Share

The Billionaire's Innocent Secretary
The Billionaire's Innocent Secretary
Author: Amore Love

Chapter 1

Author: Amore Love
last update Huling Na-update: 2023-03-10 12:52:11

Lexi's PoV

Ako na yata ang pinakamagandang babae sa hapong ito, iyon ay dahil nakaharap ako sa salamin kung saan nagkakaroon ng interview at nandito ako sa loob ng comfort room.

Nanginginig ang aking mga kamay at hindi ko alam kung ako ba ang mapipiling asawa este--- assistant ni Ally Sandoval.

Inayos ko ang applicants ID ko na ibinigay ng receptionist kanina. Napansin ko na magaganda ang mga employee na babae rito sa company. Naisip ko tuloy kung sila rin ba ay kaagaw ko sa pagtingin ng aking si Ally.

Lumabas ako sa comfort room at muling bumalik sa upuan ko. Maraming mga aplikante na ang tanging gusto ay maging assistant ng isang bilyonaryo at brand endorser na si Ally.

"Miss De Asis!" tawag sa kaniya ng isang company representative.

Mabilis akong tumayo dala ang aking resume at certificate. Dinala ko pa ang good moral ko noong highschool.

"Ma'am," kinakabahang sambit ko nang makalapit.

Pinapasok niya ako sa loob ng office at humarap sa akin ang isang bakla na tinawag na Sir James.

Tumingin siya sa akin mula ulo hanggang paa. "You look gorgeous, Miss De Asis. Take a sit," nakangiting anito sa akin.

Ibinigay ko rito ang hawak kong envelope na kinalalagyan ng mga requirements ko.

Tinignan nito isa-isa ang mga iyon. "Graduate ka ng Business Management, sa University of East?" Tumango-tango pa ito. "May experience ka na ba bilang isang employee, Miss De Asis?"

"Wala pa po sir. Willing naman po ang matuto at gagawin ko po ang best ko sa trabaho ko. Masipag po ako at sobrang workaholic. Kung makukuha ko po ang position ay gagawin ko po ang best ko, at hindi po kayo mapapahiya sa akin," lakas-loob na sabi ko.

"Paano mo iyan nasabi kung wala ka pang experience?" nagtaas ng kilay ang HR secretary.

Matatag ko siyang tinignan. "Nagtrabaho po ako ng limang taon sa isang fastfood chain at the same time nag-aaral po ako kapag gabi. Iyon po siguro ang experience ko sa buhay bilang isang empleyado. Marami po akong mga pinagdaanan bago ako nakatapos at kung hindi po ako naging dedicated sa pagtratrabaho ko baka wala po ako sa inyong harapan ngayon."

Ngumiti ito sa akin at nakita kong pinirmahan nito ang resume ko. Sobrang tuwa ko dahil naiisip ko na baka pasado na ako.

"Pasado po ba ako?" masayang tanong ko.

"Tatawagan ka namin at ang HR head ang mismong makakapagsabi kung tanggap ka ba o hindi sa position bilang assistant secretary."

Nawala ang ngiti sa labi ko sa sinabi nitong iyon. Paano na ang pangarap ko na mapansin ng isang Ally Sandoval? Kung ngayon pa lamang ay hindi na ako makapasok sa buhay ng guwapo kong asawa.

Palabas na ako ng opisina ni Sir James nang tawagin niya muli ako.

"Miss De Asis, nakalimutan mo yata itong goodmoral mo." Iniabot nito sa kaniya ang isang kapirasong papel habang nakangiti. "Nakakatuwa ka, sa dinamirami ng mga aplikante sa iyo ako natawa." Humagalpak pa ito ng pagtawa.

Natawa na rin ako habang inaabot ang goodmoral character ko.

"Anting-anting ko kasi ito Sir James," sabi ko habang nakatingin sa papel.

"Ingatan mo Miss De Asis baka ikayaman mo iyan balang araw," sabi pa nito sa akin.

Lumabas ako ng pinto dala ang kapirasong papel. At itinupi ko iyon pagkatapos ilagay sa sling bag ko.

Paglabas ko ng company ng Sandoval Wirings ay bigla na lamang natanggal ang isang takong ng suot kong sandals. Napaupo na lamang ako sa may lobby habang inaalis ang nasira kong sandals.

Bumuga ako nang malalim at hindi ko alam ang gagawin ko. Iniisip ko kung maglalakad ba akong nakapaa o aalisin ko na rin ang isang takong ng sandals ko para magkapareha na sila. Wala pa man din akong kasama na nagpunta rito sa company. Nagugutom pa ako dahil sobrang tagal ng job interview. Hindi ko naisip na aabutin ako ng hapon.

Habang nakaupo ako mag-isa sa waiting area ay may humintong lalaki sa harapan ko. Tumingala ako sa lalaking iyon at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Ally Sandoval na may kausap sa cellphone na hawak nito. Nakasuot ng formal attire at kumikinang ang black shoes na suot.

Mabilis akong tumayo hawak ang nasirang sandals ko. Sobrang saya ko na makita si Ally, pakiramdam ko busog na ako.

"My love?" iyon ang salitang ibinigkas ng labi ko pagkakita sa guwapong binata.

Nagkunot noo ito at saka tumingin sa akin. "Excuse me, miss?" blankong sabi nito sa akin na nagsalubong pa ang mga kilay.

"I mean... Sir Ally. Good afternoon Sir Ally," nahihiyang sabi ko at nagyuko ng ulo.

Hindi nito pinansin ang pagbati ko at tuluyan niya akong iniwan. Grabe ang sungit ng future husband ko. Paano naman ako makakapagpapansin sa kaniya kung unang araw pa lamang ay deadma na ang beauty ko.

Muli akong umupo sa silya at iniisip kung paano ako uuwi. Hanggang sa maisip kong tawagan ang aking kaibigan na si Kiko.

Halos kalahating oras akong nanatiling nakaupo sa may waiting area nang dumating si Kiko dala ang pares ng tsinelas na bagong bili.

"Ang suwerte ko talaga sa kaibigan na katulad mo Kiko," masayang sabi ko rito habang isinusuot ang tsinelas.

"Nandito ako sa lahat ng oras na kailangan mo ako, Lexi. Sinabi ko naman sa iyo na isang tawag mo lang." Kinindatan pa ako ni Kiko.

Kababata ko si Kiko at pareho kaming nagtrabho sa fastfood chain ngunit hindi nito ipinagpatuloy ang pag-aaral.

"Aysus, kikiligin sana ako kaso hindi ko magawa," malungkot na sabi ko rito. "Nakita ko na ng personal ang magiging asawa ko Kiko kaso deadma ang beauty ko sa kaniya. Hindi man lang siya naawa na makita akong nasiraan ng sandals."

Tumawa nang malakas si Kiko. "Maaga pa lamang pero nanaginip ka na Lexi. Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na ang katulad ni Ally ay hindi pumapatol sa mga mahihirap. Syempre, papatol lang iyon sa mga mayayaman at seksing babae."

Masama kong tinignan si Kiko. "Ang sama mo ha."

"Sinasabi ko lang ang totoo sa iyo, Lexi. Ayokong masaktan ka lang dahil sa kakailusyon mo kay Ally. Nandito naman ako at---"

"I heard my name," anang boses sa kanilang likuran ni Kiko.

"Iyong kumpare kong si Ally ang sinasabi ko Sir Ally hindi po kayo," pagsusinungaling ni Kiko habang kaharap si Ally.

"I see. By the way bawal ang tambay dito sa company ko. Kung nakikita naman ninyo walang mga pakalat-kalat dito sa lounge area," masungit na sabi pa nito. "At bawal din ang mga outsiders." Tumingin si Ally kay Kiko.

Hinawakan ko ang kamay ni Kiko at inaya na itong lumabas ng company ni Ally.

"Tignan mo napaka-bossy. Alam mo Lexi huwag mo nang ituloy ang pag-a-aaply mo sa company ng Ally na iyan. Hindi iyan bagay sa iyo baka pahirapan ka lang niya.

"Kiko, nangako ako sa mga magulang ko na babawi ako sa kanila. Hindi pa nga ako nakakapagsimula kinokontra mo na ako kaagad. At isa pa, magiging asawa ko naman si Ally iyan ang kapalaran ko. Ang magkaroon ng mayamang asawa, nakaguhit na iyon sa mga palad ko."

"Pinapaniwalaan mo pa rin iyong manghuhula na taga-Maynila? Niloloko ka lang ng matandang iyon."

Pinaikutan niya ng mga mata si Kiko. "Alam mo kung wala kang ibang masabi sa akin huwag mo na akong kakausapin," naiinis na sabi ko rito.

"Hahayaan na lang kitang mangarap ng gising!" malakas na sabi ni Kiko na sa inis ay iniwan ako sa labas ng building.

Sinundan ko ang aking kaibigan na alam ko naman na concern lang sa aking future.

PAGDATING ko sa bahay namin ay naabutan ko si nanay na nasa kusina at nagluluto ng hapunan namin. Ginataang gulay ang niluluto ni Nanay at napakabango ng amoy niyon.

"Kumusta ang interview mo anak, pasado ka ba?" masayang tanong ni nanay sa akin.

"Iyon ang hindi ko pa sigurado 'nay. Siguro habang naghihintay ako na makapasa ako at maghahanap pa ako ng ibang trabaho. Marami kaming mga aplikante kanina at mukhang malabo pa akong makuha. Syempre iisang posisyon lang iyon at sigurado ako na pipiliin nila iyong may experience na sa trabaho," malungkot na sabi ko at saka ako umupo sa silya. "Napakahirap humanap ng trabaho ngayon 'nay mabuti na lang talaga maganda ako." Hinawi ko ang mahaba kong buhok.

"Oo na, maganda ka na anak ko. Hayaan mo marami pa namang trabaho at makakahanap ka rin. Ang mabuti pa magpalit ka na ng damit at mamaya ay kakain na tayo."

Kailangan ko rin ipahinga ang mga paa ko dahil nangalay sa pagtayo nang matagal kanina sa company. Nagtungo nga ako sa kuwarto ko nang mapansin ko na hindi ko dala ang envelope na hawak ko kanina.

Nakagat ko ang aking ibang labi nang maalala na ibinaba ko iyon sa inupuan kong silya kanina.

"Ang anting-anting ko," malungkot na sabi ko habang hinububad ang aking damit.

Siguro nga talaga hindi para sa akin ang posisyon na iyon. Mas mabuti siguro na kalimutan ko na lang muna ang pagiging asawa ni Ally para makapag-concentrate ako sa paghahanap ng trabaho.

Kaugnay na kabanata

  • The Billionaire's Innocent Secretary    Chapter 2

    Ally's PoV"Sir Ally?" untag sa akin ni Pamella, ang aking secretary na may dala ng pares ng tsinelas na nakalagay sa paperbag. "Para po kanino itong---""Ibalik mo na lang ulit kung kanino mo kinuha iyan, Pamella. Ano ba ang mga schedules ko ngayon?" malamig na tanong ko rito."May meeting po kayo sa Royal Wirings ng 8PM at may early dinner po kayo sa One Star Hotel with Miss Bianca, sir."Hindi ko alam ko kung bakit ako napatingin sa silyang inupuan kanina. Napansin ko ang naiwang envelope ng applicant kanina.Tumingin din si Pamella sa upuan at dinampot nito ang envelope at ibinigay sa akin."Naiwan siguro ito ng isa sa mga aplikante kanina, sir."Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa elevator at nakasunod si Pamella sa akin."Ilan ang mga applicants kanina?" tanong ko rito habang seryosong nakatingin sa elevator attendee."One hundred fifty three, Sir Ally. Iyong iba pong pumunta rito kanina mga fans mo, sir. May mga iniwan silang regalo para sa inyo nasa office na ninyo, sir. M

    Huling Na-update : 2023-03-10
  • The Billionaire's Innocent Secretary    Chapter 3

    Lexi's PoV"Lexi, ano na ang balita sa in-apply-an mong trabaho?" tanong sa akin ni Aki. Kaibigan at kaklase kong pareho kong naghahanap ng trabaho.Umiling ako rito. "Alam mo mukhang malabo, mas malabo pa sa salamin mo. Kailangan talaga ng experience para makapasok sa nga company. At kung minsan dinadaan sa palakasan ng kapit. Alam mo na iyong iba may backer, may mga kamag-anakan na empleyado. Samantalang ako may asawa naman sa company per heto pinaghintay ako."Itinulak ako ni Aki. "Ilusyunada! Hindi pumapatol si Ally sa mga katulad natin. Kaya imbes na pagpantasyahan mo si Ally, ang mabuti pa humanap na lang tayo ng trabaho sa job fair na gaganapin bukas. Sumama ka na lang sa akin." Bumili si Aki ng softdrinks at biscuits sa tindahan na pinagtatambayan namin."Saan ba iyan?" nagtatakang tanong ko sa kaibigan."Dito lang sa Urdaneta, lalayo pa ba tayo? Wirings company rin ito kaya kapag nakapasok tayo makikita mo pa rin si Ally mo. Kailangan na kailangan ko na ng trabaho, Lexi. Kung

    Huling Na-update : 2023-03-10
  • The Billionaire's Innocent Secretary    Chapter 4

    Ally's PoVNaiinis ako sa bagong assistant secretary hindi alam ngayon kung ikakatuwa ko ba na binigyan ko ng interes ang isang avid fan ko o pagsisihan ko ito. Dahil hindi ko nagugustuhan ang kaniyang ginagawa ngayon.Tama nga ako noong una na mahirap talaga magkaroon ng first timer na secretary lalo pa at isa pa itong fresh graduate.Nasa loob ako ng aking office at nakasandal sa aking upuan. Kagat ko ang takip ng ballpen habang nakatingin sa nakasarang pintuan.Cute si Lexi, hindi ko maipagkakaila na noong una ko siyang nakita ay nabighani kaagad ako sa kaniya. Siguro ay dahil ngayon lang ako nagkaroon ng interes sa isang fan.Ano bang iniisip ko?Marami pa akong nakatambak na trabaho sa aking lamesa at marami pa akong dapat na tapusin. May mga meetings pa ako sa labas na kailangan kong puntahan.Habang iniisip ko ang aking bagong secretary ay biglang may kumatok. Inayos ko ang aking pagkakaupo at inabala ang aking sarili sa pinipirmahan kong mga papers. "Come in," nakayukong sabi

    Huling Na-update : 2023-03-15
  • The Billionaire's Innocent Secretary    Chapter 5

    Lexi's PoV"Hay, ang aking asawa galit na naman sa akin," mahinang bulong ko habang malungkot na bumaba ng hagdan.Hindi ko gusto na mapuyat ako kakaisip sa iyo mahal ko.Hindi ko rin naman gusto na maputukan ng gulong si Manong Fernan. At hindi ko rin gusto na ako ang maging manager ng Boyfie Fans Club mo Ally ko.Hay, nakakainis. Paano na ako magiging asawa ni Ally? Kung ngayon pa lang bad shot na ako.Malungkot akong umupo sa labas ng company building ni Ally. Hinihintay ko pa ngayon ang sundo kong si Kiko na papunta pa lang para sunduin ako.Nangalumbaba ako habang nakaupo sa may hagdan."He loves me... he love me not. I love you, Ally!" sigaw ng aking isip."Hey, Miss," sabi ng lalaking nakatayo sa aking harapan.Tiningala ko siya ngunit hindi ko siya makilala. Nakasuot ang lalaki ng black shades at naka-face mask pa."Miss, okay ka lang ba? Kung hindi ka mahal ng taong mahal mo huwag kang magpakamartir. Hindi kasi maganda sa paningin ko na may nakikita akong babae na nakatulala

    Huling Na-update : 2023-03-17
  • The Billionaire's Innocent Secretary    Chapter 6

    Ally's PoVNandito ako ngayon sa garden ng bahay ko at kasama ang aking nakababatang kapatid na si Gilbert. Hindi ko katulad si Gilbert na business ang priority. Abala ito sa ibang bagay katulad ng pagbabanda. Madalas na sa akin siya lumapit kaysa sa aming mga magulang."Bakit ka ba nandito? Nakabuntis ka ba kaya mo ako nilapitan?" naiinis na tanong ko."Kuya Al, nandito lang naman ako para bisitahin si Lola Constancia dahil nabalitaan ko na may alzheimer na siya. Gusto kong magpakita sa kaniya para hindi niya ako makalimutan ng tuluyan.""Si lola ba talaga ang dahilan?" paniniguro kong tanong sa aking bunsong kapatid.Parehong graduate kami ni Gilbert ng Marketing Management at pareho din kaming inalok ni daddy ng trabaho sa aming company. Tumanggi si Gilbert dahil nagbago ang gusto nito sa buhay. Mas pinili nitong magbanda kaysa tulungan ako sa aming negosyo.Mahaba ang buhok ni Gilbert na nakapusod at may tattoo ito sa kaliwang pisngi. Kung gayahin ako ni Gilbert baka maging batang

    Huling Na-update : 2023-03-17
  • The Billionaire's Innocent Secretary    Chapter 7

    Lexi's PoV Pag-alarm pa lamang ng orasan ko ay bumangon na ako kaagad. Naayos ko na kagabi ang mga gamit ko at naplantsa ko na ang damit na isusuot ko ngayong araw. Excited na akong pumasok para makabawi naman ako sa asawa ko. Kailangan kong maipakita sa kaniya na magaling ako sa trabaho at hindi siya nagkamali na i-hire ako. Hindi lang naman ganda ang mayroon ako kun'di utak din. Nagtimpla na lamang ako ng kape at kumuha ng tinapay para iyon na ang agahan ko. Pagkatapos kong maligo ay nagising na si nanay at nagulat pa nang makita ako sa kusina na nakatapis ng tuwalya. "Sobrang aga mo naman yata anak?" nagtatakang tanong ni nanay sa akin. Naghihikab pa ito at nag-uunat ng mga kamay. "Alas sais ba ang pasok mo sa opisina?" "Nanay, kailangan ko kasing ipakita sa asawa ko este sa boss ko na hindi siya nagkamali na ako ang pinili niya. Kaya simula ngayon 'nay, magpapakitang gilas ako sa kaniya. Aba, graduate ako ng BIM na cumlaude kaya dapat kong mapatunayan iyon sa boss ko." "Tama

    Huling Na-update : 2023-03-18
  • The Billionaire's Innocent Secretary    Chapter 8

    Lexi's PoV Napagod ako sa pag-iikot at pagbibigay ng mga files sa bawat department. Hindi ko alam kung parte ba iyon ng trabaho ko o talagang pinapahirapan ako ng asawa ko. Ibang klase rin kasi ang asawa ko terror na nga masungit pa. Teka hindi ba't iisa lang iyon? Napailing na lang ako at nagugutom na rin dahil hindi pa pala ako nagmerienda at nananghalian. nagugutom na ako at past two o'clock na. Inilabas ko ang inihandang baon sa akin ni Nanay. Ininom ko rin ang gatas na hindi napanis dahil nasa thermo bottle naman. Binuksan ko ang tupperware at kaagad kong naamoy ang tuyo na kasama ng fried rice. Napailing ako dahil humahalo ang amoy ng tuyo sa hangin, naka;aircon pa naman ako. Hindi ko inaasahan na habang kumakain ako ay may bisita akong dumating. Si Sir James na isang beses lang kumatok at pumasok na. Nakatakip ang ilong nito na para bang ang baho ng tuyong ulam ko. Aba, ito ang the best na ulam kapag umaga. "Miss Lexi, mabuti na lang wala si Sir Ally dahil kung hindi ay na

    Huling Na-update : 2023-03-23
  • The Billionaire's Innocent Secretary    Chapter 9

    Ally's PoVNakahalukipkip ako sa harapan ni Lexi at pinakikinggan ang kaniyang mga paliwanag. Gusto kong matawa ngunit pinipigilan ko dahil katulad ng aking inaasahan ay si Lexi ang gugulo sa tahimik kong mundo."Sorry na nga, sir. Hindi naman talaga dapat akong natulog dito sa office mo kaya lang talagang napagod lang talaga ako. Hindi naman ako nagrereklamo sinasabi ko lang naman ang gusto kong sabihin sa iyo. Ayaw mo ba no'n na prangka lang ako?" sabi ni Lexi na umiiwas ng tingin sa akin."Miss De Asis, naiintindihan ko na kaya ka nandito sa office ko ay para i-istalk ang mga gamit ko rito, tama ba? Fan kita at hindi naman nakapagtataka na kaya mo iyong gawin dahil nga sa pagiging fan mo. Miss De Asis, to tell you frankly, hindi ko nagugustuhan ang inaasal mo bilang baguhang assistant secretary ko."Nanlaki ang mga mata nito dahil sa sinabi ko. Totoo lang naman iyon at ayokong magsinungaling dito. "Now, get out! Gawin mo ang trabaho mo at huwag mo akong ginagambala, maliwanag ba?"

    Huling Na-update : 2023-03-24

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Innocent Secretary    Chapter 14

    Ally's PoVInis ang nararamdaman ko kay Lexi. Kasama nito si Kiko sa mall at sobrang sweet pa nila sa isa't isa. Hindi ko alam na nandito si Lexi ngayon sa mall na pinuntahan namin ni Bianca para mag-promote ng bago naming TV Commercial."Al, hintayin mo naman ako," reklamo ni Bianca sa akin dahil mabilis akong maglakad.Kanina pa dikit nang dikit sa akin si Bianca at ginagamit ang sitwasyon para magawa nito ang mga gusto nitong gawin sa akin."Ano ba, Bianca. Bilisan mo na lang na maglakad," pabulong na sabi ko kay Bianca. Diretso kaming lumabas ng mall at nagtungo na sa sarili kong sasakyan.Hindi ko na pinakinggan ang sinasabi sa akin ni Bianca na kumain na muna kaming dalawa. Minabuti ko na lang na umiwas sa mga tao dahil pagod na rin akong ngumiti sa camera.Inalis ko ang suit na suot ko at in-un button ang suot kong polo t-shirt para makahinga ako nang maluwag. Napansin ni Manong Celso ang pagbuga ko nang malalim habang nakatingin sa bintana ng kotse."Sir Ally, okay lang ba kay

  • The Billionaire's Innocent Secretary    Chapter 13

    Lexi's PoVNandito ako ngayon sa harapan ng bahay namin at pagngiti-ngiti. Ngayon lang kasi nakita si Ally na nag-blush. Siguro umeepekto na ang pagpapansin ko sa kaniya kaya ganoon siya sa akin.Habang tumatagal hindi na crush itong nararamdaman ko kun'di love ma talaga. Mahal ko na talaga si Ally at hindi na lang ito simpleng attraction. Iyon nga lang hindi ko talaga p'wedeng ipilit ang nararamdaman ko sa kaniya. Alam ko naman kung ano ang agwat namin sa isa't isa.Biglang nawala ang ngiti sa aking mga labi.Pumasok na ako nang tuluyan sa loob ng aming bahay. Wala roon si Nanay, siguro nasa kapit-bahay at nakipagkuwentuhan.Ipinasya kong magtungo sa kuwarto ko at matulog na dahil pagod na pagod ang pakiramdam ko. Hindi na ako naghapunan dahil kumain naman kami ni Kiko sa may paresan kanina. Ang kababata kong iyon na walang sawang manlibre sa akin.Day off ko ngayong araw ng Sabado kaya naisip ko na pumunta sa bahay nila Kiko. Gusto ko din sana na ayain siyang lumabas para naman mail

  • The Billionaire's Innocent Secretary    Chapter 12

    Ally's PoV"I'm sorry, sir," hinging paumanhin sa akin ni Lexi. Natutuwa ako sa babaeng ito dahil may mga ugali siyang nagugustuhan ko.Nalaman ko na kagabi na si Lexi nga ang kumuha ng jacket ni Gilbert at sasabihin ko pa lang dapat sa kaniya pero nagsabi na ito sa akin ng totoo.Nagugulat ako sa mga sinasabi sa akin ni Lexi. Gusto niya ako at mahal daw.Dapat ba akong maniwala?Pera lang ang gusto nito sa akin. Nararamdaman ko iyon.Katulad din siya ni Bianca na ang tanging gusto ay popularity.Bumuga ako nang malalim at tumingin kay Lexi na nasa harapan ko."Go back to your work, Miss De Asis," seryosong sabi ko sa kaniya."Hindi mo na ba ako sisisantehin, sir?""Hindi ko iyon gagawin, unless na magpasa ka ulit ng resignation letter.""Thanks talaga my

  • The Billionaire's Innocent Secretary    Chapter 11

    Lexi's PoVNamumugto ang mga mata ko nang pumasok ako kinabukasan sa Sandoval Wirings. Nakita ako ni Sir James pero hindi ko siya pinansin. Galit lang ako ngayon sa sarili ko at syempre sa mga kaibigan ng boss ko.Kapag nagalit pa naman ako dinadamay ko lahat ng tao kahit na insekto.Dumiretso ako sa elevator at eksakto na wala akong kasabay. Bumuga ako nang malalim at mahigpit ang higpit sa paper bag na kinalalagyan ng jacket ni Sir Ally. Ibabalik ko na ito sa lalaking iyon at mula sa araw na ito ay kakalimutan ko na ang nararamdaman ko para sa kaniya.Pipindutin ko na sana ang third floor button nang biglang magbukas pa ang elevator at nagulat ako nang makita ko si Sir Ally na sobrang guwapo sa suot na business suit na kulay gray.Huminga ako nang malalim. "Good morning, Sir Ally," matamlay kong bati sa kaniya."Umaga pa lang ubos na ang energy mo, Miss De Asis?" nakangising tanong sa akin nito."Wala lang ako sa mood, sir. Marami akong iniisip ngayon at marami din akong mga kaaway.

  • The Billionaire's Innocent Secretary    Chapter 10

    Ally's PoVNasa harapan ko ngayon si Misis Flora, ang Ginang na ito na nanghamak sa kapatid ko. Kung tignan niya ako para itong anghel na napakabait at maasikaso."Ally, hindi ko inaasahan na dito tayo mag-uusap. Talagang ikaw pa mismo ang nagpunta rito." Makikita ang pagkabigla sa mukha nito."Misis Flora, importante kasi ang sasabihin ko kaya dito kita gustong kausapin. Regarding sa business proposal mo para mag-invest ang Sandoval Group sa maliliit na negosyanteng katulad ninyo." Sumandal ako sa upuan at nag-cross legs. "Gusto ko sanang makipag-partnership sa inyo pero nagbago ang isip ko."Nabigla ang Ginang sa sinabi ko. Naibuka nito ang bibig at tumingin sa aking mga mata."Ally, ba-bakit naman? Hindi ba maganda ang proposal ko?"Nakita ko ang paglapit sa kinaroroonan namin ni Misis Flora ang anak nitong si Mina. Umupo ito sa tabi ng ina matapos ilapag ang kape at cookies sa lamesa."Anak ko nga pala, Ally. Siya ang madalas kong banggitin sa iyo sa phonecall. Nag-iisa ko siyang

  • The Billionaire's Innocent Secretary    Chapter 9

    Ally's PoVNakahalukipkip ako sa harapan ni Lexi at pinakikinggan ang kaniyang mga paliwanag. Gusto kong matawa ngunit pinipigilan ko dahil katulad ng aking inaasahan ay si Lexi ang gugulo sa tahimik kong mundo."Sorry na nga, sir. Hindi naman talaga dapat akong natulog dito sa office mo kaya lang talagang napagod lang talaga ako. Hindi naman ako nagrereklamo sinasabi ko lang naman ang gusto kong sabihin sa iyo. Ayaw mo ba no'n na prangka lang ako?" sabi ni Lexi na umiiwas ng tingin sa akin."Miss De Asis, naiintindihan ko na kaya ka nandito sa office ko ay para i-istalk ang mga gamit ko rito, tama ba? Fan kita at hindi naman nakapagtataka na kaya mo iyong gawin dahil nga sa pagiging fan mo. Miss De Asis, to tell you frankly, hindi ko nagugustuhan ang inaasal mo bilang baguhang assistant secretary ko."Nanlaki ang mga mata nito dahil sa sinabi ko. Totoo lang naman iyon at ayokong magsinungaling dito. "Now, get out! Gawin mo ang trabaho mo at huwag mo akong ginagambala, maliwanag ba?"

  • The Billionaire's Innocent Secretary    Chapter 8

    Lexi's PoV Napagod ako sa pag-iikot at pagbibigay ng mga files sa bawat department. Hindi ko alam kung parte ba iyon ng trabaho ko o talagang pinapahirapan ako ng asawa ko. Ibang klase rin kasi ang asawa ko terror na nga masungit pa. Teka hindi ba't iisa lang iyon? Napailing na lang ako at nagugutom na rin dahil hindi pa pala ako nagmerienda at nananghalian. nagugutom na ako at past two o'clock na. Inilabas ko ang inihandang baon sa akin ni Nanay. Ininom ko rin ang gatas na hindi napanis dahil nasa thermo bottle naman. Binuksan ko ang tupperware at kaagad kong naamoy ang tuyo na kasama ng fried rice. Napailing ako dahil humahalo ang amoy ng tuyo sa hangin, naka;aircon pa naman ako. Hindi ko inaasahan na habang kumakain ako ay may bisita akong dumating. Si Sir James na isang beses lang kumatok at pumasok na. Nakatakip ang ilong nito na para bang ang baho ng tuyong ulam ko. Aba, ito ang the best na ulam kapag umaga. "Miss Lexi, mabuti na lang wala si Sir Ally dahil kung hindi ay na

  • The Billionaire's Innocent Secretary    Chapter 7

    Lexi's PoV Pag-alarm pa lamang ng orasan ko ay bumangon na ako kaagad. Naayos ko na kagabi ang mga gamit ko at naplantsa ko na ang damit na isusuot ko ngayong araw. Excited na akong pumasok para makabawi naman ako sa asawa ko. Kailangan kong maipakita sa kaniya na magaling ako sa trabaho at hindi siya nagkamali na i-hire ako. Hindi lang naman ganda ang mayroon ako kun'di utak din. Nagtimpla na lamang ako ng kape at kumuha ng tinapay para iyon na ang agahan ko. Pagkatapos kong maligo ay nagising na si nanay at nagulat pa nang makita ako sa kusina na nakatapis ng tuwalya. "Sobrang aga mo naman yata anak?" nagtatakang tanong ni nanay sa akin. Naghihikab pa ito at nag-uunat ng mga kamay. "Alas sais ba ang pasok mo sa opisina?" "Nanay, kailangan ko kasing ipakita sa asawa ko este sa boss ko na hindi siya nagkamali na ako ang pinili niya. Kaya simula ngayon 'nay, magpapakitang gilas ako sa kaniya. Aba, graduate ako ng BIM na cumlaude kaya dapat kong mapatunayan iyon sa boss ko." "Tama

  • The Billionaire's Innocent Secretary    Chapter 6

    Ally's PoVNandito ako ngayon sa garden ng bahay ko at kasama ang aking nakababatang kapatid na si Gilbert. Hindi ko katulad si Gilbert na business ang priority. Abala ito sa ibang bagay katulad ng pagbabanda. Madalas na sa akin siya lumapit kaysa sa aming mga magulang."Bakit ka ba nandito? Nakabuntis ka ba kaya mo ako nilapitan?" naiinis na tanong ko."Kuya Al, nandito lang naman ako para bisitahin si Lola Constancia dahil nabalitaan ko na may alzheimer na siya. Gusto kong magpakita sa kaniya para hindi niya ako makalimutan ng tuluyan.""Si lola ba talaga ang dahilan?" paniniguro kong tanong sa aking bunsong kapatid.Parehong graduate kami ni Gilbert ng Marketing Management at pareho din kaming inalok ni daddy ng trabaho sa aming company. Tumanggi si Gilbert dahil nagbago ang gusto nito sa buhay. Mas pinili nitong magbanda kaysa tulungan ako sa aming negosyo.Mahaba ang buhok ni Gilbert na nakapusod at may tattoo ito sa kaliwang pisngi. Kung gayahin ako ni Gilbert baka maging batang

DMCA.com Protection Status