7b
Paglabas ni Austin ng office ay dumiretso ito ng living room ng TAU house, nadatnan niya na maraming kliyente ang mga miyembro. Binati siya ng mga ito isang tango lang ang naging tugon ni Austin sa mga ito.
Naupo siya sa isang sulok at pinagmasdan ang mga miyembro niya na hindi magkandaugaga sa pag-asikaso sa mga kliyente ng mga ito.
Natutuwa siya habang pinagmamasdan ang ilan sa kanila na nagbago ang buhay matapos makapasok at maging miyembro ng fraternity nila.
Ang fraternity na itinayo niya ay iba ang hangarin, hindi ito katulad ng ibang fraternity na nasasangkot sa gulo at patayan. Ang kanilang initiation ay hindi nahahaluan ng pisikal na pananakit. Kilala na ang pangalan ng fraternity nila sa buong Pilipinas, marami ang sumasali ngunit bilang lang sa kamay ang pumapasa.
TAU ALPHA PHI Fraternity is exclusive only for college boys na enrolled sa Montreal University they don't cater students from other school.
Kaya nam
7c Naglalakad sila sa hallway ng department nila pero mukhang hindi stress si Mari ngayon kahit na halos ma-stress si Rebi sa mga papers na ipinapapasa ng mga officers bago matapos ang first semester. Halata ni Rebi na sobrang saya ng kaibigan at medyo blooming ito ngayon. "Anong meron?" Hindi napigilan ni Rebi na magtanong sa kaibigan. Isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi ni Mari. "Bati na ba kayo ni Austin?" Tanong ni Rebi. Dagliang nawala ang ngiti ni Mari at agad na sumimangot ito. "Huwag mo nga mabanggit-banggit ang pangalan ng damuho na 'yun." Inis na saad ni Mari. "Pangalan pa lang nakakasira na ng araw." Dagdag pa nito. "Oo na, hindi ko na babanggitin pangalan ni you know who. Pero hindi naman sa pagiging marites, mukha ka kasing nadiligan, napaka-blooming and happy mo today." Pansin ni Rebi. Napalo ni Mari si Rebi sa braso dahil medyo napalakas ang pagkakasabi ng kaibigan sa word na 'nadiligan' baka kasi maraming makarinig. Napa-aray si Rebi at nasapo nito an
7d Busy na ang lahat ng student council officers para sa yearly assembly ng lahat ng organization leaders at kasama na sila roon. Mapupuno na ang mga upuan na inihanda nila dahil nagsipagdatingan na ang karamihan at kakaunti na lang ang hinihintay. Napatingin si Mari sa kaniyang relo dahil malapit na magsimula ang kanilang assembly meeting. Lumapit si Rebi kay Mari at dala-dala nito ang mga listahan ng mga um-attend. Napalingon at napangiti si Mari sa pintuan social hall nang makita nito ang lalaking pumasok doon. Sinundan ni Rebi nang tingin kung saan nakatingin ang kaibigang si Mari, napatitig din ito sa lalaking nakangiti na patungo sa direksyon nila. Huminto sa harap nila at binati ito ni Rebi. "Welcome back, Pres. Harry." "Thank you, Rebi." Nakangiting saad ni Harry. Harry Wilson na boyfriend ni Mari, ang President ng student council. "Balita ko naaksidente ka raw, Pres." Usisa ni Rebi dito. "Yeah, halos tatlong linggo rin ang itinagal ko sa ospital dahil sa dami ng
7e Tahimik na kumakain ang magkaibigang Rebi at Mari sa loob ng cafeteria, hindi nila makuhang magsaya dahil pinagalitan silang lahat na mga student council na nasa assembly kahapon ng President ng Montriego University. Walang kibuan ang magkaibigan, tahimik na kumakain ng fries si Rebi, samantalang panay lang ang inom ni Mari ng iced tea. Pansin ni Rebi na malalim ang iniisip ng kaibigan kaya binagsag na nito ang katahimikan na namamayani sa pagitan nilang dalawa. "It was our fault, we jump to our judgment without digging deeper about the truth." Panimula ni Rebi. Napaangat nang tingin si Mari sa kaibigan, at napataas ang isang kilay nito. Ibinaba ni Mari ang hawak na baso na hindi inaalis ang tingin sa kaibigan. Hindi rin nito nagustuhan ang tinuran ni Rebi. "Our fault? Rebi, totoo lahat ng accusations natin sa grupo na 'yon. His members are doing monkey business inside our school. And he's just trying to cover up his member's illegal activities. He just pull some strings
"Hindi s'ya nararapat sa 'yo, kaya huwag mo nang ipilit kung ano man ang mayroon kayo," matigas na saad ng Daddy ni Mari."Fix yourself, may pupuntahan tayo," anang Mommy naman nito."Little sis, stop being so stubborn, at makinig ka sa amin, he is no good for you," anang Kuya Miguel nya. Bihis na bihis na ito maging ang Kuya Beni n'ya, tanging si Mari na lang ang hindi pa bihis."Harry is a good man, 'wag n'yo naman maliitin 'yung tao," galit na saad ni Mari.Her father hissed."Not now Mari! Never mention that bastard's name, I'm warning you," galit na saad ng Daddy n'ya."Magbihis ka na kasi, napagalitan ka pa tuloy," sisi sa kan'ya ng Kuya Beni n'ya.Inis na tumalima si Mari, kahit kailan hindi talaga nila binibigyan nang mga ito ng pagkakataon ang nobyo ni Mari na makilala ito at makadaupang-palad.Pinaback
Pagkatapos nang naganap na shotgun wedding kahapon ay 'di na alam ni Mari kung ano at paano sasabihin kay Harry ang lahat, maging siya ay hindi pa rin makapaniwala na na-ikasal siya ng gan'on kadali.Naikasal siya sa isang kilalang babaero sa buong campus, si Austin Lagdameo.Si Austin Lagdameo ang taong walang pinapalampas na babae. Maganda, panget, payat, mataba, at lahat na yata nang uri ng babae natikman na nito, kahit pa nakapalda ng maikli o mahaba, nakapantalon o short, naka-two piece o one piece man yan, one word from him and any woman will strip clothes in front of him. Kahit may jowa yung babae pinapatos pa din ni Austin Lagdameo, like her...Mari Demia.And if the girls want to play with Austin, sa iisang lugar lang nila pwedeng makita ito, sa Fraternity House ng TAU ALPHA PHI.He's the leader of that fraternity where members are too rich and they are not easy to reach.Tulala si Mar
"That's enough, I can't take it anymore, how dare you let that thing happen? Gusto kong unawain ka pero ikaw mismo hindi mo nagawang tumutol sa oras na 'yon?" bakas ang sakit na nakabalatay sa mga mata ni Harry."Please Harry, hayaan mo muna ako makapagpaliwanag. Naiintindihan ko kung saan nanggagaling ang galit mo, pero gusto kong malaman mo na ikaw lang ang mahal ko, wala ng iba," tuluyan nang bumagsak ang luhang kanina pa pinipigilan ni Mari."Alam kong mahal mo ako, pero iba na ngayon Mari, kahit anong gawin ko hindi na mababago n'on ang katotohanan na kasal ka na sa ibang lalaki. Sabihin mo sa akin, paano na? Paano na tayo? Ang singsing na nakasuot diyan sa daliri mo ang nagpapatunay na wala na akong karapatan sa iyo!" napatingala si Harry habang mahigpit na nakakuyom ang mga palad.Pinipigilan niya ang sarili na makapagsalita pa ng kung anu-ano dahil hindi na niya mababawi pa ang mga iyon.
Sinundo si Mari ng kaniyang Kuya Miguel sa university, hindi na lang siya nagtanong pa kung saan sila pupunta, dahil wala din siya sa mood na makipagbangayan sa Kuya niya ngayon. Tahimik lang ang magkapatid, sa labas nakatuon ang buong atensyon ni Mari, at sa kalsada naman ang focus ng Kuya Miguel niya. Muli na naman sumagi sa isip niya ang nangyari noong nakaraang araw sa TAU House. (Flashback) Nakatayo pa din siya at hindi niya makuhang gumalaw dahil sa sobrang gulat. Biglang pumasok ang lalaking nagpapasok sa kanila kanina. "Bakit—?" namutla ang lalaking umestima kina Mari at Rebi at nanlaki ang mga mata nito nang masaksihan din nito ang nangyayari sa loob ng office ng kanilang founder. Parehong natulos sa kinatatayuan sina Mari at ang lalaki dahil sa nasasaksihan nila. "L-Let's go and just wait outside, please," pakiusap at pabulong na saad nito, nanginginig ang boses ng lalaki. Halata dito ang pagkataranta at takot. Both of them watching a live porn, kaya iniwas ng lalak
Bumalik sa huwisyo si Mari nang mapansin na tumigil sila sa airport.Napakunot ang noo ni Mari at hindi niya gusto ang nararamdaman."Kuya, bakit dito? Anong—?" 'di pa tapos magsalita si Mari nang agad na nagsalita ang Kuya Miguel niya."Baba na bunso," utos nito.Magsasalita sana si Mari pero ipinagbukas na siya ng pintuan ng Kuya Miguel niya at wala na siyang nagawa kundi ang sundin ito.May kinuha itong isang traveling bag at agad na isinukbit sa balikat nito."Tara na," ma-awtoridad na utos sa kaniya nito.Pagpasok nila sa loob ng airport ay kinabahan na nang todo si Mari.Inilibot niya ang paningin hanggang sa mapako ang paningin niya sa lalaking nakasuot ng white T-shirt at denim short, nakasuot din ito ng gray Cap, palapit ito sa kanilang magkapatid.Sa kilos, tindig, at sa hilatsa ng pagmumukha kahit malayo ay agad na nakilala ito ni Mari."Kuya Miguel! What is the meaning of this?" inis na tanong ni