nakatakda na itong ikasal sa iba?
View MoreAlly's PoVInis ang nararamdaman ko kay Lexi. Kasama nito si Kiko sa mall at sobrang sweet pa nila sa isa't isa. Hindi ko alam na nandito si Lexi ngayon sa mall na pinuntahan namin ni Bianca para mag-promote ng bago naming TV Commercial."Al, hintayin mo naman ako," reklamo ni Bianca sa akin dahil mabilis akong maglakad.Kanina pa dikit nang dikit sa akin si Bianca at ginagamit ang sitwasyon para magawa nito ang mga gusto nitong gawin sa akin."Ano ba, Bianca. Bilisan mo na lang na maglakad," pabulong na sabi ko kay Bianca. Diretso kaming lumabas ng mall at nagtungo na sa sarili kong sasakyan.Hindi ko na pinakinggan ang sinasabi sa akin ni Bianca na kumain na muna kaming dalawa. Minabuti ko na lang na umiwas sa mga tao dahil pagod na rin akong ngumiti sa camera.Inalis ko ang suit na suot ko at in-un button ang suot kong polo t-shirt para makahinga ako nang maluwag. Napansin ni Manong Celso ang pagbuga ko nang malalim habang nakatingin sa bintana ng kotse."Sir Ally, okay lang ba kay
Lexi's PoVNandito ako ngayon sa harapan ng bahay namin at pagngiti-ngiti. Ngayon lang kasi nakita si Ally na nag-blush. Siguro umeepekto na ang pagpapansin ko sa kaniya kaya ganoon siya sa akin.Habang tumatagal hindi na crush itong nararamdaman ko kun'di love ma talaga. Mahal ko na talaga si Ally at hindi na lang ito simpleng attraction. Iyon nga lang hindi ko talaga p'wedeng ipilit ang nararamdaman ko sa kaniya. Alam ko naman kung ano ang agwat namin sa isa't isa.Biglang nawala ang ngiti sa aking mga labi.Pumasok na ako nang tuluyan sa loob ng aming bahay. Wala roon si Nanay, siguro nasa kapit-bahay at nakipagkuwentuhan.Ipinasya kong magtungo sa kuwarto ko at matulog na dahil pagod na pagod ang pakiramdam ko. Hindi na ako naghapunan dahil kumain naman kami ni Kiko sa may paresan kanina. Ang kababata kong iyon na walang sawang manlibre sa akin.Day off ko ngayong araw ng Sabado kaya naisip ko na pumunta sa bahay nila Kiko. Gusto ko din sana na ayain siyang lumabas para naman mail
Ally's PoV"I'm sorry, sir," hinging paumanhin sa akin ni Lexi. Natutuwa ako sa babaeng ito dahil may mga ugali siyang nagugustuhan ko.Nalaman ko na kagabi na si Lexi nga ang kumuha ng jacket ni Gilbert at sasabihin ko pa lang dapat sa kaniya pero nagsabi na ito sa akin ng totoo.Nagugulat ako sa mga sinasabi sa akin ni Lexi. Gusto niya ako at mahal daw.Dapat ba akong maniwala?Pera lang ang gusto nito sa akin. Nararamdaman ko iyon.Katulad din siya ni Bianca na ang tanging gusto ay popularity.Bumuga ako nang malalim at tumingin kay Lexi na nasa harapan ko."Go back to your work, Miss De Asis," seryosong sabi ko sa kaniya."Hindi mo na ba ako sisisantehin, sir?""Hindi ko iyon gagawin, unless na magpasa ka ulit ng resignation letter.""Thanks talaga my
Lexi's PoVNamumugto ang mga mata ko nang pumasok ako kinabukasan sa Sandoval Wirings. Nakita ako ni Sir James pero hindi ko siya pinansin. Galit lang ako ngayon sa sarili ko at syempre sa mga kaibigan ng boss ko.Kapag nagalit pa naman ako dinadamay ko lahat ng tao kahit na insekto.Dumiretso ako sa elevator at eksakto na wala akong kasabay. Bumuga ako nang malalim at mahigpit ang higpit sa paper bag na kinalalagyan ng jacket ni Sir Ally. Ibabalik ko na ito sa lalaking iyon at mula sa araw na ito ay kakalimutan ko na ang nararamdaman ko para sa kaniya.Pipindutin ko na sana ang third floor button nang biglang magbukas pa ang elevator at nagulat ako nang makita ko si Sir Ally na sobrang guwapo sa suot na business suit na kulay gray.Huminga ako nang malalim. "Good morning, Sir Ally," matamlay kong bati sa kaniya."Umaga pa lang ubos na ang energy mo, Miss De Asis?" nakangising tanong sa akin nito."Wala lang ako sa mood, sir. Marami akong iniisip ngayon at marami din akong mga kaaway.
Ally's PoVNasa harapan ko ngayon si Misis Flora, ang Ginang na ito na nanghamak sa kapatid ko. Kung tignan niya ako para itong anghel na napakabait at maasikaso."Ally, hindi ko inaasahan na dito tayo mag-uusap. Talagang ikaw pa mismo ang nagpunta rito." Makikita ang pagkabigla sa mukha nito."Misis Flora, importante kasi ang sasabihin ko kaya dito kita gustong kausapin. Regarding sa business proposal mo para mag-invest ang Sandoval Group sa maliliit na negosyanteng katulad ninyo." Sumandal ako sa upuan at nag-cross legs. "Gusto ko sanang makipag-partnership sa inyo pero nagbago ang isip ko."Nabigla ang Ginang sa sinabi ko. Naibuka nito ang bibig at tumingin sa aking mga mata."Ally, ba-bakit naman? Hindi ba maganda ang proposal ko?"Nakita ko ang paglapit sa kinaroroonan namin ni Misis Flora ang anak nitong si Mina. Umupo ito sa tabi ng ina matapos ilapag ang kape at cookies sa lamesa."Anak ko nga pala, Ally. Siya ang madalas kong banggitin sa iyo sa phonecall. Nag-iisa ko siyang
Ally's PoVNakahalukipkip ako sa harapan ni Lexi at pinakikinggan ang kaniyang mga paliwanag. Gusto kong matawa ngunit pinipigilan ko dahil katulad ng aking inaasahan ay si Lexi ang gugulo sa tahimik kong mundo."Sorry na nga, sir. Hindi naman talaga dapat akong natulog dito sa office mo kaya lang talagang napagod lang talaga ako. Hindi naman ako nagrereklamo sinasabi ko lang naman ang gusto kong sabihin sa iyo. Ayaw mo ba no'n na prangka lang ako?" sabi ni Lexi na umiiwas ng tingin sa akin."Miss De Asis, naiintindihan ko na kaya ka nandito sa office ko ay para i-istalk ang mga gamit ko rito, tama ba? Fan kita at hindi naman nakapagtataka na kaya mo iyong gawin dahil nga sa pagiging fan mo. Miss De Asis, to tell you frankly, hindi ko nagugustuhan ang inaasal mo bilang baguhang assistant secretary ko."Nanlaki ang mga mata nito dahil sa sinabi ko. Totoo lang naman iyon at ayokong magsinungaling dito. "Now, get out! Gawin mo ang trabaho mo at huwag mo akong ginagambala, maliwanag ba?"
Lexi's PoV Napagod ako sa pag-iikot at pagbibigay ng mga files sa bawat department. Hindi ko alam kung parte ba iyon ng trabaho ko o talagang pinapahirapan ako ng asawa ko. Ibang klase rin kasi ang asawa ko terror na nga masungit pa. Teka hindi ba't iisa lang iyon? Napailing na lang ako at nagugutom na rin dahil hindi pa pala ako nagmerienda at nananghalian. nagugutom na ako at past two o'clock na. Inilabas ko ang inihandang baon sa akin ni Nanay. Ininom ko rin ang gatas na hindi napanis dahil nasa thermo bottle naman. Binuksan ko ang tupperware at kaagad kong naamoy ang tuyo na kasama ng fried rice. Napailing ako dahil humahalo ang amoy ng tuyo sa hangin, naka;aircon pa naman ako. Hindi ko inaasahan na habang kumakain ako ay may bisita akong dumating. Si Sir James na isang beses lang kumatok at pumasok na. Nakatakip ang ilong nito na para bang ang baho ng tuyong ulam ko. Aba, ito ang the best na ulam kapag umaga. "Miss Lexi, mabuti na lang wala si Sir Ally dahil kung hindi ay na
Lexi's PoV Pag-alarm pa lamang ng orasan ko ay bumangon na ako kaagad. Naayos ko na kagabi ang mga gamit ko at naplantsa ko na ang damit na isusuot ko ngayong araw. Excited na akong pumasok para makabawi naman ako sa asawa ko. Kailangan kong maipakita sa kaniya na magaling ako sa trabaho at hindi siya nagkamali na i-hire ako. Hindi lang naman ganda ang mayroon ako kun'di utak din. Nagtimpla na lamang ako ng kape at kumuha ng tinapay para iyon na ang agahan ko. Pagkatapos kong maligo ay nagising na si nanay at nagulat pa nang makita ako sa kusina na nakatapis ng tuwalya. "Sobrang aga mo naman yata anak?" nagtatakang tanong ni nanay sa akin. Naghihikab pa ito at nag-uunat ng mga kamay. "Alas sais ba ang pasok mo sa opisina?" "Nanay, kailangan ko kasing ipakita sa asawa ko este sa boss ko na hindi siya nagkamali na ako ang pinili niya. Kaya simula ngayon 'nay, magpapakitang gilas ako sa kaniya. Aba, graduate ako ng BIM na cumlaude kaya dapat kong mapatunayan iyon sa boss ko." "Tama
Ally's PoVNandito ako ngayon sa garden ng bahay ko at kasama ang aking nakababatang kapatid na si Gilbert. Hindi ko katulad si Gilbert na business ang priority. Abala ito sa ibang bagay katulad ng pagbabanda. Madalas na sa akin siya lumapit kaysa sa aming mga magulang."Bakit ka ba nandito? Nakabuntis ka ba kaya mo ako nilapitan?" naiinis na tanong ko."Kuya Al, nandito lang naman ako para bisitahin si Lola Constancia dahil nabalitaan ko na may alzheimer na siya. Gusto kong magpakita sa kaniya para hindi niya ako makalimutan ng tuluyan.""Si lola ba talaga ang dahilan?" paniniguro kong tanong sa aking bunsong kapatid.Parehong graduate kami ni Gilbert ng Marketing Management at pareho din kaming inalok ni daddy ng trabaho sa aming company. Tumanggi si Gilbert dahil nagbago ang gusto nito sa buhay. Mas pinili nitong magbanda kaysa tulungan ako sa aming negosyo.Mahaba ang buhok ni Gilbert na nakapusod at may tattoo ito sa kaliwang pisngi. Kung gayahin ako ni Gilbert baka maging batang
Lexi's PoV Ako na yata ang pinakamagandang babae sa hapong ito, iyon ay dahil nakaharap ako sa salamin kung saan nagkakaroon ng interview at nandito ako sa loob ng comfort room. Nanginginig ang aking mga kamay at hindi ko alam kung ako ba ang mapipiling asawa este--- assistant ni Ally Sandoval. Inayos ko ang applicants ID ko na ibinigay ng receptionist kanina. Napansin ko na magaganda ang mga employee na babae rito sa company. Naisip ko tuloy kung sila rin ba ay kaagaw ko sa pagtingin ng aking si Ally. Lumabas ako sa comfort room at muling bumalik sa upuan ko. Maraming mga aplikante na ang tanging gusto ay maging assistant ng isang bilyonaryo at brand endorser na si Ally. "Miss De Asis!" tawag sa kaniya ng isang company representative. Mabilis akong tumayo dala ang aking resume at certificate. Dinala ko pa ang good moral ko noong highschool. "Ma'am," kinakabahang sambit ko nang makalapit. Pinapasok niya ako sa loob ng office at humarap sa akin ang isang bakla na tinawag na Sir ...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments