Lumapit ako kaagad sa driver ng jeep nang mapansing pinababa ang ilang nagtangkang sumakay. Puno na ang loob, siksikan na at kitang-kita 'yon sa bintana. " Kuya, baka puwedeng sumabit na lang? Late na po kasi ako trabaho ko. "
" Naku, hindi 'yon puwede. Masisita tayo. " anito bago unti-unting paandarin ang jeep kaya wala na akong nagawa kung hindi ang umatras at magpakawala nang isang malalim na buntong hininga. Lunes na lunes, hindi ako puwedeng ma-late. Dapat siguro sa susunod, alas-singko pa lang ay nakaalis na ako saamin nang hindi ako na s-stress nang ganito!" Halika na, mag-bus na lang tayo. " Napalingon ako sa dalawang estudyante sa gilid ko na wala pang tatlong segundo ay nakita kong tumatakbo na papunta sa bus na papalapit saamin. Wala na akong pakialam kung may mabunggo akong tao dahil sa pagiging desperado na makasakay. Laking luwag sa dibdib nang makitang may space pa sa likuran kaya dali-dali akong nagpunta roon upang makaupo. Buong akala ko makakapagpahinga na ako nang makitang may kasunod pala akong buntis sa likuran na hindi na makahanap ng mauupan kaya pinili nitong tumayo na lang.
Tumingin ako sa mga pasahero sa pag-asang may magmamagandang loob na magpaupo sa buntis pero may mga kaniya-kaniya silang sariling mundo hanggang sa umandar ang bus. Hirap itong magbalanse dahil may mga dala itong plastic bag. " Miss, dito na po kayo. " Tumayo ako sa kinauupuan ko nang lumingon saakin 'yong babae. Agad naman itong nagpasalamat saakin bago kami nagpalit ng puwesto. Humawak ako sa handle ng bus at inilabas na ang paborito kong wallet na may disenyong pusa upang kuhanin ang eksaktong pera na ibibigay sa konduktor mamaya. Kalahating oras ang byahe papunta sa company kung saan ako nag ta-trabaho bilang isang journalist. Alas-otso ang pasok ko at taimtim akong nananalangin na sana ay mabilis lang ang maging byahe pero mukhang hindi ako nadinig ni Lord dahil naipit ako sa traffic. " May aksidente yata sa unahan natin. Sampung minuto na tayong hindi umaabante, " rinig kong sabi ng pasahero na bigla na lang tumayo mula sa pagkakaupo. " Boss, puwede na bang bumaba na? Dito na lang ako at mukhang bukas pa tayo makakausad. Late na ako sa trabaho. "Nagsitayuan na ang ilan sa mga pasaherong bababa habang ako'y nagdadalawang isip kung susunod na sa kanila dahil kung tatakbuhin ko mula dito sa kinalalagyan namin papunta sa kompanya, nasa kinse minutos rin 'yon. Pero kung mananatili ako sa bus na walang kasiguraduhan kung hanggang kailan aalis, malamang sa malamang ay aabutin ako ng siyam-siyam." Miss, may mga bakante ng upuan, oh. Puwede na kayong maupo, " saad ng isang pasahero sa gilid ko. Nakangiti akong nagpasalamat sakaniya pero sa halip na maupo, lumakad na ako palabas ng bus at dali-daling nagtatakbo sa gilid ng kalsada papunta sa kompanya. Mabuti na lang at naka-running shoes ako ngayon kaya komportable ako sa bawat hakbang ng paa ko. Bilang isang journalist, kailangan alerto din ako sa paligid ko dahil maaring may pumukaw sa atensyon ko na maaaring isulat sa news website namin pero sa mga oras na ito, hindi ko na 'yon nagawa dahil sa pagmamadali at pagbabakasakaling makapag login bago mag alas-otso ngunit bigo ako. Twenty minutes akong late, malamang na twenty minutes din akong se-sermonan ng boss ko. Ang saya nito. Napakagandang bungad ng Lunes na'to." Good morning, Zenaida. " Nakangiting bati saakin ng katrabaho ko pagkarating sa workstation, si Terrence Lovato—isa sa mga researchers ng kompanya. Isa rin siyang malapit na kaibigan na tagapakinig sa mga hinanaing ko sa buhay.
" Sorry, pero walang good sa morning ko, " saad ko saka dumiretso sa cubicle ko at pabagsak na naupo sa swivel chair. Ramdam na ramdam ko ang pawis na mula sa sentido ko pababa sa mukha ko. " Nakaka-stress ang umaga ko. Hindi pa man natatapos ang araw, haggard na ako. Lagkit-lagkit ko na, pesteng 'yan. "" Punasan mo ang pawis mo. " Inabutan ako ni Terrence ng panyo niya, hindi naman ako nagdalawang isip na kuhanin iyon para punasan ang buong mukha ko pababa sa leeg at batok ko. Malakas ang air-con sa office namin, siguradong sisipunin ako nito kinabukasan. Pabor na rin saakin 'yon nang may dahilan ako para mag absent. " Zenaida. " Napalingon ako sa likuran nang marinig ang boses ni Moira Olano—isa ring multimedia journalist kagaya ko. " Pinatatawag ka ni Chief sa loob ng office. Ngayon na raw."Sa totoo lang, inaasahan ko na 'to pagdating ko, pero hindi ko pa ring maiwasang makaramdam ng inis. Wala pa nga yata sa isang minuto akong nakaupo, tatawagin agad ako ng demanding naming editor-in-chief na pinaglihi sa sama ng loob dahil palaging mainit ang ulo lalo na saakin. " Sige, susunod na ako. Salamat, Moi. " Tumayo ako at inayos ang sarili bago ako lumakad patungo sa office room ng aming Chief Editor. Kapag ganitong pangit ang umaga ko, ako na ang umiiwas makipag usap sa mga tao sa paligid ko na maaring mapaglabasan ng inis ko, pero itong boss namin, talagang gumagawa ng paraan para magkaroon ng eksena ngayon sa opisina.***" Seryoso ka ba talaga sa trabahong 'to o baka naman naglalaro ka na lang? " Gusto kong itaas ang kaliwang kilay ko sa narinig mula sa aming Chief Editor na may seryosong mukha at matalim na tingin ngayon saakin. " Alam kong isa kang magaling na journalist Miss Zenaida, pero kung laro na lang sayo ang ginagawa mo, mas mabuting umalis ka na ngayon sa kompanya. "" Mawalang galang na po, pero ano pong problema? Hindi naman yata tama na magbitaw kayo ng ganiyang salita habang wala akong ideya sa kung ano ang dahilan ng galit ninyo? " Nakangiti kong tanong pero sa loob-loob ko, kumukulo na ang dugo ko. Tama ba 'yang approach niya saakin? " Wala kang ideya sa ginawa mo? " Kumawala ang sarkastikong tawa mula kay Chief saka nito marahas na iniharap saakin ang computer monitor niya. " Malinaw pa sa sikat ng araw ang pangalan mo rito. Hindi ba't ikaw ang author nitong article na may pamagat na ' Babae Ako, Hindi Babae Lang'? Ikaw si Zenaida Cabrera, tama ba 'ko? "Alam ko na pagiging sarkastiko ang pagtatanong niya sa pangalan ko, at kung puwede lang na maging pabalang ang sagot ko, ginawa ko 'yon ngayon pero kailangan relax lang dahil hindi ko gustong mawalan ng trabaho.
" Ako nga po, " proud ko pang sambit saka tinapunan ng tingin 'yong screen ng computer monitor na iniharap saakin. Masyado akong malayo mula sa mesa niya kaya hindi ko maaninag nang maayos kung anong gusto niyang ipakita. " Bakit po ba, Chief? Mayroon po ba tayong problema sa article? "
" Bakit hindi ikaw ang tumingin? Lumapit ka, " anito kaya wala akong nagawa kung hindi ang lumapit sa mesa at silipin 'yong naka-display sa screen ng monitor. Noong una ay proud pa ako na walang mali sa article na na-published ko kagabi pero halos lumuwa ang mata ko nang makita kung ano 'yong dahilan ng galit ng boss namin. " Sandali, b-bakit ganito 'to? " hindi na ako nakapag-isip nang diretso, basta ko na lang hinablot 'yong mouse ng computer para mai-scroll pababa 'yong website namin pero 'yong article ko lang 'yong may problem sa font na puro symbol ang laman. Sinubukan kong i-refreresh ang website sa pagbabakasakaling bumalik sa mga letters 'yong article pero walang nangyari." Alam mo naman ang kaibahan ng Times New Roman sa Wingdings 'di ba? " tila nanunuyang tanong saakin ni Chief. " Anong nangyari at parang nagiging careless ka na sa mga ginagawa mo nitong mga nakaraang araw? "" Chief, sa tingiin ko may error lang ang website natin. ilang beses ko pong binasa 'yong article na ginawa ko bago ako nag published kagabi, " paliwanag ko saka nag exit sa website at muling nag add ng panibagong tab para bisitahin 'yong article sa website pero ganoon pa rin ang lumalabas. " B-bakit ganoon? Okay naman 'to kagabi, ah. "" Sigurado ka? " Tinapik niya ang kamay ko sa mouse niya dahilan para bitawan ko ito at bahagyang lumayo sa mesa. Tumingin siya saakin na may halong pagkadismaya. " Miss Zenaida, mayroon tayong freedom of speech pero hindi sa ganitong paraan mo gagamitin 'yon. Kung kalokohan lang naman ang gusto mong isulat, sa social media ka na lang sana nagkalat. "" Excuse me? " Nagpantig na ang tainga ko sa narinig. " Chief, grabe naman kayo kung makapagsalita. Unang-una, wala po akong alam kung bakit nag puro symbol ang fonts ng aticle ko. Alam ko sa sarili ko na pulido ang gawa ko bago ko siya isinapubliko kagabi. Kung hindi system error, malamang sa malamang ay may sumabutahe sa gawa ko. "" Bago ka magturo, may ebidensya ka bang maipapakita? "Pinili kong hindi iyon sagutin dahil kapag nagbitaw ako ng pangalan, malaking gulo ang mangyayari sa pagitan naming dalawa. Hahanap pa ba ako ng ebidensya kung nandito na sa harap ko mismo 'yong taong nasa likod ng pagsira ng article ko." Pasensya na po, Chief. Buburahin ko na lang po—"" Kung kailan madami ng nakakita, saka mo pa naisipang burahin? " tanong nito saka tumayo mula sa pagkakaupo sa swivel chair niya. " Hindi ko alam kung masyado bang naging maluwag sa'yo 'yong company para hindi mo seryosohin ang trabaho mo o talagang laro na lang sa'yo ngayon ang ginagawa mo. Mahusay ka, Miss Zenaida, aaminin ko 'yon, pero sana ay huwag lumaki ang ulo mo sa mga achievement na natatanggap mo. Huwag mong idamay ang company sa kalokohan mo." " Chief, seryoso ako sa trabaho ko. Huwag naman kayong humusga agad nang dahil lang sa isang pagkakamali na nagawa ko—" Isang pagkakamali nga lang ba talaga, Miss Zenaida? "Napatungo ako upang lihim na paikutin ang mata ko. Malamang gusto niyang isama sa pagkakamali ko 'yong mga typographical error sa bawat article na isinusulat ko. Puñeta, kung hindi lang talaga mataas ang posisyon nito, kanina pa talaga ko nakikipag bardagulan sa kaniya. Sino ba naman kasing matutuwa sa boss na palagi kang pinag-iinitan sa trabaho? Palagi siyang may komento sa lahat ng bagay at imposibleng hindi kami magtalo sa isang araw dahil siya ang palaging naghahanap ng gulo. Limang taon lang naman ang tanda niya saaakin pero kung makapagsalita 'to minsan, akala mo napakarami na niyang karanasan sa buhay." I'm sorry, Chief. Hayaan niyong ayusin ko po 'to ngayon..." hindi na ako nag abalang pahabain ang paghingi ko ng pasensya dahil hindi naman 'to bukal sa loob ko. Bakit ako mag so-sorry kung alam ko sa sarili kong wala akong kasalanan? Almost six years na ako dito sa kompanya, habang siya ay four years pa lang. Confindent ako sa ginagawa ko at kung magkaroon man ako ng pagkakamali, minor lang, hindi kagaya ng binibintang niya ngayon saakin.
" Sige, makakalabas ka na, " rinig ko kaya agad akong tumalikod at nakahanda na sanang buksan ang pinto nang marinig ko ulit siyang magsalita. " Email mo saakin bago mo i-publish ulit sa website. Baka mamaya, resignation letter ang i-post mo. "
Mabilis akong lumingon at ngumiti nang hilaw sa kaniya. " Don't worry, Chief, hinding-hindi 'yong mangyayari. "" We'll see, Miss Zenaida. " Nakangising paghahamon niya na sa wakas, lumabas rin ang totoong dahilan kung bakit palagi kaming nagbabangayan.
Alam kong gusto niya akong umalis sa kompanya at wala naman akong magagawa doon dahil siya ang tagapagmana. Iyon nga lang, mismong kompanya ay hindi ako kayang bitawan dahil isa ako sa mga kilalang journalist sa bansa. Hindi ko rin naman gustong umalis dahil mahal ko ang trabaho ko, kaya gumagawa siya ng paraan para ako mismo ang mag resign sa trabaho. Sadyang insecure at bugnutin lang talaga ang Executive Editor at ang successor ng kompanya na si Joaquin Delgado. Siya ang anak ng CEO and President ng Updated kung saan ako nagta-trabaho. Isa sa dahilan kung bakit kami laging nagtatalo ay dahil sa magkaiba naming opinyon. Madalas kaming hindi nagkakasundo at kahit sa maliliit na bagay, palagi siyang may komento.Minsan nga napapaisip ako na talaga bang bully 'to o baka type lang ako ng isang 'to?
" Anyare? Nag bardagulan na naman kayo ni Chief? " tanong ni Miss Lizzie— ang aming Senior Editor na kabaliktaran ng aming Chief Editor. Kung gaano kasungit 'yong isa, ganoon naman ka-approachable si Miss Lizzie. " Miss Lizzie, 'di ba po napa-check ko naman sainyo 'yong article ko na may title na 'Babae Ako, Hindi Babae Lang '? Bigla kasing naging Wingdings 'yong font na sa pagkakaalam ko po, Times New Roman ang naka-apply doon, " saad ko saka kinuha ang cellphone ko upang pumunta sa email para tignan 'yong files na na-send ko kay Miss Lizzie. Pagka-open ko, agad kong ipinakita sa kaniya 'yong files na mas malinis pa sa budhi ng Chief Editor namin. " Tignan niyo, okay naman 'yong font. " " Alam mo sa totoo lang, hindi ko rin alam ang sagot d'yan, Miss Zenaida. Nabasa ko nang buo 'yong files na na-submit mo saakin pero 'yong article na na-published mo kagabi, Wingdings talaga ang naka-apply. Kaninang madaling araw ko lang nakita. " Nakangiting saad nito na alam kong paraan para pagaa
" Ate, wala kang pasok ngayon? " tanong ni Zachary nang magkasalubong kami sa kusina. " Alas-otso ang pasok mo 'di ba? Mag a-alas siyete na. " " A-absent ako, " tipid kong sagot saka kumuha ng tasa para lagyan ng kape at asukal. " May mainit pa bang tubig? " " Wala na, teka magpapakulo ako. " Kinuha ni Zachary 'yong takure sa loob ng cabinet para lagyan ito ng tubig. " Himala at a-absent ka, ate? Kapag masama nga pakiramdam mo, pinipilit mo pa sarili mong pumasok. Ngayon, mukhang okay ka naman. So, bakit a-absent ka? " Tumingin ako sa paligid bago ako mag desisyong sagutin ang tanong ng kapatid ko. " Ikaw ba, papasok ka pa rin kung binuhusan mo ng maiinom 'yong professor mo? " Nanlaki ang mata nito saka dali-daling nilagay sa kalan ang takure bago ako lapitan. " Ate, sino ang binuhsan mo? Boss niyo? " " Huwag kang maingay. " Pinandilatan ko siya ng mata dahil baka marinig siya nila Mama. " Oo, ginawa ko 'yon kagabi. Buwisit, eh. Rinding-rindi na ako sa ugali niya. Daig pa ang ma
" Archer? " halos lumuwa ang mata ko nang makita ang isang guwapong binata sa harap ko. " Anong ginagawa mo rito? " " Nag r-relax. Katatapos lang ng shooting namin malapit dito, " anito saka kumaway sa mga kasama ko. " Kanina pa kayo rito? " " Hindi naman masyado.Kasisimula pa lang namin. Tara dito, maupo ka sa table namin. May mga kasama ka ba? " tanong ni Ruiz, saka tinapik ang natitirang space sa tabi niya pero sa gilid ko naupo si Archer. Binigyan ako ng kakaibang tingin ni Ruiz at Jana pero pinandilatan ko lang sila. Tumingin ako kay Terrence na saktong napatingin rin saakin, bago ko ilipat ang tingin kay Moira na muntik ko ng malimutan na kasama pala namin. Abala ito sa pagkain ng buffalo wings, mukhang ito lang ang dahilan kaya sumama siya saamin. " Ako lang mag-isa ngayon. Tumakas lang kay Manager Cha, ayaw kasi akong payagan lumabas, " ani Archer, " Tapos naman ng makunan 'yong lahat ng scene ko sa movie kaya akala ko marami na akong time mag unwind, pero ayaw naman ako pay
Matagal akong nakatitig sa salamin habang pinagmamasdan ang sarili ko. Basa ang ilang parte ng buhok ko dahil sa alak na binuhos ko sa sarili ko. Iyong manipis na blouse na suot ko, nabasa rin kaya kitang-kita ang panloob ko. " Puñeta. " Mariin akong napapikit at humugot nang malalim na hininga. Tumungo ako sa hand dryer saka hinubad ang aking blouse at itinapat ito roon sa pagbabakasakaling matuyo ito kahit papaano. Parang gusto kong iuntog ang sarili ko dahil bukod sa naging desperado ako kanina sa ginawa ko, pinarusahan ko lang din ang sarili ko." Zenaida? " Napatingin ako sa pinto nang marinig ang boses ni Moira sa labas. " Tapos ka na? "Hindi ako sumagot, sa halip ay binuksan ko ang pinto sa restroom para papasukin siya. Bahagya siyang nagulat nang makitang wala akong suot na damit kaya agad-agad niyang sinara ang pinto saka ako hinarap. " Nasaan ang damit mo? " tanong ni Moira at walang gana kong itinuro ang hand dryer. Napailing siya saka binalik ang tingin saakin. " Hindi
Nagising ako dahil sa paulit-ulit na pag ring ng cellphone ko. Pikit mata kong kinapa ang kama kung saan ramdam ko ang vibration na nagmumula sa aking cellphone. Idinilat ko ang kaliwa kong mata para tignan kung sino ang tumatawag bago ko ito sagutin." Bakit—"" Ate, nasaan ka na? " Inilayo ko nang bahagya ang cellphone sa tainga ko dahil sa lakas ng boses ni Zachary sa kabilang linya. Hindi man lang ako hinayaang magsalita. " Ate, kanina pa kami tawag nang tawag sa'yo, hindi ka sumasagot. Nag aalala na sila Mama at Papa. "Doon ko naimulat ang dalawa kong mga mata. Agad akong bumangon sa kama at napatingin sa kuwartong kinaroroonan ko. Ako na lang mag-isa." Ate, ano na balak mo? Umuwi ka na! Malilintikan ka kina Mama, yari ka! " pagbabanta ni Zachary sa kabilang linya. "" Oo sandali, pauwi na ako. Bye na. " Pinatay ko kaagad ang tawag at napatulala sa kawalan habang inaalala ang nangyari kagabi. Inangat ko ang kumot na nakatakip sa buong katawan ko bago ko hanapin ang damit na suo
Isang linggo na ang nakalipas, pero narito pa rin ako sa kompanya at nananatili matatag. Hindi ko alam kung anong dahilan ni Sir Joaquin para payagan niya akong manatili dito sa Updated matapos ng ginawa ko sa kaniya. Sa loob ng isang linggo, hindi na namin napag-usapan ang tungkol doon at ang nakapagtataka pa, tila nawala ang sungay sa noo niya dahil hindi na niya ako pinagagalitan sa mga walang kuwenteng bagay. Hindi tulad noon na talagang may nagaganap na debate sa pagitan naming dalawa nang dahil sa maliit lang na pagkakamali. " Baka naman malunod ka sa lalim ng iniisip mo, Zenaida. " Napaangat ang tingin ko nang marinig si Jana. Narito kami ngayon sa cafeteria para mag lunch pero hindi ko magawang galawin ang pagkain ko dahil sa daming tumatakbo sa isip ko. " Hindi ba't parang ang weird ni Chief? " tanong ko sa mga kasama ko. " Imagine, sa loob ng isang linggo, wala man lang naganap na bardagulan saamin? Hindi tulad noon na ultimo paggamit ko ng punctuation marks ay pinapansi
" Anong ginagawa mo rito, Terrence? " takhang tanong ko nang labasin ko ang hindi inaasahang bisita. Ramdam ko ang mga tingin mula sa likuran ko kaya nang lingunin ko sila, agad nagsilalisan sa pintuan sina Mama at Papa, pero si Zachary, nanatiling nasa bintana, may malaking ngisi sa mukha. " Pasensya na kung nakaabala ako, pero gusto ko sanang iabot ito kaagad sa'yo dito sa inyo dahil hindi ko siya puwedeng ibigay sa office. " Iniabot ni Terrence saakin ang bouquet na may limang malalaking rosas sa loob. Sunod ay ang box na naglalaman ng cake. Transparent ang takip sa ibabaw kaya nakita ko ang disenyo nito. Minimalist at mayroong tatlong mukha ng pusa sa gilid. " Terrence, salamat dito. Pero kung hindi mo mamamasamain ang tanong ko, para saan ang mga 'to? " tanong ko. " Hindi ko pa naman birthday at malayo pa ang Valentine's Day. Bakit may paganito ka? " Ngumiti siya saka tumingin sa bintana kung nasaan ang kapatid ko. Agad akong lumingon at pinandilatan ito ng mata dahilan para u
Halos limang minuto na akong nakatayo sa harap ng mesa ni Sir Joaquin, pero wala kaming ginawa kundi ang magtitigan. May ideya na ako kung bakit niya ako pinatawag sa office, pero ang pinagtataka ko, bakit ayaw niya pang magsalita? Sa hitsura ng mukha niya, para bang marami siyang gustong sabihin saakin pero hindi niya alam kung saan magsisimula kaya ang resulta, pakikipagtitigan na lang ang ginawa niya. " Chief, tapos na ba? " ako na ang bumasag ng katahimikan dahil nangangawit na ako sa kinatatayuan ko. " Puwede na ba akong lumabas dahil ang dami ko pang trabahong kailangan gawin ngayon. " " Tapos na ba kitang kausapin? " tanong niya. " Ay, may balak ba kayong kausapin ako? Akala ko makikipagtitigan lang kayo saakin. " Idinaan ko sa biro ang pagkabagot ko dahil kailangan ko ng ingatan ang mga salitang lumalabas sa bibig ko. Aba, ayoko ng maranasan 'yong kaba at takot na mawalan ng trabaho. " Nandito ba sa kompanya ang taong tinutukoy mo na importante sa'yo? " Tumaas ang kali
Bastos, mayabang at walang modo. Iyon ang mailalarawan ko sa isang empleyado ng kompanya na palaging naglalakas loob na kalabanin ako. Sa lahat ng opinyon ko, palagi siyang may komento. Masyadong mataas ang tingin niya sa sarili niya at pakiramdam niya, alam na niya ang lahat. Alam kong isa siya sa mga mahuhusay na mamamahayag na kinikilala ng Updated, kaya kung ipatatanggal ko siya sa trabaho, alam kong maraming tututol, kaya naman ako na ang gumagawa ng paraan para siya mismo ang sumuko at mag resign. Anong silbi ng mahusay na mamamahayag kung bastos at mayabang naman? " Miss Zenaida, mayroon tayong freedom of speech pero hindi sa ganitong paraan mo gagamitin 'yon. Kung kalokohan lang naman ang gusto mong isulat, sa social media ka na lang sana nagkalat. " " Excuse me? " Gumuhit sa mukha niya ang insulto sa sinabi ko. " Chief, grabe naman kayo kung makapagsalita. Unang-una, wala po akong alam kung bakit nag puro symbol ang fonts ng aticle ko. Alam ko sa sarili ko na pulido ang ga
" Dawn, ibaba mo 'yan..." Nanginging ang boses kong pakiusap kay Dawn ngunit bumungisngis lang siya sa harap ko at humakbang palapit saakin dahilan ng pag-atras ko. " You are funny as hell! Bakit takot na takot ka? Wala pa naman akong ginagawa! " tila tuluyan ng nawala sa sarili si Dawn dahil halos hindi na siya makahinga sa pagtawa niya. Mangiyak-ngiyak siyang nakatingin saakin habang nakahawak sa kaniyang tiyan. " Chill, bakit ba paatras ka nang paatras? Baka naman mahulog ka sa hagdan? " Lumingon ako sa likuran, may tatlong hakbang mula sa aking kinatatayuan bago ako makarating sa tuktok ng hagdan. Binalik ko ang tingin kay Dawn. " Paano mo...paano mo nagawang makapasok rito sa bahay? " " Natural sa pintuan! Ang stupid naman ng tanong mo. " Naiiling niyang sagot. Sumandal siya sa railings habang patukoy na pinapaikot sa kamay niya 'yong balisong. " Kawawa ka naman kagabi. Mag-isa ka lang sa kama, ano? Malandi ka kasi, eh. Kung sino-sino na lang talaga pinapatulan mo." Sandali
Sa mga sandaling ito, nababatid kong maraming naglalaro sa isipin ni Joaquin dahil sa mabilis na pagbabago ng ekspresyon sa mukha niya. Kumpiyansa ako na wala akong ginawang mali ngunit hindi ko alam kung paano ko magagawang ipaliwanag sa kaniya ang sitwasyon gayong wala akong maalala. " Anong ibig sabihin nito? " Pinasadahan niya ako mula ulo hanggang paa. Gumuhit sa mga mata niya ang sakit ngunit nang ibaling niya ang tingin kay Terrence, madilim na ekspresyon na ang nakita ko sa kaniya. " Joaquin, n-nagkakamali ka. Kung ano man ang tumatakbo ngayon sa isip mo, walang katotohanan 'yan. " Mabilis akong lumapit sa kaniya at tinangkang hawakan ang braso niya ngunit umatras siya palayo saakin nang hindi inaalis ang matalim na tingin kay Terrence. " Lovato, wala kang balak magpaliwanag? " lalo akong kinabahan dahil sa tono ng boses ni Joaquin. Nararamdaman ko ang tensyon na bumabalot sa buong kuwarto at hindi ko alam kung paano ko ito magagawang pigilan. Nagtama ang tingin namin ni T
Walang tao. Wala akong nakitang kahit na ano maliban sa nakasaradong bintana. Napabuga ako sa hangin sa pagkadismaya sa sarili. Siguro nga na pa-praning na nga ako. " May problema ba, Zenaida? " Napalingon ako sa likuran nang marinig ang boses ni Joaquin. Buhat niya si Phoebe na humihikab pa at tulad ng ama niya, puno ito ng kalituhan ang mukha niya. Umiling ako at lumapit sa family picture namin na ngayon ay basag ang salamin at sira na ang frame. Lumapit saakin si Joaquin nang ibinaba niya sagit si Phoebe sa kama. " Ito 'yong nabasag? " Inangat niya ang tingin sa pader kung saan ito nakadikit. Naroon pa rin ang pako kaya imposibleng nalaglag ito nang basta-basta, maliban na lang kung may nagtanggal. Hindi ko alam kung dapat ko bang pairalin ang pagiging praning ko pero nararamdaman kong may hindi tama sa bahay na'to. Mas kaya ko pang paniwalaan kung may nangyayaring paranormal activity dito, pero 'yong ideya na may kasama kaming ibang tao sa bahay na'to na hindi namin alam,
" Miss Jazmine, tumayo po kayo. " Hinawakan ko sa magkabilang balikat ang matanda upang itayo ito mula sa pagkakaluhod. " Hindi niyo naman po kailangang lumuhod pa para humingi ng kapatawaran. Sapat na po saakin ang paghingi ng tawad na may sinseridad. "Malungkot niya akong tinignan. " Zenaida, hindi ko alam kung gaano kabigat ang pinagdaanan mo sa loob ng apat na taon. Hindi ko alam na nagawa ka pa lang kausapin ni Nicolas at hilingin sa'yo na ipalaglag ang bata. Wala akong alam sa bagay na'yon...patawarin mo 'ko, hindi kita nagawang tulungan noon. "" Hindi ko naman po sinunod ang sinabi niya... at hindi rin naman po sumagi sa isip ko na ipalaglag ang anak ko." Mahinahon ngunit buong kumpiyansa kong sagot sa kaniya. " Apat na taong gulang na po si Phoebe ngayon. Gusto kong kuhanin ang pagkakataong ito para sabihin na wala akong pinagsisisihan sa desisyon kong buhayin siya. "Sunod-sunod ang tango na ginawa niya habang nanunubig ang kaniyang mga mata. " Mas nauunawaan ko na kung saa
" Sa isang buwan na agad ang kasal? Ang bilis naman! " Gulat na tanong ni Jana, katatapos lang mabulunan sa kape na iniinom niya. " Isang linggo pa lang kayong engaged, kasalan agad? Ano, excited mag honeymoon? " " Gaga, parang hindi mo naman alam ang dahilan? " Paanas kong tanong sakaniya. Bakit ba kasi sa coffee shop pa namin napiling magkita? Masyadong matinis ang boses ni Jana. Hindi marunong makipag-usap nang may hinahon. " Bakit patatagalin pa kung sigurado naman na sila sa isa't isa? " ani Moira saka isinubo ang huling piraso ng egg tart na pangalawang order na niya. " Wala na ring dapat ika-excite sa honeymoon kung araw-araw naman silang—" " Huy, Moi, bibig mo. Nasa public place tayo, luka. " Pinanlakihan ni Jana ng mata si Moi na inosenteng napatigil sa pag nguya habang nakatingin saamin. "...kung araw-araw naman silang magkasama sa iisang bubong. Wala namang mali sa sasabihin ko, ah? " Kinuha ni Moira ang iced coffee niya. " Linggo bukas, Jana. Baka gusto mo mag simba?
" Baka naman matunaw na kamay mo katititig mo? " Natatawang hayag ni ate Zekainah saka ibinaba ang miryenda na binili niyang tuhog-tuhog sa naglalako. " Para kang teenager na kinikilig dahil binigyan ka ng crush mo ng regalo. Zenaida, ipapaalala ko lang sa'yo na may anak ka na. "" Bakit ate? Hindi na ba puwedeng kiligin ang mga Nanay? " tanong ko saka umayos ng pagkakaupo sa sopa. " Parang siya hindi kinikilig kapag nagdadala ng bulaklak si James, ah? Maya't maya mo pa nga inaamoy 'yong rosas, eh. "Halos lumuwa ang mata niya. Akala niya siguro wala akong alam pero sorry siya dahil madalas ikuwento saakin ni Colleen 'yong reaksyon ng Mama niya kapag nakakatanggap ito ng regalo mula kay James.Tumikhim si ate Zekainah at tumusok ng eggball sa plastic cups niya. " So, anong feeling na nasuotan ng engagement ring? "Bumalik ang ngiti sa labi ko. " Hindi ko ma-describe, eh. Basta, masaya na nakakaiyak na nakaka-excite? Para kang nakalutang sa alapaap, ganoon. Ah, basta, ma-g-gets mo sina
Maingat kong ibinaba ang dalawang tasa ng kape sa lamesita at lihim na tinapunan ng tingin ang magulang ni Dawn na nakaupo sa sopa. Ang dating aktres na si Pauline Bermudez ay pamilyar na ang mukha saakin dahil sikat siyang aktres noong araw. Madalas kasing subaybayan ni Mama ang isang teleserye na siya ang bida kaya namukhaan ko agad siya kanina. Edad singkuwenta, pero hindi mo makikita sa mukha niya dahil ang bata ng hitsura niya. Magkamukhang-magkamukha sila ni Dawn, hindi 'yon mapagkakaila dahil parehas silang may mala-anghel na hitsura sa kabila ng pamamaga ng pareho niyang mga mata. Mukhang galing siya sa magdamag na iyak. Sunod kong tinapunan ng tingin ang padre de pamilya nila, si Benjie Bermudez. Isa siyang congressman at kung pagbabasehan ang kaniyang tindig at hitsura, para siyang isang maamong tupa. Mataas na lalaki, payat at halos puti na ang kaniyang mga buhok. Bagsak ang kaniyang mga mata, malamang dahil sa puyat at stress. " Pasensya na kung binulabog namin kayo nan
" Joaquin, 'wag na. Hindi na kailangan, " kinailangan ko ng umentrada. Ayokong lumaki ang gulo, hindi naman iyon ang pinunta namin rito. " Huwag mong pilitin ang hindi niya kayang gawin. " Kita ko ang pagka-insulto sa mukha ni Sir Nicolas dahil sa sinabi ko. Alam kong magiging dalawa ang kahulugan ng katagang 'yon pero wala akong intensyon na insultuhin ang kalagayan niya. Nasasakaniya na lang kung paano niya ito iintindihin. " Sir Nicolas, hindi ako nagpunta rito para gumawa ng gulo. Gusto ko sana kayong makausap, pero sapat na ang mga narinig ko para ma-realized na wala talaga akong dapat asahan sainyo. " Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Gusto ko sanang maawa sa kalagayan niya, pero hindi ko magawa. Nakita ko kung paano niya ipaglaban ang ibang tao sa halip na unawain at intindihin ang sarili niyang anak. Nakakadismaya. Nakakagalit. " Hindi niyo pinaiiral ang mga isip niyo. Masyado kayong nagpapadala sa bugso ng damdamin niyo. " Dismayado niyang binalikan ng tingin si Jo