Zenaida Cabrera, isang multimedia journalist mula isang kilalang news website sa bansa. Sa edad na dalawang pu't walo, hindi pa niya nararanasan magkaroon ng kasintahan dahil nakatuon lang ang kaniyang atensyon sa trabaho at pamilya. Sa takot na mapag-iwanan, sumubok siyang makipag-date ngunit palagi itong nauuwi sa wala dahil sa demanding na boss na walang ibang ginawa kung hindi ang subukin at pahirapan siya. Buong akala ni Zenaida ay hindi na niya mararanasan ang pagkakaroon ng sariling pamilya dahil sa mga responsibilidad na hawak niya, subalit isang araw, nalaman na lamang niya na siya'y nagdadalang tao na at kasamaang palad, hindi niya maalala at makilala kung sino ang ama ng bata sa sinapupunan niya.
view moreBastos, mayabang at walang modo. Iyon ang mailalarawan ko sa isang empleyado ng kompanya na palaging naglalakas loob na kalabanin ako. Sa lahat ng opinyon ko, palagi siyang may komento. Masyadong mataas ang tingin niya sa sarili niya at pakiramdam niya, alam na niya ang lahat. Alam kong isa siya sa mga mahuhusay na mamamahayag na kinikilala ng Updated, kaya kung ipatatanggal ko siya sa trabaho, alam kong maraming tututol, kaya naman ako na ang gumagawa ng paraan para siya mismo ang sumuko at mag resign. Anong silbi ng mahusay na mamamahayag kung bastos at mayabang naman? " Miss Zenaida, mayroon tayong freedom of speech pero hindi sa ganitong paraan mo gagamitin 'yon. Kung kalokohan lang naman ang gusto mong isulat, sa social media ka na lang sana nagkalat. " " Excuse me? " Gumuhit sa mukha niya ang insulto sa sinabi ko. " Chief, grabe naman kayo kung makapagsalita. Unang-una, wala po akong alam kung bakit nag puro symbol ang fonts ng aticle ko. Alam ko sa sarili ko na pulido ang ga
" Dawn, ibaba mo 'yan..." Nanginging ang boses kong pakiusap kay Dawn ngunit bumungisngis lang siya sa harap ko at humakbang palapit saakin dahilan ng pag-atras ko. " You are funny as hell! Bakit takot na takot ka? Wala pa naman akong ginagawa! " tila tuluyan ng nawala sa sarili si Dawn dahil halos hindi na siya makahinga sa pagtawa niya. Mangiyak-ngiyak siyang nakatingin saakin habang nakahawak sa kaniyang tiyan. " Chill, bakit ba paatras ka nang paatras? Baka naman mahulog ka sa hagdan? " Lumingon ako sa likuran, may tatlong hakbang mula sa aking kinatatayuan bago ako makarating sa tuktok ng hagdan. Binalik ko ang tingin kay Dawn. " Paano mo...paano mo nagawang makapasok rito sa bahay? " " Natural sa pintuan! Ang stupid naman ng tanong mo. " Naiiling niyang sagot. Sumandal siya sa railings habang patukoy na pinapaikot sa kamay niya 'yong balisong. " Kawawa ka naman kagabi. Mag-isa ka lang sa kama, ano? Malandi ka kasi, eh. Kung sino-sino na lang talaga pinapatulan mo." Sandali
Sa mga sandaling ito, nababatid kong maraming naglalaro sa isipin ni Joaquin dahil sa mabilis na pagbabago ng ekspresyon sa mukha niya. Kumpiyansa ako na wala akong ginawang mali ngunit hindi ko alam kung paano ko magagawang ipaliwanag sa kaniya ang sitwasyon gayong wala akong maalala. " Anong ibig sabihin nito? " Pinasadahan niya ako mula ulo hanggang paa. Gumuhit sa mga mata niya ang sakit ngunit nang ibaling niya ang tingin kay Terrence, madilim na ekspresyon na ang nakita ko sa kaniya. " Joaquin, n-nagkakamali ka. Kung ano man ang tumatakbo ngayon sa isip mo, walang katotohanan 'yan. " Mabilis akong lumapit sa kaniya at tinangkang hawakan ang braso niya ngunit umatras siya palayo saakin nang hindi inaalis ang matalim na tingin kay Terrence. " Lovato, wala kang balak magpaliwanag? " lalo akong kinabahan dahil sa tono ng boses ni Joaquin. Nararamdaman ko ang tensyon na bumabalot sa buong kuwarto at hindi ko alam kung paano ko ito magagawang pigilan. Nagtama ang tingin namin ni T
Walang tao. Wala akong nakitang kahit na ano maliban sa nakasaradong bintana. Napabuga ako sa hangin sa pagkadismaya sa sarili. Siguro nga na pa-praning na nga ako. " May problema ba, Zenaida? " Napalingon ako sa likuran nang marinig ang boses ni Joaquin. Buhat niya si Phoebe na humihikab pa at tulad ng ama niya, puno ito ng kalituhan ang mukha niya. Umiling ako at lumapit sa family picture namin na ngayon ay basag ang salamin at sira na ang frame. Lumapit saakin si Joaquin nang ibinaba niya sagit si Phoebe sa kama. " Ito 'yong nabasag? " Inangat niya ang tingin sa pader kung saan ito nakadikit. Naroon pa rin ang pako kaya imposibleng nalaglag ito nang basta-basta, maliban na lang kung may nagtanggal. Hindi ko alam kung dapat ko bang pairalin ang pagiging praning ko pero nararamdaman kong may hindi tama sa bahay na'to. Mas kaya ko pang paniwalaan kung may nangyayaring paranormal activity dito, pero 'yong ideya na may kasama kaming ibang tao sa bahay na'to na hindi namin alam,
" Miss Jazmine, tumayo po kayo. " Hinawakan ko sa magkabilang balikat ang matanda upang itayo ito mula sa pagkakaluhod. " Hindi niyo naman po kailangang lumuhod pa para humingi ng kapatawaran. Sapat na po saakin ang paghingi ng tawad na may sinseridad. "Malungkot niya akong tinignan. " Zenaida, hindi ko alam kung gaano kabigat ang pinagdaanan mo sa loob ng apat na taon. Hindi ko alam na nagawa ka pa lang kausapin ni Nicolas at hilingin sa'yo na ipalaglag ang bata. Wala akong alam sa bagay na'yon...patawarin mo 'ko, hindi kita nagawang tulungan noon. "" Hindi ko naman po sinunod ang sinabi niya... at hindi rin naman po sumagi sa isip ko na ipalaglag ang anak ko." Mahinahon ngunit buong kumpiyansa kong sagot sa kaniya. " Apat na taong gulang na po si Phoebe ngayon. Gusto kong kuhanin ang pagkakataong ito para sabihin na wala akong pinagsisisihan sa desisyon kong buhayin siya. "Sunod-sunod ang tango na ginawa niya habang nanunubig ang kaniyang mga mata. " Mas nauunawaan ko na kung saa
" Sa isang buwan na agad ang kasal? Ang bilis naman! " Gulat na tanong ni Jana, katatapos lang mabulunan sa kape na iniinom niya. " Isang linggo pa lang kayong engaged, kasalan agad? Ano, excited mag honeymoon? " " Gaga, parang hindi mo naman alam ang dahilan? " Paanas kong tanong sakaniya. Bakit ba kasi sa coffee shop pa namin napiling magkita? Masyadong matinis ang boses ni Jana. Hindi marunong makipag-usap nang may hinahon. " Bakit patatagalin pa kung sigurado naman na sila sa isa't isa? " ani Moira saka isinubo ang huling piraso ng egg tart na pangalawang order na niya. " Wala na ring dapat ika-excite sa honeymoon kung araw-araw naman silang—" " Huy, Moi, bibig mo. Nasa public place tayo, luka. " Pinanlakihan ni Jana ng mata si Moi na inosenteng napatigil sa pag nguya habang nakatingin saamin. "...kung araw-araw naman silang magkasama sa iisang bubong. Wala namang mali sa sasabihin ko, ah? " Kinuha ni Moira ang iced coffee niya. " Linggo bukas, Jana. Baka gusto mo mag simba?
" Baka naman matunaw na kamay mo katititig mo? " Natatawang hayag ni ate Zekainah saka ibinaba ang miryenda na binili niyang tuhog-tuhog sa naglalako. " Para kang teenager na kinikilig dahil binigyan ka ng crush mo ng regalo. Zenaida, ipapaalala ko lang sa'yo na may anak ka na. "" Bakit ate? Hindi na ba puwedeng kiligin ang mga Nanay? " tanong ko saka umayos ng pagkakaupo sa sopa. " Parang siya hindi kinikilig kapag nagdadala ng bulaklak si James, ah? Maya't maya mo pa nga inaamoy 'yong rosas, eh. "Halos lumuwa ang mata niya. Akala niya siguro wala akong alam pero sorry siya dahil madalas ikuwento saakin ni Colleen 'yong reaksyon ng Mama niya kapag nakakatanggap ito ng regalo mula kay James.Tumikhim si ate Zekainah at tumusok ng eggball sa plastic cups niya. " So, anong feeling na nasuotan ng engagement ring? "Bumalik ang ngiti sa labi ko. " Hindi ko ma-describe, eh. Basta, masaya na nakakaiyak na nakaka-excite? Para kang nakalutang sa alapaap, ganoon. Ah, basta, ma-g-gets mo sina
Maingat kong ibinaba ang dalawang tasa ng kape sa lamesita at lihim na tinapunan ng tingin ang magulang ni Dawn na nakaupo sa sopa. Ang dating aktres na si Pauline Bermudez ay pamilyar na ang mukha saakin dahil sikat siyang aktres noong araw. Madalas kasing subaybayan ni Mama ang isang teleserye na siya ang bida kaya namukhaan ko agad siya kanina. Edad singkuwenta, pero hindi mo makikita sa mukha niya dahil ang bata ng hitsura niya. Magkamukhang-magkamukha sila ni Dawn, hindi 'yon mapagkakaila dahil parehas silang may mala-anghel na hitsura sa kabila ng pamamaga ng pareho niyang mga mata. Mukhang galing siya sa magdamag na iyak. Sunod kong tinapunan ng tingin ang padre de pamilya nila, si Benjie Bermudez. Isa siyang congressman at kung pagbabasehan ang kaniyang tindig at hitsura, para siyang isang maamong tupa. Mataas na lalaki, payat at halos puti na ang kaniyang mga buhok. Bagsak ang kaniyang mga mata, malamang dahil sa puyat at stress. " Pasensya na kung binulabog namin kayo nan
" Joaquin, 'wag na. Hindi na kailangan, " kinailangan ko ng umentrada. Ayokong lumaki ang gulo, hindi naman iyon ang pinunta namin rito. " Huwag mong pilitin ang hindi niya kayang gawin. " Kita ko ang pagka-insulto sa mukha ni Sir Nicolas dahil sa sinabi ko. Alam kong magiging dalawa ang kahulugan ng katagang 'yon pero wala akong intensyon na insultuhin ang kalagayan niya. Nasasakaniya na lang kung paano niya ito iintindihin. " Sir Nicolas, hindi ako nagpunta rito para gumawa ng gulo. Gusto ko sana kayong makausap, pero sapat na ang mga narinig ko para ma-realized na wala talaga akong dapat asahan sainyo. " Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Gusto ko sanang maawa sa kalagayan niya, pero hindi ko magawa. Nakita ko kung paano niya ipaglaban ang ibang tao sa halip na unawain at intindihin ang sarili niyang anak. Nakakadismaya. Nakakagalit. " Hindi niyo pinaiiral ang mga isip niyo. Masyado kayong nagpapadala sa bugso ng damdamin niyo. " Dismayado niyang binalikan ng tingin si Jo
Matagal akong nakatingin sa harap ng salamin, pinagmamasdan ang aking kabuon lalo na ang bandang tiyan. " Mukhang hindi naman halata, " bulong ko sa sarili suot ang isang kulay asul na blouse na tinernuhan ng itim na pants. Inalis ko mula sa pagkaka-paragan ang laylayan ng suot kong damit upang takpan ang unti-unting umuumbok na tiyan. Sa huling pagkakataon, tinignan ko ang sarili sa harap ng salamin kung mukha na ba akong presintable bago ako tuluyang lumabas ng kuwarto." Ate, may singkuwena ka ba d'yan? " ang salubong saakin ng kapati kong lalake, si Zachary." Bakit? Saan mo gagamitin? " tanong ko habang nakataas ang kaliwang kilay dahil sa pagkakaalala ko, nagbigay na ako sa kaniya ng isang linggong allowance. Miyerkules pa lang ngayon, imposibleng naubos na niya agad ang mga 'yon." Pandagdag lang sa pagpapa-book bind ng thesis namin. Apat na kopya raw pala ang kailangan, kaya kailangan ulit namin magbigay, " sagot niya saakin at kung babasehan ang expression niya, mukhang nags...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments