Napabalikwas ako ng bangon nang may narinig akong nabasag na bagay sa labas ng kwarto ko. Hindi ko mapigilang kabahan nang narinig ko ang pagsigaw ni Daddy. "Huwag muna ngayon, Felicia! Kalilibing lang ni Sarah!" sigaw ni Daddy. Simula nang tumira ako rito ay palagi ko silang naririnig na nag-aaway ni Tita Felicia. Hindi ko rin nakakasundo ang tatlo kong kapatid kasi anak daw ako sa labas. Halos araw-araw nila akong pinagsasabihan ng kung anu-ano. Wala rin akong balak patulan sila kasi totoo naman. Anak ako sa labas ni Daddy. Bunga ako ng pagkakamali. At ako ang dahilan kaya muntik ng maghiwalay si Daddy at ang asawa niyang si Tita Felicia. Humiga ako sa kama habang niyayakap ang larawan ni Mommy. Hindi pa rin ako makapaniwalang wala na siya. Ang bilis-bilis ng oras. Kanina lang namin siya inilibing at ngayon ay nasa bahay na ako ni Daddy. Kinupkop niya ako kasi wala na akong ibang matutuloyan. Nangungupahan lang kasi kami ni Mommy at si Daddy naman ay may sarili ng pamilya. N
Ikinulong nila ako sa kwarto ko. Bantay sarado ako ng mga kasambahay at tauhan ni Daddy. Iyak lang ako nang iyak buong araw. Palagi akong nagmamakaawa kay Daddy na huwag niyang ituloy ang engagement namin ni Edward. Pero parang bingi si Daddy. Sinabi niya sa akin na hindi na pwedeng umurong kasi nakapagbayad na raw si Edward. Ayokong makasal sa matandang lalaki na 'yon. Magiging caregiver niya lang ako. Mas matanda pa nga 'yon kaysa kay Daddy. Napalingon ako sa pinto nang bumukas ito at pumasok si Ate Felicity. May bitbit siyang gown na kulay asul. Ito siguro ang susuotin ko mamaya. Nag-iwas ako ng tingin nang ilagay niya sa ibabaw ng kama ang gown. "Anong tinutunganga mo pa riyan? Magbihis ka na kung ayaw mong magalit na naman sina Mommy at Daddy sa 'yo!" singhal ni Ate Feli at tiningnan ang sarili niya sa salamin. "Ayoko. Hinding-hindi ako lalabas sa kwartong 'to," saad ko at inilayo sa akin ang gown. "Tama na ang pag-iinarte, Sabrina! Papakasalan mo lang naman si Edward. Pagkat
Pinulot ko agad ang mga gamit ko sa sahig nang nagising ako. Kailangan ko ng umalis bago magising ang lalaking nakasama ko kagabi. Babalik pa ako sa traveller's inn upang kunin ang mga gamit ko roon. Nandoon lahat ng mga dokumentong kakailanganin ko sa pag-apply ng trabaho. Chineck ko muna ang lahat ng mga gamit ko bago ako nag-check out. Nakahinga ako ng maluwag kasi umabot pa ako. Kapag nahuli ako ng dating kahit isang oras lang, magbabayad na naman ako uli. Baka maubos ang ipon ko. Kailangan kong magtipid simula ngayong araw kasi wala pa akong trabaho. I-susumite ko pa ang mga requirements na 'to sa kompanyang ina-apply-an ko. Pagkatapos kong i-sumite ang mga requirements, inubos ko ang natitirang oras ko sa paghahanap ng matutuloyan. Bukas ay magsisimula na akong magtrabaho bilang isang janitress sa Jacobs Corporation. Hindi kasi ako nakapagtapos ng pag-aaral kasi kapos sa pera. Kahit bed space o maliit na kwarto ay ayos lang sa akin. Ang importante ay hindi ako matutulog sa da
Napahawak ako sa pisngi ko nang sampalin ako ni Daddy ng malakas. Namamanhid na ang pisngi ko kasi apat na silang sumampal sa akin. Si Edward, Ate Feli, Tita Felicia, at si Daddy. "Look what you have done, Sabrina!" sigaw ni Daddy at sinampal ang kabilang pisngi ko. "Anong ginawa mo kay Edward? Nag-aagaw buhay siya! Si Edward na lang ang pag-asa nating maisalba ang kompanya, pero anong ginawa mo? Pinabugbog mo pa siya!" "Dad, hindi ko siya pinabugbog -" "Ang lakas ng loob mong sumagot kay Daddy, Sabrina!" putol ni Ate Feli sa sasabihin ko. "Ipapakulong kita kapag may nangyaring masama kay Edward!" galit na singhal ni Daddy. Nag-angat ako ng tingin sa kanya kasabay no'n ang pagbagsak ng mga luha ko. "Dad, wala akong kasalanan. Hindi ko nga kilala ang lalaking gumawa nito kay Edward. Huwag niyo po akong ipakulong..." "Kung sinunod mo lang sana ang sinabi ko hindi aabot sa ganito ang problema natin, Sabrina!" Dinuro-duro ako ni Daddy. "Anong gagawin mo ngayong nanganganib ang buhay
Kinaladkad ako ni Tita Felicia palabas ng dorm ko. Ibabalik niya raw ako sa mansiyon at sisiguradohin nilang hindi na ako makakatakas. Kapag nagising si Edward, ikakasal kami agad. Kapag namatay naman ay ipapadampot nila ako sa mga pulis. "Ayokong sumama sa inyo!" sigaw ko. Pinagtitinginan na kami ng ibang kasama kong nakatira sa dorm. "Ang tigas-tigas talaga ng ulo mo! Puro na lang problema ang ibinibigay mo sa amin!" bulyaw ni Tita Felicia at hinila ang braso ko. Agad niyang ni-lock ang pintuan ng kotse nang nakapasok na ako sa loob. Sinubokan ko itong buksan, pero ayaw talaga. Para akong kinidnap sa sitwasyon ko. Hinila ni Tita Felicia ang buhok ko pagpapasok sa loob ng mansiyon. Para akong makakalbo sa lakas ng pagkahila niya. Nakita ko ang mga kapatid kong nakaupo sa couch. Tumayo si Ate Feli at naglakad papalapit sa akin at tinulongan ang Mommy niya na kaladkarin ako paakyat ng hagdanan. "Hinding-hindi ka lalabas hangga't hindi nagigising si Edward, Sabrina! Ipapakulong ka
"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni William nang nakita niya akong nagsusuka na naman. Huminga ako ng malalim. Wala akong balak sabihin sa kaniya na buntis ako. Nahihiya na rin kasi ako kay William. Tinutulongan niya akong makatakas sa pamilya ko. Hindi ko nga kayang buhayin ang sarili ko rito kung wala siya tapos ngayong buntis ako, dagdag gastosin na naman. "Ilang araw ka ng ganiyan. Ayos ka lang ba talaga, Sabrina?" Hinawakan niya ang noo ko. "Buntis ako, William. At nahihiya na ako sa 'yo kasi dumagdag lang ako sa mga gastosin mo," pag-amin ko. His jaw dropped. "But how? Wala ka namang boyfriend, Sab." Tinawanan niya pa ako. "Magpahinga ka na lang. Kung anu-ano na ang iniisip mo. Imposibleng magdadalang tao ka tapos wala kang boyfriend." "Buntis nga ako. Hindi ako nagbibiro, William. At ayokong pasanin mo ang lahat ng problema ko. Maghahanap ako ng trabaho rito. Kailangan kong makapag-ipon para may pera ako gagamitin." Bakas sa mukha ni William, na hindi pa rin siya ku
Five years later... "Congratulations, Mommy!" nakangiting bati sa akin ng anak ko habang hawak ang diploma ko. Nandito kami ngayon sa isang fastfood restaurant upang ipagdiwang ang graduation ko. Katatapos lang ng graduation namin at hindi ko aakalain na makakapagtapos ako ng pag-aaral. May mga panahon na sukong-suko na ako, pero nawawala ito agad sa tuwing nakikita ko si Evara. Sa kanya ako humuhugot ng lakas kaya ko nakaya lahat ng mga problema ko. "Congrats, Future Architect Turner!" bati sa akin ni William at ibinigay sa akin ang chocolate cake. "Thank you, Wil. Kung hindi mo ako tinulongan baka namulubi na kami ng anak ko ngayon," tugon ko. Sa pagiging freelance artist at digital artist ko, naitaguyod ko ang aking pag-aaral at ang buhay ng anak ko rito sa Canada. Hindi naging madali sa akin ang lahat lalo na't may mga panahong mahina ang bentahan at wala akong mga clients. Hindi ako tumigil sa pagdarasal na sana kayanin ko ang lahat-lahat. Si William ang naging kaagapay ko
Sa condo ni William kami didiretso kung saan nakatira ang girlfriend niya. Gusto niya itong sorpresahin. Hindi niya kasi sinabing uuwi siya ngayon. Habang nasa biyahe kami, hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung bakit muli akong nakaramdam ng ganito: takot at kaba. Limang taon na ang nakaraan, pero hindi ko pa rin nakalimutan ang taong 'yon. Hindi ako pwedeng magkamali. Si Ryan Jacobs ang nakita ko. Naputol ang pag-iisip ko nang biglang yumakap ng mahigpit sa akin si Evara. Hinaplus-haplos ko ang buhok niya nang napansing tulog ito. Baka nananaginip na naman siya. "We're here," masayang sabi ni William nang huminto ang taxi na sinasakyan namin sa harap ng malaking condo. "Pagmamay-ari mo 'to?" Namamanghamg tanong ko habang nasa malaking building ang paningin ko. "Oo. One of my investment," sagot niya habang tinutulongan ang taxi driver na ibaba ang aming mga gamit. "You'll live her. Marami namang vacant rooms sa loob." Tumangu-tango na lang ako at hinila ang maleta namin ni Evar