Ally's PoV
"Sir Ally?" untag sa akin ni Pamella, ang aking secretary na may dala ng pares ng tsinelas na nakalagay sa paperbag. "Para po kanino itong---"
"Ibalik mo na lang ulit kung kanino mo kinuha iyan, Pamella. Ano ba ang mga schedules ko ngayon?" malamig na tanong ko rito.
"May meeting po kayo sa Royal Wirings ng 8PM at may early dinner po kayo sa One Star Hotel with Miss Bianca, sir."
Hindi ko alam ko kung bakit ako napatingin sa silyang inupuan kanina. Napansin ko ang naiwang envelope ng applicant kanina.
Tumingin din si Pamella sa upuan at dinampot nito ang envelope at ibinigay sa akin.
"Naiwan siguro ito ng isa sa mga aplikante kanina, sir."
Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa elevator at nakasunod si Pamella sa akin.
"Ilan ang mga applicants kanina?" tanong ko rito habang seryosong nakatingin sa elevator attendee.
"One hundred fifty three, Sir Ally. Iyong iba pong pumunta rito kanina mga fans mo, sir. May mga iniwan silang regalo para sa inyo nasa office na ninyo, sir. May mga nagbigay rin ng mga bulaklak."
Bumuga ako nang malalim. Magmumukha na namang flowers shop ang aking opisina. Ako ang CEO ng Sandoval Wirings, at isa rin akong freelance model ng sarili kong clothing brand, ang Ally's Apparel. May mga brand endorsements din ako sa ibang mga company kaya naman nakilala ang pangalan ko at naging sikat.
Madalas na rin akong magkaroon ng TV guestings at nakakapagod. Kaakibat ng pagkakaroon ko ng magandang image ay dapat ko ring ingatan ang aking mga sinasabi.
Ngunit minsan nakakapagod na magpanggap. Hindi ako ang tipong si Ally na mabait, hindi ako ganoon in real life.
Bumukas ang elevator at nandito na kami sa third floor ng building kung saan naroon ang office ko. Nakasunod pa rin sa akin si Pamella at ito pa mismo ang nagbukas ng pinto ng opisina ko.
Bumungad nga sa aking harapan ang mga kumpol ng bulaklak at mga regalo na nakahilera sa sahig.
"Ano pong gagawin ko sa mga ito, sir?"
"Kunin mo lahat ng mga bulaklak at ibigay mo sa mga staffs natin. Itong mga regalo, iuwi mo na Pamella. Ipasalubong mo sa mga kapatid mo."
'
"Sir, napakadami nito," bulalas ng aking secretary.
"Ipapatawag ko si Celso para tulungan kang maiiuwi ang lahat ng iyan. Anyway, regalo ko na rin ang lahat ng iyan para sa iyong wedding," pagbibiro ko kay Pamella. Apat na taon ko na siyang secretary at sobrang bait ni Pamella, alam na nito kung bad mood ako o hindi. Kaya naman ganoon na lamang ang lungkot ko dahil ikakasal na ito.
"Sir, wala bang cash?"
Tumawa ako sa sinabi nito sa akin. Umupo ako sa swivel chair ko at nag-cross legs. Maraming nakatambak na papers sa lamesa ko na kailmagan kong harapin. Late na ako nakapasok sa company dahil inasikaso ko pa sa hospital ang aking Lola Constancia.
Isa-isang kinuha ni Pamella ang mga bulaklak at tumawag pa ito ng janitor para may katulong sa ipinapagawa ko.
Habang pumipirma ako ng mga papers na kailangan sa Marketing Department ay nalaglag ang isang envelope na nasa tabi ko. Pinulot ko iyon at naalala na ito ang envelope ng isa sa mga aplikante kanina.
Isinandal ko ang aking likod sa upuan at nagkaroon ng interes na buksan ang envelope na iyon. Nagulat na lang ako na ang laman nito ay isang good moral ng babaeng nagngangalan na Lexi De Asis.
Natawa na lamang ako dahil ang inaasahan ko na laman ng envelope ay mga resume, certificates, character reference at kung ano-ano pa.
May picture pa na laman ang envelope, at larawan ko ang naroon. Ibig sabihin isa si Lexi sa mga fans na gustong maging assistant secretary ko. Natuwa ako sa nakalagay sa likod ng picture ko.
"To my future husband. Kung sakali man na matanggap ako sa trabaho na ina-apply-an ko, sisiguraduhin ko na papasa rin ako bilang asawa mo. Your future wife, Lexi."
Napangiti ako at napailing. Ibang klase na ngayon ang mga babae, sila na ang unang nagtatapat ng feelings. Well, ano nga ba ang aasahan ko, guwapo ako, sobrang guwapo.
Ibinalik ko ang laman ng envelope at inilagay iyon sa ibabaw ng bookshelf ko. Ipinagpatuloy ko ang aking pinipirmahan.
Ano kaya kung si Lexi ang maging assistant secretary ko. Ano nga kaya ang mangyayari?
Kinagat ko ang dulo ng ballpen na hawak ko at tinapik ang aking lamesa. Boring na ang buhay ko kaya mas maganda sigurong magkaroon ako ng secretary na madaldal.
Mayamaya ay kumatok si Pamella at pinagbuksan nito si James, ang HR head ng company.
"Good afternoon, sir. I'm sorry to interrupt you but, I'm here for some reasons."
"James, may problema ba sa interview?"
Umupo ito sa bakanteng silya sa harapan ko. Ibinaba nito ang isang envelope at inilabas ang resume ni Lexi De Asis.
"For the first time, sir. Naka-encounter ako ng isang aplikante na nakakatuwa. At alam ko na hindi iyon basehan para kumuha ng perfect para sa posisyon na iiwan ni Pamella. But I think. Kaya ni Lexi na gawin ang mga bagay na ginagawa ni Pamella."
"Mukhang malakas sa iyo ang babaeng tinutukoy mo," sabi kong hindi tumitingin dito. "Hindi ko kailangan ng nakakatuwang employe, James. Ang kailangan ko masipag na secretary."
"Sir, itataya ko ang pangalan ko. I'm one hundred percent sure. Alam mo unang kita ko pa lang sa mukha ni Miss De Asis para kong nakikita ang sarili ko. Because she is beautiful, and I think she's perfect for the position."
Napailing na lamang ako sa sinabi ni James. Tiwalang-tiwala ako sa desisyon niya dahil ito rin naman ang kumuha kay Pamella noon.
"Okay, just make sure na fit siya sa trabaho. One month is enough, James. Now you may go."
"Thank you sir." Bakas sa mukha ni James ang sobrang saya. Ipinaglaban nito si Lexi sa kaniya, ang magiging future wife daw niya.
PAGKATAPOS ng mga gawain sa company ay nagtungo ako sa One Star Hotel and Restaurant para sa dinner date namin ni Bianca. Dahil na rin sa mga fans namin kaya kami naging malapit sa isa't isa. We are friends with benefits. Ilang beses nang may nangyayari sa amin ni Bianca ngunit ganoon pa rin ang status naming pareho. Wala kaming relasyon bukod sa sex.
"Good evening Sir Ally," bati sa akin ng staff. At inaya ako nito patungo sa table na kinaroroonan ni Bianca. Isang oras na akong late dahil inuna ko ang meeting ko bago ang pakikipagkita rito.
Hindi maipinta ang mukha ni Bianca nang makita ako. Alam kong galit siya sa akin dahil isang oras ko siyang pinaghintay.
"And you're late again, Ally. Alam mo ba kung ilang beses kong tinawagan ang secretary mo para malaman ko kung nasaan ka na. I'm worried."
Hindi ko pinansin ang pagdradrama ni Bianca sanay naman na ako sa kaniya at hindi na ito bago para sa akin.
"Busy ako Bianca at pagod din ako. Kung aawayin mo lang ako at mag-pretend na girlfriend ko, please lang, marami akong mga problema."
Nilapitan ako ni Bianca at hinalikan sa labi. "I miss you. Ilang araw na kitang hindi nakikita at---"
Marahan ko siyang itinulak. Nakatingin sa amin ang mga tao.
"Bianca, this is not appropriate."
"I'm sorry." Bumalik ito sa upuan at bumuga naman ako nang malalim.
Wala akong ganang kumain. Napansin ni Bianca ang pagiging matamlay ko.
"Hindi mo ba ako na-miss, Ally?" madamdamin nitong tanong.
"Bianca, I don't need your dramas right now. Nagpunta lang ako rito para sabihin na hindi ako magtatagal. At hindi kita mapagbibigyan ngayon sa date na gusto mo. Kailangan ako ng Lola Constancia ko ngayon sa hospital. I'm sorry." Tumayo ako at iniwan ito na pinamulaan ng mukha dahil sa ginawa ko.
Sa puntong ito hindi ko iniisip ang sasabihin sa akin ng media. Hindi ko rin iniisip kung ano ang sasabihin ng mga bashers sa akin. Mas importante ngayon na masiguro kong okay na ang aking abuela at hindi na masama ang pakiramdam.
Lumaki ako sa poder ng aking Lola Constancia mula nang ikasal sa ibang babae ang aking ama. Nagdesisyon ang aking Lola Constancia na patirahin ako sa kanila kaya ganoon na lamang ang pag-aalala ko sa kaniya dahil itinatago nito na may alzheimer ito.
"Ally." Hinabol ako ni Bianca mula sa labas ng restaurant. "You can't do this to me again, Ally. Kailangan mo rin ng oras sa akin. Hinihintay tayo ng mga fans natin. Matagal na tayong hindi nagpa-partner sa mga commercials at brand endorsements. Tinatanong na nila ako kung nasaan ka this past few weeks, at wala akong maisagot bilang partner mo. Ally, please!" Hinawakan nito ang kamay ko.
Marahas kong hinila iyon. "Bianca, mas mabuting mag-usap na lang tayo sa ibang pagkakataon. May kailangan akong puntahan at hindi ko kailangan na ipaliwanag pa sa iyo kung bakit. At isa pa, nagpaalam ako sa manager ko. And please Bianca, stop acting the you care! Sawa na ako sa mga fake dramas mo. Tatawag ako sa iyo kapag mag libre akong oras." Nagtungo ako sa sasakyan kong binuksan ng driver ko.
Hinabol ako ni Bianca ngunit hindi ko na lang pinansin.
"Sir Ally, okay lang po ba kayo ni Ma'am Bianca?" nagtatakang tanong ni Manong Celso.
"Yeah. I'm fine."
"Mukha po kasi kayong hindi okay, sir. Mukha po kayong dragon," nagkakamot batok na sabi ni Manong Celso.
Sinipat ko ang aking mukha sa salamin. "Hindi naman ako mukhang dragon, Manong Celso." Nakipagbiruan ako sa matanda kong driver. Halos sampung taon ko na siyang driver mula pa noong nag-aaral ako ng college at ngayon na ako na ang CEO ng kompanya namin.
"Bagay na bagay pa naman kayo ni Ma'am Bianca, sir."
"Huwag muna natin siyang pag-usapan, manong. Ayokong nababanggit ang pangalan ng babaeng iyon."
Hindi na ito nagsalita dahil sa sinabi ko. May mga araw na okay ang mood ko at may mga araw naman na para akong dragon.
Nagtungo kami sa Carlos Medical Hospital, at dumiretso ako sa nurse station para ipakita ang ID ko rito.
"Sir Ally, hinahanap po kayo ni Donya Constancia kaninang umaga," pagbabalita sa akin ng nurse ni lola.
"Ganoon ba? Kumusta na ngayon ang lola ko? Iniinom na ba niya ngayon ang mga gamot niya?"
Sinumbong kasi nito sa akin na tinatapon nito ang mga gamot na ibinibigay ng nurse kaya hindi ito gumagaling.
Nasa private room ang lola ko na inaalagaan ng mga nurse.
"Gusto na po niyang umuwi sa bahay niya. Palagi po siyang may tantrums sir."
Bumuga siya nang malalim. "Thank you sa pag-aalaga sa lola ko."
Ngumiti sa akin ang nurse. "Ako rin po ba ang magiging private nurse ni Donya Constancia sa bahay ninyo sir?" Mukhang gustong sumama ng nurse sa kaniyang bahay.
"I have no choice. Kakausapin ko na lang ang hospital director para masabi ko ang concerns ko," aniya sa nurse na ikinatuwa pa nito.
Binuksan nito ang pinto at nakita ko ang lola ko na nakikipaglaro sa mga nurse. Mistulan itong bata na tuwang-tuwa sa mga nurse na may hawak na mga unan.
Malambing din ang boses nito na mistulang isang bata. Nangilid ang luha ko at niyakap ko ang aking Lola Constancia.
"Teka, sino ka!" mabilis niya akong itinulak at binato ng unan. "Salbahe kang bata! Ikaw siguro ang umaaway sa apo kong si Ally! Palagi siyang umiiyak dahil sa iyo!" Pinagpapalo niya ako ng unan at hindi ko siya inawat. Umiling ako sa mga nurse na pigilan ang lola ko sa ginagawa nito sa akin.
"Sige na, ako na ang bahala sa lola ko," sabi ko sa mga nurse.
Umalis ang mga ito at iniwan kami ni Lola Constancia. Umupo sa sahig ang aking lola at nagpapadyak.
"Salbahe ka talaga! Bakit mo pinaalis ang mga kalaro ko! Nakakainis ka!"
Lumuhod ako at niyakap ko siya. "Hindi na kita iiwan kahit kailan, lola." Pumatak ang luha ko sa aking mga mata habang yakap-yakap ito.
"Ally... apo ko... Ally!" Paulit-ulit na pagtawag nito sa pangalan ko. Mukhang nahimasmasan ito at naalala na niya ako.
Sinapo nito ang magkabila kong pisngi. "Bakit ka umiiyak apo?"
Umiling ako rito at pilit na ngumiti. "Masaya lang po ako."
Pinahid ng aking lola ang mga luha ko at saka niya ako niyakap. "Huwag ka nang umiyak apo ko. Mahal na mahal ka ni lola."
Lexi's PoV"Lexi, ano na ang balita sa in-apply-an mong trabaho?" tanong sa akin ni Aki. Kaibigan at kaklase kong pareho kong naghahanap ng trabaho.Umiling ako rito. "Alam mo mukhang malabo, mas malabo pa sa salamin mo. Kailangan talaga ng experience para makapasok sa nga company. At kung minsan dinadaan sa palakasan ng kapit. Alam mo na iyong iba may backer, may mga kamag-anakan na empleyado. Samantalang ako may asawa naman sa company per heto pinaghintay ako."Itinulak ako ni Aki. "Ilusyunada! Hindi pumapatol si Ally sa mga katulad natin. Kaya imbes na pagpantasyahan mo si Ally, ang mabuti pa humanap na lang tayo ng trabaho sa job fair na gaganapin bukas. Sumama ka na lang sa akin." Bumili si Aki ng softdrinks at biscuits sa tindahan na pinagtatambayan namin."Saan ba iyan?" nagtatakang tanong ko sa kaibigan."Dito lang sa Urdaneta, lalayo pa ba tayo? Wirings company rin ito kaya kapag nakapasok tayo makikita mo pa rin si Ally mo. Kailangan na kailangan ko na ng trabaho, Lexi. Kung
Ally's PoVNaiinis ako sa bagong assistant secretary hindi alam ngayon kung ikakatuwa ko ba na binigyan ko ng interes ang isang avid fan ko o pagsisihan ko ito. Dahil hindi ko nagugustuhan ang kaniyang ginagawa ngayon.Tama nga ako noong una na mahirap talaga magkaroon ng first timer na secretary lalo pa at isa pa itong fresh graduate.Nasa loob ako ng aking office at nakasandal sa aking upuan. Kagat ko ang takip ng ballpen habang nakatingin sa nakasarang pintuan.Cute si Lexi, hindi ko maipagkakaila na noong una ko siyang nakita ay nabighani kaagad ako sa kaniya. Siguro ay dahil ngayon lang ako nagkaroon ng interes sa isang fan.Ano bang iniisip ko?Marami pa akong nakatambak na trabaho sa aking lamesa at marami pa akong dapat na tapusin. May mga meetings pa ako sa labas na kailangan kong puntahan.Habang iniisip ko ang aking bagong secretary ay biglang may kumatok. Inayos ko ang aking pagkakaupo at inabala ang aking sarili sa pinipirmahan kong mga papers. "Come in," nakayukong sabi
Lexi's PoV"Hay, ang aking asawa galit na naman sa akin," mahinang bulong ko habang malungkot na bumaba ng hagdan.Hindi ko gusto na mapuyat ako kakaisip sa iyo mahal ko.Hindi ko rin naman gusto na maputukan ng gulong si Manong Fernan. At hindi ko rin gusto na ako ang maging manager ng Boyfie Fans Club mo Ally ko.Hay, nakakainis. Paano na ako magiging asawa ni Ally? Kung ngayon pa lang bad shot na ako.Malungkot akong umupo sa labas ng company building ni Ally. Hinihintay ko pa ngayon ang sundo kong si Kiko na papunta pa lang para sunduin ako.Nangalumbaba ako habang nakaupo sa may hagdan."He loves me... he love me not. I love you, Ally!" sigaw ng aking isip."Hey, Miss," sabi ng lalaking nakatayo sa aking harapan.Tiningala ko siya ngunit hindi ko siya makilala. Nakasuot ang lalaki ng black shades at naka-face mask pa."Miss, okay ka lang ba? Kung hindi ka mahal ng taong mahal mo huwag kang magpakamartir. Hindi kasi maganda sa paningin ko na may nakikita akong babae na nakatulala
Ally's PoVNandito ako ngayon sa garden ng bahay ko at kasama ang aking nakababatang kapatid na si Gilbert. Hindi ko katulad si Gilbert na business ang priority. Abala ito sa ibang bagay katulad ng pagbabanda. Madalas na sa akin siya lumapit kaysa sa aming mga magulang."Bakit ka ba nandito? Nakabuntis ka ba kaya mo ako nilapitan?" naiinis na tanong ko."Kuya Al, nandito lang naman ako para bisitahin si Lola Constancia dahil nabalitaan ko na may alzheimer na siya. Gusto kong magpakita sa kaniya para hindi niya ako makalimutan ng tuluyan.""Si lola ba talaga ang dahilan?" paniniguro kong tanong sa aking bunsong kapatid.Parehong graduate kami ni Gilbert ng Marketing Management at pareho din kaming inalok ni daddy ng trabaho sa aming company. Tumanggi si Gilbert dahil nagbago ang gusto nito sa buhay. Mas pinili nitong magbanda kaysa tulungan ako sa aming negosyo.Mahaba ang buhok ni Gilbert na nakapusod at may tattoo ito sa kaliwang pisngi. Kung gayahin ako ni Gilbert baka maging batang
Lexi's PoV Pag-alarm pa lamang ng orasan ko ay bumangon na ako kaagad. Naayos ko na kagabi ang mga gamit ko at naplantsa ko na ang damit na isusuot ko ngayong araw. Excited na akong pumasok para makabawi naman ako sa asawa ko. Kailangan kong maipakita sa kaniya na magaling ako sa trabaho at hindi siya nagkamali na i-hire ako. Hindi lang naman ganda ang mayroon ako kun'di utak din. Nagtimpla na lamang ako ng kape at kumuha ng tinapay para iyon na ang agahan ko. Pagkatapos kong maligo ay nagising na si nanay at nagulat pa nang makita ako sa kusina na nakatapis ng tuwalya. "Sobrang aga mo naman yata anak?" nagtatakang tanong ni nanay sa akin. Naghihikab pa ito at nag-uunat ng mga kamay. "Alas sais ba ang pasok mo sa opisina?" "Nanay, kailangan ko kasing ipakita sa asawa ko este sa boss ko na hindi siya nagkamali na ako ang pinili niya. Kaya simula ngayon 'nay, magpapakitang gilas ako sa kaniya. Aba, graduate ako ng BIM na cumlaude kaya dapat kong mapatunayan iyon sa boss ko." "Tama
Lexi's PoV Napagod ako sa pag-iikot at pagbibigay ng mga files sa bawat department. Hindi ko alam kung parte ba iyon ng trabaho ko o talagang pinapahirapan ako ng asawa ko. Ibang klase rin kasi ang asawa ko terror na nga masungit pa. Teka hindi ba't iisa lang iyon? Napailing na lang ako at nagugutom na rin dahil hindi pa pala ako nagmerienda at nananghalian. nagugutom na ako at past two o'clock na. Inilabas ko ang inihandang baon sa akin ni Nanay. Ininom ko rin ang gatas na hindi napanis dahil nasa thermo bottle naman. Binuksan ko ang tupperware at kaagad kong naamoy ang tuyo na kasama ng fried rice. Napailing ako dahil humahalo ang amoy ng tuyo sa hangin, naka;aircon pa naman ako. Hindi ko inaasahan na habang kumakain ako ay may bisita akong dumating. Si Sir James na isang beses lang kumatok at pumasok na. Nakatakip ang ilong nito na para bang ang baho ng tuyong ulam ko. Aba, ito ang the best na ulam kapag umaga. "Miss Lexi, mabuti na lang wala si Sir Ally dahil kung hindi ay na
Ally's PoVNakahalukipkip ako sa harapan ni Lexi at pinakikinggan ang kaniyang mga paliwanag. Gusto kong matawa ngunit pinipigilan ko dahil katulad ng aking inaasahan ay si Lexi ang gugulo sa tahimik kong mundo."Sorry na nga, sir. Hindi naman talaga dapat akong natulog dito sa office mo kaya lang talagang napagod lang talaga ako. Hindi naman ako nagrereklamo sinasabi ko lang naman ang gusto kong sabihin sa iyo. Ayaw mo ba no'n na prangka lang ako?" sabi ni Lexi na umiiwas ng tingin sa akin."Miss De Asis, naiintindihan ko na kaya ka nandito sa office ko ay para i-istalk ang mga gamit ko rito, tama ba? Fan kita at hindi naman nakapagtataka na kaya mo iyong gawin dahil nga sa pagiging fan mo. Miss De Asis, to tell you frankly, hindi ko nagugustuhan ang inaasal mo bilang baguhang assistant secretary ko."Nanlaki ang mga mata nito dahil sa sinabi ko. Totoo lang naman iyon at ayokong magsinungaling dito. "Now, get out! Gawin mo ang trabaho mo at huwag mo akong ginagambala, maliwanag ba?"
Ally's PoVNasa harapan ko ngayon si Misis Flora, ang Ginang na ito na nanghamak sa kapatid ko. Kung tignan niya ako para itong anghel na napakabait at maasikaso."Ally, hindi ko inaasahan na dito tayo mag-uusap. Talagang ikaw pa mismo ang nagpunta rito." Makikita ang pagkabigla sa mukha nito."Misis Flora, importante kasi ang sasabihin ko kaya dito kita gustong kausapin. Regarding sa business proposal mo para mag-invest ang Sandoval Group sa maliliit na negosyanteng katulad ninyo." Sumandal ako sa upuan at nag-cross legs. "Gusto ko sanang makipag-partnership sa inyo pero nagbago ang isip ko."Nabigla ang Ginang sa sinabi ko. Naibuka nito ang bibig at tumingin sa aking mga mata."Ally, ba-bakit naman? Hindi ba maganda ang proposal ko?"Nakita ko ang paglapit sa kinaroroonan namin ni Misis Flora ang anak nitong si Mina. Umupo ito sa tabi ng ina matapos ilapag ang kape at cookies sa lamesa."Anak ko nga pala, Ally. Siya ang madalas kong banggitin sa iyo sa phonecall. Nag-iisa ko siyang
Ally's PoVInis ang nararamdaman ko kay Lexi. Kasama nito si Kiko sa mall at sobrang sweet pa nila sa isa't isa. Hindi ko alam na nandito si Lexi ngayon sa mall na pinuntahan namin ni Bianca para mag-promote ng bago naming TV Commercial."Al, hintayin mo naman ako," reklamo ni Bianca sa akin dahil mabilis akong maglakad.Kanina pa dikit nang dikit sa akin si Bianca at ginagamit ang sitwasyon para magawa nito ang mga gusto nitong gawin sa akin."Ano ba, Bianca. Bilisan mo na lang na maglakad," pabulong na sabi ko kay Bianca. Diretso kaming lumabas ng mall at nagtungo na sa sarili kong sasakyan.Hindi ko na pinakinggan ang sinasabi sa akin ni Bianca na kumain na muna kaming dalawa. Minabuti ko na lang na umiwas sa mga tao dahil pagod na rin akong ngumiti sa camera.Inalis ko ang suit na suot ko at in-un button ang suot kong polo t-shirt para makahinga ako nang maluwag. Napansin ni Manong Celso ang pagbuga ko nang malalim habang nakatingin sa bintana ng kotse."Sir Ally, okay lang ba kay
Lexi's PoVNandito ako ngayon sa harapan ng bahay namin at pagngiti-ngiti. Ngayon lang kasi nakita si Ally na nag-blush. Siguro umeepekto na ang pagpapansin ko sa kaniya kaya ganoon siya sa akin.Habang tumatagal hindi na crush itong nararamdaman ko kun'di love ma talaga. Mahal ko na talaga si Ally at hindi na lang ito simpleng attraction. Iyon nga lang hindi ko talaga p'wedeng ipilit ang nararamdaman ko sa kaniya. Alam ko naman kung ano ang agwat namin sa isa't isa.Biglang nawala ang ngiti sa aking mga labi.Pumasok na ako nang tuluyan sa loob ng aming bahay. Wala roon si Nanay, siguro nasa kapit-bahay at nakipagkuwentuhan.Ipinasya kong magtungo sa kuwarto ko at matulog na dahil pagod na pagod ang pakiramdam ko. Hindi na ako naghapunan dahil kumain naman kami ni Kiko sa may paresan kanina. Ang kababata kong iyon na walang sawang manlibre sa akin.Day off ko ngayong araw ng Sabado kaya naisip ko na pumunta sa bahay nila Kiko. Gusto ko din sana na ayain siyang lumabas para naman mail
Ally's PoV"I'm sorry, sir," hinging paumanhin sa akin ni Lexi. Natutuwa ako sa babaeng ito dahil may mga ugali siyang nagugustuhan ko.Nalaman ko na kagabi na si Lexi nga ang kumuha ng jacket ni Gilbert at sasabihin ko pa lang dapat sa kaniya pero nagsabi na ito sa akin ng totoo.Nagugulat ako sa mga sinasabi sa akin ni Lexi. Gusto niya ako at mahal daw.Dapat ba akong maniwala?Pera lang ang gusto nito sa akin. Nararamdaman ko iyon.Katulad din siya ni Bianca na ang tanging gusto ay popularity.Bumuga ako nang malalim at tumingin kay Lexi na nasa harapan ko."Go back to your work, Miss De Asis," seryosong sabi ko sa kaniya."Hindi mo na ba ako sisisantehin, sir?""Hindi ko iyon gagawin, unless na magpasa ka ulit ng resignation letter.""Thanks talaga my
Lexi's PoVNamumugto ang mga mata ko nang pumasok ako kinabukasan sa Sandoval Wirings. Nakita ako ni Sir James pero hindi ko siya pinansin. Galit lang ako ngayon sa sarili ko at syempre sa mga kaibigan ng boss ko.Kapag nagalit pa naman ako dinadamay ko lahat ng tao kahit na insekto.Dumiretso ako sa elevator at eksakto na wala akong kasabay. Bumuga ako nang malalim at mahigpit ang higpit sa paper bag na kinalalagyan ng jacket ni Sir Ally. Ibabalik ko na ito sa lalaking iyon at mula sa araw na ito ay kakalimutan ko na ang nararamdaman ko para sa kaniya.Pipindutin ko na sana ang third floor button nang biglang magbukas pa ang elevator at nagulat ako nang makita ko si Sir Ally na sobrang guwapo sa suot na business suit na kulay gray.Huminga ako nang malalim. "Good morning, Sir Ally," matamlay kong bati sa kaniya."Umaga pa lang ubos na ang energy mo, Miss De Asis?" nakangising tanong sa akin nito."Wala lang ako sa mood, sir. Marami akong iniisip ngayon at marami din akong mga kaaway.