Dahil ayaw maghirap ng Mama ni Noella ay kumapit ito sa patalim at siya ang ginamit nito upang hindi mawala ang kayamanang mas pinapahalagahan kaysa sa sariling anak. Ibenenta si Noella ng ina sa isang ilegal at malaking organisasyon na tinatawag na Slave Market, na ibinebenta ang mga babaeng kagaya niya sa mga hindi lang basta mayayaman kundi bilyonaryo na tumatangkilik sa organisasyon na iyon. Hindi alam ni Noella ang kahaharapin lalo pa at wala siyang alam sa kalakaran ng organisasyon na iyon subalit alam niyang may hindi mangyayari sa kaniya lalo pa ang bumili sa kaniya ay isang lalake na sa paningin niya malupit at hindi makakawala rito ng buhay. Si Diego Alejandro Betancourt na kasapi rin sa Mafia organization na humahawak sa slave market na kumuha kay Noella at pinili lang siya ng binata upang maging taga-init ng kama nito at gawin ang nais nito sa kaniya hangga't hindi siya nito pinagsasawaan. Ngunit nalaman ni Noella na hindi rin siya basta pakakawalan ni Diego sa oras na pagsawaan siya nito dahil para kay Diego lahat ng mga pinagsasawaan nitong pag-aari ay hindi na muling mapapakinabangan pa ng iba. Ano kaya ang mangyayari kay Noella sa oras na magsawa sa kaniya si Diego? Paano kapag nalaman niyang may mas malalim pang dahilan si Diego kung bakit ayaw siya nitong pakawalan basta at ang dahilan niyon ay kapalit ng buhay niya? Slave Market Series 1
View MoreNoella’s Point of View“Where the hell am I?” galit na tanong ni Mama nang kinagabihan ay magising siya at halos ilang-oras ay nakabawi na kaagad ng lakas.Kahit namumutla pa rin si Mama ay tinanggal niya ang IV na nasa pulsuhan niya saka aalis sana sa kama kaya nagmamadali akong lumapit sa kaniya. Wala si Diego dahil nagpresinta na bibili ng hapunan namin at ang kasama ko ay si Maya, Tita at Tito.“Ma, huwag na kayong tumayo. Magpahinga lang kayo—““May mahalaga akong dapat gawin sa Maynila at hindi ko kailangan magpahinga dahil ayos lang ako!” galit na tugon ni Mama sa akin.“Mas mahalaga pa ba ang aasikasuhin niyo sa Maynila kaysa sa buhay mo? May malala kayong sakit, Ma—““Now you know that I have been sick? So you are now acting like a worried daughter because you know I have a serious illness and am going to die?” puno ng sarkasmong tanong ni Mama sa akin saka ngumisi.“Nag-aalala talaga ako sa’yo, Mama at hindi ako nagpapanggap lang!” diin ko sa kaniya.Balewalang tinignan lang
Noella’s Point of ViewNang dumating kami sa Ospital ay walang malay si Mama nang naabutan namin sa kwarto niya. Namumutla ang mukha at halatang nanghihina talaga. Nakadama ako bigla ng awa sa kaniya kahit pa may nagawa siyang masasakit sa akin at sinabi niyang hindi niya ako tunay na anak. Hindi ko alam pero mas nangibabaw ang pagiging anak ko sa kaniya kahit hindi kami magkadugo at hindi ko napigilang lapitan at haplusin ang pisngi niya.Ngayon ko lang napansin na pumayat pala si Mama hindi katulad noong huli ko siyang nakita saka nangingitim ang ilalim ng mga mata niya na tinatakpan lang ng make-up para hindi mapansin pero dahil nasa Ospital siya at walang malay ay hindi na siya nakapag-ayos pa.Pumasok ang Doktor kaya kaagad akong lumapit sa kaniya. “Doc, ako po ang anak ni Kriselda Monragon, ano po bang nangyari sa kaniya? Bakit bigla na lang daw pong nawalan ng malay habang nasa isang restaurant at kumakain?” tanong ko.“Hindi pa po ba sinasabi ng Mama mo sa’yo ang kalagayan niy
Noella’s Point of View“Bakit hindi mo sinabi sa akin ang lahat nang iyan sa una pa lang?” tanong ni Diego sa akin.“Dahil hindi p’wede. Kahit gustuhin ko man ay hindi p’wede dahil natatakot akong mapahamak ang lahat ng mahal ko sa buhay. I-isa pa, kasapi ka sa grupo ng nagmamay-ari ng Slave Market kaya kahit ikaw din noon ay hindi ko mapagkatiwalaan at galit na galit ako sa’yo noon dahil nagawa niyo ang ganoon sa amin.“Sa aming mga babae na sapilitang ibenta sa Slave Market. Pero unti-unti ko rin nalaman sa mga pag-uusap natin nang magkasama tayo, kahit sa pag-uusap namin ni Draco at Kaan, na iba ang pagkakaalam niyo sa aming mga babaeng binibenta sa Slave Market sa buong katotohanan kung bakit nandoon kami at binenta kami,” tugon ko.“Matagal na ako sa organisasyon at isa sa pinagbabawal ang ganoong negosyo! Ang sapilitang magbenta ng tao k-kaya nagulat ako sa nalaman ko,” aniya.“N-nagsasabi ako nang totoo, Diego. Pero ayos lang kung hindi ka maniwala, grupo mo ang pinag-uusapan a
Noella’s Point of ViewNagulat ako dahil si Diego pala ang kaharap ko ngayon. Inakala kong nananaginip lang ako at sa panaginip ko ay dumating si Papa at natagpuan niya ako kung saan ako nagpapalipas ng sama ng loob at lungkot dahil kay Mama. Kagaya lang noong nabubuhay pa si Papa at kapag may mga pangyayari na nagpapalungkot sa akin o sa mga kabiguang nararanasan ko na sa lugar na ito ako tumatambay at nagpapalipas ng kalungkutan.Si Papa lang ang laging nakakahanap sa akin dahil siya rin ang dahilan kung bakit nalaman ko ang lugar na ito. Ang underground na bahay na pinagawa ni Papa noon na nilihim niya sa lahat maliban sa akin. Siguradong safe ang pagkakagawa ng bahay na ito at may tubo rin na nakakonekta sa puno na may lihim na butas para makahinga ang taong nasa loob. May elektrisidad din na dahilan kaya may ilaw ako sa loob, kagamitan kagaya ng ref, air con at iba pa. Pinagkagastusan ni Papa ang bahay na ito at tanging sa akin lang niya sinabi na naging tambayan ko na sa tuwing
Diego’s Point of ViewDahil hindi ko alam kung saan ang hacienda na pag-aari ni Noella ay ginamit ko ang microchip na nasa loob ng choker ni Noella para malaman ko kung nasaan siya. Nakatulong din pala na hindi inalis ang choker sa leeg ni Noella at pasalamat na rin ako kay Draco dahil naibigay na ng pinsan sa akin ang cell phone ko na galing pang Maynila at inutos k okay Edward na ibigay kay Draco sa oras na pumunta siya rito.Sa isang malawak na lupain ako napadpad at isang malaking gate na may malaking bahay ako huminto. Old fashion type ang bahay pero ang ganda nito at napagaan sa paningin ng bahay kahit ng kapiligiran na puro mga puno at halaman. Malayo pa ang mga kapit-bahay sa sobrang laki ng lupain nila Noella.Dito lumaki at nagkaisip si Noella nasisigurado akong naging masasaya ang alaala niya habang lumalaki sa magandang lugar na ito.Lumapit ako sa gate saka nag-door bell at siya namang silip ng isang guwardiya sa gate na may mapanuring tingin sa akin.“Sino po sila?” tan
Noella’s Point of View“Huwag kang umastang masayang-masaya kang makita ako, Mama! Huwag kang magpanggap na mabuti kang ina habang ako ay pinasok mo na sa kapahamakan pagtapos ay ginawa mo pang masama sa mga tao sa paligid natin!” malakas ang boses na sumbat k okay Mama.Galit na galit ako kay Mama at wala akong planong magpanggap sa mga taong nasa paligid namin dahil sa paninira sa akin ni Mama samantalang siya ang dahilan kung bakit bigla na lang akong nawala sa lugar namin.Ngumiti lang si Mama saka hinawakan ang braso ko nang mahigpit at hinila ako palakad na sa hagdanan.“Bitiwan mo ako!” galit na sigaw ko at inalis ang kamay niya sa pagkakahawak sa akin.“Gusto mo bang ipagsigawa sa mga kasambahay natin kung saan ka nanggaling? Na ibenenta kita sa Slave Market na illegal na pinapatakbo ng isang makapangyarihang mafia organisasyon at mamatay silang lahat pati ako at ang kamag-anak mo?” nagbabantang tanong ni Mama sa akin sa mahinang boses.Hindi ko nagawang magsalita dahil bigla
Noella’s Point of ViewHindi na ako nakapagsalita nang tawagin kami ni Maya dahil kakain na raw kami. Hindi natapos ang usapan namin ni Diego pero dahil sa sinabi niya sa akin ay nagdulot iyon ng matinding kaguluhan sa isip at puso ko. Hindi naman nagpahalata si Diego sa mga kasama namin samantalang ako naman ay tahimik lang na sumabay sa pagkain at masayang nakipag-usap ang binata kina Maya at Tito.Kinakausap ako ni Mateo at sinasagot ko naman siya pero nagkunwari akong abala sa pagkain para hindi mapansin ng mga kasama ko at kaguluhang sa isip ko dahil sa pagtatapat na iyon ni Diego. Matapos kumain ay naligo muna kami sa ilog at doon na lang natuon ang atensiyon naming lahat sa masayang paliligo sa ilog na isa sa na-miss ko.Nang umuwi kami ay hapon na at dumiretso ako sa kwarto namin ni Diego sa bahay nina Tito at Tita. Hindi na kami pinagbukod ng kwarto ni Diego dahil ang sabi nila Tita na nag-live-in na rin kami sa Maynila kaya hindi na kailangan pang maghiwalay kami ng kwarto d
Noella’s Point of ViewHindi ko alam pero kinakabahan ako sa pagtanggap ni Diego sa pagyaya ni Mateo na mag-hunt sila ngayong araw at dahil din sa kabang nararamdaman ko ay sumama na rin ako at kasama namin si Tito pati si Maya. Dahil hindi marunong si Maya humawak ng baril at mag-hunt ng hayop gubat. Hindi na tinuruan pa ni Tito dahil mas mahalaga sa magulang ni Maya ang pag-aaral niya lalo pa at talagang matalino ang pinsan ko.“Mag-aantay na lang ako rito habang nagha-hunt kayo. Sana may mahuli kayong baboy-ramo na miihaw rin natin,” nakangiting sabi ni Maya. “Mag-iingat din kayo,” bilin pa niya sa amin.Nagtayo kami ng tent malapit sa ilog at may reclining chair din kung saan nakaupo si Maya. Kami namang magha-hunt ay nakasuot na ng hunting gear at may hawak ng baril na pang-hunt.“Tara na, nang makarami,” aya ni Mateo.Napatingin ako kay Diego na abalang inaayos ang suot na damit at nilalagay ang mga gamit pang-hunt sa katawan niya. Nilapitan ko si Diego saka inayos ang damit niy
Noella’s Point of ViewHindi ko akalain na darating ngayon si Mateo at nagulat lalo ako nang sabik mula sa bosses niya ang narinig ko nang makita na nandito ako at binigyan ako nang mainit na yakap ngayon na dahilan para makadama ako ng tuwa. Akala ko kasi galit pa rin si Mateo sa akin dahil sa huli naming pagkikita ay hindi naging maganda ang pagtatapos ng usapan namin noon at sinabi niya na na-disappoint siya sa akin dahil selfish ako saka kitang-kita sa mukha niya noon na talagang na-disappoint siya sa akin.“Mabuti na lang at pumunta ako rito para kausapin si Maya. Nandito ka pala, Noella,” sabi ni Mateo sa akin habang magkayakap pa rin kami.“Excuse me,” sabat ni Diego saka naramdaman kong hinila ni Diego ang braso ko palayo kay Mateo. “Masiyado nang matagal ang pagyayakapan niyo ng girlfriend ko,” sabi pa niya dahilan para mapatingin ako kay Diego.Seryoso ang mukha niya na nakatingin kay Mateo. Si Mateo naman ay napatingin din kay Diego at biglang naging seryoso rin habang nak
Noella’s Point of ViewIsang balita ang halos magpalugmok sa akin.Nalaman ko mula sa aming abogado na wala nang pag-asang makaligtas pa ang hacienda na pag-aari na tanging natitira ng namayapa kong ama sa aming mag-ina. Kukunin na raw ng bangko ang buong hacienda at wala kaming ibang mapupuntahan dahil ito na lang ang nag-iisang ari-arian na natira sa amin.Ginawa ko naman ang lahat upang makabayad sa malaking pagkakautang namin sa bangko subalit kulang pa rin ang pagsisikap ko. Ang mga tauhan sa farm, ay unti-unti na rin nagsiwalaan dahil halos wala na kaming maisahod at nagkaroon pa ng malakas na bagyo dahilan ng pagkakasira ng halos lahat ng mga tanim naming mga prutas at puno na pinangkukunan naming ng pangkabuhayan.Nakakaiyak subalit wala na akong magawa kundi tanggapin na lang ang katotohanang mawawala na sa amin ang lahat.“Hindi maaari!” malakas na sigaw ni Mama nang sabihin ko ang balita sa kaniya.Nakuha tuloy niya ang pansin ng mga iilan naming kasambahay sa bahay na sasa...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments