All Chapters of Office Romance: Who's your Daddy?: Chapter 1 - Chapter 10

61 Chapters

PROLOGUE

Matagal akong nakatingin sa harap ng salamin, pinagmamasdan ang aking kabuon lalo na ang bandang tiyan. " Mukhang hindi naman halata, " bulong ko sa sarili suot ang isang kulay asul na blouse na tinernuhan ng itim na pants. Inalis ko mula sa pagkaka-paragan ang laylayan ng suot kong damit upang takpan ang unti-unting umuumbok na tiyan. Sa huling pagkakataon, tinignan ko ang sarili sa harap ng salamin kung mukha na ba akong presintable bago ako tuluyang lumabas ng kuwarto." Ate, may singkuwena ka ba d'yan? " ang salubong saakin ng kapati kong lalake, si Zachary." Bakit? Saan mo gagamitin? " tanong ko habang nakataas ang kaliwang kilay dahil sa pagkakaalala ko, nagbigay na ako sa kaniya ng isang linggong allowance. Miyerkules pa lang ngayon, imposibleng naubos na niya agad ang mga 'yon." Pandagdag lang sa pagpapa-book bind ng thesis namin. Apat na kopya raw pala ang kailangan, kaya kailangan ulit namin magbigay, " sagot niya saakin at kung babasehan ang expression niya, mukhang nags
last updateLast Updated : 2023-01-01
Read more

CHAPTER 01

Hindi ko na mabilang kung nakailang beses na akong nagmura sa isip ko habang nakatayo sa waiting shed at naghihintay ng masasakyan papasok sa trabaho. Alas singko nang madaling araw, gumigising na ako para ipaghanda ang sarili ko. Mga ala-sais y medya, aalis na ako ng bahay para magtungo sa waiting shed at maghintay ng masasakyan pero alas siyete na, nakatayo pa rin ako sa gilid ng kalsada kasama ang mga kagaya kong commuters na nakikipagunahan sa pagsakay sa bawat humihintong sasakyan. Karamihan ay mga estudyante ang kasama ko at handa silang makipagbunguan sa kahit na sino makapasok lang sa loob ng sasakyan. Tumingin ako sa suot kong relos, alas-siyete mahigit na pero puñeta, wala pa rin akong masakyan! " Hayaan na ang jeep! " Napalingon ako sa kaliwa ko nang marinig ang sigaw ng isang barker. Naging alerto agad ang mga kasama ko habang papalapit ang jeep sa gawi namin at hindi pa man ito humihinto, nag una-unahan na ang mga tao sa gilid ko para sumakay sa jeep. Kahit anong sita
last updateLast Updated : 2023-01-03
Read more

CHAPTER 02

" Anyare? Nag bardagulan na naman kayo ni Chief? " tanong ni Miss Lizzie— ang aming Senior Editor na kabaliktaran ng aming Chief Editor. Kung gaano kasungit 'yong isa, ganoon naman ka-approachable si Miss Lizzie. " Miss Lizzie, 'di ba po napa-check ko naman sainyo 'yong article ko na may title na 'Babae Ako, Hindi Babae Lang '? Bigla kasing naging Wingdings 'yong font na sa pagkakaalam ko po, Times New Roman ang naka-apply doon, " saad ko saka kinuha ang cellphone ko upang pumunta sa email para tignan 'yong files na na-send ko kay Miss Lizzie. Pagka-open ko, agad kong ipinakita sa kaniya 'yong files na mas malinis pa sa budhi ng Chief Editor namin. " Tignan niyo, okay naman 'yong font. " " Alam mo sa totoo lang, hindi ko rin alam ang sagot d'yan, Miss Zenaida. Nabasa ko nang buo 'yong files na na-submit mo saakin pero 'yong article na na-published mo kagabi, Wingdings talaga ang naka-apply. Kaninang madaling araw ko lang nakita. " Nakangiting saad nito na alam kong paraan para pagaa
last updateLast Updated : 2023-01-04
Read more

CHAPTER 03

" Ate, wala kang pasok ngayon? " tanong ni Zachary nang magkasalubong kami sa kusina. " Alas-otso ang pasok mo 'di ba? Mag a-alas siyete na. " " A-absent ako, " tipid kong sagot saka kumuha ng tasa para lagyan ng kape at asukal. " May mainit pa bang tubig? " " Wala na, teka magpapakulo ako. " Kinuha ni Zachary 'yong takure sa loob ng cabinet para lagyan ito ng tubig. " Himala at a-absent ka, ate? Kapag masama nga pakiramdam mo, pinipilit mo pa sarili mong pumasok. Ngayon, mukhang okay ka naman. So, bakit a-absent ka? " Tumingin ako sa paligid bago ako mag desisyong sagutin ang tanong ng kapatid ko. " Ikaw ba, papasok ka pa rin kung binuhusan mo ng maiinom 'yong professor mo? " Nanlaki ang mata nito saka dali-daling nilagay sa kalan ang takure bago ako lapitan. " Ate, sino ang binuhsan mo? Boss niyo? " " Huwag kang maingay. " Pinandilatan ko siya ng mata dahil baka marinig siya nila Mama. " Oo, ginawa ko 'yon kagabi. Buwisit, eh. Rinding-rindi na ako sa ugali niya. Daig pa ang ma
last updateLast Updated : 2023-02-23
Read more

CHAPTER 04

" Archer? " halos lumuwa ang mata ko nang makita ang isang guwapong binata sa harap ko. " Anong ginagawa mo rito? " " Nag r-relax. Katatapos lang ng shooting namin malapit dito, " anito saka kumaway sa mga kasama ko. " Kanina pa kayo rito? " " Hindi naman masyado.Kasisimula pa lang namin. Tara dito, maupo ka sa table namin. May mga kasama ka ba? " tanong ni Ruiz, saka tinapik ang natitirang space sa tabi niya pero sa gilid ko naupo si Archer. Binigyan ako ng kakaibang tingin ni Ruiz at Jana pero pinandilatan ko lang sila. Tumingin ako kay Terrence na saktong napatingin rin saakin, bago ko ilipat ang tingin kay Moira na muntik ko ng malimutan na kasama pala namin. Abala ito sa pagkain ng buffalo wings, mukhang ito lang ang dahilan kaya sumama siya saamin. " Ako lang mag-isa ngayon. Tumakas lang kay Manager Cha, ayaw kasi akong payagan lumabas, " ani Archer, " Tapos naman ng makunan 'yong lahat ng scene ko sa movie kaya akala ko marami na akong time mag unwind, pero ayaw naman ako pay
last updateLast Updated : 2023-02-25
Read more

CHAPTER 05

Matagal akong nakatitig sa salamin habang pinagmamasdan ang sarili ko. Basa ang ilang parte ng buhok ko dahil sa alak na binuhos ko sa sarili ko. Iyong manipis na blouse na suot ko, nabasa rin kaya kitang-kita ang panloob ko. " Puñeta. " Mariin akong napapikit at humugot nang malalim na hininga. Tumungo ako sa hand dryer saka hinubad ang aking blouse at itinapat ito roon sa pagbabakasakaling matuyo ito kahit papaano. Parang gusto kong iuntog ang sarili ko dahil bukod sa naging desperado ako kanina sa ginawa ko, pinarusahan ko lang din ang sarili ko." Zenaida? " Napatingin ako sa pinto nang marinig ang boses ni Moira sa labas. " Tapos ka na? "Hindi ako sumagot, sa halip ay binuksan ko ang pinto sa restroom para papasukin siya. Bahagya siyang nagulat nang makitang wala akong suot na damit kaya agad-agad niyang sinara ang pinto saka ako hinarap. " Nasaan ang damit mo? " tanong ni Moira at walang gana kong itinuro ang hand dryer. Napailing siya saka binalik ang tingin saakin. " Hindi
last updateLast Updated : 2023-02-27
Read more

CHAPTER 06

Nagising ako dahil sa paulit-ulit na pag ring ng cellphone ko. Pikit mata kong kinapa ang kama kung saan ramdam ko ang vibration na nagmumula sa aking cellphone. Idinilat ko ang kaliwa kong mata para tignan kung sino ang tumatawag bago ko ito sagutin." Bakit—"" Ate, nasaan ka na? " Inilayo ko nang bahagya ang cellphone sa tainga ko dahil sa lakas ng boses ni Zachary sa kabilang linya. Hindi man lang ako hinayaang magsalita. " Ate, kanina pa kami tawag nang tawag sa'yo, hindi ka sumasagot. Nag aalala na sila Mama at Papa. "Doon ko naimulat ang dalawa kong mga mata. Agad akong bumangon sa kama at napatingin sa kuwartong kinaroroonan ko. Ako na lang mag-isa." Ate, ano na balak mo? Umuwi ka na! Malilintikan ka kina Mama, yari ka! " pagbabanta ni Zachary sa kabilang linya. "" Oo sandali, pauwi na ako. Bye na. " Pinatay ko kaagad ang tawag at napatulala sa kawalan habang inaalala ang nangyari kagabi. Inangat ko ang kumot na nakatakip sa buong katawan ko bago ko hanapin ang damit na suo
last updateLast Updated : 2023-02-27
Read more

CHAPTER 07

Isang linggo na ang nakalipas, pero narito pa rin ako sa kompanya at nananatili matatag. Hindi ko alam kung anong dahilan ni Sir Joaquin para payagan niya akong manatili dito sa Updated matapos ng ginawa ko sa kaniya. Sa loob ng isang linggo, hindi na namin napag-usapan ang tungkol doon at ang nakapagtataka pa, tila nawala ang sungay sa noo niya dahil hindi na niya ako pinagagalitan sa mga walang kuwenteng bagay. Hindi tulad noon na talagang may nagaganap na debate sa pagitan naming dalawa nang dahil sa maliit lang na pagkakamali. " Baka naman malunod ka sa lalim ng iniisip mo, Zenaida. " Napaangat ang tingin ko nang marinig si Jana. Narito kami ngayon sa cafeteria para mag lunch pero hindi ko magawang galawin ang pagkain ko dahil sa daming tumatakbo sa isip ko. " Hindi ba't parang ang weird ni Chief? " tanong ko sa mga kasama ko. " Imagine, sa loob ng isang linggo, wala man lang naganap na bardagulan saamin? Hindi tulad noon na ultimo paggamit ko ng punctuation marks ay pinapansi
last updateLast Updated : 2023-03-04
Read more

CHAPTER 08

" Anong ginagawa mo rito, Terrence? " takhang tanong ko nang labasin ko ang hindi inaasahang bisita. Ramdam ko ang mga tingin mula sa likuran ko kaya nang lingunin ko sila, agad nagsilalisan sa pintuan sina Mama at Papa, pero si Zachary, nanatiling nasa bintana, may malaking ngisi sa mukha. " Pasensya na kung nakaabala ako, pero gusto ko sanang iabot ito kaagad sa'yo dito sa inyo dahil hindi ko siya puwedeng ibigay sa office. " Iniabot ni Terrence saakin ang bouquet na may limang malalaking rosas sa loob. Sunod ay ang box na naglalaman ng cake. Transparent ang takip sa ibabaw kaya nakita ko ang disenyo nito. Minimalist at mayroong tatlong mukha ng pusa sa gilid. " Terrence, salamat dito. Pero kung hindi mo mamamasamain ang tanong ko, para saan ang mga 'to? " tanong ko. " Hindi ko pa naman birthday at malayo pa ang Valentine's Day. Bakit may paganito ka? " Ngumiti siya saka tumingin sa bintana kung nasaan ang kapatid ko. Agad akong lumingon at pinandilatan ito ng mata dahilan para u
last updateLast Updated : 2023-03-05
Read more

CHAPTER 09

Halos limang minuto na akong nakatayo sa harap ng mesa ni Sir Joaquin, pero wala kaming ginawa kundi ang magtitigan. May ideya na ako kung bakit niya ako pinatawag sa office, pero ang pinagtataka ko, bakit ayaw niya pang magsalita? Sa hitsura ng mukha niya, para bang marami siyang gustong sabihin saakin pero hindi niya alam kung saan magsisimula kaya ang resulta, pakikipagtitigan na lang ang ginawa niya. " Chief, tapos na ba? " ako na ang bumasag ng katahimikan dahil nangangawit na ako sa kinatatayuan ko. " Puwede na ba akong lumabas dahil ang dami ko pang trabahong kailangan gawin ngayon. " " Tapos na ba kitang kausapin? " tanong niya. " Ay, may balak ba kayong kausapin ako? Akala ko makikipagtitigan lang kayo saakin. " Idinaan ko sa biro ang pagkabagot ko dahil kailangan ko ng ingatan ang mga salitang lumalabas sa bibig ko. Aba, ayoko ng maranasan 'yong kaba at takot na mawalan ng trabaho. " Nandito ba sa kompanya ang taong tinutukoy mo na importante sa'yo? " Tumaas ang kali
last updateLast Updated : 2023-03-08
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status